Nung October 13, Friday the 13th yun nagpunta kami sa Universal Studios sa ganap na ayoko sana puntahan.. yung Halloween Horror Night nila. Ayoko talaga ng horror horror na yan. Hindi dahil sa takot ako. Pero parang ganun na nga. Magugulatin kasi ako. Hindi rin ako mahilig manuod ng horror movies, na-s-stress ako. Alam nyo yung The Conjuring? Ilang gabi din ako di nakatulog dahil sa movie na yun, puro gulatan buset! Nung natapos na ang palabas at sinindi na ang ilaw sa sinehan.. ayun daming nagkalat na popcorn sa sahig.. sa area namin. Sa gulat siguro ng may hawak nung popcorn kaya sumabog. At ako yun! Hahahahaha. Pag uwi ko nun sa bahay binuksan ko lahat ng ilaw at nagpatugtog ng Hillsong hahahhahahha! Di maganda epekto sa akin ng horror movies kasi naiisip ko may nakaupong undin sa ibabaw ng cabinet ko o kaya may kamay na lalabas sa toilet bowl pag iihi ako sa madaling araw. Kaya promise ko sa sarili ko last na yun ayoko ng manuod ng horror. Pero ito pupunta kami sa horror night hahahahhaha kamusta naman ako. Ang goal ng event na ito ay manakot, manggulat at kumita. Eh bakit pa ako pupunta? Kung di lang dahil sa friendship di ako pupunta naku talaga.

Ang sabi ng friend ko yung mga multo (yung actors) na mananakot dun ay dumaan pa sa audition para talagang pang Conjuring yung acting. Sana pala nag-audition ako magaling kasi ako manakot hahahahhaha! Pero sa totoo lang ito ang pinaka stress na gabi ng buhay ko. Alam ko naman na tao lang sila na naka costume at naka makeup na na-aagnas.. pero grabe.. samahan mo ng dilim, nakakatakot na music, usok usok effects at best actor na mga multo, aswang, zombie, halimaw, lamang lupa at chaka clown… jusme gusto ko ng umuwi. Para silang nag workshop, yung acting nila award winning pang MMFF ganyan.
Eto ang rules, di ka nila puedeng hawakan at hindi mo sila puedeng saktan. Pero puede kang magpa picture magsabi ka lang. May nakita kasi kami after silang takutin, kinausap nila kung puede magpa-picture ayun.. upload agad sa instagram hahahahaha.
Ano meron sa loob?
Ganito… may 5 haunted houses.
- Inside The Mind. Eto yung una namin pinasok. Ang haunted house na ito ay ang loob ng utak ng isang serial killer. May pagka-science and technology kaya di ko gets hahaha. So ang mga mananakot sayo dito ay ung naka-mask na bungo na naka suot ng black long gown at mga biktima ng serial killer. May ginawa akong bad. Bawal kasing kumuha ng pictures at video pag nasa loob ka na ng haunted house. Pero ako si Space. Tinurn on ko yung GoPro ng friend ko kinunan ko ng video yung journey namin sa loob hahahahaha! Pero nung pinlay back ko ang dilim at puro sigaw ko lang naririnig ko nakakairita hahahaha! Isa pang bad na ginawa ko, nasaktan ko ung isang baliw na serial killer. Natamaan ko ng handle ng GoPro ang bumbunan nya hahahhahaha eh kasi naman pakalat kalat sya, pailalim sya kung mang gulat. Eh magugulatin nga ako. Ayun sana walang masyadong damage yung skull nya hahahaaha.
2. TERRORcotta Empress. Ang bida dito ay si Empress Qing. Na-aagnas na po sya mga kaDDS pero feeling nya maganda pa din sya, galit sya sa mga magaganda so bati kami! hahahahaha! Ang nakakatakot ung mga agnas army nya. Mga hayup sila wag kayo papasok dito kasi may inatake ng pagka-jejemon, naglulupasay after maka-exit ng haunted house, ang dami ng nag-cocomfort sa kanya pero tuloy pa din si ate jeje sa task nya sa floor.
3. Make The Cut. Eto ay K-pop haunted house. Di namin napasok ito kaya wala ko ma-i-kwento. Ang OA ng pila yun lang masasabi ko. Eto talaga ang pinilahan ng bonggang bongga. Aabutin ka ng 1 hour mahigit. Pero kung ayaw mong pumila, may express lane. Pero para lang yun sa mga bumili ng express ticket. Eh ang ticket namin pang hamapas lupa lang. Yung gumagapang hahahaha!
4. HEX. Hindi din namin napasok to (buti na lang!) ang blockbuster din ng pila! Buti na lang talaga kasi ang sabi andito daw si Midnight Man, naghahanap ng partner in life para maging Midnight Woman. Pag natipuhan ka baka di ka na makalabas. Eh naka lipstick pa naman ako na pink eh baka matipuhan ako bigla, eh di hindi na ko nakalabas ahhahahhahahaha!
5. Death Mall. Ang drama naman dito ay shopping mall na nag-collapse dahil sa kapabayaan ng mall owner. Ayun sa synopsis madaming tao ang na deds sa mall na to kaya yung mga kaluluwa ng mga nasawi ay mag hihiganti sa mall owner… ala Lily Cruz na bumangon mula sa hukay ganyan. So lahat ng papasok dito damay damay na sa paghihiganti ni Lily Cruz.
Merong 2 scare zones. Eto talaga ang nagpa-stress sa kin.
1. Pilgrimage Of Sin. O title pa lang di ko na maintindihan. Eto yung road ng mga lamang lupa. Madilim yung lalakaran mo, sa side may parang mga kulungan na may tinorture na human tapos may lalabas na mga halimaw na parang sa movie na Pirates of the Caribbean tapos may mga nakatago din sa gilid gilid pag di ka alerto nasa likod mo na sila. Wala kang choice kailangan mong lakaran tong road na to kasi ito yung daan papunta sa mga haunted houses. Habang naglalakad sigaw ako ng sigaw ng “Ayoko na ayoko na uwi na tayo aaaaaaaaa” ganyan.
2. Happy Horror Days. Hindi sya nakaka-happy. Andito ung mga chaka clowns. Mas nakakatakot to kasi imbes na road na diretso, ginawa nilang maze. Tapos kailangan mahanap mo yung exit para makalabas ng maze. Madilim at nakakatakot lumiko kasi di mo alam kung sino ang bubulaga sayo. Mag-aaparisyon din sa harap mo si Voldemort at ung chaka clown! Tapos grabe napunta kami sa dead end! Waaaaa potek may mga chop chop na katawan! Hayup talaga! Iniisip ko ano ba ginagawa ko dito hahahhahaha! Pinaka-stressful itong scare zone na to, dito ko nasabi yung “isa pang may manakot sa akin sasapakin ko na talaga!”
May 2 live shows. Buti naman naisip nila to.
1. Laboratorium. Eto ay ginanap sa loob ng theater. Sa lahat eto lang ata na-enjoy ko kasi naka-upo kami tapos may nag-peperform sa stage. Para syang circus na musical. Basta musical masayang masaya ako. May mga buwis buhay na stunts at may drama play na di ko maintindihan kasi english ahahhahaha!
2. Slice Of Life Tour. Eto naman ay outdoor concert ng isang K-Pop group. Ang name ng group ay Slit Face Girls. Kaya pala ganun ang name ng group nila kasi puro slit ang muka nila. Pero infairness magaling sila kahit hindi ko alam pinag sasabi nila hahahahaha! Annyeong Lupa!
Overall, naiyak ako sa uhaw hahahaha! Kaka tili natuyo lalamunan ko. Ang mahal ng drinks $4 yung coke in can! Nakakaiyak! Nalusaw ang make up ko. Hindi na ako mukang tao puede na ko sumali sa Slit Face Girls hahahahaha! At eto pa, iniwan ako ng mga kaibigan ko ayyy nagpa-iwan pala ako sa loob ng Universal Studios kasi lumabas sila para mag Casino sa Resorts World, malapit lang kasi un dun. Ayoko mag casino takot ako sumugal hahahahaha. So ayun dun lang ako sa area na walang nananakot- safe zone. Umupo lang ako sa gilid at nanuod sa mga taong naglalakad habang nag ku-kwentuhan ng experience nila sa loob ng haunted house. Naisip ko kung gulatin ko kaya sila hahahahaha. Inisip ko din bat kailangan mag celebrate ng halloween? Bakit kailangan nilang papangitin ang magagandang nila muka? Bakit pag mas nakakatakot ang itsura mas pasok sa banga? Kanina habang nasa pila kami sa In Your Mind haunted house, may isang grupo dun na kinantahan nila yung friend nilang nag-ce-celebrate ng birthday ng birthday song, nakakahawa ang happiness.. ayun lahat na kami sa pila nagkantahan na din ng happy birthday kahit di namin sila kilala. Ang saya lang palakpakan. Mas masarap pa rin talaga mag celebrate ng life kesa death. Wala lang naisip ko lang. Ayun after 30 minutes binalikan ako ng mga kaibigan ko. Natalo sila ng $50. Gusto ko sabihin.. natakot ka na, natalo ka pa hahhahaha. Pero di ko yun sinabi hehehehe. Ayun pag uwi ko ng bahay patugtog nanaman ako ng Hillsong ahahahahaha! Nag promise nanaman ako sa sarili ko last na talaga to.

Parang hindi ka naman natakot sa itsura mo sa mga picture mo hahahaha…matatakutin din ako kaya pag wala akong kasama sa kwarto bukas ilaw magdamag. Ang huling horror film na napanood ko ay yung may Lotus Feet na palabas ni Kris Aquino, ano ba title non? Kung macoconsider na ba yung horror hahaha
LikeLiked by 1 person
Before kami pumasok ng haunted house nyan hahahaha! Pero nung pagabi na muka na din akong kasali sa mga squad ng mga aswang hahahaha! Hindi ko kilala si lotus feet? ahahahaha! Hindi ako nanunuod ng movie ni Kris.. yung My Little Bossing lang yung movie nila ni Bimby! Hahahahaha!
LikeLike
HAHAHAHAHA Feng Shui pala ang palabas ni Kris na sapilitang ipinapanood sa akin ha ha
LikeLiked by 1 person
Wahahahahahaha! Sapilitan parang tinali ka sa silya para panuorin hahaha! Napanuod ko lang trailer nyan, andyan pala si lotus feet! Hahahaha!
LikeLike
True! Mukang sultry at ligayang ligaya pa to si my labs sa mga ganap hahaahah
LikeLiked by 1 person
My labs! Sa loob loob ko nyan sinasabi ko… “anong ginagawa ko sa buhay ko?” bwahhahahahaha!
LikeLike
😂😂😂😂😂 sultry
LikeLiked by 2 people
Napadami ang asin kaya sultry! wahahahhahaha!
LikeLiked by 1 person
BWAHAHAHA
LikeLike
Naalala ko sa sg zoo kmi nagpunta ng colleague ko may gnyang takutan chorvs din. Hehe. Magcake tyo…. ng may garbanzos lol
LikeLiked by 1 person
Waaa mas nakakatakot mag horror night sa zoo! Baka malapa ko ng tiger hahahaha!
Ang brainy! Wahhahahaha! Daig mo pa nagulat ng 10 times sa garbanzos cake na yan! At yung tutong na ube cake! Hoooo! Okray kween!
LikeLiked by 1 person
Ang cakes at “signatured cakes “ ni brainy eh pang regal shocker ! Isama mo pa ang kanyang culinary mishaps lol
LikeLiked by 1 person
Puede din pang shake rattle and roll! Kaya pala signature cake kasi kasing gulo ng pirma nya! ahahahahha! Ang bait natin sa kanya hahahaha! Ayaw nya accept ang IG request ko.. pwes dito ako mang ookray! Hahahaha! #Accuracy
LikeLiked by 1 person
Grabe!!! Di ko type yang mga ganyan! Feeling ko makakasakit ako ng tao hahaha!
LikeLiked by 1 person
Kat! Hahahahaha! Stress Drilon talaga! Lalo ung sa maze ang sarap sabunutan nung clown! Ayoko na di na ko uulit! Hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Awooohh! Hahah.. Ma-try nga yan next time. Gusto ko yung ako lang mag-isa.. 😁
Alam mo ba nung isang gabi, ako lang mag-isa uli sa office. Pinanood ko yung ‘Gabi Ng Lagim’ ni Jessica Soho at yung ‘Kababalaghan’ ni Noli de Castro’.. Hahah.. After more than 10yrs, nagawa ko uling manood ng horror mag-isa sa office.. 😲 😂
After ko panoorin yung dalawang yun, biglang lipat ako sa Youtube. Nanood ako ng Fliptop, yung tandem ni Sinio at Tipsy D, para masaya at para matanggal amats ko sa katatakutan.. 😄
LikeLiked by 1 person
Wahahhahahahaa! May naalala ako! hahahaha! Lubos lubusin mo na panuorin mo na din yung kay Mike Enriquez imbestigador halloween special! Hahahaha!
Kay Sinio ako! Mag ingay o!
Sinio: Tipsy D! P@”&@/&/$! Ano yan pag nagka anak ka Tipsy E?!
Tipsy D: (choke)
LikeLiked by 1 person
Sige hanapin ko yang kay Mike “Excuse Me Po” Enriquez.. 😁
Hahah.. Hindi sila magkalaban. May bago ngayon, this time magkakampi sila. Dos-por-dos ng Fliptop. Tambalang STD (Sinio-Tipsy D). Kaka-upload lang nung nakaraan, nasa 2.2M views na as of this writing.. 😉
LikeLiked by 1 person
Updated ka! Hahahaha di ko pa napanuod yan bago! Eh di uwian na panalo na nag tandem sila! Di na ko gaano nanunuod ng fliptop kasi natututo ako mag mura hahahhahaha!
LikeLiked by 1 person
Hahaha.. Nasa pagko-kontrol lang yan. Tsaka hindi naman pala mura ang tambalang STD eh. More on bars at jokes talaga sila. At anu ba mas gusto mo panoorin, katatakutan or Fliptop? 😁
BTW, yung latest upload na yun is i think finals na. So may mga nauna pang upload dun na laban ng STD nung elimination pa lang. Pag nagawi ka ng Fliptop uli, panoorin mo.
LikeLiked by 1 person
Mas gusto ko manuod ng beauty pageant hahahahaha! Grabe ang pag promote sa laban ng STD haahhahaha! Sampol nga ng bars dyan!
LikeLiked by 1 person
Wow, mas trip nya mga BeauCon. Naks! Heheh.. Oh eto sample..
“Loko tong mga toh,
Nakabuo ng 3 rounds kakagamit ng mga linya ko..
Sobrang desperado mong maging ako,
Pati pagcho-choke ko ginaya mo..” 😁
LikeLiked by 1 person
Tipsy J!!!!! Hahahahaha!!! Teka i-rebat ko yan:
Sa fliptop ako ang batas
Sa bars kong petmalu kayo ay aatras
Tumakbo na ang lahat ng maangas
Andito na si Space na walang kupas!!!
Woooo! Time!
LikeLiked by 1 person
Hahaha.. Werpa! Mag-ingay isa pang beses para kay Space! Woohhh… 😄
Ang lupet mo. Sali tayo next time sa dos-por-dos ah.. 😁
LikeLiked by 1 person
Ako ang reyna ng tugma! Char! Oo pati sa sunugan battle salihan natin! Hahahahhaa!
LikeLiked by 1 person
natuwa ako sa storytelling ng blog na to hehe keep it up!
LikeLiked by 1 person
Thank you sa pag basa ng aking kwento haha try kong i-keep up😁
LikeLiked by 1 person
Ako din sobrang matatakutin ako, naiimagine ko na kapag nagkasama sama tayo nina ate aysa HAHAHAHA tawang tawa ako sa paharang harang nasapak tuloy ng patpat ng go pro hahahaha
LikeLiked by 1 person
Hahahahaha! Kung tayo magkakasama nila Aysa dyan baka mabingi mga multo sa sigaw natin tsaka mag tulakan tayo kung sino una papasok sa haunted house hahahaha! Nakakatawa nakaupo kasi ung baliw sa dilim pag daan namin tumayo sya ayun sakto sa handle ng gopro whahahahaha!
LikeLike
HAHAHA. Tingin ko dalawa tayong sasapak sa kanila kung nagkataong andiyan ako. Ayoko talaga ng mga ganyan. Magbabayad ako para takutin? Wag na! HAHAHA. Pero girl, ang awra sa last pics ha. Parang matangkad. HAHAHA. Umamin ka.
LikeLiked by 1 person
Wag ka maingay walang nakaka alam ng height ko hahahahhaha! Kung andun ka nasampal mo siguro yung clown kasi gugulatin ka tapos tatawa sarap tanggalan ng wig! Hahahahaha!
LikeLiked by 1 person
WAHAHAHAHA naiimagine ko. pero gusto ko pumunta diyan pag may jowa. wahahaha. para may skinship. wahahaha.
LikeLiked by 1 person
Pwes sagutin mo na si kuyang engineer! Ayiiieee!!!
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHA baliw! eeeeeee. wag kang ganyan baka kiligin ako. wahahahahaha
LikeLiked by 1 person
Landeeee pa more!!! Hahahahaha!!!
LikeLiked by 1 person
Sssssshhhhh
LikeLike
Di ako pwede dito my labs HAHAHAHA makakasapak talaga ako ng mananakot eh huhuhu
LikeLiked by 1 person
Pag nanapak pa nman poposasan ka tapos diretso ng presinto hhahahahahaha! Kaya d tayo puede sa ganitong ganap my labs! Pang kiddie birthday party lang tayo ung may parlor games! Hahahahaha!
LikeLiked by 1 person
Gusto ko ring magpunta dyaaan~
LikeLiked by 1 person
Naku nakakatakot! Pramis! Waaaaahahaaha!
LikeLike