Posted in Kaladkarin

Horror Night

Nung October 13, Friday the 13th yun nagpunta kami sa Universal Studios sa ganap na ayoko sana puntahan.. yung Halloween Horror Night nila. Ayoko talaga ng horror horror na yan. Hindi dahil sa takot ako. Pero parang ganun na nga. Magugulatin kasi ako. Hindi rin ako mahilig manuod ng horror movies, na-s-stress ako. Alam nyo yung The Conjuring? Ilang gabi din ako di nakatulog dahil sa movie na yun, puro gulatan buset! Nung natapos na ang palabas at sinindi na ang ilaw sa sinehan.. ayun daming nagkalat na popcorn sa sahig.. sa area namin. Sa gulat siguro ng may hawak nung popcorn kaya sumabog. At ako yun! Hahahahaha. Pag uwi ko nun sa bahay binuksan ko lahat ng ilaw at nagpatugtog ng Hillsong hahahhahahha! Di maganda epekto sa akin ng horror movies kasi naiisip ko may nakaupong undin sa ibabaw ng cabinet ko o kaya may kamay na lalabas sa toilet bowl pag iihi ako sa madaling araw. Kaya promise ko sa sarili ko last na yun ayoko ng manuod ng horror. Pero ito pupunta kami sa horror night hahahahhaha kamusta naman ako. Ang goal ng event na ito ay manakot, manggulat at kumita. Eh bakit pa ako pupunta? Kung di lang dahil sa friendship di ako pupunta naku talaga.

exif_temp_image
Madilim kasi sa loob kaya bumili kami ng headband na umiilaw. Kala ko magiging kamuka ko si Ariana Grande, sungay pala sya wahahahahaha!

Ang sabi ng friend ko yung mga multo (yung actors) na mananakot dun ay dumaan pa sa audition para talagang pang Conjuring yung acting. Sana pala nag-audition ako magaling kasi ako manakot hahahahhaha! Pero sa totoo lang ito ang pinaka stress na gabi ng buhay ko. Alam ko naman na tao lang sila na naka costume at naka makeup na na-aagnas.. pero grabe.. samahan mo ng dilim, nakakatakot na music, usok usok effects at best actor na mga multo, aswang, zombie, halimaw, lamang lupa at chaka clown… jusme gusto ko ng umuwi. Para silang nag workshop, yung acting nila award winning pang MMFF ganyan.

Eto ang rules, di ka nila puedeng hawakan at hindi mo sila puedeng saktan. Pero puede kang magpa picture magsabi ka lang. May nakita kasi kami after silang takutin, kinausap nila kung puede magpa-picture ayun.. upload agad sa instagram hahahahaha.

IMG_1115

 

Ano meron sa loob?

Ganito… may 5 haunted houses.

  1. Inside The Mind. Eto yung una namin pinasok. Ang haunted house na ito ay ang loob ng utak ng isang serial killer. May pagka-science and technology kaya di ko gets hahaha. So ang mga mananakot sayo dito ay ung naka-mask na bungo na naka suot ng black long gown at mga biktima ng serial killer. May ginawa akong bad. Bawal kasing kumuha ng pictures at video pag nasa loob ka na ng haunted house. Pero ako si Space. Tinurn on ko yung GoPro ng friend ko kinunan ko ng video yung journey namin sa loob hahahahaha! Pero nung pinlay back ko ang dilim at puro sigaw ko lang naririnig ko nakakairita hahahaha! Isa pang bad na ginawa ko, nasaktan ko ung isang baliw na serial killer. Natamaan ko ng handle ng GoPro ang bumbunan nya hahahhahaha eh kasi naman pakalat kalat sya, pailalim sya kung mang gulat. Eh magugulatin nga ako. Ayun sana walang masyadong damage yung skull nya hahahaaha.IMG_0861.JPG

 

2. TERRORcotta Empress. Ang bida dito ay si Empress Qing. Na-aagnas na po sya mga kaDDS pero feeling nya maganda pa din sya, galit sya sa mga magaganda so bati kami! hahahahaha! Ang nakakatakot ung mga agnas army nya. Mga hayup sila wag kayo papasok dito kasi may inatake ng pagka-jejemon, naglulupasay after maka-exit ng haunted house, ang dami ng nag-cocomfort sa kanya pero tuloy pa din si ate jeje sa task nya sa floor.

IMG_1120.JPG

 

3. Make The Cut. Eto ay K-pop haunted house. Di namin napasok ito kaya wala ko ma-i-kwento. Ang OA ng pila yun lang masasabi ko. Eto talaga ang pinilahan ng bonggang bongga. Aabutin ka ng 1 hour mahigit. Pero kung ayaw mong pumila, may express lane. Pero para lang yun sa mga bumili ng express ticket. Eh ang ticket namin pang hamapas lupa lang. Yung gumagapang hahahaha!

4. HEX. Hindi din namin napasok to (buti na lang!) ang blockbuster din ng pila! Buti na lang talaga kasi ang sabi andito daw si Midnight Man, naghahanap ng partner in life para maging Midnight Woman. Pag natipuhan ka baka di ka na makalabas. Eh naka lipstick pa naman ako na pink eh baka matipuhan ako bigla, eh di hindi na ko nakalabas ahhahahhahahaha!

5. Death Mall. Ang drama naman dito ay shopping mall na nag-collapse dahil sa kapabayaan ng mall owner. Ayun sa synopsis madaming tao ang na deds sa mall na to kaya yung mga kaluluwa ng mga nasawi ay mag hihiganti sa mall owner… ala Lily Cruz na bumangon mula sa hukay ganyan. So lahat ng papasok dito damay damay na sa paghihiganti ni Lily Cruz.

IMG_0855

 

Merong 2 scare zones. Eto talaga ang nagpa-stress sa kin.

1. Pilgrimage Of Sin. O title pa lang di ko na maintindihan. Eto yung road ng mga lamang lupa. Madilim yung lalakaran mo, sa side may parang mga kulungan na may tinorture na human tapos may lalabas na mga halimaw na parang sa movie na Pirates of the Caribbean tapos may mga nakatago din sa gilid gilid pag di ka alerto nasa likod mo na sila. Wala kang choice kailangan mong lakaran tong road na to kasi ito yung daan papunta sa mga haunted houses. Habang naglalakad sigaw ako ng sigaw ng “Ayoko na ayoko na uwi na tayo aaaaaaaaa” ganyan.

2. Happy Horror Days. Hindi sya nakaka-happy. Andito ung mga chaka clowns. Mas nakakatakot to kasi imbes na road na diretso, ginawa nilang maze. Tapos kailangan mahanap mo yung exit para makalabas ng maze. Madilim at nakakatakot lumiko kasi di mo alam kung sino ang bubulaga sayo. Mag-aaparisyon din sa harap mo si Voldemort at ung chaka clown! Tapos grabe napunta kami sa dead end! Waaaaa potek may mga chop chop na katawan! Hayup talaga! Iniisip ko ano ba ginagawa ko dito hahahhahaha! Pinaka-stressful itong scare zone na to, dito ko nasabi yung “isa pang may manakot sa akin sasapakin ko na talaga!”

 

May 2 live shows. Buti naman naisip nila to.

1. Laboratorium. Eto ay ginanap sa loob ng theater. Sa lahat eto lang ata na-enjoy ko kasi naka-upo kami tapos may nag-peperform sa stage. Para syang circus na musical. Basta musical masayang masaya ako. May mga buwis buhay na stunts at may drama play na di ko maintindihan kasi english ahahhahaha!

IMG_0868.JPG

 

2. Slice Of Life Tour. Eto naman ay outdoor concert ng isang K-Pop group. Ang name ng group ay Slit Face Girls. Kaya pala ganun ang name ng group nila kasi puro slit ang muka nila. Pero infairness magaling sila kahit hindi ko alam pinag sasabi nila hahahahaha! Annyeong Lupa!

IMG_0874

 

Overall, naiyak ako sa uhaw hahahaha! Kaka tili natuyo lalamunan ko. Ang mahal ng drinks $4 yung coke in can! Nakakaiyak! Nalusaw ang make up ko. Hindi na ako mukang tao puede na ko sumali sa Slit Face Girls hahahahaha! At eto pa, iniwan ako ng mga kaibigan ko ayyy nagpa-iwan pala ako sa loob ng Universal Studios kasi lumabas sila para mag Casino sa Resorts World, malapit lang kasi un dun. Ayoko mag casino takot ako sumugal hahahahaha. So ayun dun lang ako sa area na walang nananakot- safe zone. Umupo lang ako sa gilid at nanuod sa mga taong naglalakad habang nag ku-kwentuhan ng experience nila sa loob ng haunted house. Naisip ko kung gulatin ko kaya sila hahahahaha. Inisip ko din bat kailangan mag celebrate ng halloween? Bakit kailangan nilang papangitin ang magagandang nila muka? Bakit pag mas nakakatakot ang itsura mas pasok sa banga? Kanina habang nasa pila kami sa In Your Mind haunted house, may isang grupo dun na kinantahan nila yung friend nilang nag-ce-celebrate ng birthday ng birthday song, nakakahawa ang happiness.. ayun lahat na kami sa pila nagkantahan na din ng happy birthday kahit di namin sila kilala. Ang saya lang palakpakan. Mas masarap pa rin talaga mag celebrate ng life kesa death. Wala lang naisip ko lang. Ayun after 30 minutes binalikan ako ng mga kaibigan ko. Natalo sila ng $50. Gusto ko sabihin.. natakot ka na, natalo ka pa hahhahaha. Pero di ko yun sinabi hehehehe. Ayun pag uwi ko ng bahay patugtog nanaman ako ng Hillsong ahahahahaha! Nag promise nanaman ako sa sarili ko last na talaga to.

 

IMG_0896
Buti di ako sumama sa Casino, naka-aura pa ko. Pak! Timer! Power!
Advertisements
Posted in KwentoKoto

Puro, Dalisay at Wagas

Napapadalas punta ko sa Marina Barrage. Tong week na to naka-tatlong beses na. May lugar kasi dun na gustong gusto ko puntahan pag gusto ko huminga. After work mag-bu-bus lang ako papuntang Bayfront station tapos lalakarin ko na lang from MBS, may nalaman akong shortcut sekretong malupet. Ayokong aminin na na-bbwisit ako sa work, pero naka tatlong punta na ko sa Marina Barrage this week so parang ganun na nga hahahahaha! Ayoko talagang pag usapan ang trabaho dahil baka may mag print nanaman ng blog ko maisumbong nanaman ako sa HR hahahahaha. Pero nung Monday talaga ang pinaka hype woooo! Nag-off talaga ako ng phone at nag punta dun. Bumili ako ng food at dun na lang ako kakain at maglalabas ng sama ng loob.

Oo nga pala ang Marina Barrage ay Dam kung saan iniipon ang tubig na dadaan sa proseso para maging fresh water. So dito nanggagaling yung iniinom at pinanliligo namin. Nag sisilbi din itong pang control ng baha at pasyalan na din kasi connected sya sa Gardens By The Bay. Pero para sa akin, pag gusto mo mag emo, punta ka dito.

2 storey lang yung building nito na pa-spiral tapos may rooftop. Hindi ko ma-describe masyado. Kaya ito yung link ng website Marina Barrage.

Eto sya sa araw.

Hindi ganito magpalipad ng saranggola wag tularan nakakainis hahahhaha

Green roof ang tawag nila dyan sa rooftop na covered ng bermuda grass. Sa hapon masarap magpalipad ng saranggola dito, madami ding nag p-photoshoot at nag pi-picnic. Masarap ang simoy ng hangin at malayo ka sa chararat na kasama mo sa office. Hahahahaha!

 

Eto naman sya sa gabi.

Mas madilim pa sya sa totoong buhay

Yes madilim. Sinadyang walang ilaw ung observatory area. May dim light lang sa mga upuan na semento at sa lakaran. Dahil madilim, makikita mo ung liwanag ng bituwin (nasan ang bituwin?) at ganda ng city sa gabi. Kaya nasabi ko magandang mag emo dito kasi di ka makikilala.. madilim nga.. unless tapatan mo ng flashlight ung muka mo at yung makakasalubong mo.


Sa gabi din marami ang nag-jo-jogging, nag-b-bike, nag-s-scooter at nag-di-dinner dito. Ewan ko kung saan nakukuha nung iba ung energy nila, hanggang 10pm may natakbo pa din.

So pagkadating ko sa rooftop umupo na ko sa paborito kong spot. Kung saan overlooking ang Central Business District at Marina Bay Sands. Gutom na ko, kasi malayo layo ung nilakad ko. Habang kumakain ako may dumating na 4 na tao (2 babae, 2 lalaki ata haha) galing sila sa jogging. At sa tabi ko pa talaga sila nag e-air bending at nag stretching at squating habang ako kumakain ng kanin. Hiyang hiya naman ako sa pag wo-work out ng airbender squad, kailangan talaga ipa-muka sa akin ang fit and healthy lifestyle ganyan. After 15 minutes tapos na ko kumain, umalis na din sila parang pinatapos lang nila ako kumain. Saya.

Ok panahon na, nag pasak na ko ng earphone, nagpatugtog ako ng instrumental song sa spotify ganyan hahahahahha! Habang naka-tingin sa mga mailaw na buildings dama ko na ung emosyon.. eto na.. nadadala na ko ng music.. papatulo na luha ko.. biglang may nag tagalog…

Ateng 1: Wala nanaman syang trabaho!

Ateng 2: Nanaman? Pang ilan na nga yan?

Me (sa isip): Mga ateng moment ko to dun kayo sa kabila.

Nilakasan ko ang volume ng music ko, pero nariring ko pa din ung usapan nila. Hanggang interesado na din ako makinig sa kanila. Paka chismosa ko. Gusto ko na sumabat.. gusto ko na sabihin.. te hiwalayan mo na hanap ka ng iba yung may trabaho. Hindi ako makapag emo emo dito.

Natapos naman kwento ni ateng sa jowa nyang ang hobby ay ang pag-reresign sa trabaho, so jogging ulit sila. So balik ulit ako sa drama. Pero few minutes lang may nag datingan na naman, mga turista na kumukuha ng litrato.. eh ang ganda naman kasi talaga ng view… nainggit ako sa ginagawa nila, nakita ko na lang sarili ko na nakuha na din ng picture. Infairness naman sa akin hindi lang puro selfie ang alam ko sa buhay may magaganda din akong kuha. Ayan nakaka proud.

May nagdatingan ulit na mga grupo, mga babaeng chekwa may dalang ilaw hahaha. Ang iingay nila pero bat ok lang sa akin, madami na kong kasama. Tingin ko yung lugar na kinauupuan ko ay stop over ng mga nag-jojogging pag pagod na sila at maganda ding spot pag gusto mong kunan ng picture ang city.


Nag iba yung atmosphere biglang sumaya. Teka bat nga ba ko nag e-emo eh ang saya saya kaya mabuhay. Umalis na ko sa kinauupuan ko, mag iikot ikot na lang na lang ako at kukuha na lang ako ng pictures tapos i-aapply ko ang rule of thirds awuw. Pinalitan ko na music ko ng masaya, yung jologs playlist ko ganyan.

Gamit ang cellphone ko, i-tour ko na lang kayo sa paligid ng Marina Barrage ano po.

Eto yung courtyard. Dito puede mag held ng mga ganap.

 

Eto yung Marina Bridge, sa ilalim nyan ay may mga gates na.. di ko sure kung para saan hahhahaha! Paka informative talaga.

 

Eto naman ang Observation Pier. Naalala ko yung movie na X-Men, yung pinupuntahan ni Professor X pag gusto nyang makasagap ng tsismis ng mga Mutants.

 

Ayan ay fountain yun lang ahhahahhaha

 

Eto ay sa rooftop pa din, kung gusto mo pa ng higher level, akyatin mo ang hagdan.

 

Ayan nga po mag kapuso.. may nag-d-date wag tayo maingay.

 

Ayan ang tinatawag na tagilid na kuha.

 

Eto yung bench na walang gusto umupo kasi parang tataob na. Ewan bat ko pa naisama FYI lang hahahaha.

 

Lagpas 10pm na ko nag decide na ok na uwi na ko. At ok na talaga ako. Kaya ko ng harapin ang bukas hahahahaha. Walang nabago sa sitwasyon andyan pa din yung kinaiinisan ko sa trabaho, pero iba na tingin ko sa kanya. Siguro katulad ng tubig sa Dam, kailangan ko dumaan sa proseso ng filtration para maging puro, dalisay at wagas hahahhahaha ewan parang slogan ng fabric softener. Ayun pakiramdam ko fresh na ulit hahahahaha!
Yun lang po at mabuhay ang mga bloggers na hindi journalist. Hahahahaha!

 

P. S.

Eto yung sinasabi kong sekretong shortcut papuntang Marina Barrage