Posted in KwentoKoto

Mahal Kong Parañaque

Nakauwi din ako sa amin… ang saya saya ko. May sale na ticket sakto at na approved ang leave ko. Mabagyo daw ang buwan ng Agosto sa Pinas, pero nung dumating ako umaraw naman. Eh di ako na hahaha. Ang pinaka masaya at exciting talagang ginawa ko dito sa Pinas ay ang manuod ng Eat Bulaga hahaha!

Isa sa nagustuhan kong portion nila ay ang Miss Millenial 2017. Feeling ko kasi dapat ito yung sinasalihan kong contest hahaha! Kung saan may magandang babae ang nag rerepresent ng kanyang bayan or siyudad sa telebisyon. Pinapakita ng bawat kandidata ang mga magagandang lugar ng kanilang bayan at masasarap na pagkain. Katulad na lang ni Miss Pangasinan, pinag malaki nya ang kanilang 100 islands, na hindi pala 100 kundi 124 pag low tide at pag high tide ay 123. Si Miss Muntinlupa naman pinag malaki naman ang smallest lake sa Pinas, ang Jamboree Lake. Si Miss Nueva Viscaya naman ay pinag yabang ang thin crust buko pie na mas masarap pa daw sa buko pie ng Laguna. Si Miss Malabon naman ay syempre pinag malaki ang kanilang Pancit Malabon at crispy pata.

Napaisip ako, ano ba maganda dito sa amin sa Parañaque? May especialty ba kaming pagkain? Parang wala. Kung sa tourist spot mukang matatalo kami. Pero ipapanalo ko to. Dito ako pinanganak at lumaki (kahit di masyado lumaki). Gusto kong ipag malaki ang aking lupang sinilangan. Pero wala akong maisip hahaha. Piniga ko talaga. Eto na ang aking nakuha.

1. City of Hukay. Salamat sa MAYNILAD, sa effort nyang maghukay umaga, tanghali at gabi. Nag mistulang parking lot ang Dr. A. Santos Ave. sa walang galawang traffic. Dito masusubok ang iyong pasensya at determinasyon. Puede ka ding bumaba ng iyong sasakyan at iyakan ang mga hukay at sumigaw ng “Wag mo ko iwan!” Hahaha! Matatapos mo din ang pinapanuod mong korean drama at di mo namamalayan nakarating ka na pala sa iyong destinasyon after 16 episodes. 




2. May foot bridge kami. Sa Sucat Highway Interchange matatagpuan ang isa sa pinaka mahabang foot bridge dito sa Metro Manila. Tinatayang 150 meters ang sukat nito at gawa ito sa 230 toniladang bakal (hula ko lang). Dahil sa tulay na ito ay di mo na kailangang makipag patintero sa mga bus at trak na tumatawid sa crossings ng Sucat. Ligtas ang iyong buhay at may pagkakataon ka pang makita ang traffic in bird’s-eye view. Yun lang wag kang lalakad dito ng mag isa kasi may nang hoholdap daw dahil sa haba nito, mahaba din ang pagkakataon ng mga ungas na mang harbat ng dala mong gamit.

Di ko nakuhaan ng malapitan yung footbridge kasi dumaan kami sa skyway. Basta andun sya maniwala ka.

3. Manila Memorial Park. Dito kami nag jojogging. Napaka peaceful. Kung gusto mo mapag isa maganda itong venue. Masarap ang hangin, lasang bermuda grass. Dito naka libing si Ninoy Aquino, Cory Aquino at Rene Requiestas. 




4. Madami kaming sosyal na pasugalan. City of Dreams, Okada at Solaire. Nung isang araw dumaan kami sa Macapagal, grabe ang construction nila ng mga bagong hotels & casinos. Gagawin daw itong little Vegas. Sa mga sugarol, para sa inyo ito. 




5. Baclaran. There’s no place like Baclaran. Dito matatagpuan ang harmonious relationship ng jeep, pedicab at sidewalk vendors. Magkaka close kasi sila. Minsan wala ka na madaanan pero nagagawa mo pa ding ngumiti dahil sa mura ng presyo ng bilihin. Paborito ito ng mga taong katulad ko na mahilig humingi ng tawad.




6. Paranaque National Highschool. Ipag mamalaki ko talaga ito dahil dito ako nag highschool. Isa ito sa pinaka malaking public highschool in terms of population and land area. Ang daming studyante, alam ko umaabot ito ng mahigit 10,000 students. Isipin mo na lang yung graduation namin. Inabot na kami ng gabi, madilim na. Ang pinaka masayang part ng graduation ay yung tinawag ung name ng last candidate. Palakpakan at sigawan. Mga alas nuebe na yun ng gabi hahaha! 




7. Ruins Market. Hindi ito yung ruins na nanira ng buhay mo. Ito ung night market dito sa amin. Nagbubukas ito ng 7pm at nagsasara ng 12am. Andito ang mga murang cellphone accessories, damit, sapatos, laruan at may kainan din. Dito ako nagpalagay ng screen protector (php150) at cellphone case (php200). Puedeng tumawad kaya  mag Ruins na!



Dumako naman tayo sa pagkain:

1. Maty’s Tapsilog & BBQ sa Dongalo. Ang tapa dito ay hindi basta basta. Sa bawat nguya mararamdaman mo ang motherly love ng cow. Subukan nyong kumain dito hindi kayo mag sisisi.


2. Dampa sa NAIA Road. Ang tawag namin dito ay Paluto. Kasi mamimili ka ng seafood sa parang market nila tapos ipapaluto mo ayun sa gusto mong luto. May kamahalan nga lang, kaya mas mabuti mamalengke ka na lang tapos mag luto ka sa bahay nyo.


3. Lakay’s Special Palabok sa San Antonio Ave. Sa pangalan pa lang alam mo na kung ano ang specialty nila. Kaya naman inorder ko ay dinuguan at puto kasi masarap kumain ng dinuguan sa pancitan 😜. 


4.  Mama Lou’s sa Tropical Ave. Dito nag iikot sa mga table ang chef at tatanungin kung how’s your food? how’s your drink? how’s your dessert? How’s your Ex?  Lahat ng how’s itatanong nya pak! kaya mag handa ka ng sagot. 


5. Mani,Fried Chicken,French Fries sa Valley1. Alam mo yung sa mga kanto ng bayan, dun talaga makikita yung masarap na pagkain. Di mo na kailangan lumayo pa. Hanapin lang ang kariton na may kawali at kumukulong mantika.

 
Kung kayo ay magagawi sa South, inaanyayahan ko po kayong bisitahin ang aming bayang Parañaque. Para inyong masilayan ang ganda ng hukay ng Maynilad (Napaka perfect) hahaha at subukan kumain sa mga kainan na nabanggit ko. Kahit gaano pa kagulo o ka traffic ang lugar nyo, sabi nga sa kanta.. babalik ka din. Eto po ang Miss Millenial 2017 ng Parañaque.. Space! 😜

Advertisements

Author:

Lahat tayo need ng Space. So ito na ang kasagutan hahaha! Samahan nyo ako sa baliwag kong kwento. Aim ng blog na to ay mapagaan ang mabibigat na damdamin. Di ko man matanggal ang problema nyo, sana kahit papano mapatawa ko kayo ano po? Allow me to have this space and name this blog spacekoto because anything that occupy space matters! Charot!

31 thoughts on “Mahal Kong Parañaque

  1. Malapit lang yung Mama Lou’s sa office namin dati! Napapadaan lang ako jan pero di ko pa natry kahit minsan kasi pang yayamanin daw. Hahaha may paborito din akong bilihan ng barbecue sa BF, yung banda sa Aguirre. Di ko na maalala pero basta malapit sya sa may Mercury yata?? Hahaha panalo yung City of Hukay. Ganyang ganyan din dito sa bayan namin haha

    Liked by 1 person

    1. Uu chamsicles mamahalin yung Mama Lou’s tsaka ang hirap may Q&A portion si chef hahaha! Sa Monzon’s BBQ ba ung sa Aguirre? Bayan din pala hukay sa inyo.. hulaan ko.. Las Pinas? hahaha!

      Like

      1. May engliserong bata sa kabilang table namin.. nung tinanong ng chef.. aba sinabi lahat ng ingredients ng pizza at kung ano ung comment nya in each sahog hahahha! Nganga na lang kami! Hahaha! Uy! Super Novaliches!

        Like

      1. Wagi tlga . Maski si hubby jusko fave niya yung malay stall sa tapat ng apt niya dati sa may river valley. Tpos yung chinese na porridge at econ rice sa bukit merah . My gosh dinayo pa namin nung nagvacay nung 2016. Sana makauwi kmi ng pinas… pag di na traffic. Hahaha

        Liked by 1 person

      2. Omg! Nag vacay pala kayo dito last year! Mamahalin ang River Valley ha! Bet ko ang Bukit Merah madaming murang kainan dyan. Naku parang di matatapos ang traffic sa pinas baka matagalan pa kayo makauwi hahaha! Dito na lang ulit kayo mag bakasyon, sabihan mo ko☺️

        Liked by 1 person

  2. Ay wait wait, dec 2015 pala yun sensha na, epekto ng caesarean hahaha! Wala na ang stall sa rivervalley yung tapat yun ning great world city. Kc circa 2012-2013 yun nung bago pa lang kmi ni hubby. ( uy lumalablyf) pero yung malay stall sa great world citi mismo pwede na rin kaso iba pa rin yung hawker eh. Waaah napapaghalataan ang kalusugan namin ng asawa ko sa mga kainan. Hahaha.
    Oo gusto nmin magbalik ng sg din . Pag tumubo ang pera sa money tree! O kaya basta pag nagvacay ka dito. ( walang imposible! May kakilala ako, sg din na ofw nakarating dito . Try mo apply ng tourist visa . Sana by that time naipasa ko na ang driving test. Spoiler: sa aug 25 na . Manalangin tyo .seryoso!

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s