Posted in Random Thoughts

GUSTO KO MAGING BLOGGER

Mahina ako sa ingles… eh pano yan gusto ko maging blogger? Naka apat na english exam na ako, nag enroll din ako sa english exam short course at sandamak mak na online books and materials na nabili ko for english certificate na yan. Kung pag sasamahin lahat ng nagastos ko siguro nakabili na ko ng drone. Di pa din ako pumapasa. Bwiset. Huwag nyo ako i-judge di naman ako ganun ka-bopols sa english. Napasa ko naman ang Speaking (eh di waw) sa kadaldalan ko. Ang Writing… ang halimaw na Writing ang kamote.

Practice makes perfect sabi nila. Di rin. Ahahahaha! Naka ilang practice na ako ng essay writing. May timer pa ako. Dami ko ng techniques na inapply mula sa mga english experts (awuw). Uminom na din ako ng essence of chicken para tumalino. Puno na ng papel ang ilalim ng kama ko. Dun ko kasi nilalagay mga essay writings ko, mabisa daw un para maging magaling ka magsulat. Gusto ko nga sila ibenta $11.99 per kilo (pm me if interested).

So sa madaling salita frustrated ako sa takteng english na yan ahahahaha! Kaya gumawa ako ng blog site…mag susulat ako ng gusto ko. Yung topic na gusto ko. Walang mag didikta kung ilang minuto at ilang words ang dapat. Walang proctor na nakabantay kung mangongopya. Wala! Che! Chupi!

P.S.
Negotiable yung $11.99 per kilong essays

Advertisements