Tinanong ako ng friend kong si Thad kung gusto kong pumunta ng Melaka. Sabi ko naman eh tignan ko ang sched ko kasi madami akong trabaho, tapings, shootings ganyan hahahahahha! Sabi nya, ipapadala daw sya ng company nya dun para sa extravagant pak win win exhibition of the year… “free transport at hotel ayaw mo?” Nagliwanag ang mga mata ko nung narinig ko yung word na “free”. So sabi ko sige cancel na lahat ng tapings madali naman ako kausap ahahhahahaha!
Ang saya kasi out of 3 million nyang friends ako yung napili nyang isama. Pakiramdam ko nanalo ako sa raffle draw ahhahahhahaha! May isa pa akong kasamang nanalo si Roy. So bale tatlo kami ba-biyahe papuntang Melaka! Libre mga kaDDS!

So anong ganap sa Melaka? Wala naman hahahahaha! Di ba nga business trip yun. So Sampid lang kami. Pretty little sampid ganyan.
Pero kahit sampid puedeng mag enjoy sa Melaka. Puedeng kang umastang may business trip din ahahahahaha! Nilista ko dito ang mga puede mong gawin dun kasi Malay Mo Malay Niya mag punta ka din ng Melaka (for free):
Number 1.. yes buena mano.. puede mong hanapin si Mr. Right. Sa pagkakataon na to nahanap ko siya. Nasa Melaka lang pala sya nag titinda ng throw pillow sa Jonker Street.

Number 2.. Sumakay ng trishaw at libutin ang Melaka in Santa Cruzan Flores de Mayo style. Pili ka kung anong theme ng sidecar mo:
- Frozen – Kung gusto mo mag Let Go
- Pikachu – Kung dilawan ka
- Spiderman – Kung epal ka at gusto mo ng great power and great responsibility
- Hello Kitty – Kung strong and independent ka
- Doraemon – Kung ikaw yung kakainin pa din ang nahulog na food kasi wala pang 5 seconds (dito ako pasok).
Number 3.. Mag punta ng mall. Yes para maiba hahahahaha. Habang nasa exhibition extravagant kyembular of the year si Thad at si Roy naman ay busy ma-achieve ang 10 hours of sleep.. ako naman ay di mapakali.. gusto ko lumabas, gusto ko mag lakad, kahit side steps kahit ano basta nag mo-move ganyan. So nag book ako ng Grab (Awuw) para pumunta ng mall. Napaka init sa Melaka sa totoo lang.. hindi ko nagamit ang jacket kong pang hypebeast. Ang mapalad na mall na nabisita ko ay ang Dataran Pahlawan Megamall hahahahahaha. Nag enjoy ako sa mall tour kasi aircon at may reading corner sila. Walang nagbabasa. So solo ko yung lugar hahahahaha!


Number 4.. Lumafang. Pag sinabi kasing Melaka ang unang naiisip ko ay pagkain. Actually yun ang laging nasa isip ko hahahahahaha! Kilala ang Melaka sa masasarap na food. Nasa unang list na dapat mo makain sa Melaka ay ang Chicken Rice Ball. Dahil rekomenda ni ourlifeinsuitcases ang Famosa Chicken Rice Ball, yun ang hinanap namin. Nagkaligaw ligaw pa kami at muntik pa ko mahulog sa imburnal hahahahaha! Tapos nung nakita na namin ang stall.. sakto! Nilagay yung “Closed” signage! Ubos na daw ang balls! Hahahahahaha! Ayun nga nga!
Hanap kami ng ibang may Chicken Rice Balls. Nakahanap kami sa looban. Ang masasabi ko lang.. it taste like chicken! Hahahahaahaha! Pero yung pork charsiew ang winner.
Eto pa isang winner grand prize! Ang Cendol. Ang Cendol ay dessert na parang buko pandan na hinde. Parang mais con yelo na hinde. Parang halo halo na hinde hahahaha! Wala ako ma-i-kumpara. Basta masarap. Google nyo na lang baka mali masulat ko ano. Bagay ito sa mga maiinit ang ulo kasi nakaka-chill.

Number 5.. Puede ka umaura. Pero kahit saan namang lupalup ng mundo puede ka umaura. Pero sa Melaka iba! Iba mga kaDDS! Wala silang pake! Hahahahahahha!
Paalala: Ang mga makikitang photos ay pawang example lang. Please no judgement. Hahahahahaha!





Number 6.. Makipag siksikan sa Jonker Street. Buhay na buhay ang street na to sa gabi. May night market dun every Friday to Sunday. Nag bubukas sila ng 6pm hanggang 12 ng madaling araw. Eto masasabi ko. Safe sya. Kahit hawak mo phone mo at mag pipicture ka at mag IG story sa Jonker safe na safe at walang hahamblot ng bag mong hermes charot! Hahahahahaha! Madaming patrol na pulis sa paligid. Basta di ka mukang snatcher di ka susundan ng pulis. Pero kung ayaw mo naman ng madaming tao at siksikan.. eh di pumasok ka na lang sa 7-Eleven dun ka mag ikot ikot hahahahahaha!


Number 7.. Puede ka maging hero. Puede ka mag sauli ng naiwang wallet sa lobby ng hotel. Ganito nangyari.. si Thad, nakakita sya ng pahabang wallet at nakabukas.. kita ang makapal na pera na tig 50 ringgit. Parang pagsubok. Isosoli mo ba o pang bibili ng pagkain para sa mga less fortunate? Pumikit sya.. tumingin sa taas.. nakita nya ang CCTV naka tutok.
“Ahhh I think someone left a wallet here” sabi nya agad sa counter.
Ayun hero na sya ahhahahahahahahahaha!
Hindi ko na napicturan, only CCTV knows.
Number 8.. Puede ka maka-witness ng action. Yung driver namin na mag hahatid sa amin pabalik ng SG muntik ng makipag sapakan sa isa pang driver. Yung driver namin na mukang gangster na parang si General Bato yung katawan bumaba ng kotse at sumugod sa isang driver. Nagka initan sila sa traffic. Kasi yung isang driver tinaasan sya ng kamay.. na naka-angat ang gitnang daliri. Na-imagine nyo? Hahahahahaha! Alam nyo yung gitnang daliri? Ang hirap mag explain hooo! May followers kasi akong minors na pa-major ahahhaahaha! Sabi ni General Bato pag ginawa mo daw yun (yun nga ung gitnang daliri) sa Malaysia.. yari ka. Sabi ni Bato kung wala daw kami na pasahero nya baka nasa orthopedic na daw yung lalaki hahahahahaha!

Number 9.. Mag river cruise kung may budget. Kung wala naman puedeng maglakad lakad along the river, yun ang ginawa namin hahahahaha! 18 Ringgit sya, presyo na yun ng 6 na cendol hahahahahaha! In fairness malinis ang ilog at walang unwanted smell. Feeling ko pag mag hagis ka ng lambat may mahuhuli kang tilapia hahahahahaha!
Number 10.. Last na to.. kung binasabasa mo pa din ito.. hala salamat. Hinuli ko talaga to. Isa sa pinaka importanteng dapat mong gawin sa Melaka ay mag-suot ng complimentary bridal gown ng hotel. Bago kayo mag check out sa hotel make sure makapag photoshoot kayo ng ganito. Tapos i-post nyo sa social media nyo para ma-congratulate kayo. Best Wishes! Hahahahahaha!

So ayan ang sampung utos charot! Ayan ang puede nyo gawin sa Melaka. Puede nyong dagdagan pag andun na kayo. Ang importante sa lahat, mag-enjoy kayo kahit saang lupalup man kayo mag punta kahit Nepa Q Market pa yan. As a person, ang balak ko talagang next na gawin ay palengke tour hahahahaha!
Again, thank you Thad sa libreng win win pa-Melaka trip and opkors… Terima Kasih Melaka!!!

parang ang saya saya ng trip nyo na ito., thanks for sharing!
LikeLiked by 2 people
Kuya June ang sarap pag libre hehehe😆
LikeLiked by 2 people
Yes!!! Haha winner ang to do list!! Peborit ko yung gown shempre
LikeLiked by 2 people
Yun din peborit ko! Nagka slow confidence ako dyan hahahahhahaha!
LikeLiked by 2 people
aliw ka tlga ate space! kitang kita na nagenjoy ka sa melaka, panalo ang gown! hahahaha! ung puso ko sumisigaw na ng bakasyonnnnnnnnn!
LikeLiked by 2 people
Hahahahahhaa! Yun lang di ko ma-irampa ang gown baka sitahin ako ng security! Sumisigaw din ang bakasyon ng Anunah? dito na me where na u?!!! 😂
LikeLiked by 2 people
Aha sa Melaka pala yung shoot ng gown mo! hahahaha
LikeLiked by 2 people
Uu Kat made in Melaka pala mga gown ni Vera Wang hahahahaha!
LikeLiked by 2 people
Hahahahaha. Eto pala yung mga nakikita ko sa IG Story mo. Panalo talaga yung gown. Ang haba pala nitong blog pero bakit parang bitin pa din sa kwento? Hahahaha.
LikeLiked by 4 people
Uu sabog IG story ko nun hahahahaha! Ang hirap mag blog sa office mabilisan ikaw na lang mag tuloy pag punta mo ng Melaka ahahhaahaha!
LikeLiked by 3 people
Hahahaha. For 1 second nabiktima mo ako sa wedding gown. Ang ganda eh. At ang haba na pala sobra ng buhok mo!!!
LikeLiked by 2 people
Hahahahaha ang kulet nyo po😉
LikeLiked by 3 people
Hello RheaSilient thank you binasa mo kahit magulo hahahhahaahaha!
LikeLiked by 1 person
Madami talagang nagiging superhero kapag may CCTV.. 😁
LikeLiked by 4 people
Kaya nga marami ng buhay ang binago ng CCTV ahahahahahahhaha!
LikeLiked by 1 person
Thank you for wearing my creations! Its really for mga Wang bu’s VIP clients. Thank you space for being one of my Wang bu’s creations model lolz
LikeLiked by 3 people
BWAHAHAHAHAHAHA! It’s an honor to be chosen by the prestigious Wang Bu Group. I will do my best to fulfill my duty as a Binibini and be the voice to the people and to my pamili my pamili I thank you! Philippines!
LikeLiked by 2 people
Hahahahaha next trip ahhhh!! Magkakasama na tayo! 😘😘 ganda ganda ng mabilisan mong kembular sa office.. hahahaha more!!!
Love lots from a fan, momofaprince! Lol
LikeLiked by 3 people
Yesss Doktora! Kekyembular tayo sa next trip.. yung dream destination natin .. JB! Bwahahahahaha! JB $10 Challenge!
LikeLiked by 1 person
Nag-enjoy ako sa pagbabasa. Pak na pak yung gown
LikeLiked by 3 people
Salamats Gurezu sa pag basa! It’s a Vera Wang Bu gown for Buangs ahahahahaha!
LikeLiked by 1 person
haha atwang-tawa ako
LikeLiked by 1 person
Ayann at nakapag invest ka nanaman sa friends hehe! Saya saya naman nyan 🙂
LikeLiked by 3 people
Uu mahalaga talaga mag invest sa mga friends hahahhahaha ayan nakalibre ako ng tour hihihihihi!
LikeLiked by 1 person
Ang dami kong reax, pero baka maging isang blog post na kung iisa-isahin ko. Basta sobrang benta ka talaga, Space ((: Tsaka yung plato na nilagyan mo pa rin ng label na “plate.” ANOBA HAHAHAHAHAHA
LikeLiked by 3 people
Doc Jem! Dapat lahat may label ahahhahahahahaa! Gusto ko yang pa-blog post reaction hehehehe
LikeLiked by 2 people
Dapat ni-labelan mo rin yung wedding photos mo. Hahaha!
LikeLiked by 2 people
Iba ka. Nakarating agad ng malaysia hahahaha
LikeLiked by 3 people
Ji! Nakapag invest ako sa mga friends kaya nakapag Malaysia wahahahahhaha!
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHAHHHA hu u Catriona Gray??????
LikeLiked by 3 people
hu u talaga sya kasi ako si Cartolina Gray! Bwhahaahahahaha!
LikeLiked by 1 person
Bwahahahahahahha
LikeLiked by 1 person
ANG BONGGA NUNG LAST NAKAKAINIS KA MY LABS HAHAHAHAHA
LikeLiked by 3 people
Dream come true ko yan my labs! Makapag suot ng ganyang wedding gown bwahhahahaha!
LikeLiked by 1 person
hahahha napatawa ko nto.. bet ko ung last mo na bridal gown. ang galing..
LikeLiked by 3 people
Sobrang honored ako na makapag suot ng bridal gown ng Vera Wangbu group hahahaha! Salamat binasa mo hanggang dulo😁
LikeLiked by 2 people
Hi! I nominated you for the sunshine blogger award 🙂
LikeLiked by 2 people
Hi Mark! Thank you sa nomination! I feel so honored like an honor student😁 Sige sagutan ko yan i just need time and space ganyan haha
LikeLiked by 2 people