1/4 Sheet of Paper at 4 Coasters

Martes ang paborito kong araw. Madaming magagandang nangyayare pag Martes. Baka coincidence lang. Pero ewan ko, yung masasayang araw ko natatapat ng Martes. So itong Tuesday, napatalon talaga ako sa tuwa sa harap ng mailboxes sa building namin. Pano ba naman mga friends, nakatanggap ako ng package from down under! Imported galing Australia! Alam ko jina-judge ako ng mga dumadaan at ibang nag bubukas ng mailbox, eh wala naman akong pake kasi nga only judge can god me hahahhahaha!

Gusto ko magpasalamat kay ate Rowan ng Ourlifeinsuitcases. Anniversary gift nya ito sa akin nung nag 1 year tong si spacekoto. After ko ma-post yung first anniv blog ko na Happy Anniversary Spacekoto (Sino Nag Print?), nag email sya sa akin at hiningi ang address ko at meron daw syang gantimpala sa akin. Syempre bigay ko agad agad hahahhaha. Sya ang unang naging kaibigan ko dito sa Word Press. Last year October un, lagyan natin ng date.. October 7 ayan hahaha ayyy mag 1 year na ang friendship natin dito ate Suitecase. Dahil dyan kakain tayo sa labas. Basta sa labas ahahahaha!

Eto na nga dumating na ang aking gantimpala. Ang laman ng package ay hindi isa kundi apat na crochet na coasters. Ang sosyal pakinggan. In tagalog, ginantsilyong patungan ng baso o tasa. Tats na tats ako. Sa wakas level up na ang pag inom ko ng tubig ahehehehe. Mas natutuwa kasi ako pag nakakatanggap ng gift na ginawa kesa nabili kasi alam kong pinag laanan ng oras at effort. At knowing isa ito sa mga projects nya, sobrang honored ako like an honor student hahahaha. Literally, ito yung bumuo ng araw ko.

Solb na ko sa coasters eh, pero awuw may letter na nakalakip. At nakasulat sa 1/4 sheet na papel. OMG. May mga memories na nag babalik sa utak ko (throwback tuesday itu). Naalala ko ung terror kong teacher nung highschool, tawag namin sa kanya Mrs. 1/4 Sh*t. Eh pano pag pasok nya ng classroom “get 1/4 sheet of pad paper” agad ang intro. Laging quiz ang start ng klase namin. Nanginginig kaming nag tutupi ng intermediate paper habang hinahati sa apat ang papel. Tapos may classmate ka pang kung makahingi ng papel kala mo may patago. Pag di ka nagbasa ng lesson in advance mangongolelat ka. Dalawa lang ang tinatawag nya after ng quiz, yung nakakuha ng highest score at yung olats. Hindi naman ako natatawag sa pinaka mababang score, hindi rin sa pinaka mataas na score, sa gitna lang ako.. ligtas sa kahihiyan hahhahahaha! Tapos mula dun sa mga 1/4 sheet na mga quiz namin dun sya tatawag ng name para sa recitation. Dun ako di nakaligtas. Ang saya saya!

At eto nakakita nanaman ako ng 1/4 sheet of paper. Pero sa pagkakataon na to, hindi ako natakot. Naiyak ako wahahhahaha.. oo mababa luha ko, naka puwesto sya malapit sa eyelid ko hahahahaha! Yung nakasulat dun ung mga kailangan ko marinig (mabasa). Minsan kasi naisip ko, kung wag muna ko mag blog.. mga 1 month, 2 months, 3 months.. ganyan baka kaumay na kasi pinag sasabi ko. Pero after ko mabasa yung sulat. Sabi ko sa sarili ko.. eh ano kung maumay sila.. padalhan ko na lang sila ng atchara (comment down below kung gusto nyo ng atchara ahahhahaha).

Naniniwala ako na kung mag-aappreciate ka ng tao, itodo mo na. So itotodo ko na. Mula sa kaibuturan ng aking puso, ate Suitcase gusto kong magpasalamat sa paniniwala sa akin na may kabuluhan ang mga sinusulat ko, thank you sa friendship at sa 1/4 sheet (uy may rhyme). Salamat sa mga coasters ginamit ko agad sila. Nilagay ko sila sa lugar na lagi ko sila makikita. Forever ko tong i-ke-keep (may forever).

Madami syang puedeng pag gamitan. Eto na sila.

 

img_0399
Patungan ko ng tumbler ko. Feeling ko ako lang ang may ganitong tumbler sa buong mundo hahahaha! At ako lang ang may ganitong coaster. 

 

img_0398
Puede syang patungan ng vase chenelin. Ang nag iisang palamuti ng aking table.

 

img_0418
Patungan ng lagayan ko ng pencils at kung anu ano sa buhay.

 

Ayan nga po mga kapuso lume-level up na po tayo, dati tubig ngayon colored juice na tapos may patungan pa na galing AU woooo power! 

 

Thank you ulit ate Suitcase. Nabura sa isip ko ang pait na dulot ng 1/4 sheet of paper hahahahaha. Ngayon source ko na sya ng lakas ng loob. Maraming salamat. 🙂

 

Nagmamahal din,                                                                                                                                           Space

 

 

 

49 comments

  1. Nostalgic nga yang 1/4 sheet of paper na yan. Sarap balikan ang elementary days. ☺

    Ganda nung coaster. Ginawa yan with love kaya mas nakakataba ng puso makatanggap ng ganyan.

    At sino nagsabi kaumay mga pinagsasabi mo? Tara, resbakan natin! 👊 😁 Kaya nga may sarili kang blog eh. You can post whatever you want. I-post mo ang gusto mong sabihin at hindi yung gusto nilang marinig. So just keep it up! 😉

    I woudn’t mind getting the atchara though.. Heheh..

    Liked by 1 person

    • Ako, ayaw ko na balikan hahahaha! Lagi ako natatawag sa recitation, ang kulit kasi ng apelyido ko hahahaha!

      Oo ang gaganda, sobra nakakataba ng puso at nakaka tats ☺️

      Ayan lagot reresbak na si mayor! Wahahahhaha! Opo sabi ko nga po blog ko to hindi sa kanila hahahaha! Salamat mayor!

      Huy para sa mga naumay lang ang atchara ahahahaha!

      Liked by 1 person

  2. Hello dear space! Haha! Shempre natuwa na nmn ako ng bongga sa post at pics! Lalo na ang mason jar with coloured water! Jusko nmn si teacher mo, makasindak! Pero tama ka , dun tyo sa good memories diba para mas happy!
    Ang tangkad ni starbucks sa picture, nagmukhang bulilit lalo si coaster… hihihi!

    Liked by 1 person

    • Ginalingan ko ang photoshoot lalo na ung mason jar kinulayan ko talaga ang tubig para mukang legit hahahaha! Yung sa starbucks muka lang bulinggit ung coaster pag top view pero in person tamang tama lang ang size nya (in person talaga hahaha).

      Balak ko i-frame ung letter mo, madami kasi akong frame hehehehe makikita mo😂

      Additonal kwento sa teacher kong terror. Gusto nya nasa first row ako. Kahit M apelyido ko. Sa harap ako pinapaupo. Pinag lihihan ako buntis sya nun wahahhahaha!

      Liked by 1 person

      • Well, she picked the right kid! Biba at witty ang bebe niya for sure! Pichur frame!! Nung nagtuturo ako sa pinas… nakatanggap din ako niyan nung Pasko at teacher’s day. Tapos nung hs pala ako 3rd or 4th yr ata ako nung naging bawal na iregalo yan pag xmas party. Haha. …. pinagbotohan tlga ng class. The No votes have it!!!

        Liked by 1 person

  3. My labs!!! awwww ang saya naman and ang ganda ng mga coasters!!! ❤ ❤ ❤

    Sa birthday mo na ako magpapadala kaya lang hindi ako magaling mag gantsilyo so ano, magpepaint nalang ba ako? hahaha

    Liked by 1 person

    • Hala Mark actually balak ko nga wag muna mag blog this week! totoo ahahhahaha! Pero dahil sa sinabi mo.. ahhh sige na nga ikwento ko pa din kahit parang walang kwenta hahahaha… salamat ha☺️

      Like

  4. Bakit atchara?!?! Hahahahahaha! Sobrang nostalgic nga ‘yang 1/4 na ‘yan. Dati, ayaw na ayaw kong magdala ng pad kasi alam kong mauubos lang sa hingi. Napakadamot kong bata HAHA!

    At dahil paborito mo ang Martes, favorite mo rin ba si Tuesday Vargas? Charot

    Liked by 1 person

  5. Love ko rin ang tuesday dahil Tuesday ako ipinanganak at sabi ko nga muntik na akong pangalanang tuesday haha! Tuesday din birth day ni Alyana pot kaya speyshal sa akin ang Tuesday 🙂

    Liked by 1 person

Leave a comment