Happy Anniversary Spacekoto (Sino Nag Print?)

Isang taon na ko nag b-blog dito! Congratulations naman to me! Todo na itu mga friends! Akala ko nga di ko na magagawa to. Meron kasi akong malungkot na experience sa pag b-blog. Nung nasa Pinas pa lang ako  nag susulat na ko, tinigil ko lang. Noong nag wo-work ako sa Pinas, bina-blog ko yung tungkol sa crush ko na di ako pinapansin (mga ilang series din un), ang masakit makintab at mapula kong pimple sa muka, yung nanakawan ako ng cellphone na hindi ko pa fully paid (2nd installment pa lang), yung company outing namin sa Subic na muntik na ko maiwan ng bus, yung katapangan kong hinarap ang baha sa Vito Cruz Extension corner Primo Rivera St. at yung the best lugaw sa Lugawan sa Pasong Tamo.

IMG_9013
Teka.. aura muna
Yun nga. Okay na sana masaya na. Hanggang isang araw, nag blog ako about sa Human Resource Department ng company namin. Ang title “Ganito din ba ang HR nyo?” Ang dami kasing nag rereklamo sa mga binagong policy. Ang pinabibo, pinalakas at pinatibay na policy. Eh sa kagustuhan kong gawing light ung situation at nakakatawa, ginawan ko ng blog. Ayun. Pumatok sa office. Kumalat sya. Tawang tawa sila. Pero may isang mabait… sobrang bait, pinrint ung blog ko at dinala sa HR Manager. Pinatawag ako sa office. Alam mo yung pakiramdam na last na lunch ko na pala yung kanina sa pantry namin. Katapusan ko na. Gusto ko mag tago.

IMG_9034
Hanapin nyo ko
Pag pasok ko ng HR department kitang kita ko yung print out ng blog ko nakalatag sa table ni Madam. Tapos ang itsura ng HR Manager parang gusto nya kong lasunin. Tinanong nya ako kung ako ang nag sulat. Andun yung pangalan at muka ko di ko ma-dedeny. Sabi ko opo. Tapos sabi ko sa kanya parang diary lang po yan,  wala naman po akong sinabing name kung sino at anong kompanya. Binigyan nya ko ng ‘weh? di nga’ look. Tapos tinanong nya kung sino ung HR Manager na tinutukoy ko sa blog. Sagot ko, depende po. Depende po sa nag babasa. Hindi kinaganda ng atmosphere ang sagot ko. Ayaw nya ng sagot ko. Lalo sya nairita. Kinabahan ako nun, nag -re-ready na ko ng sasabihin sa nanay ko na wala na ko trabaho pag uwi ko. Sabi nya kung may concern ka sa policy ng company, di mo na kailangan gawin ito, open ang office ko para makipag usap (hindi yan ang saktong sinabi, binaitan ko lang, dagdagan mo pa ng mamalat malat na boses). Tapos ang dami nya pang sinabi pero di ko na ini-intindi kasi inisip ko kung sinong busilak ang kalooban ang nag print ng blog ko. Gusto kong awardan. Nakayuko lang ako. Naiiyak na ko. May point naman sya. Lumabas ako ng office ni Madam na basag. Di naman ako natanggal sa trabaho pero basag. Sa hallway gusto kong sumigaw.. SINONG NAG PRINT???!!!! (na may hawak na itak).

IMG_9027
Teka aura ulit si Marimar Perez de Santibañez
Simula nun ayaw ko na mag blog. Tinanggal ko na lahat. Di na din ako makapasok ng HR office parang blacklisted ako dun, pag may kailangan ako sa HR ipapasuyo ko na lang sa officemate ko. After a month nag resign si Madam. Ayun nakakapasok na ulit ko sa HR hehehe. Pero ayaw ko na mag sulat. Nawalan ako ng gana. Hanggang nag work na ko dito sa SG,  medyo na bored ako nun, kahit yung mga free planner sa office ginawa kong diary. Tapos nag try din ako mag type sa MS Word lahat ng nangyayari sa kin tapos save sa thumb drive. Sinubukan ko ulit gumawa ng blog sa blogspot, pero anonymous. Pero parang hindi ako yun, parang nagsusulat ako sa loob ng hawla. Hindi ko na-enjoy. Tinigil ko nanaman. Last year 2016 dami kong realization sa buhay. Awuw. Nag decide akong gawin ung gustong gusto kong gawin. Gusto ko mag kwento. Gusto ko maging blogger. Yung may muka na… may pangalan.

Ganyan O Pak!
Ang bilis ng pahanon. Isang taon na pala nakalipas. Gusto ko magpasalamat sa unang nag follow ng blog ko. Bumilis talaga tibok ng puso ko kasi may nag babasa pala. Sa mga kaibigan ko na nag encourage sa akin when the night was dark and full of errors… maraming salamat. Thank you sa mga naging kaibigan ko dito through this platform, sa PSA family, sa The Fault In Our Blogs family #TFIOB at sa Star Magic family hahahaha! Teka naiiyak ako. May background music kasi ako habang sinusulat ito (One Direction). Sa mga nagbabasa at Sa’yo na nag-print… thank you.

At higit sa lahat thank you Lord, He sees all my flaws yet loved me deeply.

Happy Anniversary to us spacekoto.com bayaran nanaman ng annual subscription hahaha! Saya saya ko!

IMG_9030

But wait, there’s more. Wag muna kayo umalis. May nag sponsor hahaha! May pa-give away si mayor. Ayiiieee! Dahil ako ay isang #Aysanatic, mag papa-premyo din ako, sumusunod sa yapak ni Aysabaw hahahaha! Eto na… kung sino na lang mauna, mag comment lang sa baba kung ano ang jejemon name ko (nasa About Me page ko ang sagot). Yun lang. Dali! At sayo na to:

IMG_9012 2
Yung telephone booth lamp shade at yung eroplano lang ang kasali. Di kasali yung tambak kong trabaho at office supplies hahaha! Yung lamp shade nakakatuwa, tap mo lang sya iilaw na, kung gusto mo i-off i-tap mo ulit. Tap lang ng tap. Yung eroplano, bakal sya pero hindi ganun kabigat. Ililipad na sila papunta sa inyo.

Thank you ulit sa inyong lahat 🙂

88 comments

  1. First blood pala ako. Wow. Heheh.. First of all happy first anniversary sa Spacekoto.com. Grabe pala yung story mo about sa HR. Iniimagine ko kung ako nasa ganung sitwasyon, parang gusto ko nang lamunin ng lupa. Heheh..

    Anyway, ganda ng story mo. May purpose pala ang mga yun. At yun na nga, nandito ka na. Wishing you more years to come sa pagba-blog. ☺

    And by the way, ganda ng mga pics mo lalu na yung hawak mo yung #1.. 😉

    Liked by 2 people

  2. Naunahan ako ni kuya sa Nhale. Gusto ko pa naman yung giveaway. 😦

    Happy anniv space! Keep on writing kasi masaya basahin ang mga blogs mo! Nacurious ako dun sa blog about HR. Kung may copy ka pa padalhan mo ko. HAHAHA,

    Liked by 1 person

    • Pangalawa ka naman hahahahaha! Hahanap ako ng isa pang mayor mag sponsor.

      Nasa 101 files ko sa HR sa dati kong company. Alam ko naka file un, parang may kaso lang ako hahaha! Try ko makakuha ng copy hahaha!

      Like

      • HAHAHA as in naka-file!

        Naalala ko one time, may half-day Saturday kasi kami sa work tapos naka-special sched ako for a certain period because of board exam review. So nagpatulong yung mga officemate ko gumawa ng petition letter na i-company holiday ang Sat bilang national holiday ang Fri. Para daw long weekend. Then pumirma yung mga sang-ayon. Ayun, napatawag ako sa HR. Ako daw ba ang presidente ng Unyon. Ako pa talaga eh wala nga akong pasok ng Sabado anubaaaaa!!! HAHAHA. Simula noon ayoko nang magsulat. Haha.

        Liked by 1 person

      • HAHA. wala nga akong pirma bilang wala naman akong pasok talaga. Hahaha. Sayang sana may naitabi kang copy. Pang-TBT mo yun. Haha.

        Liked by 1 person

      • Ahhh yung letter ang contribution mo sa unyon hahaha! Sana naitabi ko.. sa sobrang dismayado ko at takot.. dinelete ko, pinipiga ko utak ko ngayon kung may maalala ako sa sinulat ko about sa HR hahaha!

        Liked by 1 person

  3. Ay panalo may giveaway si ate space 🙂 aliw ang mga stories mo teh. Buti na overcome mo ang mapait na kahapon at nagsimula ka uli magsulat. Panalo ang marimar santibañez 😂 happy anniversary!

    Liked by 1 person

  4. Happy anniversary, Nhale! 🌹🌸🌷 May pabulaklak pa ako haha!
    Yung kwento mo about sa HR, di ko alam kung ano mafifeel ko kung ako yung nasa kalagayan mo nun, feeling ko magliligpit na ko ng gamit ko at di na lang magpapakita ever hahaha!

    Liked by 1 person

  5. Happy anniversary space! Di pa tapos ang blanket hahaha pwede coaster na lang hahahaha! Cheers to you and keep writing. Ingat sa mga singkit , mahilig din mag print yan. Lol

    Liked by 1 person

    • Charot hahaha kainis naman di akems umabot ganda pa naman ng giveaway! Wala bang for sale nalang d’yan? Hahaha happy anniversary spacekoto! 💖

      Liked by 1 person

      • Amielle!!! Hahahahaha! Kanina pa kita hinihintay.. Nasan ka kanina? Nahuli ka sa pa contest ni mayor, hahanap ulit ako ng sponsor babawi tayo hahaha! Thank you 😘😘😘

        Like

  6. Lintek ang bilis ni Kuya Jeff!!!?!?!?!?!?HAHAHAHAHAHA habang nagdadrama lang ako kahapon sa buhay ko wala manlang nagremind na may pa-contest dito?!!!!!!!!!!!!!!! SINO NAGPRINT!!! HAHAHAHAHAHAHAH

    Happy Anniv sa blog mo bebegurl ❤ ❤ ❤ lamo naman labs na labs kita! hahahaha

    Liked by 1 person

    • Hahahahahaha!!! Si Jeff beterano na yan sa mga pa-contest! hahahahaha!

      Thank you #AilaVet so much😘😘😘

      Yung sa nag print.. nakilala ko na before ako umalis sa dun.. di ko na inaway.. sayang lang ang energy hahahaha!

      Like

  7. Iritang irita ako nandito lahat ng friends ko sa commentan wala nagsabi na “AILA MAMAYA NA TAYO MAGDRAMA KASI MAY PACONTEST SI TE SPACEPACITO HAHAHAHAHAHA” pero SINO NAGPRINT!!!!!!!

    Liked by 1 person

    • We love you Thea!❤️ Mas mahalaga ang moment mo kahapon kesa sa giveaway😘 Ayaw namin i-spoil ang moment mo haha! Next year babawi tayo ikaw na mananalo😁 We’re always here for you basta bigay mo lang ang password hahaha! #AilaVet

      Liked by 1 person

  8. Congrats!!👏🏻👏🏻👏🏻 Happy anniv… gusto ko din maging vlogger just to share my thoughts…kaso ang kalaban ko katamaran para magaulat. continue what makes you happy.😊

    Liked by 1 person

    • Hi Rose! Salamuch😁 Start ka sa small.. katulad ngayon sinulat mo gusto mo maging vlogger or blogger kaso kalaban mo ay katamaran.. dyan mag start ka na, may intro na hehehe. Tapos tag mo ko aahahaha para ma follow kita ☺️

      Like

Leave a comment