SINGkwenta SENTImos

Ano ang mararating ng 50 cents dito sa SG? Minimum pamasahe pa lang sa bus 77 cents na (Php28.50). Hanggang nakita ko ang isang post sa Facebook na may 50 Cents Fest sa Chinatown. Dahil uhaw ako sa mga murang bagay, naligo ako agad at nagpunta sa Chinatown.

Totoo nga! May food fair at sengkwenta sentimos ang presyo ng pagkain. In celebration of Singapore Food Fest, may paandar silang throwback kung kelan ang presyo ng pagkain ay 50 cents (Php18.50). May dala akong $10 na tig 50 cents. So ilan yun? 10 divided by .50 is equals to 20! Pak! 20 na pagkain ang malalapang ko!

Pumunta ako ng walang laman ang tyan. Handang handa na akong magpaka busog at magpaka food blogger. At ito ang mga nabili ko at nakain. Bibigay ko ang opinion ko sa bawat food, kasi yun ang ginagawa ng isang food blogger (Pa pam pam).

1. Iced Milo. Tables and cheers! Unang una sa food fair ang official drink ng mga athletes. Ayon sa research a milo a day keeps the doctor away for 1 week. Ang galing no? Hahahaha!

img_8776
Kailangan red ang kuko sa mga ganitong ganap:)

 

2. Wa Ko Kueh. Sounds Wa Ko Pakueh hahaha! Eto ay version nila ng puto. Soft at fluffy at sobrang init. Puede kang pumili ng kulay. Pinili ko ay pink at green para instagrammable πŸ™‚ Β May option ka ding budburan ng powdered brown sugar para may gourmet effect.

 

3. Laksa. Lasang laksa hahaha. Naubos ko ito up to the last drop. Mahilig kasi ako sa milky base na soup katulad ng sopas. Ayan.

 

4. Pork Leg Bee Hoon. Di pala lahat ay 50 cents. Di ko nakita ang 2X. So $1 pala ang pancit na to. Gusto ko ibalik kaso nasandok na ni auntie. Kaya pala walang pila. Di kayang ibaba ang presyo dahil mahal ang kilo ng pork. Ang pancit na ito ay ma-sauce at maiiksi ang hibla. Masarap naman kaso kulang sa asin.

 

5. Paper Wrapped Chicken. Di ko maintindihan bakit kailangan pa nilang ibalot sa papel ang manok. Magagalit si mother earth madaming nasasayang na papel. Ang masasabi ko lang, messy sya kainin at medyo oily katulad ng face ko nung binibili ko yan.Β 

 

6. Gulab Jamun. Eto ang paborito ko sa lahat. Indian dessert sya. Parang binilog na donut (munchkins ba yun?) na mas masarap pa sa donut basta iba. Yung syrup ang halimaw parang syrup ng leche flan na may linamnam ng luya.

 

7. Chee Cheong Fun (Steamed Rice Rolls). Yung dark na sauce ay sweet bean paste. Yung red naman ay chili sauce. Puede namang walang chili, tatanungin ka kung gusto mo. Sinagot ko yes, kasi lahat ng nasa pila ang sagot ay yes. Ayy nung kinain ko na umapoy talaga ang dila ko. Ang haba pa naman ng pila sa drinks. Ayun lunok laway na lang ako. Kaiyak.


 

8. Michael Jackson Drink. Kala ko name ng stall. Meron pala talagang Michael Jackson na inumin. Itatanong ko sana sa nag titinda bakit ganun ang pangalan kaso mukang masungit at intsek kasi ung salita nya. So sabi ko na lang.. Xie xie ni☺️. Ang lasa pala ng drink na ito ay lasang soya milk.. ayy soya milk talaga sya na may konting gulaman na dark color. Masarap lasang taho.

After kong kunan ng picture tong si Michael Jackson, pag baling ko sa kanan, natabig ako ng chekwang babae at natapunan ko ung bag nya ng drinks halos half ang natapon. Naka 10 times ata akong sorry ng sorry kasi nakakatakot ung kasama nyang lalake asawa ata nya. Buti na lang mabait si ate.

 

9. Ice ball. 30 minutes ko tong pinila. Para lang makakain ng crushed ice. May mga kolorete naman sya pero lasang yelo pa din. Kung ako masusunod lalagyan ko to ng saba, sago, langka, ube, macapuno, nata de coco, pinipig at leche flan. Ganyan.

 

 

10. Lugaw. Eto ung lugaw na parang dumaan sa blender. Blended lugaw. Puede mo syang inumin gamit ang straw. Di ko alam kung anong isda ang cuttlefish, pero yun yung nagpasarap. Shout out sa cuttlefish!

Nung papunta na ko sa Char Siew Rice Stall para sa aking ika-11th biglang dumami ang tao. Nasisiksik na ko di na ko makahinga. Nag mistulang divisoria ang Chinatown. Parang may feeding program. Madami pa kong coins. Gusto ko pa kumain kaso may mas gutom pa sa akin…

Pero hello??? ako si Space, ipapakita kong ang mga pilipino ay di sumusuko. Pumunta ako sa isang stall at tinodo ko ang pag kuha ng tissue. Kahit sa tissue makabawi man lang. Libre naman. Naglagay ako sa bulsa ng short ko (kaliwa’t kanan). Sa bulsa ng bag ko at sa loob ng bag. Hanggang mapuno hahaha!

Fact: Kaugalian ng mga local dito na gamitin ang pakete ng tissue para ipang reserve ng table sa mga food courts, kaya pag may nakita kang tissue pack sa table.. wag kang uupo kung ayaw mo masaktan😜 Minsan may nakita ako cellphone ang pinang save sa table O ha! Minsan bag o kaya payong. Try ko nga sapatos! Hahaha!

 

Pero kahit nabitin ako sa pagkain, masaya pa din ako. Hindi dahil sa mura yung food, ang saya lang pumila at makinig sa usapan ng nasa harap at sa likod mo lang hahaha! Ang saya nung pakiramdam ng iaabot sayo yung food tapos ibabayad mo ay barya. Yung feeling na mataas ang value ng coins na hawak mo na parang kaya mong labanan ang lahat ng pagsubok sa buhay. Ganyan. Di man natin maibabalik yung panahon na mababa ang presyo ng pagkain, puede naman tayo maging masaya sa kung anong meron tayo (may tayo?) at may mga bagay na libre.. dun ka na lang bumawi. Todong bawi. 😜

53 comments

  1. Papel ba talaga yung nakabalot sa chicken o baka Rice Paper wrapper yun? hehe πŸ™‚
    Ngayon ko nare-realize na ang mura nga ng mga bilihin dito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa, kasi yung merienda dyan, heavy meal na dito πŸ™‚

    Liked by 1 person

  2. Unang una sa lahat, panalo yung manicure mo teh! Nadi-distract ako sa sobrang ganda. Pulang-pula eh. Heheh.. Seriously, compliment yun. πŸ˜‰

    Na-miss ko kumain ng Laksa. At yung Gulab Jamun, mukhang masarap. Sana next time ma-try ko yan. ☺ Tuwing kelan ba yang festival na yan? Dyan lang din ako nag-stay sa Chinatown nung nagbakasyon ako dyan sa SG.

    Liked by 1 person

    • OMG!!! Ngayon ko lang din na gets kundi mo pa sinabi hahaha! Oo nga! Yung Black or White na song kaya Michael Jackson! Mas alam mo pa yung grass jelly.. ang tawag ko dun dark gulaman hahaha!

      Liked by 1 person

  3. My thoughts on this blog post:
    1. HAHA. Lagot ka kay Aim Yell. Papampam pala ang food blogger ha.
    2. Ang pula ng fingernails, teh. Nagmamaganda!
    3. Nabitin ka pa talaga sa dami ng kinain mo???
    4. Nicely written, as always, full of humor in between reviews. πŸ™‚

    Liked by 2 people

    • Una sa lahat I love you Amielle with all my heart!!! Hahaha! Iba yung papampam na sinasabi ko sa iba un baks hahahaha!

      Nay Rhea! Hahaha! Ako lang nag kulay nyan pinag pipilian ko pink or red.. imagine mo kung pink yan.. anu na lang?! Hahaha!

      Sadyang matakaw talaga ako! Kaya pag punta mo dito puro sa kainan kita dadalhin hahaha!

      Liked by 2 people

    • Wahahahhaha!!! Naalala mo pa natawa din ako dun.. san nila nakuha ung kakang? Eh ice Kachang yun! Pero ang ice kachang ay ice mountain, eto namang kinain ko ice ball. Wala pa din tatalo sa halo haloπŸ˜‹

      Like

  4. Sinusulat ko pa ‘to sa notepad atm kasi ang hirap mag-basa tapos scroll pababa, type ng comment tapos basta gets

    Unang una, bakit mukhang balot na naugok ‘yung paper wrapped chicken?

    Pangalwa, gusto ko ‘yung may pagtabig moment. Sana gwapings ‘yung natapunan mo para ang lakas maka-teleserye diba. Hahahaha

    Pang three. Seryoso ba ‘yung pwedeng straw-hin ‘yung lugaw???? Minsan talaga ‘di ko alam kung seryoso ka na sa mga post mo o nagjojoke ka pa din e HAHAHA

    Last thought and question. Dahil labis ang dala mong pera, sa’n mo nalang siya ginastos?

    Liked by 1 person

    • aim-yel, soulmates talaga tayo. mga tanong natin yung mga gantong klase ng tanong eh. hahaha naisip ko din kung baka sa pamasahe nalang ginastos ni Space yung sobrang pera nya ? ahha

      Liked by 2 people

    • Amielle! Ang haba nito hahaha cheka.. di lang parang ugok na balot muka ding binahaπŸ˜‚ Yung tabig moment puede din eksena sa wild flower hehehe. Yung lugaw, hindi pala puede i-straw kasi babara ung cuttlefish ayun hahaha tapos ung natira kong barya binalik ko sa alkansya koπŸ˜†

      Like

  5. gusto ko yung Michael Jackson drink! Mahilig kasi ako sa soya milk huhu. Grabe buti nalang mabait si ateng natapunan mo hahahaha

    Sayang, ano pa yung mga hindi mo nakain?

    Ang saya naman ang mura and nabusog ka. Oha.

    Liked by 1 person

  6. Hi Ate Space. Haha, Ang tagal na po ng post mong ‘to pero ngayon ko lang ko-commentan. Haha. Ini-isa isa ko po kasi.

    Eniweys, hindi ko po ma-imagine kung pano niyo nakayang paghalu-haluin ang inyong mga kinain sa inyong tiyan. Hindi naman po ba sumakit? Haha.

    Sana may ganyan din dito sa Pinas. Yung feeling na .50 cents na lang ung 4pcs. na siomai, bbq & many more. Mahilig pa naman akong mag-ipon ng mga cents, kahit ung singkong butas. Haha.

    Oha, ang haba po ng comment ko. Papansin ang peg. Yun lang.

    Liked by 1 person

    • Lhory! 4 paragraphs ahhahahaha! Alam mo di ko na nabanggit sa post ko… sumakit ung tyan ko dyan kaya nag madali din ako umuwi wahahahahahaa! Next year meron ulit kaya punta ka dito bisitahin mo ko😁 sabay tayong lumapang at sumakit ang tyan hahahahha!

      Liked by 1 person

Leave a comment