Una sa lahat hindi ako travel blogger gusto ko lang lagyan ng content yung kaladkarin menu page hahaha! At saka gusto ko din magpasalamat sa mga kaibigan ko na nakasama ko sa trip na to. Alam mo kasi, ngayon lang ulit ako bumiyahe ng walang obligasyon na kumuha ng litrato ng ibang tao tapos magagalit pag panget ung kuha haha (Iba-blog ko yung tungkol dun next time hehe).
Thank you…..
Kaye, Roy at Thad (Alphabetically arranged).
So yun nga.. nung July 16-19 (4 months ago na) pumunta kami ng Krabi. Bakit? Kasi… una, sale ang ticket, pangalawa hindi pa kami nakapunta dun at panghuli wala kaming magawa.
Mga natutunan ko sa KRABI:
1. Wag mag suot ng hikaw pag lalangoy sa dagat. Dito nawala yung heart shape kong hikaw. Mura lang naman yun, pero may sentimental value. Nabili ko yun sa mall. Ayun kaya sentimental value na (galing no?).
2. Takot ang unggoy sa kambing. Pumunta kami sa monkey temple. Syempre ang saya ko (lukso ng dugo). May lugar dun na puede ka magpakain ng unggoy. So nagkalat sila dun pati turista na nagpapakain (may nag abot din sa akin ng pagkain hahahaha joke). Nang biglang may dumating na kambing, medium size na kambing. Parang yung pelikula “Planet of the Apes”, nagtakbuhan ung mga unggoy… isang direction lang, papunta ng bundok at takot na takot sila (dama ko yun). Tapos nung umalis na yung kambing nagsi-babaan na sila. So nabuo sa akin ang theory na takot ang unggoy sa kambing. So kung may kilala kayong unggoy alam nyo na gagawin hehehe.

3. Dapat ang ratio sa pagsakay sa elepante ay 2:1 hindi 4:1. Dalawang tao sa isang elepante dapat. Dapat. So ayan dahil ayaw naming mawalay sa isat isa, pinag kasya namin ang mga sarili namin sa isang elepante. Huwag tularan, bakit? Una, muntik na kaming tumiwarik (tumaob, tumambling, mag buwis ng buhay). Pangalawa, kawawa yung elepante. Pasan pasan nya kami pababa ng ilog at paakyat ng gubat. Tapos gutom pa sya kasi humi-hinto sya para kumain ng sanga ng halaman. Pero gumanti sya, after ng tour uminom sya ng tubig at binuga nya yung tubig papunta sa amin. Tamang tama naka nganga ako nun (kakatawa), ayun nainom ko ung tubig.

4. Sa Krabi mo matitikman ang pinaka masarap ng pusit. Sobrang lambot nya at juicy, yung sauce nya halimaw! Kung anuman nilagay nila dun… nakaka buang hahaha.
Ang presyo nya 35 thai baht = 1.40 sgd = 48.00 php = happiness 🙂

5. May something sa ice cream nila. Ewan ko, pero inaraw araw ko ang pagkain ng ice cream sa Krabi. Siguro dahil mainit, pero hindi rin.. kasi mainit din naman dito sa SG pero di naman ako nakain ng ice cream araw araw. Siguro dahil mura, hindi rin.. kasi medyo mahal din dahil nasa krabi town area yan. Siguro yung nilalagay nila sa sauce ng pusit, nilalagay din nila sa ice cream.
6. Ang mahal ng Mcdo meal sa Krabi. Halos walang tao sa loob kasi walang hustisya ang presyo. Umaabot ng 150 baht ang meal (200 pesos mahigit na yun). Madaming ice cream na mabibili ko nun. So hindi kami dyan kumain, sa katabi nya kami kumain, 1 to sawa ang seafood at ice cream 🙂
7. Ang babait ng mga taga-Krabi. Wala kaming na-encounter na masungit, opportunista at walang respeto na taga dun (pero may kilala akong ganun, iba-blog ko next time hahaha). Palagi sila naka-ngiti, friendly at polite. Sobrang nag-enjoy ako. Kaya sa mga taga-Krabi… “Kh0p khun kha” 🙂

Multipurpose sauce. Ftw.
Memorable yang krabi kc pers obersis trip namin yan ni hubs( naks!) seriously, conde nast mode on: it’s family friendly and no hanky panky shows like phuket or pattaya. The seafood is amazing especially the salt crusted red tilapia ( gumordon ramsay) . I love your post shempre space! Next mag movie review ka naman
LikeLiked by 1 person
sobrang true! mas madami kaming nakitang family na nag ho-holiday dun. Nakita ko yang tilapia na yan na madaming asin na iniihaw sa night market, parang galit sa asin haha yun ba un? Pero ung sauce talaga ng pusit ang di ako maka-move on! hahaha! Puede ba yung mga movies ng metro manila film festival?
LikeLiked by 1 person
Yes yun nga. Di maalat in fernes. Pero mgA 40 mins ang wait. Aba yun nga ang abangan ko na post mo mmff. Hehe.
LikeLiked by 1 person
Totoo yung sa elepante? Nakakatawa! Ang funny mo magsulat. Nakakainspire. Nakkss!! Hahaha Magkano pabuya sa shades? Akala ko nangalap kayo ng Krabs sa Krabi. Hahahaha
LikeLiked by 1 person
Oo totoo yung elepante isa sya pinaka nakakatakot na nangyari sa buhay ko muntik na kami tumaob hahahhaa!
LikeLike
ang pabuya ay coupon for hair rebonding hahahaha!
LikeLike
I experienced riding an elephant sa Kanchanaburi Thailand naman. Yep, dalawa lang kami. Asan na yung mga “ibablog ko next time” mo??? HAHAHA,
LikeLiked by 1 person
Under construction pa mahaba haba yun ahahahha! Abangan!
LikeLiked by 1 person
[…] Space naman on the other hand ay natuklasan ko sa isang related post, yung blog niyang Krabi. Dito ko nalaman na takot daw pala ang unggoy sa kambing. Bakit kamo? Click the link to find […]
LikeLike