Posted in KwentoKoto

Honorable Mention

Ang paborito ko talagang ulam pag lunch dito sa hawker centre na malapit sa office ay yung chicken stew. Ang chicken stew ay manok na may malapot na sabaw, gawa siguro marahil ng  cornstarch, color brown sya gawa siguro marahil ng soy sauce, may patatas, carrot, sibuyas at madaming durong na paminta. Every Tuesday at Thursday lang sya available dun sa paborito kong food stall, siguro gusto nila patakamin ang mga customers. Kaya pag dating ng martes at huwebes taob ang kaserola kase bentang benta sya. Pag nakita na ako ni auntie na nag titinda ng chicken stew sisigaw na un ng “ma-ganda! chicken stew?!”. Ngayon alam nyo na bakit ko paborito ang food stall na yun hahahahaha! 

Pero hindi yan ang topic ko hahahaha! Gusto ko lang i-share muna ang paborito kong ulam at yung lagi akong tinatawag na ma-ganda ng tindera hahahaha!

Eto talaga yun. Huwebes ngayon di ba, so lunch ko chicken stew as always. Pag nag lu-lunch ugali ko mag multi-task, nagbabasa ako ng blogs sa WP at makikinig sa spotify. Sabay sabay yang tatlo: kain, basa, spotify. Nabasa ko yung post ni Aysa na An Email From A Reader.  Ayus pala pag nag email ka sa kanya puede ka ma-feature sa blog nya hahahaha! Eh pangarap ko ma-feature sa aysabaw.com hahahahaha! 

Nag comment ako sa post nya para mapansin ako ahahahhaha! Ayy mga friends naluha ako sa reply ni Aysa! Sabi nya na-mention daw ako ng reader! Sakto ang song sa spotify ko ay yung song na “Perfect” hindi by True Faith ha, by Ed Sheran ganyan. Naluha ako kasi ang perfect na nga ng song, ang perfect pa ng chicken stew, ang perfect pa ng pagka-mention sa akin. Honorable mention ganyan. Hahahahahaha! Kahit di ako directly ang inimail ni M.E.V (happysheikha) mag rereply ako sa kanya kasi na-tats talaga ako hahahaha!

Dear M.E.V (happysheikha),

Alam ko si Aysa ang sinendan mo ng email. E-epal lang ako ng burberry lite hahahaha! Gusto kong malaman mo na may email din ako hahahahaha! Joke lang! Eto talaga.. gusto kong malaman mo na ung pag mention mo sa akin sa email mo kay Aysa ang nagpasaya ng lunch ko kanina, masaya naman kasi chicken stew ang ulam pero mas sumaya nung nabanggit sa akin ni Aysa na ganun nga. At yung mojo, sineach ko ang meaning, kala ko name ng aso mo or mojo na na-oorder sa Shakey’s or mojo na artista. Mojo na magic power pala sya. Di mo na kailangan siguro yun para mag update ng blog, need mo lang ng computer at internet hahahaha joke ulit. 

Seriously, balik ka ulit mag sulat para may dagdag akong babasahin habang kumakain ng lunch. Paki-mention ulit ako wahahhahahaa! Salamat ulit pakiramdam ko hindi na ko hampas lupang blogger, medyo umangat na ko ng 1 inch sa lupa sa pag mention mo sa akin hahahahaha! I’m looking forward sa next mong post this month awuw this month na agad hahahaha!

 Mojo Power!


Nagmamahal,

Space

Advertisements

Author:

Lahat tayo need ng Space. So ito na ang kasagutan hahaha! Samahan nyo ako sa baliwag kong kwento. Aim ng blog na to ay mapagaan ang mabibigat na damdamin. Di ko man matanggal ang problema nyo, sana kahit papano mapatawa ko kayo ano po? Allow me to have this space and name this blog spacekoto because anything that occupy space matters! Charot!

33 thoughts on “Honorable Mention

    1. Lumevel up ako ng 1 inch hahahahaha!
      Sige i-feature kita dito sagutin lamang ang tanong: Sa movie na Thor: Ragnarok, ilang beses natumba si Thor? Hahahaha!
      Sige makakarating ung shoutout mo kay auntie sa tuesday na, sa iba ako kakain ngayonπŸ˜‚

      Liked by 1 person

      1. Showing na ba yan? Sensya na, hindi ako mahilig manood ng movies eh.. 😁 Kahit yung shoutout na lang. Para next time pag bumili ako kay auntie may discount, tsaka para mas marami ang ilalagay nya. Heheh..

        Liked by 1 person

  1. Para ako nanalo sa lotto ngayong araw na ito. Sa ordinaryong reader na tulad ko, magreply lang sa comment mo ung blogger, happy ka na eh ung paspecial mention/post para sa iyo walang kasing saya!:) Salamat Ate Space!

    Dalawang post kada araw pwede na ba un Ate Space? hahaha! joke lang. gawin ko ang best ko ate na makapagpost ngayon buwan na to.

    Liked by 2 people

    1. Happysheikha! Pareho tayong parang nanalo sa lotto! Hahahaha! Inaraw araw mo naman tapos dalawa pang post, isa sa umaga isa sa gabi! Hahahahaha! Aabangan ko yan.. mamaya or bukas hahahahaha, aasa ako! Charat! πŸ˜‚

      Liked by 1 person

  2. Nakakatuwa naman magbasa ng mga post nyo ni Aysa. For the second time na-intriga talaga ako kung ano ang ini-email ni reader sa inyo at napasaya kayo ng ganyan. Mag check din ako ng email ko baka meron din akong love letter from my readers hahaha.

    Oo nga pala, kanina niresearch ko din si Mojo. Akala ko si Mojo-jojo sa Powerpuff Girls. Kaloka! πŸ˜€

    Liked by 3 people

    1. Joy! to the world! Basta ang sabi nya.. si ate space po ang ganda ganda hahahaha! Joke! Sabi nya si Aysa ang idol nya hahahhaa! Ako daw ay 2nd runner upπŸ˜‚
      Nag che-check nga din ako ng email pero waley.. baka nasa spam folders hahahaha!
      Yes yung mojo talaga ung deep kaya napa-search ako kay wikipedeee hahahaha!

      Liked by 2 people

      1. Yung 2 seconds na pause ay para bumwelo para full force ang pagkaka sabi ng Ganda!!!! Bwahahahahhaha! Basahin mo ung horror night araw ng birthday mo yun hindi sya nakakatakot, nakaka buang sya ahhahahaha!!!

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s