Posted in KwentoKoto

SpacekoTwo

 

Hello mabuhaaaaaaaaayyyyyy!!! Wala akong topic hahahhahaha! Eto kasing si wordpress, nag-email: beh 2 years na blogsite mo anunah?

fd5e17ab-8038-4f53-9598-6a55f89c961c

So congratulations naman self. 2 years na kong blogger sa gigilid slash social media influencer slash great singer slash feather weight champion slash humble person. Wala talaga ako topic nubayan.. tignan ko kung matatawid ko tong blog na to hahhahahhaha! Magkakalahating taon na ko di nagkakapag-blog dahil sa mga excuses ko sa buhay. Unang una.. busy ako.. yesss naman. Pangalawa nag-a-audition ako para maging artista! Joke lang. Walang pangalawa, busy lang talaga.

b70c18ae-2ae2-4d67-ba3b-9a058c63c721.jpg
hotdog

Bago na pala pinapasukan kong company. 2 months na kong awesome dito yess naman. Nag-resign na ko sa dilawan na company.. andito na ko sa boom boom pak clap your hands company hahhahahaha! Every friday may pa-andar na meryenda. Pag biyernes ang tawag nila ay “sweet friday”. So friday ngayon.. ang dessert namin ay ———– Black glutinous rice with red bean and coconut milk! Pak! Lasang champorado na chewy na nakakapawi ng pagod yesss naman.

IMG_9278

Ayy gusto ko palang sabihin na masaya ako sa work ko. Minsan nakakapagod kasi madami talagang trabaho. Pero pag masaya ka naman di mo mararamdaman ang pagod.. yung gutom lang hahahhahaha. Pero lagi may nagbibigay ng food dito. Siguro muka akong parating gutom. Tsaka nang hihingi talaga ako ng pagkain katulad kaninang umaga, wala akong breakfast kasi nagmamadali na ko pumasok (syempre pa-bibo). Ayun ginamit ko ang acting skills ko, naka-delehensya ako ng tinapay sa officemate ko. Yung kape libre naman dito, pati tea at tsaka milo at cereal drinks.

IMG_9267

Madami akong gustong ikwento actually kaso may tinatapos ako deadline today. Pero burberry lite lang wait. Nung 2nd day ko dito, tinawag ako ng manager ko. Sabi gagawin daw akong isa sa mga judge. Akala ko judge ng beauty contest.. mag-judge pala sa Sales Competition ng sales department. May product silang ipe-present sa amin tapos pipiliin namin kung kanino kami mapapabili. Half day din ang inabot ng event na yun. Syempre napaka-fair ko ang criteria ko para mapabili ako ay pag cute ang nag bebenta. So may nanalo na hahahahaha! Tapos ang masaya yung winner shinare sa amin ang prize na grocery vouchers.. pinag hati hatian namin. Parang inside job tuloy ang nangyari hahahahaha!

d2f7c574-fabb-4cf0-aa1d-4eb32c2cac87
shout out kay doktora Glaiza & madam Leeanne, sila may kagagawan nito.

 

Babalik na ko sa trabaho kasi nga di ba nagpapa-bibo ako. Gusto ko pala mag-pasalamat sa inyo mga friends kasi sa loob ng dalawang taon hindi nyo kinlick ang unsubscribe button. Thank you sa pagbabasa ng sinusulat ko.. minsan inuuna nyo pang magbasa kesa mag trabaho.. very good yan. Ang purpose ko talaga bat ko ginagawa to ay para magpasaya. Kahit isa lang mapasaya ko solb na ko.

8fdf23f5-eace-426b-a50c-6fa11b4e1557
ang snacks ng mga matured mag isip

Pasensya pala wala akong giveaway this time kasi walang time bumili at wala rin akong maisip na bilhin at tsaka walang sponsor nubayan at wala din akong budget hahhahahahaha.

Pero wait nakagawa ako ng paraan. Gusto ko talaga kayo i-appreciate. Yung makakasagot ng tama sa tanong ko ang makakatanggap ng bonggang pantry package hahhahhahaha! Dalawa lang ang winner kasi, pang dalawang tao lang na-delehensya ko.

IMG_9231

Ang tanong: Ano ang meryenda namin ngayong “sweet friday”?

Comment na at matatanggap nyo ang pinag hirapan kong bonggang pantry package hahahhahahaha. Thank you and mabuhay ang mga parating gutom!

 

exif_temp_image
SpacekoTwo

 

 

Advertisements

Author:

Lahat tayo need ng Space. So ito na ang kasagutan hahaha! Samahan nyo ako sa baliwag kong kwento. Aim ng blog na to ay mapagaan ang mabibigat na damdamin. Di ko man matanggal ang problema nyo, sana kahit papano mapatawa ko kayo ano po? Allow me to have this space and name this blog spacekoto because anything that occupy space matters! Charot!

44 thoughts on “SpacekoTwo

  1. Black glutinous rice with red bean and coconut milk! Competitive ako Space! šŸ˜‚šŸ˜‚šŸ˜‚ Miss you! Alam mo na address ko ah, pero pwede din naman kita intayin umuwi ng Pinas, matyaga ako mag-intay! Bwahahahhaahhaa Happy 2nd blogsary! (may blogsary ba talaga na term?!)

    Liked by 1 person

      1. Happy 2nd Blogiboomboompaksary!!!! (whew! ) Hahahahahahahahhahaha pwede naman kila Rhea ipadala, sasabihan ko si manong guard ng condo na itimbre sa akin, pag dumating na… Yiiii excited na me much! šŸ˜‚šŸ˜‚šŸ˜‚

        Like

  2. Black glutinous rice with red bean and coconut milk

    Ako ang mananalo hahahahahaha happy second anniversary sa blog na to Space. Galingan mo mag alt-tab sa work para mukhang bibo pero nakakapag blog pa din!! Hahaha ā¤

    Liked by 1 person

    1. Kat! Tama ang sagot mo pero may nanalo na! Hahahahaha! Di bale pupunta ka naman dito, punta tayo sa playground hahahaha! Yesss grabe may pakunot kunot pa ko ng noo habang nag-ta-type sa pc ko nung friday.. kunyari talagang nag-wowork ako bwahahahahaha!

      Liked by 1 person

  3. Happy 2 years!!! Sa wakas nag Followback ka na din hahahaha tagal kong hinintay yun eh hahaha…..

    Anyways, Congrats… ang ganda ng plating sa pics… nagutom ako… who knows that hotdog and chichirya can be that beautiful?! Hahahahaha

    Liked by 1 person

    1. Salamat Jonathan! Kala ko na replyan ko na to hahhahahhaa! At akala ko din na-follow na kita hahahahhaa! Mga kaibigan ko may kagagawan nyang pictures ng pagkain, ako taga kain lang sobrang supportive nila sa pag bblog ko hahaha!

      Liked by 1 person

  4. Wohoo! Happy 2nd anniv sa mundo ng blogging, Space. ā˜ŗ

    Lumipat ka na pala ng work? Edi malayo ka na pala nyan kay Manang na nagtitinda ng chicken stew? Kelangan ko matikman yun. šŸ˜Š

    Liked by 1 person

      1. Hindi nako sumali para give way naman sa iba. Last year kase ako na nanalo, so pag ako uli naging winner ngayon baka isipin ng iba may dayaang nagaganap. Eh alam mo naman hindi ako dilawan diba? šŸ˜

        Ah, auntie nga pala ang term dyan. Manang tuloy nasabi ko, eh sa Pinas nga lang pala yun. Hahaha.. Sige, basta balikan natin si auntie next time..šŸ˜Š

        Liked by 1 person

      2. Hahaha.. Sabi na eh, sasabihin yan. LOL.. Yun nga problema ko eh, nag 5 days leave nako last month para sa Taiwan trip ko, tapos 6 days naman ngayong month sa Japan trip ko. Kinakabahan ako baka di nako payagan. Pero we’ll see..

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s