Posted in Random Thoughts

GUSTO KO MAGING BLOGGER

Mahina ako sa ingles… eh pano yan gusto ko maging blogger? Naka apat na english exam na ako, nag enroll din ako sa english exam short course at sandamak mak na online books and materials na nabili ko for english certificate na yan. Kung pag sasamahin lahat ng nagastos ko siguro nakabili na ko ng drone. Di pa din ako pumapasa. Bwiset. Huwag nyo ako i-judge di naman ako ganun ka-bopols sa english. Napasa ko naman ang Speaking (eh di waw) sa kadaldalan ko. Ang Writing… ang halimaw na Writing ang kamote.

Practice makes perfect sabi nila. Di rin. Ahahahaha! Naka ilang practice na ako ng essay writing. May timer pa ako. Dami ko ng techniques na inapply mula sa mga english experts (awuw). Uminom na din ako ng essence of chicken para tumalino. Puno na ng papel ang ilalim ng kama ko. Dun ko kasi nilalagay mga essay writings ko, mabisa daw un para maging magaling ka magsulat. Gusto ko nga sila ibenta $11.99 per kilo (pm me if interested).

So sa madaling salita frustrated ako sa takteng english na yan ahahahaha! Kaya gumawa ako ng blog site…mag susulat ako ng gusto ko. Yung topic na gusto ko. Walang mag didikta kung ilang minuto at ilang words ang dapat. Walang proctor na nakabantay kung mangongopya. Wala! Che! Chupi!

P.S.
Negotiable yung $11.99 per kilong essays

Advertisements

Author:

Lahat tayo need ng Space. So ito na ang kasagutan hahaha! Samahan nyo ako sa baliwag kong kwento. Aim ng blog na to ay mapagaan ang mabibigat na damdamin. Di ko man matanggal ang problema nyo, sana kahit papano mapatawa ko kayo ano po? Allow me to have this space and name this blog spacekoto because anything that occupy space matters! Charot!

10 thoughts on “GUSTO KO MAGING BLOGGER

      1. I feel u! Haay dito sa Aussie akala ko ok na after ng General Test, then nung assessement na ng course qualification Academic naman daw. 😡. Kc may mga nakakalusot sa workplace na di makaingles . ( di tayo yun ha, alam mo na kung sino yun, ung mdyo alkansya yung size ng mata ) hahahaha

        Like

      2. ahahahahahaha!!! natawa ako sa alkansya ang mata!!! ung kahit gising mukang tulong pa din! Academic din ako para sa skill assessment sana naging plumber na lang ako para general test lang hahahaha!

        Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s