Martes ang paborito kong araw. Madaming magagandang nangyayare pag Martes. Baka coincidence lang. Pero ewan ko, yung masasayang araw ko natatapat ng Martes. So itong Tuesday, napatalon talaga ako sa tuwa sa harap ng mailboxes sa building namin. Pano ba naman mga friends, nakatanggap ako ng package from down under! Imported galing Australia! Alam ko jina-judge ako ng mga dumadaan at ibang nag bubukas ng mailbox, eh wala naman akong pake kasi nga only judge can god me hahahhahaha!
Gusto ko magpasalamat kay ate Rowan ng Ourlifeinsuitcases. Anniversary gift nya ito sa akin nung nag 1 year tong si spacekoto. After ko ma-post yung first anniv blog ko na Happy Anniversary Spacekoto (Sino Nag Print?), nag email sya sa akin at hiningi ang address ko at meron daw syang gantimpala sa akin. Syempre bigay ko agad agad hahahhaha. Sya ang unang naging kaibigan ko dito sa Word Press. Last year October un, lagyan natin ng date.. October 7 ayan hahaha ayyy mag 1 year na ang friendship natin dito ate Suitecase. Dahil dyan kakain tayo sa labas. Basta sa labas ahahahaha!
Eto na nga dumating na ang aking gantimpala. Ang laman ng package ay hindi isa kundi apat na crochet na coasters. Ang sosyal pakinggan. In tagalog, ginantsilyong patungan ng baso o tasa. Tats na tats ako. Sa wakas level up na ang pag inom ko ng tubig ahehehehe. Mas natutuwa kasi ako pag nakakatanggap ng gift na ginawa kesa nabili kasi alam kong pinag laanan ng oras at effort. At knowing isa ito sa mga projects nya, sobrang honored ako like an honor student hahahaha. Literally, ito yung bumuo ng araw ko.
Solb na ko sa coasters eh, pero awuw may letter na nakalakip. At nakasulat sa 1/4 sheet na papel. OMG. May mga memories na nag babalik sa utak ko (throwback tuesday itu). Naalala ko ung terror kong teacher nung highschool, tawag namin sa kanya Mrs. 1/4 Sh*t. Eh pano pag pasok nya ng classroom “get 1/4 sheet of pad paper” agad ang intro. Laging quiz ang start ng klase namin. Nanginginig kaming nag tutupi ng intermediate paper habang hinahati sa apat ang papel. Tapos may classmate ka pang kung makahingi ng papel kala mo may patago. Pag di ka nagbasa ng lesson in advance mangongolelat ka. Dalawa lang ang tinatawag nya after ng quiz, yung nakakuha ng highest score at yung olats. Hindi naman ako natatawag sa pinaka mababang score, hindi rin sa pinaka mataas na score, sa gitna lang ako.. ligtas sa kahihiyan hahhahahaha! Tapos mula dun sa mga 1/4 sheet na mga quiz namin dun sya tatawag ng name para sa recitation. Dun ako di nakaligtas. Ang saya saya!
At eto nakakita nanaman ako ng 1/4 sheet of paper. Pero sa pagkakataon na to, hindi ako natakot. Naiyak ako wahahhahaha.. oo mababa luha ko, naka puwesto sya malapit sa eyelid ko hahahahaha! Yung nakasulat dun ung mga kailangan ko marinig (mabasa). Minsan kasi naisip ko, kung wag muna ko mag blog.. mga 1 month, 2 months, 3 months.. ganyan baka kaumay na kasi pinag sasabi ko. Pero after ko mabasa yung sulat. Sabi ko sa sarili ko.. eh ano kung maumay sila.. padalhan ko na lang sila ng atchara (comment down below kung gusto nyo ng atchara ahahhahaha).
Naniniwala ako na kung mag-aappreciate ka ng tao, itodo mo na. So itotodo ko na. Mula sa kaibuturan ng aking puso, ate Suitcase gusto kong magpasalamat sa paniniwala sa akin na may kabuluhan ang mga sinusulat ko, thank you sa friendship at sa 1/4 sheet (uy may rhyme). Salamat sa mga coasters ginamit ko agad sila. Nilagay ko sila sa lugar na lagi ko sila makikita. Forever ko tong i-ke-keep (may forever).
Madami syang puedeng pag gamitan. Eto na sila.




Thank you ulit ate Suitcase. Nabura sa isip ko ang pait na dulot ng 1/4 sheet of paper hahahahaha. Ngayon source ko na sya ng lakas ng loob. Maraming salamat. 🙂
Nagmamahal din, Space
Ako man di’y naantig. 💛 Panalo yung kwento mo sa teacher mo dati kasi meron din akong ganyang teacher! Banas ako lagi pag time nya na eh hahaha
LikeLiked by 1 person
Grabe Chams bat may mga terror na teacher? Puede naman maging mabait Hahaha!
LikeLike
Nostalgic nga yang 1/4 sheet of paper na yan. Sarap balikan ang elementary days. ☺
Ganda nung coaster. Ginawa yan with love kaya mas nakakataba ng puso makatanggap ng ganyan.
At sino nagsabi kaumay mga pinagsasabi mo? Tara, resbakan natin! 👊 😁 Kaya nga may sarili kang blog eh. You can post whatever you want. I-post mo ang gusto mong sabihin at hindi yung gusto nilang marinig. So just keep it up! 😉
I woudn’t mind getting the atchara though.. Heheh..
LikeLiked by 1 person
Ako, ayaw ko na balikan hahahaha! Lagi ako natatawag sa recitation, ang kulit kasi ng apelyido ko hahahaha!
Oo ang gaganda, sobra nakakataba ng puso at nakaka tats ☺️
Ayan lagot reresbak na si mayor! Wahahahhaha! Opo sabi ko nga po blog ko to hindi sa kanila hahahaha! Salamat mayor!
Huy para sa mga naumay lang ang atchara ahahahaha!
LikeLiked by 1 person
Hello dear space! Haha! Shempre natuwa na nmn ako ng bongga sa post at pics! Lalo na ang mason jar with coloured water! Jusko nmn si teacher mo, makasindak! Pero tama ka , dun tyo sa good memories diba para mas happy!
Ang tangkad ni starbucks sa picture, nagmukhang bulilit lalo si coaster… hihihi!
LikeLiked by 1 person
Ginalingan ko ang photoshoot lalo na ung mason jar kinulayan ko talaga ang tubig para mukang legit hahahaha! Yung sa starbucks muka lang bulinggit ung coaster pag top view pero in person tamang tama lang ang size nya (in person talaga hahaha).
Balak ko i-frame ung letter mo, madami kasi akong frame hehehehe makikita mo😂
Additonal kwento sa teacher kong terror. Gusto nya nasa first row ako. Kahit M apelyido ko. Sa harap ako pinapaupo. Pinag lihihan ako buntis sya nun wahahhahaha!
LikeLiked by 1 person
Well, she picked the right kid! Biba at witty ang bebe niya for sure! Pichur frame!! Nung nagtuturo ako sa pinas… nakatanggap din ako niyan nung Pasko at teacher’s day. Tapos nung hs pala ako 3rd or 4th yr ata ako nung naging bawal na iregalo yan pag xmas party. Haha. …. pinagbotohan tlga ng class. The No votes have it!!!
LikeLiked by 1 person
6 na picture frames.. mga walang picture kasi di nman ako nag pprint ng pictures. Pero ngayon may naisip na kong project ahahahaha! Science project itu!
LikeLiked by 1 person
My labs!!! awwww ang saya naman and ang ganda ng mga coasters!!! ❤ ❤ ❤
Sa birthday mo na ako magpapadala kaya lang hindi ako magaling mag gantsilyo so ano, magpepaint nalang ba ako? hahaha
LikeLiked by 1 person
My labs!!!! Kahit birthday card ok na basta gawa mo yiiiieeee!!!! labyuuuuu❤️❤️❤️
LikeLike
Ma-i-friend na nga din si Ate Suitecase. Haha. (feeling close here). 😉
LikeLiked by 1 person
Oo LP! Waaa hahahaha! i-close mo sya para gawan ka nya ng blanket😁
LikeLiked by 1 person
Wahahah. Akala ko initials na naman ni ex-kras. Naalala ko initial din pala ng blog ko yung LP. Wahaha. Eto na naman po ako.
Hahaha. Sigi sigi Te. Dapat ngayon pa lang neh. Matagal tagal na paggantsilyo yun. Hahaha. 😂😂😂😂😂
LikeLiked by 1 person
Oo simulan mo na para masimulan na ang blanket hahahahaha! Akala ko sinadya mo na LP ang initial ng blog mo para same kayo ng initial ayyyyy! Ahahhahaha!
LikeLike
Ang galing! Praise God talaga sa mga tunay na kaibigan na nakilala online 🙂 God bless sa friendship ninyo, Space and Ate Suitecase (nakiki-Ate haha)
LikeLiked by 2 people
Meg! Maki-ate na tayo! Hahahaha! Thank you naging mag-kaibigan tayo dito😘 baka may puede kang ipadala dito sa akin.. puede na banana cake! hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Gusto mo ba? Baka madurog lols
LikeLiked by 1 person
Uy natutuwa ako nagkaron ako ng new friend like you sa WP 🙂 Dati kasi nakikilala purp kommy firiends galing moms group kaso yung iba kaloka yung ugali e haha!
LikeLiked by 1 person
Meg wag ka na dyan sa mga moms group.. dito ka na sa walwal group hahahaha.. uy gusto ko talaga ng banana cake sana magkapitbahay lang tayo😘
LikeLiked by 1 person
Oo hindi na talaga hehe
LikeLiked by 1 person
Suitcase pala sumobra ng E haha
LikeLiked by 1 person
Reblogged this on P.S.A..
LikeLiked by 1 person
hello ikawbato?
LikeLiked by 2 people
Wahahah. Wala lang. Natawa lang po ako. Haha. 😂😂😂
LikeLiked by 1 person
Ako din ih hahahahaha!
LikeLike
pusongbato.
LikeLiked by 1 person
generalbato
LikeLike
Penge atsara!
LikeLiked by 1 person
Anong flavor original o spicy? wahahhahahahaha!!!
LikeLiked by 2 people
Ampalaya flavor. haha
LikeLiked by 1 person
Upsize? Hahahahahaha!
LikeLiked by 1 person
Unli atsara po. Haha
LikeLiked by 1 person
Sagot sa unli umay.. unli atchara! May vitamin C kasi yan kaya atChara hahahahaha!
LikeLiked by 1 person
Umay… kiss the bride. HAHAHA!
Siguro ang expression na “Char” ay sa atCHARa talaga kinuha eh! haha!
LikeLiked by 1 person
Umay gas! Hahahaha!
Uu tapos ung atCHAra nilagyan ng carROT kaya naging Charot! Wahahahhaha!!!
LikeLiked by 1 person
Hahahaha! Paorder po ng isang boteng #ChaRot haha Atsarang puno ng carrots. LOL!
LikeLiked by 1 person
Doc mahirap ilagay ang #charot sa bote 😂😂😂
LikeLiked by 1 person
Garapon pala hindi bote. Haha
LikeLiked by 1 person
huwag kang titigil magblog please. Kasali na siya sa routine ko, ang maghintay sa mga bago mong kwento. 😊
LikeLiked by 1 person
Hala Mark actually balak ko nga wag muna mag blog this week! totoo ahahhahaha! Pero dahil sa sinabi mo.. ahhh sige na nga ikwento ko pa din kahit parang walang kwenta hahahaha… salamat ha☺️
LikeLike
Bakit atchara?!?! Hahahahahaha! Sobrang nostalgic nga ‘yang 1/4 na ‘yan. Dati, ayaw na ayaw kong magdala ng pad kasi alam kong mauubos lang sa hingi. Napakadamot kong bata HAHA!
At dahil paborito mo ang Martes, favorite mo rin ba si Tuesday Vargas? Charot
LikeLiked by 1 person
Gamot sa umay ang atchara hahhahaha! Minsan gusto ko na ibenta ung papel ko kasi mga abusado hahahaha!
Oo hahaha! Gusto ko nga gawing Tuesday ang pangalan ko ahahaha! Speaking of Tuesday… Martes ngayon! Woooooo!👏👏👏
LikeLike
Ay bweset oo nga no ngayon ko lang nagets yung sa atchara part hahahaha happy tuesday!!
LikeLiked by 1 person
Ugaliing mag stock ng atchara hahahahaha!
LikeLike
Love ko rin ang tuesday dahil Tuesday ako ipinanganak at sabi ko nga muntik na akong pangalanang tuesday haha! Tuesday din birth day ni Alyana pot kaya speyshal sa akin ang Tuesday 🙂
LikeLiked by 1 person
Samedt tayo special ang araw ng Tuesday! Nakaka inggit ang may name na tuesday pag nagka anak ako Tuesday ang name. Ang nickname Choz ganyan hahahaha!
LikeLiked by 1 person
ay jusko nag-hang ako sa Choz haha! mas magegets ko sana agad kung personal idineliver haha
LikeLike
Hello space! Itanong ko lang, ikaw ba yung nkipag collaborate with Aysabaw sa make up tutorial video? Laugh trip kasi yun sobra. Parang itong blog post mo din.
LikeLiked by 2 people
Hi Frances! Napanuod mo! Hahahhahaaha! Uu ako yung ume-epal sa youtube channel ni Aysabaw! 😂😂😂
LikeLiked by 2 people