About

IMG_7534

Hi! I’m SPACE!

Bakit SPACE ang pangalan ko?

Ganito kasi yun… My name talaga is Anna Lee (2 words). Nickname ko talaga ay Nale, pag sinumpong ako ng pagka jejemon Nhale, pag gusto kong magpaka disente Anna. Never kong pinakilala sarili ko as Lee kasi nga it sounds mayaman. So ano ulit ang tanong? Ahh bakit naging SPACE?

Sa Singapore ako tinawag sa ganung pangalan, dun ako tumira at nag trabaho at naghasik ng ganda (gandang ako lang ang nakaka unawa) for 11 amazing years. So ano ulit yun? Ahhh bakit nga SPACE?

Year 2009 nun if I’m not mistaken (oh mag english ng konti) Umattend ako ng cellgroup/lifegroup, ininvite ako ng friend ko dun, sabi nya kasi daming pagkain, so ako naman as a foodie/patay gutom pumunta naman ako. Tapos sya pala ang wala, di naman ako nalungkot kasi totoo naman sinabi nya na madaming pagkain (patay gutom nga). So out of the topic na ako ahhahahahahaha! Gusto ko lang paabutin ng 300 words itong About Me Page ko, so may 122 words pa na pupunuan. Anunah? Bakit nga SPACE?

Eto na… so walang nakakakilala sa akin dun, I’m nobody with a pretty face (ang lakas!). Nagpakilala ako.. sabi ko “Hi! I’m Anna Lee, 2 words, magkahiwalay ang Anna tapos may space sa gitna tapos Lee”. Tapos yung speaker of the house tinanong kung ano nickname ko sabi ko.. “Anna” (kasi gusto ko maging disente). Ang kaso may Anna na pala dun so pareho kami lilingon pag sinigaw ang name namin. So nagparaya ako. Ayaw ko gamitin ang Lee dahil alam nyo naman. Isa pang paragraph malapit na ako mag 300 words.

Sasabihin ko na sana tawagin nyo na lang akong Nhale (jejemon mood ako nun) tapos biglang may umepal, si Ian A.K.A Balbon. Sabi nya SPACE na lang! (with Duterte fist). Nag agree naman ang lahat ng squad including the speaker of the house at inincode na nila sa database (walang database exag lang ako) wala ako magawa kasi wala ako kakampi, inindian kasi ako nung friend ko (ang name nya Hannah, paki bash po sya hahaha). Simula nun tinawag na akong SPACE. Ayan 300 words na pero isa na lang para bongga.

So ako po si SPACE – Espasyo, Distansya, Agwat, Puwang, Pagitan, Kalawakan, Blanko. Madaming space ang blog site na ito sana mapunan ko ng masasaya at positibong content. Pag napasaya ko kayo… kahit isang tao… masaya na ako 🙂

P.S. Naka 400 words ako 🙂

60 comments

  1. Hi lovely space! Your about was so funny.. Ang sarap basahin, nakakaentertain! Keep it up! More blogs to post! Aabangan ko yan..

    Like

  2. Bentang benta ang part ng friend na inindian ka! Ano to networking hahaha! Pero kebs diba! Go and continue to shine. ( di ang oily fez ok) happy blogging.

    Like

  3. Hi space! hahahaha ang funny ng about page mooo nakakatuwa.. napasaya mo ako dun.. 😀 bakit nga ba ngayon ko lang nabasa to.. ewan.. 🙂 Nagstand up comedy ka ba? balik ka pinas meet mo kaming lahat.. 🙂

    Liked by 1 person

  4. First, naaliw ako sa about page, taz nung mag c comment na ako, aba i was lost in comments section, buhay na buhay. iba talaga kagandahan ni space 🙂

    Liked by 1 person

  5. Hi space. I love your blog by the way. Napasaya mo ako today. And dami ko na nabasa at lagi ako napapangiti! Love it! Ang funny kasi. Keep it up😘😘😘

    Liked by 1 person

    • Hi Zoe! Naku salamat sa pag basa☺️ mas masaya ako pag may napapasaya ang blog na to. Kaya ko talaga ginawa tong blog site na to para makapag pasaya kahit papano. Sa mundong puno ng pasakit (hala saan galing un?) may lugar na puede silang tumawa. Basa ka lang ha kasi minsan nagpapa contest ako dito ahehehehehe😂

      Like

  6. So far, ito ang pinakakwela, nakakaaliw, at never kung kinurapan (kahit isang beses) na “About Me”. HAHAHAHA. Naiisip ko parin yung mukha mo habang kaharap si Aysa sa Singa habang binabasa ko to. Mas naaliw ako. HAHAHA. Keep up filling the spaces in between 🙂

    Liked by 1 person

Leave a comment