Posted in Space Tips

10 Tips Paano Wag Ma-Beast Mode Sa Kasama Mo Sa Trabaho

Aminin natin kahit gaano ka ganda at ka ayos ang company na pinag-ta-trabahuhan mo, meron talagang tao (As in talaga) na makakapag-beast mode sayo at sisira ng araw mo. Katulad ngayon, sa oras na ito, sa mga sandaling ito… eto nanaman sya… pero kalma lang… imbes na ma-imbyerna, heto ang 10 tips para di ka mainis at kumulubot na parang prune dahil sa hinayupak na ka-trabaho mo.

1.  Isipin mo na lang na sya ay iyong Ina (na menopause) or Kapatid (na blacksheep) or Kamag-anak (na may saltik). Di ba nga kahit gaano pa kalalala ang ugali ng mga taong related sa atin di natin sila kayang patulan kasi nga pamilya sila. Respeto. So ganito na lang isipin mo… pamilya sila (Buset!).

2.  Pag binato ka ng bato gawin mong pang hilod. Ang magaspang na kahoy ay pinapakinis ng liha. May mga tao talagang nakaka irita, istorbo sa trabaho, epal ganyan… pero kahit gaano sila ka gaspang, isipin mong sila ang nagpapalabas ng kinang mo. When they attack you.. Shine! When they speak negative about you.. don’t fight back… just Shine!

image

 

3.  Gawan mo sya ng tula (poem). Katulad nito:

          Ikaw ang sili sa aking sawsawan
          Ikaw ang alipunga sa aking talampakan
          Ikaw ang singaw sa aking  lalamunan
          Ano pa? Kulang na lang ilagay ko ang iyong pangalan.

Tapos iprint mo sa A4 size paper tapos ipost mo sa CR (Joke lang). Pero puede mo din isulat sa post it sticker tapos ipost mo sa computer screen mo, tulad nito:

Yes ganyan kagulo ang computer screen ko
Yes ganyan kagulo ang computer screen ko

 

4.  Alamin ang paborito nyang pagkain. Kainin mo ito sa harap nya… tignan lang natin kung di sya humingi, pero pag ang paborito nyang pagkain ay siling labuyo, skip mo na ang tip na ito, punta ka na sa tip number 5.

5.  Pag sobrang nakaka-irita na sya at lumalagpas na sya sa boundary ng pasensya mo, ito tandaan mo… MAS MAGANDA KA. Oo ulit ulitin mo sa puso at isip mo. Huwag mong ibigay ni butil o alikabok ng ganda mo sa kanya. Imbes na bumaba ka sa level nya.. Rise above it. Lipad Darna lipad!

image

 

6.  Kapag Umepal sya sa Boss mo at ikaw ang lumabas na may kasalanan.. wag mag wala at mangisay na parang bulateng hinagisan ng asin. Keep your posture. Sabi nga sa kasabihan, “Ang tumatakbo ng matulin pag matinik ay malalim”.  Di ko alam kung anong konek pero di ba ang deep?

image

 

7.  Itong number 7 ang pinaka gusto ko. Lagyan mo ng thumb tacks ang upuan nya! (Joke lang) Masama yun! Baka matanggal ka pa sa trabaho. Lagyan mo na lang ng langgam.. yung kulay pula ha hahaha (Joke lang ulit). Bubble gum na lang para di masakit… nguyain mo muna tapos ilagay mo sa upuan nya.

Unicode

 

8.  Pag timpla mo sya ng kape.. yung matapang.. ng kabahan naman sya. Wag mo kalimutan lagyang ng note…

image

 

9.  Add mo sya sa Facebook. Tapos mag post ka ng mga quotes na patama sa kanya.

forgive-your-enemies-but-never-forget-their-names-enemy-quotes-for-share-on-facebook.pngGanyan… tapos lagyan mo pa ng hashtag na #lifeisbeautiful. Tapos after 11 days unfriend mo na sya. Sabihin mo na-hacked ang FB mo 🙂

 

10. And lastly, ang pinaka simple pero pinaka mahirap atang gawin: DEDMA. What is DEDMA?

Ito ay galing sa english word na “dead” at tagalog word na “malisya”. So pag samahin mo sila mabubuo ang word na DEDMA.

May nabasa ako na ang dedma is a healthy defense mechanism (somoso-sociology teh). Pero syempre may right time para gamitin ito at may time din na kailangan mong iconfront ang tao. Kumbaga, choose the battle that matters, kung sa tingin mo ay waste ng time makipag argue… then DEDMAhin mo na lang full stop.

 

Image by Mailan Falculan on her blog https://mailanfalculan.wordpress.com/2015/12/03/13-quotes-that-will-improve-your-emotional-intelligence/
Advertisements

Author:

Lahat tayo need ng Space. So ito na ang kasagutan hahaha! Samahan nyo ako sa baliwag kong kwento. Aim ng blog na to ay mapagaan ang mabibigat na damdamin. Di ko man matanggal ang problema nyo, sana kahit papano mapatawa ko kayo ano po? Allow me to have this space and name this blog spacekoto because anything that occupy space matters! Charot!

97 thoughts on “10 Tips Paano Wag Ma-Beast Mode Sa Kasama Mo Sa Trabaho

  1. mabuhay ka….mabuhay ang lahi nyo ng 100 years….malaking matter sa space tong sharing mo…brilliant….down to earth….napakabait mo….

    Like

  2. Hahaha

    Ramdam ko ang number 2. Tama when someone speaks negative, bad things about you, bayaan mo lang. Makikita mo, ang tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para mawala sya sa landas mo LOL!

    Shine. Haha

    Like

  3. hahaha bongga…relate much…tama deadmahin sila..mamatay sila sa inggit…thanks admin…love na love ko to..lalo yung # 7 hahaha 😂

    Like

  4. Amazing! Thank you nainspire lalo ako na mang-deadma.nkakawaste lng ng energy ang mga workmates na pinglihi sa sama ng loob at palagi nghahanap ng mali sakin.

    Like

  5. Galing nito! Paano kung neighbor, alam na dun ka magtratrabaho tapos pumasok dun, ang bait bait mo dun ha tapos bigla kang sabihan, wag tayong maging close since we never hang out together– now kateammate mo na, ikaw pa pinalabas na masama

    Like

    1. hala ang mean nya! haler sinong gusto maging close sa knya? ang chaka ng attitude nya! alam mo may something sayo na kina-iinggitan nya. Tandaan mo those who exalt themselves will be humbled and those who humble themselves will be exalted. You are a winner! Sya chaka sya! Hahaha!

      Like

  6. Waaah! Nakaka #Goodvibes ito bes! Magagamit namin ng kaibigan ko toh sa mga epal sa opisina 😂😂
    Salamat sa pagshare neto! Dakila ka! 😂😂

    Like

  7. Hi found your blog thru a link from a Facebook post… Winner ang tips gusto sana I share kaya ayaw ko na magkaroon ng idea ang mga taong kinakainisan ko sa opisina… 😉 ang lagi ko iniisip pag ganyan, I will look them with silence and kindness, too. Pero minsan talaga nakakasira sila ng bait hehehe

    Like

    1. Hi Rowena! I feel you may mga tao talagang likas na maiitim ang puso ahahaha! Mabuhay ka di ka pumatol sa mga chaka dolls. Ipa-share mo na lang sa common friend nyo para di obvious hahaa!

      Like

  8. Nakaka wala ng stress to. S pinagdadaanan ko ngayon ito ang sandigan ko sa mga katrabaho kong dinaig pa si Senyora Santibanez sa pagiging beast mode.

    Like

    1. Ramdam kita.. nasulat ko to nung time na ang sama sama ng loob ko sa knila. sa isip ko bakit may mga taong ang mean? 2 options ang gagawin ko, mag send ng resume sa pc ko o mag blog. Pinili ko mag blog para gumaan naman nararamdaman ko, kung may makabasa man nito at gumaan din nararamdaman nila.. bonus na sa akin un. Di ka nag iisa. Thank you sa pag basa 🙂

      Like

      1. Teh ganti rin na makahanap ng better job na may mas bonggang package! Tingin man nila ikaw talo for leaving, bahala sila. 😊😂 at the end of the day, mas malaki ang sahod mo at benefits na tinatamasa mo.
        Success is the sweetest revenge.

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s