Posted in KwentoKoto

Sunday School

Ang lesson namin ay tungkol kay David at kung paano nya napabagsak ang 9 footer na si Goliath. Gustong gusto kong teacher si Ate Tess kasi magaling sya mag turo. Ang galing nya pang gumawa ng illustrations. Lahat ng Bible stories nya sa amin ay sya ang nag d-drawing. Isa syang engineer pero pag linggo, sya ang aming sunday school teacher. Nag-start na syang mag kwento nun. Na-established na nya kung gaano ka-bardagol si Goliath. Biglang may pumasok. Batang lalaki at babae. Fair ang complexion nila, humahalimuyak ang cologne nila sa classroom at maganda ang damit hindi gusot. Tingin ko magkapatid sila. Tingin ko din pinalaki sila sa aircon. Tinignan ko ang suot kong bistida. Bakit ok pa naman tong damit ko. Paborito ko to. Minana ko pa to sa ate ko. Nahinto ang klase, winelcome ni Ate Tess si Tyler at Daphne. Pangalan pa lang yayamanin na. Samantalang ang mga kasamahan ko ay Ambo, Remi, Ederlyn, Analyn, Eme, Meme, Ron Ron, Jun Jun, Amado at Dominador. Ganito daw, nag bakasyon lang sila sa Parañaque sa bahay ng tiyahin nila. Na-invite yung tiyahin nila sa church kaya isinama na din silang magkapatid.

Umupo sila bandang malapit sa bintana pero nakatingin pa rin ako sa kanila.. sa suot nila. Puede pa lang mag shorts sa church eh. Ang ganda ng shorts ni Daphne may burdang cartoon character. Puede ko din kayang isuot yung shorts kong pula na ginamit namin pang sayaw nung foundation day? Ang ganda din ng suot nilang rubber shoes mukang mamahalin. Yung sapatos ko.. masayahin.. nakangiti hahahaha! Ino-obserbahan ko yung galaw nila. Ang hina ng boses nila pag nagsasalita samantalang ako parang may megaphone sa lalamunan. Ang pino din ng kilos nila samantalang ako in 2 seconds madami na kong moves na nagawa. Boomerang lang? Hahaha!

Bumagsak na si Goliath!

Anong na-missed ko sa lesson? Hindi ako naka-focus. May pa-exam pa naman si Ate Tess after nya mag kwento. Hindi naman yun exam na may grade. Quiz lang sya na may premyo pag highest ka. Yun ang nilo-look forward ko. Pero wala ako sa hulog nung sunday na yun. Uuwi ata akong kulelat. Nakatingin din ako kay Tyler.. cutie sya kaso mukang suplado at tsaka parang english ang gusto nyang usapan. Baka ma-nose ble… Ohmygas! Tumingin sya! Nahuli nya ako! Hahahahahahaahaha!

Nilabas na ni Ate Tess ang flash cards para sa memory verse. So dito ko na maipapamalas ang angkin kong pang-malakasang boses. Pero sa isip ko… nakakahiya nahuli nya akong nakatingin. Isa isa kaming nag-recite ng Bible verse. Nung turn ko na.. conscious na conscious ako. Inayos ayos ko ang buhok ko. Kung alam ko lang na darating sya eh di sana naglagay ako ng clip sa buhok. Nakahawak ako sa gilid ng bistida ko na minana ko pa sa ate ko. Nakatingin sila (sya) sa akin habang nag re-recite ako ng verse na mula sa book ng Psalm. Parang narinig ko ang boses ko na umaarte. Nag adjust ng volume! Ang 10 year old na Space e-enter na ata ng puberty stage wahhaahahha! Huy! Natapos din ang recitation. Pero parang di pa tapos. Bakit ako kinakabahan?

Exam na!

1. Sino ang nakakatandang kapatid ni David? Anak ng! Di ko alam sino kuya ni David!

2. Taga saang bayan si David? Anu ba! Novaliches? Hahahaha! Di ko alam!

3. Ano ang pabuya sa makakatalo kay Goliath? T-shirt? Mug? Kamote! Parang di naman nabanggit yun!

Naging mang huhula ako kasi di ko alam ang sagot. Hindi ako nag top sa quiz. Kainis. Wala akong mauuwing bookmark at sticker. Pero ok lang kasi may libreng meryenda. Ewan ko ba.. bakit nung oras na yun hindi ako nakipag unahan sa spanish bread at orange juice. Pinauna ko yung mga tropa kong PG hahahaha! Hindi rin ako umulit kumuha ng tinapay! Ohmygas! Nag-ma-mature na ko!

Uwian na. Usually nagtatakbo na ko pag ganitong moment. Pero that time, naglakad ako palabas ng pinto! Anong sumapi sa kin? Hahahahaha! Ayun si Tyler at Daphne.. nasa harap ng church inaantay tita nila. May sasakyan sila. Kami ng tropang PG mag lalakad lang. Malapit lang naman bahay namin mula sa simbahan. Habang umaandar papalayo yung sasakyan nila.. parang tumutugtog yung kantang.. “langit ka lupa ako…” with slowmo kyeme cinematography in sepia filter na may nalalaglag na dahon ganyan! Hahahahahaha!

Wait.

Bakit ko ba to na-kwento? Kasalukuyan akong nasa public library meron kasi akong ginagawa na tsaka ko na iku-kwento hahaha! May pumasok kasing mga elementary students… ewan ko sa dami ng puedeng maalala.. yung sunday school memory na yun ang nag-flashback. Di ko napigilang tumawa habang bumabalik ang mga alaala at habang tina-type to. Nakalimutan ko na nasa library pala ako. Masama tingin ng librarian. Hala ayan na.

Advertisements

Author:

Lahat tayo need ng Space. So ito na ang kasagutan hahaha! Samahan nyo ako sa baliwag kong kwento. Aim ng blog na to ay mapagaan ang mabibigat na damdamin. Di ko man matanggal ang problema nyo, sana kahit papano mapatawa ko kayo ano po? Allow me to have this space and name this blog spacekoto because anything that occupy space matters! Charot!

49 thoughts on “Sunday School

    1. amishuuuuu 2!!! I’m back from outerspace! Baka lumipat na din sa Mandaluyong si David! Hahahahahaha!

      Di ko alam kung nasaang lupalop si Tyler hahaha! Di ko din alam nasan na ang skills ko sa pag hahanap hahahahaha!

      Liked by 1 person

    1. dearjackthethird naku kung alam mo lang kung gaano ko gusto gawan to ng part 2 hahaha! Pag nagkita ulit kami hindi ko lang iba-blog, i-vlog ko pa, i-IG story, FB live.. lahat na hahahahaha!

      Like

      1. Bale 3 seconds na ngayon ahahahaha! Apir! May built in boomerang tayo sa katawan hahahaha! Nung nag work na ko nabawasan kalikutan ko baka ikatanggal ko kasi sa trabaho. Pero yung kadaldalan ko samedt pa din hahahahaha!

        Liked by 1 person

      2. baka ikaw ang alamat ate, wala pang boomerang, nandyan ka na hahaha ituloy ang kadaldalan, hirap kaya magpigil ng kwento hahahahha

        Like

  1. Anong pabuya sa makakatalo kay Goliath? Kamote! Akala ko iyon ang pinampukol kay Goliath.

    Wala ka mang naiuwing bookmark at sticker, isang masayang alaala naman ang ipinabaon sa iyo, na hanggang sa ngayon ay nakapagbibigay ngiti sa iyo at sa mga nakabasa ng kwento mo. Napadaan lang po.

    Liked by 1 person

    1. Nangamote ako! Hahahaha! Kung kamote siguro pinukol kay Goliath baka naging friends sila ni David ahahhaaha! Naku oo kahit wala akong nakuhang bookmark at sticker nung sunday na yun, bumawi naman ako nung sumunod na linggo hahaha! Salamat sa pag daan pinoytransplant😁

      Liked by 1 person

    1. Hahahahahaha!!! May pangalan pa ko di nabanggit! PENGPENG! Hahahahaha! Ang talented natin! Hindi na kailangan ng microphone hahahahaha! Nakakatuwa mga public library dito nasa tuktok ng mall.. pag walang pang shopping magbasa na lang ng libro🤣🤣🤣

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s