Pumunta ako sa isang art exhibit event.. nitong linggo lang. Bakit hindi ka mapapapunta eh libre lang. Nabiyayaan ako ng complimentary tickets at nakapag sama pa ako ng isa pang friend. Sobrang saya ko nun kasi may pandagdag nanaman ako sa instagram post ko. Naisip ko din mag FB live para pasikat. Pero nagbago isip ko, malakas pala un sa data. I-tweet ko sana na nasa art exhibit ako kaso 36 lang followers ko (may isa pa na nag-unfollow haha). Gusto ko pa naman malaman ng buong mundo na nandun ako. Ready na ang hashtags ko (#ArtIsMyDrugs #ILoveArt #YOLO) at emoticons 😍❤️😝. Naka-google na din ako ng magandang captions and facts about dun sa mga arts. Na-filter ko na ang muka ko (at kaluluwa) sa pictures at natanggal ko na mga pores ko at laugh lines gamit ang camera360. Nalinis ko na lahat.. magmumuka na akong madaming alam at intellectual at makinis.
Oo puede nyo ako i-judge. I’m guilty as charged. Ginagawa ko lahat yan. Isa din ako sa ika nga nila na kinain ng sistema. Habang nag-e-edit ako ng photos kanina, napatanong ako sa sarili ko.. ako pa ba yung nagsasalita sa social media ko? As a human being, takot akong mapuna yung mali ko (sa spelling at grammar) at sa sasabihin ng ibang tao. Ayoko din mapansin yung tigyawat ko sa muka at ang oiliness ng aking T-zone. At di ko itatanggi na sa ikabuturan ng aking puso may boses na nagsasabi “pansinin nyo ako” (minsan pa-simple, minsan sumisigaw). Sobrang na-master ko na ang copy paste skills at fully utilized na ung auto-correct features sa phone ko. Sa panahon ngayon na tila ang basehan ng confidence at affirmation ay nasa numero. Pag madaming likes at views mas masarap sa pakiramdam. I feel like I’m being noticed ganern.
So ano ang gusto ko i-point out? Gusto ko sabihin na malaya tayo kung ano ang gusto natin ilagay sa ating social media. Wala namang rule na bina-violate kung 5 times na-filter ang litrato. Wala din nagbabawal na mag-copy paste ng captions mula sa google. At wala namang nakukulong sa pag gawa ng sangkatutak na #hashtags. Pero aminin man natin o hindi… nasa mundo tayo na may sistema na nagsasabing dapat malinis at walang bahid na dumi/kapintasan/mali ang laman ng ating news feed at nasa panahon tayo na parang ang bawat ipo-post mo ay magkakaroon lang ng importansya pag may validation ng ibang tao. So kalayaan sya na parang hindi. Pero… puede din naman lumabas sa hawla at maging ikaw… ikaw mismo… YOU ARE ORIGINAL — hindi ako original na nagsabi nyan.
Dahil nagkaroon ako ng malalim na realization… magbabago na ko simula ngayon sisikapin kong maging ako.
Paki-like nga pala yung bago kong post. hehe #NextWeekNaLangAkoMagStart
Lab et!!!!
LikeLike
On a serious note, this is so true. Sometimes when I feel like checking the likes and comments on every post I made, it’s a sign for me to withdraw from social media and do some digital fasting. 🙂
LikeLiked by 2 people
Sobra. Kahit ako din. Gusto ko mag rebelde sa sistema. Pero bumabalik pa din ako hahaha! Hindi ko na lang hinahayaan na un yung mag define sa akin.🙃
LikeLiked by 1 person
You’re right. People are so conscious with the way they look and how people see them. There’s actually nothing wrong with wanting to be blemishless in a picture but I think what’s important is that we should know that we are still beautiful no matter what. Whether wrinkled and full of blemishes, God created us beautifully and wonderfully. 🙂
LikeLiked by 1 person
hellodwww! ang flooding ng likes hehehehe thank you☺️. Korak! Yung iba they will feel beautiful or accepted kung madaming likes or hearts or whatever.. may kilala ako pag isa lang ang like or walang like.. dinedelete nya ang post.. ang sad nun.
LikeLike