Posted in KwentoKoto

Kanluran To Silangan

Una sa lahat hellooo! Ayaw ko talaga muna mag blog kasi may ginagawa ako na di puede mag tagalog hahahaha! Pero di ko mapigilan mag sulat-mag type. Saglit lang. Maka 2 paragraphs lang ako okay na. Wait inom lang ako. Tubig. Ganito, lumipat na kami ng opisina. From East to further East, eh kamusta naman taga West ako. So mula kanluran to silangan ang biyahe ko everyday. Ang saya. Dulo sa dulo. To the ends of the earth. Pero okay lang un. Walang problema. Wait okay na ko hahahaha. Joke. Meron pa.

Sabi ng boss kong si sponge bob, sa December 15 pa kami lilipat officially dun sa bagong place. Pero ewan ko ba anong pumasok sa utak ni spongy kahapon, dumiretso na daw kami sa bagong office. Yung ibang natitirang gamit hahakutin na lang ng movers. Walang problema. Eh di dumiretso. So kahapon andun na kami sa dulo ng daigdig. Ang gulo gulo pa.. parang ako lang hahahaha. Di pa tapos ang renovation pero yung area namin puede na mag social media hahahaha. So okay na. Pero wait.

Kala ko okay na ko sa lipatan na ganap. Hanggang kaninang lunch, kumain ako sa hawker centre dun sa baba ng building. Omorder ako ng chicken rice, yung roasted. Pag hiwa ko ng manok.. may dugo! Parang puede pa syang mabuhay i-CPR mo lang baka mabuhay pa yung manok! Parang pag sinigawan mo sya ng “laban!” Tatayo sya mula sa pinggan! Ganun kalala ang imagination ko hahahahaha!

Pero sa totoo lang, naluluha ako habang nasubo ng kanin. Di ba nga mababaw luha ko. Nalungkot ako kasi bigla ko naalala si Auntie sa Chicken Rice stall dun sa dati naming workplace, sya din yung nagbebenta ng paborito kong Chicken Stew. Nalungkot ako kasi di ako nakapag paalam kay Auntie. Never nya ko pinakain ng chicken na may bahid na dugo. Tapos kahit short ng 10 cents or 20 cents minsan ung dala kong pambayad, ok lang sa kanya. Tapos ang dami nyang maglagay ng ulam sa plato ko. At higit sa lahat lagi nya kong tinatawag na “ma-ganda” pag nakita na nya ko sa pila. Ngayon wala na waaaaaaaaa!

Sumunod, yung drinks stall. Bumili ako syempre ung Milo na paborito ko. Hot Milo. Okay naman walang dugo, lasang milo pa din. Pero sumakit tyan ko after. May pagkulo at pag kidlat ganyan. Naisip ko tuloy bigla yung dalawang ate na masungit na nag titinda ng drinks dun sa dating office. Pero bumait na sila sa akin kasi ba naman twice a day ako nabili ng milo sa kanila, sa umaga at sa hapon. Nung Wednesday ang ganda pa ng bati nila sa akin, di nila alam last na bili ko na un ng milo sa kanila ūüė¶

Pang huli, walang nag titinda ng ice cream na may tinapay dun sa bagong lugar. Ang dessert na tinitinda lang nila ay red bean soup. Ayoko na idescribe yun kasi nakakaiyak waaaaa hahahhahaha baliw. Basta monggo sya na red (maroon) na may matamis, malabnaw at mainit na sabaw. Ayan dinescribe ko nakakaiyak talaga.

So sa madaling salita pagkain talaga pino-problema ko no hahahahaha! Siguro kasi iniisip ko sa December 15 pa kami lilipat, kaya kala ko may time pa ako sa farewell speech sa mga naging friends ko sa hawker centre. Madami akong ma-mi-miss sa lugar na yun: masasarap na food, mababait na mga tao at yung road na nilalakaran ko papunta ng bus stop basta maganda yun.

Ayan sabi ko nga 2 paragraphs lang hahaha! Pero okay na ko kasi masarap naman dinner ko kanina organic rice at organic fish in organic oil charot! Isda at kanin lang hahahahaha.

In fairness, maganda naman yung nilipatan namin sariwa ang hangin, malinis ang tubig at mababait mga tao sa building.. yun na lang iniisip ko. Sabi nga always look at the bright side of life basta wag ka lang papakainin ng duguang manok. Hahahahaha! ūüôā

Posted in Random Thoughts

Gaano Mo Ka-Love Ang Boss Mo? : A Quiz Untold

Katuwaan lang. Walang tama o maling sagot. Walang makaka alam (Pramis). Walang kokopya sa katabi. I-ready ang calculator, ang papel, ang lapis at ang puso. Sagutin lamang ang mga tanong. Naka-depende ang points sa sagot mo. Alamin natin ang sagot sa tanong na: Gaano mo ka-love ang boss mo?

  1. Kamuka mo sya, para kayong pinag biyak na bunga:film_04062013_anderson_theboss_universal_pictures
  • ¬†Yes naman! Nakaka proud – 10 points
  • ¬† May pagka-hawig ng slight – 5 points
  • ¬† Mas maganda ako – 1 point
  • ¬† Mas kamuka nya aso namin – 0 point

 

 

2. Gusto mong budburan ng iodized salt ang pagkain nya kasi parang mas may common
sense ka pa kesa sa kanya:tumblr_mdvdkgsasn1qatgzn

  • Hindi na kailangan kasi nasa kanya na ang lahat- Pakbet! 10 points
  • Mas kailangan ko ang iodized salt – 5 points
  • Puede na ang rock salt sa kanya – 1 point
  • Oo isang sakong asin at vetsin – 0 point

 

3. Gusto mong palitan ang surname nya ng “Bagyo” kasi parang nasalanta ang trabaho mo pag andyan sya. For example, kung ang name ng boss mo ay Sam… “andyan na si Sam Bagyo!”

  • Hindi, sya ang liwanag sa aming opisina – eh di 10 points
  • Hindi, electric fan level 2 lang sya¬† – 5 points
  • Hindi lahat ng hangin ay bagyo – 1 point
  • Hindi, mas bagay sa kanya “Sam Tornado” – 0 point

    news-9-weather-coverage
    Me: Boss eto ka o     Boss: p@#^$^%*&$%^!

 

4. Gagawin mo syang ninang or ninong ng anak mo, sa madaling salita.. kumpare o kumare na tawagan nyo:359207_m1469233525

  • Yes, pangarap ko talaga yan noon pa – iyo na ang 10 points mars
  • Yes kung papayag ang anak ko – 5 points
  • Yes kung may pake ako – 1 point
  • Never ever! Ever never! Neverrrrrrr! – 0 point (kalma bes)

 

5. Nag reregalo ka pag birthday nya, with sulat sa FB wall nya ng wishes and thankfulness and tears of joy:105379

  • Oo naman, nagpapa ikot pa ako ng birthday card para magsulat ng bday greetings ang mga officemates ko – 10 points
  • Sige try ko next year- 5 points
  • Baket wala akong pake? – 1 point
  • Wala syang birthday – 0 point (ang hard!)

 

6. Parang nanalo ka sa lotto pag di sya pumasok:

  • No, hindi kompleto ang araw pag wala sya – 10 points (pa-adopt ka na sa kanya)
  • 50% sad, 50% happy – 5 points (bes ano itsura ng 50-50 emotion?)
  • Wala akong pake kahit di na sya pumasok- 1 point pa din
  • Yes! party party! – 0 point woooohoooo!

index

 

7. Gustong gusto mo sya kasabay mag-lunch:

  • Oo kasi madami akong natututunan sa kanya and everything under the sun – 10 sun points
  • Okay lang basta manlilibre sya – 5 points
  • Ayaw ko kahit libre – 1 point
  • Di nya alam ang salitang “lunch break”- 0 point
hqdefault
You eat na!

 

8. Kayang mong bitawan ang pick up line na to sa kanya:

Boss, PDEA ka ba? kasi di ako manlalaban.64995497

  • Yes, ganun kami ka-close – 10 points
  • Puede, pag good mood sya – 5 points
  • Luh! mas muka syang drug lord – 1 point
  • Mas¬†mukang pusher kaya!¬† –¬† 0 point

 

 

 

 

9. May selfie photo kayong dalawa sa phone mo:

  • Yes, naka-360 filter and collage pak na pak- 10 points
  • Yes, hindi nga lang naka-collage pero pak na pak pa rin – 5 points
  • Meron, pero binura ko kaagad – 1 point
  • Meron ito o …
me
0 point zero walang point

 

 

10. Wini-wish mo na sana isang araw di na sya ang boss mo:

  • Wag ganun, ang bait nya hulog sya ng langit- 10 hulog points
  • 50-50 ako – 5 points (agaw buhay lang teh)
  • Naiwan ko ang pake ko – 1 point
  • Yes! naman! – 0 point

65571338

 

11. Buong puso mong sinusunod utos nya, hindi ka nagrereklamo kahit madaming utos, pagod ka na tapos sya walang ginagawa tapos sya ang magaling sya ang superstar (nyemas!)hqdefault

  • Yes bes. – 10 points (grabe ka bes, puede din mainis kahit every thursday)
  • Yes, with reservations – 5 points
  • No comment pero nyemas! – 1 point
  • Tigas ng muka nya! – 0 point

 

12. Sya ang dahilan bakit ka nag stay sa company (ayyy! anong meron?)

  • Oo sya ang dahilan – 10 winner points
  • Kapit lang¬† like a tarsier- 5 points
  • Dahilan sya bakit gusto ko umalis- 1 point (may point ka)
  • Lampake.. nag resigned na ko – 0 point

lurve-me

 

Ngayon, i-add mo lahat ng points na nakuha mo.

Score chart (charot):

120 points– Perfect! Ikaw na! may forever kayo ng boss mo!

119-98 points – Love mo sya pero minsan may di kayo pag kakaintindihan, pero agad nyo naman itong naaayos bago lumubog ang araw.

97-87 pointsРLove mo sya pero may ugali sya na di mo magustuhan na pinag mumulan ng inyong alitan kaya dapat unawain mo sya baka may pinag dadaanan syang mabigat na sitwasyon (nabasa ko ito sa marriage advice book).

86-66 points– Hindi sa hindi mo sya love, ayaw mo lang ng gulo kaya nagpaparaya ka hayaan mo one day marerealize nya ang value mo pag wala ka na (from the movie: Dubai).

65-55 points – Minsan love mo sya pero minsan gusto mo syang ipa-pulis o ipa-barangay.

54-34 points РAng love mo hindi basta basta nauubos pero ang pasensya mo konting konti na lang.

33-13 points– May natitira ka pang love, dalawa lang patutunguhan nyan.. it’s either mawala o mag grow. So uminom ng growee.

12-1 points– Sadyang di kayo compatible. Parang “langit-lupa song”. Pero the point na may score ka pa din… malay mo malay nya.. malaysia!

0 point – hala sya! ang love mo sa kanya ay parang kay brad pitt at angelina jolie… Waley!

Ikaw ano score mo?

Posted in Space Tips

10 Tips Paano Wag Ma-Beast Mode Sa Kasama Mo Sa Trabaho

Aminin natin kahit gaano ka ganda at ka ayos ang company na pinag-ta-trabahuhan mo, meron talagang tao (As in talaga) na makakapag-beast mode sayo at sisira ng araw mo. Katulad ngayon, sa oras na ito, sa mga sandaling ito… eto nanaman sya… pero kalma lang… imbes na ma-imbyerna, heto ang 10 tips para di ka mainis at kumulubot na parang prune dahil sa hinayupak na ka-trabaho mo.

1.¬† Isipin mo na lang na sya ay iyong Ina (na menopause) or Kapatid (na blacksheep) or Kamag-anak (na may saltik). Di ba nga kahit gaano pa kalalala ang ugali ng mga taong related sa atin di natin sila kayang patulan kasi nga pamilya sila. Respeto. So ganito na lang isipin mo… pamilya sila (Buset!).

2.¬† Pag binato ka ng bato gawin mong pang hilod. Ang magaspang na kahoy ay pinapakinis ng liha. May mga tao talagang nakaka irita, istorbo sa trabaho, epal ganyan… pero kahit gaano sila ka gaspang, isipin mong sila ang nagpapalabas ng kinang mo. When they attack you.. Shine! When they speak negative about you.. don’t fight back… just Shine!

image

 

3.  Gawan mo sya ng tula (poem). Katulad nito:

          Ikaw ang sili sa aking sawsawan
          Ikaw ang alipunga sa aking talampakan
          Ikaw ang singaw sa aking  lalamunan
          Ano pa? Kulang na lang ilagay ko ang iyong pangalan.

Tapos iprint mo sa A4 size paper tapos ipost mo sa CR (Joke lang). Pero puede mo din isulat sa post it sticker tapos ipost mo sa computer screen mo, tulad nito:

Yes ganyan kagulo ang computer screen ko
Yes ganyan kagulo ang computer screen ko

 

4.¬† Alamin ang paborito nyang pagkain. Kainin mo ito sa harap nya… tignan lang natin kung di sya humingi, pero pag ang paborito nyang pagkain ay siling labuyo, skip mo na ang tip na ito, punta ka na sa tip number 5.

5.¬† Pag sobrang nakaka-irita na sya at lumalagpas na sya sa boundary ng pasensya mo, ito tandaan mo… MAS MAGANDA KA. Oo ulit ulitin mo sa puso at isip mo. Huwag mong ibigay ni butil o alikabok ng ganda mo sa kanya. Imbes na bumaba ka sa level nya.. Rise above it. Lipad Darna lipad!

image

 

6.¬† Kapag Umepal sya sa Boss mo at ikaw ang lumabas na may kasalanan.. wag mag wala at mangisay na parang bulateng hinagisan ng asin. Keep your posture. Sabi nga sa kasabihan, “Ang tumatakbo ng matulin pag matinik ay malalim”.¬† Di ko alam kung anong konek pero di ba ang deep?

image

 

7.¬† Itong number 7 ang pinaka gusto ko. Lagyan mo ng thumb tacks ang upuan nya! (Joke lang) Masama yun! Baka matanggal ka pa sa trabaho. Lagyan mo na lang ng langgam.. yung kulay pula ha hahaha (Joke lang ulit). Bubble gum na lang para di masakit… nguyain mo muna tapos ilagay mo sa upuan nya.

Unicode

 

8.¬† Pag timpla mo sya ng kape.. yung matapang.. ng kabahan naman sya. Wag mo kalimutan lagyang ng note…

image

 

9.  Add mo sya sa Facebook. Tapos mag post ka ng mga quotes na patama sa kanya.

forgive-your-enemies-but-never-forget-their-names-enemy-quotes-for-share-on-facebook.pngGanyan… tapos lagyan mo pa ng hashtag na #lifeisbeautiful. Tapos after 11 days unfriend mo na sya. Sabihin mo na-hacked ang FB mo ūüôā

 

10. And lastly, ang pinaka simple pero pinaka mahirap atang gawin: DEDMA. What is DEDMA?

Ito ay galing sa english word na “dead” at tagalog word na “malisya”. So pag samahin mo sila mabubuo ang word na DEDMA.

May nabasa ako na ang dedma is a healthy defense mechanism (somoso-sociology teh). Pero syempre may right time para gamitin ito at may time din na kailangan mong iconfront ang tao. Kumbaga, choose the battle that matters, kung sa tingin mo ay waste ng time makipag argue… then DEDMAhin mo na lang full stop.

 

Image by Mailan Falculan on her blog https://mailanfalculan.wordpress.com/2015/12/03/13-quotes-that-will-improve-your-emotional-intelligence/