Posted in KwentoKoto

Love Is Blog: Book Review at Si Ate Girl

Mag rereview ako ng book. Magiging seryoso muna ko ngayon ano po. Teka pano? Hahaha. Ok eto na. I’m sure narinig nyo na ang librong pinamagatang LOVE IS BLOG. Hindi pa? Ok, ituloy ko ang book review. Pero sa mga nakabasa na… eh kamusta naman ang buhay pag-ibig? Hahaha. Ok seryoso na ulit. Ang libro na ito ay isinulat ni Dr. Eamer. Isa syang peymus na blogger hahaha. Teka gagandahan ko ng intro. Si Dr. Eamer, ay batikang blogger at kinikilala sa lipunan. Madami dami na syang natanggap na parangal na di ko na kayang banggitin dahil mauubusan na ako ng space dito. Speaking of space, sya nagbigay sa akin ng space sa P.S.A . Ayan, sana mabigyan ako ng discount sa Liliw Tsinelas sa mga sinabi ko.

Mabalik tayo sa libro. Love story sya ni Pep at Hannah na may commercials in between. Yung commercial ay mga blogs ni Dr. Eamer, bale 25 lahat. Naka-sandwich ang mga ito sa bawat chapter ng story ni Pep at Hannah. Pag nagbabasa ako ng libro, ini-imagine ko ang mga character na totoong tao. Dahil malakas impluwensya sa akin ng La Luna Sangre, si Pep, na-iimagine ko sya si Daniel Padilla. Si Hannah ay si Katherine Bernardo. Si Rolly, si Paolo Balesteros at si Dem ay si Pia Wurtzbach. Pak!

Sa eroplano ko ito binasa habang buma-biyahe pabalik ng Singapore. First time kong di nakatulog sa eroplano, kasi, una ang lakas humilik ng katabi ko, pangalawa nakakatuwa basahin yung libro.  Di ko alam kung irereview ko ba yung book o i-kkwento ko yung katabi ko sa eroplano. Gawin ko na lang pareho. Hahaha.

 

Ang tagal umandar ng eroplano. Umiiyak na yung batang nasa harap namin, inip na inip na. Si ate girl na katabi ko sarap ng tulog kaka-inggit. Pag nag babasa ako gusto ko may sounds, so sila yung sounds ko. Ang saya. Nasa page 158 na ko nang maramdaman kong umuusad na kami. Maingay pa din. Ang saya. Yung hilik ni ate girl, yung tunog ng makina ng plane, iyak ng bata sa harap at ang tawa ko sa Blog #1 ay nag sabay sabay habang papalipad kami. Ito na ata ang pinaka masayang take off na na-experienced ko hahaha!

 

Nasa chapter 2 na ko nung nagising si ate girl, tinap sya ng stewardess kung ano gusto nya, ”coffee, tea, juice?” Parang wala sya sa sarili nya, sagot nya “huwater” (wala sa mga choices).  Ako naman ang sagot ko “chiiii” (tea). Tinigil ko muna ang pag babasa, nahinto ako sa ‘Blog #6: Ikakasal Na Sila, Ikaw, Kailan?’ Tinupi ko ang page 186. Lalapang muna ako. Sabay kami kumain ni ate girl, gusto ko syang ngitian kaso ayaw nya tumingin sa kin, naka focus sya sa food.

 

In 5 minutes natapos kami kumain, para kaming nag co-contest ni ate girl, mahuli maghuhugas ng pinggan. Hahaha. After naming kumain, kinolekta ng stewardess ang tray. Back to sleep ulit si ate girl. Ako naman back to Love is Blog. Talaga sigurong masarap matulog pag busog, kasi ang lakas nanaman ng hilik nya. Ok lang sa akin yun. Kaso parang bumibigat ang kaliwang balikat ko. Yung ulo ni ate girl nasa balikat ko! Binabasa ko na nun yung ‘Blog #12: Pitong Utos Sa Pagkakaroon ng Crush’. Dapat may pitong utos din sa pag tulog sa plane. Bawal matulog sa balikat ng katabi. Hehehe.

 

Pinaka ayaw ko sa biyahe ay ang turbulence. Madami pumapasok sa isip ko. Ayun nga, nag announced ang crew, walang munang gagamit ng toilet at isuot ang sinturong pangkalawakan kasi sho-shook ang plane. Kasabay ng pag uga ng plane ay sinagot na ni Hannah si Pep dun sa story, tumawa ako kasi ang galing kung pano nya sinagot si Pep. Nagising si ate girl, di ko alam kung saan sya nagising, sa tawa ko o sa pag uga ng eroplano. Napatingin sya sa binabasa kong libro, gusto kong sabihin…”share tayo? “. Tumagal ang turbulence ng mahigit kumulang na isang minuto. Tapos nasundan ulit ng isa pa at isa pa. Total 3 sets ng turbulence.  Kaya naman itong si ate girl gising na gising nakahawak ng mahigpit sa mini pillow, ako naman ang saya saya, tumitingin pa ko sa bintana na nakangiti sa mga ulap dahil sa binabasa ko hahaha! Siguro iniisip ni ate girl may saltik ako. Minsan sa buhay kailangan mo din ng turbulence para magising ka. Yes naman!

 

Natapos din ang pag shake ng plane, kumalma na si ate girl. Humingi sya ng huwater (tubig) sa stewardess. Natulog ulit sya pero wala ng hilik. Medyo natakot ako kasi wala ng sounds. Sinisilip silip ko sya maya’t maya kung nahinga pa sya. Nakatabon ang buhok nya sa muka nya, pero nahinga pa naman. Tinuloy ko ang pag basa, chapter 6 na ko. Kinasal na si Pep at Hannah! Kung ikakasal nga pala kayo, puede nyong kopyahin yung exchanges ng vows nila hahaha ay! may copyright pala.

Nag announced na ang pilot na lalapag na kami. Hindi ko namalayan ang oras. Gising na ulit si ate girl. Nag suklay na sya, nag powder at nag lipstick. Hindi na sya mukang bagong gising. Mukang may pinag hahandaan sya. Ako naman nag lipstick lang kasi baka may media pag lapag namin. Awuw. Habang nag p-prepare to landing na, binabasa ko na ang ‘Blog #24: Payo Para sa mga Taong Umibig, Umiibig, at Iibig Pa‘. Nakapaloob dito ang 9 na cases at 9 na payo sa bawat kaso. Legal advice ganyan hahaha.

 

Ang paborito ko talagang part ng libro ay yung ‘Blog #25: The Love That I Think You Deserve’. Para sa akin ito talaga yung pinaka heart ng book. Ano yung love na deserve mo? Ano ang kahulugan ng love at bakit love is blog ang title ng libro? At andito din yung pinaka mahalagang prayer na masasabi mo sa buong buhay mo. Sana mabasa nyo din ang libro. Natapos ko basahin ang librong ito habang ako ay nasa himpapawid. Pero kahit saang lugar nyo ito basahin, sigurado akong dadalhin ka nito sa himpapawid ng kasiyahan at kaliwanagan. Nyeeeaaam. Para sa copy ng book contact nyo lang si Dr. Eamer. Para sa 10% discount i-mention nyo sa kanya ang promo code: SPACEPACITO.

P.S. Legit ung promo code na SPACEPACITO. Di sya joke. Kaya ano pa iniintay nyo?

Advertisements
Posted in KwentoKoto

Mahal Kong Parañaque

Nakauwi din ako sa amin… ang saya saya ko. May sale na ticket sakto at na approved ang leave ko. Mabagyo daw ang buwan ng Agosto sa Pinas, pero nung dumating ako umaraw naman. Eh di ako na hahaha. Ang pinaka masaya at exciting talagang ginawa ko dito sa Pinas ay ang manuod ng Eat Bulaga hahaha!

Isa sa nagustuhan kong portion nila ay ang Miss Millenial 2017. Feeling ko kasi dapat ito yung sinasalihan kong contest hahaha! Kung saan may magandang babae ang nag rerepresent ng kanyang bayan or siyudad sa telebisyon. Pinapakita ng bawat kandidata ang mga magagandang lugar ng kanilang bayan at masasarap na pagkain. Katulad na lang ni Miss Pangasinan, pinag malaki nya ang kanilang 100 islands, na hindi pala 100 kundi 124 pag low tide at pag high tide ay 123. Si Miss Muntinlupa naman pinag malaki naman ang smallest lake sa Pinas, ang Jamboree Lake. Si Miss Nueva Viscaya naman ay pinag yabang ang thin crust buko pie na mas masarap pa daw sa buko pie ng Laguna. Si Miss Malabon naman ay syempre pinag malaki ang kanilang Pancit Malabon at crispy pata.

Napaisip ako, ano ba maganda dito sa amin sa Parañaque? May especialty ba kaming pagkain? Parang wala. Kung sa tourist spot mukang matatalo kami. Pero ipapanalo ko to. Dito ako pinanganak at lumaki (kahit di masyado lumaki). Gusto kong ipag malaki ang aking lupang sinilangan. Pero wala akong maisip hahaha. Piniga ko talaga. Eto na ang aking nakuha.

1. City of Hukay. Salamat sa MAYNILAD, sa effort nyang maghukay umaga, tanghali at gabi. Nag mistulang parking lot ang Dr. A. Santos Ave. sa walang galawang traffic. Dito masusubok ang iyong pasensya at determinasyon. Puede ka ding bumaba ng iyong sasakyan at iyakan ang mga hukay at sumigaw ng “Wag mo ko iwan!” Hahaha! Matatapos mo din ang pinapanuod mong korean drama at di mo namamalayan nakarating ka na pala sa iyong destinasyon after 16 episodes. 




2. May foot bridge kami. Sa Sucat Highway Interchange matatagpuan ang isa sa pinaka mahabang foot bridge dito sa Metro Manila. Tinatayang 150 meters ang sukat nito at gawa ito sa 230 toniladang bakal (hula ko lang). Dahil sa tulay na ito ay di mo na kailangang makipag patintero sa mga bus at trak na tumatawid sa crossings ng Sucat. Ligtas ang iyong buhay at may pagkakataon ka pang makita ang traffic in bird’s-eye view. Yun lang wag kang lalakad dito ng mag isa kasi may nang hoholdap daw dahil sa haba nito, mahaba din ang pagkakataon ng mga ungas na mang harbat ng dala mong gamit.

Di ko nakuhaan ng malapitan yung footbridge kasi dumaan kami sa skyway. Basta andun sya maniwala ka.

3. Manila Memorial Park. Dito kami nag jojogging. Napaka peaceful. Kung gusto mo mapag isa maganda itong venue. Masarap ang hangin, lasang bermuda grass. Dito naka libing si Ninoy Aquino, Cory Aquino at Rene Requiestas. 




4. Madami kaming sosyal na pasugalan. City of Dreams, Okada at Solaire. Nung isang araw dumaan kami sa Macapagal, grabe ang construction nila ng mga bagong hotels & casinos. Gagawin daw itong little Vegas. Sa mga sugarol, para sa inyo ito. 




5. Baclaran. There’s no place like Baclaran. Dito matatagpuan ang harmonious relationship ng jeep, pedicab at sidewalk vendors. Magkaka close kasi sila. Minsan wala ka na madaanan pero nagagawa mo pa ding ngumiti dahil sa mura ng presyo ng bilihin. Paborito ito ng mga taong katulad ko na mahilig humingi ng tawad.




6. Paranaque National Highschool. Ipag mamalaki ko talaga ito dahil dito ako nag highschool. Isa ito sa pinaka malaking public highschool in terms of population and land area. Ang daming studyante, alam ko umaabot ito ng mahigit 10,000 students. Isipin mo na lang yung graduation namin. Inabot na kami ng gabi, madilim na. Ang pinaka masayang part ng graduation ay yung tinawag ung name ng last candidate. Palakpakan at sigawan. Mga alas nuebe na yun ng gabi hahaha! 




7. Ruins Market. Hindi ito yung ruins na nanira ng buhay mo. Ito ung night market dito sa amin. Nagbubukas ito ng 7pm at nagsasara ng 12am. Andito ang mga murang cellphone accessories, damit, sapatos, laruan at may kainan din. Dito ako nagpalagay ng screen protector (php150) at cellphone case (php200). Puedeng tumawad kaya  mag Ruins na!



Dumako naman tayo sa pagkain:

1. Maty’s Tapsilog & BBQ sa Dongalo. Ang tapa dito ay hindi basta basta. Sa bawat nguya mararamdaman mo ang motherly love ng cow. Subukan nyong kumain dito hindi kayo mag sisisi.


2. Dampa sa NAIA Road. Ang tawag namin dito ay Paluto. Kasi mamimili ka ng seafood sa parang market nila tapos ipapaluto mo ayun sa gusto mong luto. May kamahalan nga lang, kaya mas mabuti mamalengke ka na lang tapos mag luto ka sa bahay nyo.


3. Lakay’s Special Palabok sa San Antonio Ave. Sa pangalan pa lang alam mo na kung ano ang specialty nila. Kaya naman inorder ko ay dinuguan at puto kasi masarap kumain ng dinuguan sa pancitan 😜. 


4.  Mama Lou’s sa Tropical Ave. Dito nag iikot sa mga table ang chef at tatanungin kung how’s your food? how’s your drink? how’s your dessert? How’s your Ex?  Lahat ng how’s itatanong nya pak! kaya mag handa ka ng sagot. 


5. Mani,Fried Chicken,French Fries sa Valley1. Alam mo yung sa mga kanto ng bayan, dun talaga makikita yung masarap na pagkain. Di mo na kailangan lumayo pa. Hanapin lang ang kariton na may kawali at kumukulong mantika.

 
Kung kayo ay magagawi sa South, inaanyayahan ko po kayong bisitahin ang aming bayang Parañaque. Para inyong masilayan ang ganda ng hukay ng Maynilad (Napaka perfect) hahaha at subukan kumain sa mga kainan na nabanggit ko. Kahit gaano pa kagulo o ka traffic ang lugar nyo, sabi nga sa kanta.. babalik ka din. Eto po ang Miss Millenial 2017 ng Parañaque.. Space! 😜

Posted in KwentoKoto

The Awesome Blogger Award Kembular Boom Boom Pak! 

Amielle! Ginulat mo ko hahaha! May ganito palang award. Baka may The Ravishing Blogger Award, paki nominate na din ako hahaha! Salamat sa nomination, napaka laking karangalan nito sa akin, magiging proud ang nanay ko dito.

I share this award sa 85 (minsan nagiging 86) kong followers na hindi nag unfollow sa akin at di sumuko sa aking kabaliwan at kababawan.

May RULES O pak!

  1. Thank the person who nominated you.
  2. Tag it under #awesomebloggeraward in the Reader
  3. Answer the questions your nominator gave you.
  4. Nominate at least 5 awesome bloggers.
  5.  Give your nominees 10 new questions to answer.
  6. Let your nominees know that they’ve been nominated.
  7. Bumili ng Slurpee sa 7-eleven.

Eto ang Q&A portion ni Amielle na susubok sa aking beauty and brains: 😜

1. From 1 to Liza Soberano, gaano ako kaganda?

Itataya ko isang buwang sweldo ko, mas maganda ka, sayo dapat pinasa ang bato hahaha!

1. What is your childhood dream that you never get to push/achieve?

Maging artista, pangarap kong maging kontrabida sa pelikula. Fan ako ng Mara Clara. Ako si Clara.

2. If you could wake up and be anywhere in the world, where would it be?

Sa Korea, sa piling ni Song Joong Ki. Sino ulit si Song Hye Kyo? Hahaha!

3. Books or movies?

Pag sinisipag ako book. Pag tinatamad, movie. Pero most of the time tinatamad ako, so movie.

4. Would it be fine if your future child reads your blog?

Oo naman. 

Anak or mga junakis, kung nababasa mo/nyo to ngayon… wala akong maipapamana sayo/inyo kundi ang mga blogs ko.

5. If you could give an advice about the future to the 7-year-old you, what would it be?

Wag ka didikit sa gate ng kapitbahay may nakataling aso dun. Hindi natahol pero nangangagat. Mahal ang anti-rabies sa RITM.

6. Where do you see yourself in 5 years? (Not a job interview question; I just really want to know.)

Skip. Ang hirap ng tanong hahaha. 

Isa na siguro akong ina. Inang Reyna. Kukunin kitang ninang ng anak ko para mag kumare na tayo.

7. Do you think you’re still writing when you’re 40?

Yes ofcourse, isusulat ko ang 40 steps skin care routine for youthful skin.

8. If writing isn’t your hobby at the moment, what do you think are you doing?

Dress making. Nung nag break kami ng ex ko alam mo ba una kong ginawa, nag enroll ako sa Sewing 101 sa Chinatown! Masaya manahe kapag broken hearted hahaha!

9. If you could have the writing skills of a specific blogger, who would it be?

Gusto ko yung writing skills ni Amielle. Kasi parang hindi sya 20 years old kung mag sulat. Ang lalim. Maraming lessons in life. Nung 20 ako puro lakwatsa ang alam ko. Bisitahin nyo ang blogsite nya ng malaman nyo Love, Amielle. At ang ganda ganda nya puedeng panlaban kay Liza Soberano. Sana makuha ko ang ganda nya. Ayan ha inominate mo pa ko hahaha!

10. What is your life’s greatest accomplishment so far?

Eto, ang The Awesome Blogger Award hahaha!


At dahil dyan, I respectfully nominate:

1. Ourlifeinsuitcases – Yung panahon na hindi ko alam kung may nag babasa ng blog ko tapos nag comment sya, ayun sumaya ako.☺️

2. RheaAngeline– Pareho kasi kami ng pinag daanan kaya awesome. Nyeeeaaam!

3. Shadesofwonderer – alam ko na nominate na sya ni Aysabaw. Pero the more the merrier. 

4. Jirahlization  – Hi Jai! Eto na, tinanggal ko ang mathematical questions hahaha!

5. Doctor Eamer – Hi Doc kung may Mais Award, pasok ka din dun. LOL!

 

May 10 questions ako sa inyo:

1. Kung mananalo ka ng 1 million, ano gagawin mo?

2. Nanunuod ka ba ng Game of Thrones? Kung oo, sino ka sa mga character? Kung hindi, eh di next question.

3. Anong mapapayo mo sa mga baguhang bloggers na katulad ko? Awuw bago. 

4. Ano ang dream job mo?

5. Sa lahat ng blog post mo, alin dun ang favorite mo?

6. Sino inspiration  mo sa pag susulat?

7. Eto nabasa ko lang… Would you rather go back to your past and change it or see your future?

8. August na, how’s your 2017 so far?

9. What makes you blush? Bawal isagot ang blush on.

10. Kung isasa-pelikula ang buhay mo, sino gusto mong gumanap?

 Ayan, natapos din hahaha! Again, maraming salamat Amielle. Yung rule #7 pala imbento ko lang. Hanggang 6 lang ang rules. Hehehe. 

Pano tapusin ang blog hahaha wala akong pang ending hahahaha! Alis na ko☺️

 

 

 

 

Posted in KwentoKoto

Happy Birthday (Draft)

Birthday ng crush ko ngayon. Wala lang. Nung isang araw nakita ko may nag regalo na sa kanya. May pabibo. Gusto ko rin sana mag regalo kaso… ano pa bang ireregalo sa kanya eh nasa kanya na lahat (ako na lang ang kulang sa buhay nya hahaha). Pa-sekreto ko na lang ipag diriwang ang araw na to sa pamamagitan ng pag susulat ng saloobin ko at pag inom ng milo (peng). Naisip ko i-greet sya sa social media nya, susme tadtad ng greetings ang wall.. hindi mapapansin yung akin. Post ko kaya yung picture naming dalawa nung nagkita kami nung June 10, 2017 sa Kinokuniya Bookstore, Sabado 4:40pm, weather sunny day (yes ako na). Ay hindi na lang, baka sabihin deds na deds. Actually, may event sya ngayong gabi sa National Library, puede ako dumaan, kunyari may hihiramin akong libro.. kaso gabi? Manghihiram ng libro? Halata ka sira. Tsaka kahit ba pumunta ka, ano naman? Hindi ka naman makakalapit, dahil isa kang duwag (kausap ko sarili ko). Eh kung puntahan ko na lang sya sa bahay nila hahahaha! buang! Nakakatakot ang parents nya.. parang kaya kang bilhin, yung nag-i-issue ng cheke layuan mo lang ang anak nila hahaha! Tapos ako naman pupunitin ko yung cheke into four hahaha!

Nag draft na lang ako ng message, i-DM ko na lang sya sa twitter, atleast dun konti lang ang users. Eto yung message ko:

Hello, grabe ang cute ng aso mo. Hawig kayo pareho kayong cute. Happy birthday pala. Wala akong regalo pero pinag-p-pray kita 🙂

Waaaaaaa! Ayan puede na yan? Yiiiieeee! Nakakahiya. Ang hirap. Wag na lang. Control-Alt-Delete.

Hayaan ko na lang matapos ang araw na to. Tutal madami ng babati sa kanya, mafi-feel nyang madaming nagmamahal sa kanya. Bili na lang ako ng cake tapos kainin ko mag -isa habang nakikinig ng podcast nya. Teka di naman nya siguro ito mababasa, kaya dito ko na lang ipost ang picture! Hahaha!

Happy birthday Nathan!!!🎈🎈🎈🎈🎈

IMG_5961

Posted in KwentoKoto

Di Na Ko Bibili Ng Coupon

Galing lang ako sa pa-rebond-an ng buhok. Kasama ko ang friend kong si Princess. Nakangiti kaming pumasok ng salon puno ng pag asang makaka tipid kami dahil sa discount coupon na dala dala ko. Pero bigo, umiiyak kaming lumabas ng salon. Atleast umiiyak kaming straight ang hair. Ang budget ko $150. Na-calculate ko na yan. Naka bukod na ang cash pambayad. Pero sa kasamaang palad, ang $150 na presyo ay para lang daw sa buhok ng mga dyosa. Ang buhok ko daw ay pang taga lupa. Kailangan ng matinding labor. 70% na daw ang sira matindi daw talaga. Sinisi pa ang gamit kong shampoo.

Nag-promise naman ang stylist na pagagandahin ako. Pinakita nya pa yung before and after ng mga naging customers nya. Magiging ganun daw ako kaganda. Sige baks simulan mo na. Nagulat ako binigyan ako ng menu ng drinks. Pili daw ako ng drinks. Aba may libreng inumin. So pinili ko hot chocolate kasi giniginaw ako lakas ng aircon. Pag balik nya binigyan ako ng hot chocolate at may kasamang biskwit. Buti na lang di kape inorder ko kundi parang lamay, nakasuot pa naman silang lahat ng itim.

Binuksan nya yung tv screen sa harap. May pa-movie din, pili daw ako ng movie. Dahil napaka-matured kong tao pinili ko ang Transformers: Age of Extinction. So ganun ang senaryo, habang nirerebond ang buhok ko, nakain ako ng biskwit at humihigop ng mainit na tsokolate at nanunuod ng Transformers at natingin din sa cellphone kahit wala namang nag te-text.

Umabot ng tatlong oras ang operation. Ang kinalabasan ang dulas at ang lambot ng buhok ko. Ok naman sya, nag muka naman akong… rebonded. Pag dating ng presyuhan, eto na.

Rebond $104 (may discount na daw)
Keratin $250 (eto yung pampaganda daw)
Hair cut $38 (trim lang??)
7% Tax $27.44 (no comment)
Total. $419.44

Sinong di maiiyak?

Sana di ko na lang kinain yung biskwit at ininom ung milo. Infairness naman sa kanila, maganda ang service. Ang ayaw ko lang ay yung pushy sila. Yes pushy. Pinu-push nila kami bumili ng package. 6 sessions ng rebond/keratin with hair products. Sabi ko, kaya nga ako nagdala ng coupon para makatipid, hindi para gumastos ng malaki. Pero pinipilit nya na makaka save daw ako pag kumuha ng package. Medyo nakakainis. Sa huli wala sya magawa kasi di kami sira para kumuha maintenance package na libo ang halaga.

Nagbayad na lang kami base dun sa serbisyo na ginawa nila. Tapos iyak tawa pag labas ng salon. Di na ko uulit. Di ko sasabihin kung anong name ng salon. Basta initial ay VS. Nasa Bugis Plus Mall sya sa may 3rd level malapit sa escalator sa left side tabi ng tindahan ng bags at shoes. Hahaha!

 

P.S. Sa likod ng mall kami kumain ng dinner, sa turo turo. Iyak tawa.

 

 

 

Posted in Kaladkarin

Hampaslupang Budget sa Seoul

Kamusta naman… after 2 months bago ako nakapag sulat. Di ko na na-blog ung korea trip. Wag na lang. Nakalimutan ko na hahahahaha!

Pero puede ko naman isulat kung paano mamasyal sa Seoul ng hindi masakit sa bulsa pero masaya. Naranasan ko na magbakasyon sa ibang lugar na bongga tapos pag uwi ko ng SG ay poorita ako. Ngayon natuto na ako… mas matalino na ko. Kaya di na ko paloloko! Akala nyang… hahhahhahaahhaa waley waley akong isusulat tungkol sa trip ko sa Australia na ginawa akong fertilizer.. taga abono. Tapos ginawa lang akong photographer at utusan kumuha ng malamig na tubig. Hindi ko talaga ikkwento yan. Hayup.

Balik ulit sa topic. Hehehe. Gusto mo bang mag enjoy mamasyal sa Seoul pero hindi masakit sa bulsa? Pwes, eto na ang hampaslupang budget to Seoul. Hindi ako expert at feeling ko nga di ako qualified mag share ng tips pero i-share ko pa din kasi I care. Base lang ito sa naging experience namin kaya pag may hindi ako nasabi at may mali akong info paki-correct na lang tapos i-edit ko hahahhaha!

  1. Mag research. Nagbasa ako ng blogs at nanuod ng youtube videos about trip to Seoul para mangopya ng itinerary. Actually, pangalawang punta ko na to sa Seoul. Yung unang punta ko ay 2013 may kasama akong buwaya. Hindi ko rin ikukwento yun na ginawa akong photographer sa ski resort  ang lamig pa naman nanigas daliri ko tapos di ako nakapag ski. Hayup. Balik sa topic, ayun nga mag -research at from there mag draft ng itinerary. Ok lang mangopya ng itinerary kasi yung kinopyahan mo nangopya din yun. Dun ko din nalaman magkano dapat ang i-budget sa pagkain, pamasahe at entrance fees.
    IMG_5702
    Jina-judge ako ni kuya.

     

     

  2. Mag stay sa hostel. Aanhin mo naman ang facilities tulad ng swimming pool, gym, living room, dining room at kitchen kung maaga kang gigising at late ka na uuwi sa kakagala. Tulugan ok na at maayos na bathroom. Dati kasi nag-airbnb kami tapos ang mahal may deposit at cleaning fee ek ek pa. Okay naman kasi isang bahay sya at kompleto na sa gamit kaya lang may kasama kaming anak ni zuma o di ba nakaka bother? So this time bagong buhay, nag stay kami sa Bong Backpackers sa Jongno-gu. Malapit sya sa mga palaces at train station (Hyehwa Station). Hindi ko sya pino-promote pero maganda talaga yung location nya at mura. Sa booking.com kami nag booked pero dun na kami sa hostel nag bayad pagka-check in. Book now pay later ganern. May free breakfast: 3 in 1 coffee (1 to sawa), tinapay (kuha lang ng kuha hanggang mahiya ka) at strawberry jam na nakalagay sa sachet, akala ko nga ketchup, pag tikim ko matamis.. but not too sweet. Puede mo din baunin para masaya.
    IMG_5700
    Eto yung harap ng Bong Backpackers at dapat 2 ang kuha ng picture at dapat i-collage para millennial.

     

  3. Bumili ng T-Money card. Yun yung pamasahe mo pag nag MRT at bus, puede rin sya pambayad sa taxi. Mas makakamura ka ng pamasahe pag T-Money ang gamit kesa mag cash. Eh ang shonga ko pa talaga nung 2013. Di kami bumili ng T-Money card, ayun puro kami bili ng 1 way ticket kada biyahe, sayang oras at mas mataas ang fare rate. Parang lesser ang gamit ko ng utak nun, nakakahawa ang katangahan kaya piliin kung sino ang laging kasama. Wag maging tanga mag-T Money na Hahaha! Makakabili ka kaagad nun sa convenient store sa Incheon Airport. May mga coupon na kasama yun, itabi mo. May coupon na 10% discount entrance fee sa N Seoul Tower.
    IMG_5699
    Exhibit A ng katalinuhan.

     

     

  4. Wag mag taxi from Incheon Airport to Seoul and vice versa. Pag labas mo ng airport madami na mag ooffer sayo ng taxi papuntang city. Dedmahin mo lang pero be nice. Hanapin mo ung bus stop ng bus limousine. Pag nag taxi ka, aabutin ka ng 80,000Won (3,500Php). Pero pag nag bus ka 10,000Won (400Php) lang. Puede din ipambayad ang T-Money card. Maganda rin na ma-search mo saang bus stop na malapit ang hostel mo para dun ka ibaba ng driver. Yung hostel namin malapit sa Sungkyunkwan University station (Ang hirap bigkasin kaya pinakita ko na lang sa driver yung kodigo ko). Yung luggage mo ilalagay sa ilalim ng bus compartment tapos lalagyan ng tag ang saya. Ang sarap mag bus para kang tinu-tour sa Korea, ganun yung feeling. Di katulad nung unang punta ko dun… ayaw ko na balikan. Taxi papunta–taxi pauwi, feeling yayamanin feeling sikat, ang yabang yabang akala mo kung sino… muka namang kuto. Nangangati tuloy ako.
    3EE9FEE0-4C01-4DEC-93F0-B706648EA694
    Ang totoong millennials nag-ba-bus.

     

     

  5. Bumili ng Combination Ticket of Palaces and Royal Shrine. Kung trip nyong pasyalan ang mga palasyo. Mas wise bumili neto sa halangang 10,000Won (440Php) makakapasok ka sa 5 palaces: Gyeongbokgung Palace, Changdeokgung Palace (with free secret garden tour), Changgyeonggung Palace, Deoksugung Palace at Jongmyo Shrine. Ang hilig nila lagyan ang lugar ng gung, gong, gyeong, myeong.. basta madaming letter G. Yung dati ko din kasama nung pumunta sa Seoul madami ding G sa pangalan nya… G _ G _ . Hoy hindi gago! grabe ka. GeGe.. isa syang gegemon.
    985F4098-DDE3-4DD9-BA3F-9D256B9B0954
    Space in the palace.

     

     

  6. Kumain sa palengke at mga eskinita. Mahal ang pagkain sa Seoul, pero kung pupunta ka sa palengke makakakain ka ng meal below 5,000Won (220Php) at masarap. Ang pinuntahan namin ay ang Gwanjang market, yung pinag-shootingan ng Running Man Episode 186 (Kunyari alam na alam ko). Dun nga pala ako nag celebrate ng birthday ko.. oo sa palengke ang saya di ba ang dami kong bisita. Tip lang wag kayo mag sasama ng mahilig sa libre, gusto magpalibre, mukang libre. Yung parang bigat na bigat sa wallet hindi mailabas at mahugot ang pambayad. Wag ganun. Kung may kilala kayong ganyan iwasan nyo na agad agad. Sasaya buhay nyo pramis.
    97B2DF4F-429A-454C-9DD4-87D04F0BBE20
    knock knock, who’s there? Gwanjang. Gwanjang who? Kunin mo na ang lahat sa akin Gwanjang ang aking mahal hahahaha. Waley.

     

  7. Kumuha ng mga flyers. Bago pa kami nag punta ng Seoul, sanda makmak na nag message sa kin ng pasalubong reminder. Isang useful tip para di na masyado gumastos sa pasalubong, mangolekta ng  flyers na ang cover ay sila Jong Ki, Gong Yoo at Lee Min Ho. Sobrang nagkalat mga print ads nila sa lahat ng sulok ng Seoul. High quality ang papers at maganda ang ink na ginamit sa pag print. Samahan mo ito ng isang facemask na tig 1,000Won (44Php) isa. Tada! May pasalubong ka na sa mahal mo sa buhay!
    IMG_5753
    Pasalubong package.

     

     

  8. Pumunta sa mga free entrance na attractions. Tinanggal na namin ang Everland at Lotte World sa listahan ng pupuntahan. Bukod sa may kamahalan ang entrance fee, malaking time ang kakainin nya sa pag pila sa rides. Masaya sana dun kaso 4 days lang stay namin hindi na kakasya ang oras namin. Eh di ba nga matalino na ko, nag iisip na ko di katulad ng dati na yes lang ng yes sa mukang linta. Eto ang mga libre na pinuntahan namin na sobrang enjoy:⊕The Story of King Sejong Museum sa Gwanghwamun Plaza            ⊕Cheonggyecheon Stream                                                                                                                ⊕Banpo Bridge Rainbow Fountain sa Han River                                                           ⊕Bukchon Hanok Village
    8B4C4F48-8B39-4223-9CF8-1F72E1C7D74B
    Last collage na to.

     

     

  9. Last but not the least, live within your budget. Hindi lang sa pang-araw araw na buhay ito applicable pati din sa pag-t-travel. Di madali kitain ang pera (siguro sa iba madali) kaya isipin kung worth it ba yung pag lalaanan mo nito. Di mo kailangan gumastos ng malaki para lang magpa-impress sa ibang tao at masabing naka punta ka sa ganitong lugar. Ang mahalaga masaya ka at may natutunan at hindi namulubi. Hindi siguro ako ganito kasaya ngayon kung hindi ako natuto sa pagkakamali ko nung Seoul trip ko nung 2013. O Pak!
    IMG_5768
    9,080php budget. Di kasama ang plane ticket. Tiempuhan mo na lang ang promo at sale ng airlines. Kung hanggang dito nagbabasa ka pa din… salamat..  from the bottom of my cute millennial heart♥

     

 

 

 

 

 

Posted in Kaladkarin

Annyeonghaseyo! At Sumainyo Din!

Di ko alam kung pano ko sisimulan. O sige ganito, birthday ko kasi nung April 13. December last year pa, pina plano na namin ng ate ko na pumunta ng Seoul kasi kinain na din kami ng sistema ng korean drama. Wish ko sa birthday ko mag suot ng hanbok costume habang nasa ilalim ng puno ng cherry blossom.   Kasama ang dalawa pang friends, nag sagawa kami ng taimtim na pag hahanap ng murang flight at hotel. Wagi naman kami. Sa next blog ko na lang idetail ang cost at itinerary kasi iba ang gusto kong isulat dito. Basta mura sya pang hampaslupang budget. Di mo kailangan gumastos ng malaki pag mag babakasyon.

So ayun ready na ang lahat. Travel dates namin ay April 12-16. Pero April 11 lipad na ko kasi sa SG pa ko mang gagaling. Excited na ko… pinagkalat ko na sa office na mag ko-korea ako. Pero nung April 10, yung araw bago ako lumipad kinausap ako ng boss ko. Seryoso. Sabi nya, “Are you following the news?” So bilang tali-talinuhan sinagot ko sya ng “News?” hahahahaha! Patanong din!

Tapos yung next na pinag sasasabi nya ang nag-shook ng araw ko. Sabi nya mag-la-launch daw ng nuclear testing ang North Korea sa April 15. Nagpadala na daw ng mga aircarfts ang US at China sa Korea para in case ma-launch ang missile ay gegerahin ng US ang North Korea. Hindi daw advisable na mag travel ngayon sa South Korea dahil baka ma-sandwich kami sa giyera. Sandwich talaga.

Bigyan ko lang kayo ng background, ang boss ko ay OA as in super nuknukan to the highest level over acting. Pag sinabi mong di ka makakapasok kasi masakit ung legs or kamay, sasabihan ka na magpa x-ray. Na-hold nga yan sa airport dahil nagdala ng napakaraming gamot nung nakaraang overseas trip nya. Gamot daw sa sakit ng ulo, diarrhea, lagnat, sipon, ubo, allergy. Parang dala nya ang Mercury Drug.

At ito yung pinaka-nakaka pikon, sabi nya “If I were you, knowing my responsibilities and my family, I will not go or I will postpone my trip.”

Sarap sagutin ng “Pera mo pinang bayad ng plane ticket at hotel? Hihingi ba ko sayo ng pocket money? Ginanyan ba kita nung last trip mo? Di ba sinabihan pa kita ng Ingat! Enjoy!?”

Syempre di ko sya masagot sagot ng ganyan. Dapat may pag galang pa din at baka mawalan ako ng kabuhayan. Sinabi ko na lang na naka-open naman ang cellphone ko for communication. Pero sa totoo lang gusto ko syang iblock hahaha! May pahabol pa sya na in case magka war tumakbo daw kami sa pinaka malapit na embassy. Eh di sige. Oo lang ako ng oo at mabilis naman ako tumakbo.

Tapos nung uwian na, itong epal na kasama ko sa work, yung tinutukoy ko sa isa kong blog: 10 Tips Paano Wag Ma-Beast Mode Sa Kasama Mo Sa Trabaho. Nag goodbye sa kin… “enjoy your trip I hope there’s no war.”  Parang gusto kong mang giyera ng tao. Wala namang mali sa sinabi nya pero yung manner ng pagkakasabi parang yung hindi na ako makakabalik. Napakalma ko naman sarili ko dahil di ako napatol sa shitsu.

So ayun, April 11 tumuloy pa din ako. Hindi ako nagbasa ng news.  Minsan yang mga news na yan nakakapagpa dilim ng pananaw sa buhay. Gusto ko lang isipin ang mga magagandang bagay na mangyayari. May tili-ling lang yung nag e-expect ng bad things.

Kinalimutan ko mga pinagsasabi ng boss ko at ni shitsu. Lumipad pa din ako papuntang Korea at nagkita kita kami ng ate ko at 2 pang friends dun. Wala naman akong naramdamang giyera or naamoy na nuclear. Yung mga taong nakatira dun ni hindi sila nag-wo-worry, tuloy ang buhay. Madami kaming nakasalamuhang locals na mababait at helpful at sarado ang pores. Basta kwento ko sa next blog kasi mahaba na ito. Ang ganda ng Seoul 🇰🇷 kailangan ko ng moment para i-absorb lahat. Hahaha. Di ako nakapag blow ng candles pero natupad ang wish ko.

IMG_3146
13 April 2017 Gyeongbokgung Palace

Sumakit ang mga binti namin kaka lakad pero sulit, busog naman ang memory ng phone ko ng pictures at boomerang videos. Nadagdagan din ang aking kaalaman as a human hahaha. Sabi nga nila, travel broadens the mind. Medyo naramdaman ko naman na naging broad minded ako.

Ang dami kong ipinagpapasalamat sa Lord. Sa dagdag na taon, sa family ko, sa mga kaibigan ko, sa buhay na meron ako at nakauwi ako ng ligtas… ako at ang aking mga pinamiling face mask 🙂

Ngayon lang ako nagbasa ng news. Nung April 15 nag-launch pala talaga ng missile ang North Korea pero… failed! Pagka-launch sumabog agad ito at hindi na nakalipad sa ere… parang kwitis na supot ganun.  http://www.cnn.com/2017/04/15/asia/north-korea-missile-test/index.html

Happy birthday to me! Kamsahamnida! ♥