Posted in KwentoKoto

Kanluran To Silangan

Una sa lahat hellooo! Ayaw ko talaga muna mag blog kasi may ginagawa ako na di puede mag tagalog hahahaha! Pero di ko mapigilan mag sulat-mag type. Saglit lang. Maka 2 paragraphs lang ako okay na. Wait inom lang ako. Tubig. Ganito, lumipat na kami ng opisina. From East to further East, eh kamusta naman taga West ako. So mula kanluran to silangan ang biyahe ko everyday. Ang saya. Dulo sa dulo. To the ends of the earth. Pero okay lang un. Walang problema. Wait okay na ko hahahaha. Joke. Meron pa.

Sabi ng boss kong si sponge bob, sa December 15 pa kami lilipat officially dun sa bagong place. Pero ewan ko ba anong pumasok sa utak ni spongy kahapon, dumiretso na daw kami sa bagong office. Yung ibang natitirang gamit hahakutin na lang ng movers. Walang problema. Eh di dumiretso. So kahapon andun na kami sa dulo ng daigdig. Ang gulo gulo pa.. parang ako lang hahahaha. Di pa tapos ang renovation pero yung area namin puede na mag social media hahahaha. So okay na. Pero wait.

Kala ko okay na ko sa lipatan na ganap. Hanggang kaninang lunch, kumain ako sa hawker centre dun sa baba ng building. Omorder ako ng chicken rice, yung roasted. Pag hiwa ko ng manok.. may dugo! Parang puede pa syang mabuhay i-CPR mo lang baka mabuhay pa yung manok! Parang pag sinigawan mo sya ng “laban!” Tatayo sya mula sa pinggan! Ganun kalala ang imagination ko hahahahaha!

Pero sa totoo lang, naluluha ako habang nasubo ng kanin. Di ba nga mababaw luha ko. Nalungkot ako kasi bigla ko naalala si Auntie sa Chicken Rice stall dun sa dati naming workplace, sya din yung nagbebenta ng paborito kong Chicken Stew. Nalungkot ako kasi di ako nakapag paalam kay Auntie. Never nya ko pinakain ng chicken na may bahid na dugo. Tapos kahit short ng 10 cents or 20 cents minsan ung dala kong pambayad, ok lang sa kanya. Tapos ang dami nyang maglagay ng ulam sa plato ko. At higit sa lahat lagi nya kong tinatawag na “ma-ganda” pag nakita na nya ko sa pila. Ngayon wala na waaaaaaaaa!

Sumunod, yung drinks stall. Bumili ako syempre ung Milo na paborito ko. Hot Milo. Okay naman walang dugo, lasang milo pa din. Pero sumakit tyan ko after. May pagkulo at pag kidlat ganyan. Naisip ko tuloy bigla yung dalawang ate na masungit na nag titinda ng drinks dun sa dating office. Pero bumait na sila sa akin kasi ba naman twice a day ako nabili ng milo sa kanila, sa umaga at sa hapon. Nung Wednesday ang ganda pa ng bati nila sa akin, di nila alam last na bili ko na un ng milo sa kanila 😦

Pang huli, walang nag titinda ng ice cream na may tinapay dun sa bagong lugar. Ang dessert na tinitinda lang nila ay red bean soup. Ayoko na idescribe yun kasi nakakaiyak waaaaa hahahhahaha baliw. Basta monggo sya na red (maroon) na may matamis, malabnaw at mainit na sabaw. Ayan dinescribe ko nakakaiyak talaga.

So sa madaling salita pagkain talaga pino-problema ko no hahahahaha! Siguro kasi iniisip ko sa December 15 pa kami lilipat, kaya kala ko may time pa ako sa farewell speech sa mga naging friends ko sa hawker centre. Madami akong ma-mi-miss sa lugar na yun: masasarap na food, mababait na mga tao at yung road na nilalakaran ko papunta ng bus stop basta maganda yun.

Ayan sabi ko nga 2 paragraphs lang hahaha! Pero okay na ko kasi masarap naman dinner ko kanina organic rice at organic fish in organic oil charot! Isda at kanin lang hahahahaha.

In fairness, maganda naman yung nilipatan namin sariwa ang hangin, malinis ang tubig at mababait mga tao sa building.. yun na lang iniisip ko. Sabi nga always look at the bright side of life basta wag ka lang papakainin ng duguang manok. Hahahahaha! πŸ™‚

Advertisements

Author:

Lahat tayo need ng Space. So ito na ang kasagutan hahaha! Samahan nyo ako sa baliwag kong kwento. Aim ng blog na to ay mapagaan ang mabibigat na damdamin. Di ko man matanggal ang problema nyo, sana kahit papano mapatawa ko kayo ano po? Allow me to have this space and name this blog spacekoto because anything that occupy space matters! Charot!

48 thoughts on “Kanluran To Silangan

  1. Maganda nga yung manok na nabili mo eh. Kumbaga sa isda, mapula pa hasang. Kaya garantisadong fresh. Heheh..

    Naku, di ko na pala mami-meet si Manang na nagbebenta ng Chicken Stew. Nakakalungkot nga isipin na hindi mo na sila makikita araw-araw. Pero like what you said, just look at the brighter side of things. ☺

    Liked by 5 people

  2. Hello Space, saan na bagong office nyo? Syempre lagi naman malungkot pag iiwan mo na mga taong naging close sa you, specially pag masyado ka naattached sa kanila, Anyway pwede mo pa din sila dalawin paminsan minsan.
    Nag work ako dati dyan 2.5 years sa may tuas area and office namin, pinadala ako ng company for a project, then they offer me to stay kaso ayaw ng family ko dyan, nalulungkot daw sila.
    Enjoy the new office and the new environment. Merry Christmas to you!

    Liked by 2 people

    1. Hellooo June! Sa bandang Changi lapit na airport haha! Wow Tuas ka, sa kabilang dulo naman yun. Mas maganda talaga kasama family walang katumbas un😊 Merry Christmas to you and your family! aWuw ang aga ng pasko! hahahahaha! at oo dadalawin ko sila auntie mang hihingi ako ng pamasko hahahaha!

      Liked by 1 person

    1. My labs! Next time bago ko ipost message muna kita hahhahahha! Oo puntahan ko sila kasi mag tataka mga yun bat di na ko nakain dun at tsaka hihingi din ako ng pamasko sa kanila free food ganyan hahahhahaha! Merry Christmas my labs!

      Like

  3. Ang dami ko na naman pong good vibes na nakuha from this post of yours. Lalo na dun sa chicken na may blood. Woooo, laban. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Havey na havey sakin. Ang dami kong tawa. Buti na lang napigilan ko sarili ko, kundi baka kung ano na naisip ng mga tao dito sa office. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

    Te, ang ganda nga po ng lugar. 😍😍😍 So refreshing sa mata. 😍😍😍

    Liked by 1 person

      1. Wahahaha, may experience ako nun dati Te. As in pinagtinginan ako. Tapos ang una kong nakita nung luminga ako eh isa sa mga boss, yayyy, sobra pong nakakahiya. Kaya pinilit ko talagang pigilin. Pati nga feelings ko kay crush pigil din. Haha. Charottt. Ayun lang po. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

        Liked by 1 person

      1. oo, naalala ko, saan nga ba yung entry na yun nabasa ko hehe, basta sabi mo nga yun ang kinakain mo lagi
        hayaan mo pag nagkita tayo lutuan kita ng hainanese chicken rice na walang dugo haha

        Liked by 1 person

      2. Kasi si Papa at Mama ko diba nag abroad sila noong bata ako, amo nila sa Brunei, Singaporean tas ayun nagluluto sila non doon, kaya bata palang ako kumakain na kami nun, madali lang! hehe

        Liked by 1 person

  4. Ito talaga yung kwento nya ea hahaha nakaka excite basahin ❀
    Kumbaga inipon ata lahat ng words na nakapag pa good vibes at ginawang ingredients sa kwentong ito hahahah

    Kaya yun at the end magandang lipatan ang naganap😊😊❀❀

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s