Posted in Space Bakes

May Abs Na Ang Braso Ko

May omorder ng cupcake! Kaloka! Matagal na ko di tumatanggap ng order.. kasi wala naman talaga na-order wahahahaha! Nag b-bake na lang ako pag may okasyon tsaka pag sinipag ako at pag full moon ganyan ahhahahaha. Pero talaga dapat nyo matikman ang brownies ko kasi yun talaga makakapag palimot ng mapapait na nakaraan nyo sa earth ahhahahaha! Tsaka isulat nyo ung name nyo sa papel bago nyo kainin yung brownies ko kasi makakalimutan nyo din hahahahaha! Teka saan na ba ako? Ayun nga balik tayo sa order:

Ano? Cupcake

Ilan? 20 pcs. Bilang ng tao sa office nila

Para saan? Gender reveal boom boom pak

Kelan? Biyernes (kahapon)

Magkano? $2 each (so bale $40 lahat beri good)

Ano flavor? kahit ano basta 10 pink 10 blue (gets!)

Pano ang delivery? Daanan sa bahay ng Friday morning.

OKAY let’s get it on! Saya ko nung bumili ng ingredients nung Wednesday. Naka $23 ako na pinamili. So na-compute ko na kikitain ko:

Benta $40

Binili $23

Kita Β  Β $17 – Β Apat na meals na yan without drinks

Thursday night. Eto na excited na ko mag bake. Ready na lahat. Pero may problema.. di ko makita yung hand mixer ko. Oo nga simula ng lumipat kami ng bahay di ko na sya nakita. Hinanap ko sa storage. Sa mga cabinet inisa isa ko. Waley talaga. Ayoko ma-stress kasi dapat pag nag-bbake dapat masaya, kasama yun sa ingredients. Nasasayang oras ko.. dis oras na ng gabi hello. So sinimulan ko na lang, mano mano na lang pag mi-mix. Okay lang yun. Iniisip ko na lang noong unang panahon nga walang electric mixer pero chill lang sila.. ako pa? Hahahahaha!

Okay na yung cupcake. Ang problema ko talaga ung frosting. Kailangan ko talaga ng mixer para maging fluffy ung butter bago ilagay ung icing powder. Naisip ko bumili ng ready made na frosting. Meron sa NTUC 24 hours open yun. Kaso naisip ko, una parang dinaya ko naman ung customer ko kung bibili ako ng ready made. Pangalawa, mahal yun mababawasan ang kita kong $17 hahahahaha!

Pag pa-give up ka na may isang kang puedeng puntahan — ang YOUTUBE hahahahahaha! Sinearch ko how to make frosting without an electric mixer? hahahahahaha! Ayun lahat ng video na napanuod ko iisa lang ang ginagawa.. mag halo ng mag halo hanggang magka abs ang braso.

Lagpas na ng ala una ng madaling araw nag hahalo pa din ako ng pang frosting ko, hindi ko na iniisip ung kikitain ko, iniisip ko na lang pag natapos ko to makakatulog na ko hahahahaha! Dasal lang talaga. After 40 minutes eto sila, naiyak ako after ko sila ma-mix:

Wag ko lang gawin to everyday baka sumali na ko sa body building contest hahahahaha!

 

Kamusta naman ang biceps ko? Woooo Hahhahaahaha!

Muntik ko na mapatakan ng luha sa pagka tears of joy hahahahaha! Sakit na ng braso at antok na ko. Tapos eto na nga ang frosting moment, eto ung part na dapat naka smile ka habang ginagawa kasi pag naka simangot ka papanget ang frosting. So kahit antok na ko at masakit ang braso naka smile pa din ako hahahahaha!

 

Gender reveal it’s a girl boom boom pak!
Gender reveal it’s a boy boom boom pak!

So ayan puede na ko matulog. Masaya akong matutulog.

Kinabukasan, ayun nga dinaanan na sa bahay ang cupcakes. May kinita akong $17! Woooo! Nag half day leave na lang ako sa work kasi di ko kaya pumasok ng maaga, 2.5 hours lang tulog ko hahahahaha! Balak ko matulog muna ulit tapos pasok ako ng 1pm. Tapos bago ako pumasok ng room tinanong ako ng tita ko bat late na ko nakatulog, sabi ko nag mano mano kasi ako mag mix, di ko makita ung hand mixer ko. Muntik na ko mahimatay nung sinabi nya, andito sa loob ng cabinet ng sink sa baba yung bag na green. Tapos binuksan nya ung cabinet may bag nga na green. Andun nga sa loob ung electric mixer ko. Mixed yung feelings ko, masaya kasi di pala nawawala at di ko kailangan bumili ng bago, naiinis kasi ang shunga shunga ko bat di ko yan nakita kagabi. Pero overall masaya ako. Kahit puyat may $17 at may abs sa braso hahahahaha!

 

P. S.

Ang gusto ko talagang i-blog yung brownies ko. Pero dahil mas masaya tong cupcake story kaya eto nasulat ko. Pero post ko na din ang brownies para ano… gusto ko lang bakit hahahahhaha!IMG_1600

 

Advertisements

Author:

Lahat tayo need ng Space. So ito na ang kasagutan hahaha! Samahan nyo ako sa baliwag kong kwento. Aim ng blog na to ay mapagaan ang mabibigat na damdamin. Di ko man matanggal ang problema nyo, sana kahit papano mapatawa ko kayo ano po? Allow me to have this space and name this blog spacekoto because anything that occupy space matters! Charot!

42 thoughts on “May Abs Na Ang Braso Ko

  1. Waaah gusto ko ng brownies!
    Hehehe! Jusko tatalunin mo pa si vin morales at jackie lou blanco sa arms!
    Seryoso na, i love the baked cupcakes! Yan ang instaworthy… di tulad ng mga peborit kong okrayin sa ig na mga feelingera bakers. Heheheh

    Liked by 1 person

    1. Binasa ko ulit ung okrayan session natin! Wahhahaahhaha! Ang bait bait natin! Hahahahaha! Pag nag stop over ka talaga dito sasalubungin kita ng brownies! Tagalan mo ng stop over mga 24 hours ganyan! Hahahaha!

      Liked by 1 person

  2. Wow! Itsura pa lang nung cupcake mukhang masarap na. Iba talaga pag mano-mano. Next time ganun na lang uli gawin mo ah? πŸ˜„

    Yung brownies dapat makatikim ako nyan ah pag pumunta ako uli dyan. Tapos gagawan ko ng reaction video. Heheh..

    Liked by 2 people

    1. Sakit sa braso! Hindi na ko mag mano mano nakita ko na ang mixer ko hahahaha!

      Oo dapat matikman mo ang brownies makakalimutan mo ang pait ng nakaraan hahahahaha! At pangalan mo isulat mo bago mo kainin hahahaha! Mas malupet pa sya sa story ni Emi at Tako! Hahahaha!

      Liked by 2 people

      1. Hindi ko lang isusulat pangalan ko sa papel, magre-record din ako ng video tapos dun ko babanggitin yung complete name and address ko para hindi ako magduda talaga. Kase kung sulat lang baka pati penmanship ko makalimutan ko din.. baka hindi ko paniwalaan na sulat ko yun.. 😁

        Liked by 2 people

      1. Mahal talaga yun kasi times 2 ang gastos hahahahaha! Alam ko yan hahahaha! Burahin natin ang memories mo na yan palitan ng happy memories! Punta na dito! Isama mo na si kuyang engineer! Hahahahaha!

        Liked by 1 person

  3. My labs, pag bake mo naman ako ng brownies mo!!!! ❀
    Bakit di mo kasi tinanong si Tita agad kung nakita ba nya yung electric mixer eh!! Pero congrats sa abs sa braso mo ah hahahahaha

    Liked by 1 person

    1. Kasi ang aga nila natutulog gusto ko sana gisingin kung nakita nila ung mixer ahhahahaha! My labs! Punta ka na dito gagawan talaga kita ng brownies! ❀️❀️❀️

      Like

    1. Doc! Na-compute ko na! Lugi nga waaaaaa hahaha! Di bale basta di lugi sa tulog hahahaha! Next order di na ko papalugi gagamitan ko na ng mixer. Masarap talaga daw lalo na yung brownies hahahaha! May order ulit!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s