Posted in KwentoKoto

Control+Alt+Space

Hello mga ka-quarantine! Kamusta na kayo mga ka-DDS? Sana safe naman kayo. Mag-tu-two months na ko dito sa Australia. Nag-aaral kasi ako ng vulcanising charot hahaha basta ang hirap nosebleed. Dumating ako ng Sydney nung February 20, araw na kinasal si Sarah G at Mateo Guidicelli, kaya di ako naka-attend hahaha. Bukod sa pag-no-nose bleed nakipag-kaibigan din naman ako sa mga ibang nations. May mga naging kaibigan ako from India, Nigeria, Bangladesh, China, Korea at syempre Philippines! Meron kaming sinalihan na society, hindi siya frat. Society sya na para maging bida bida basta leadership ganern. Sumali ako kasi may mga event na libre ang food and refreshment. Kaso the day before ng event, biglang nag-announce ang school na mag-shu-shutdown at mag-o-online na daw kami. Sabi nung chismosa kong friend sa school, may isang student at faculty staff daw dun na nag-positive sa Covid. Nakakaloka pa-gala gala pa naman ako sa campus at naghihiga sa sofa dyan.

Simula nun nakaka-stress na mag-grocery.. sobrang intense kasi agawan ng toilet paper.. ubusan ng bigas. Flatten the curve nga ayaw nila ako pakainin ng rice. Gusto nila i-flat ang tiyan ko haha ang saya ang fun. Naparanoid din ako ng slight kasi dumadami na cases, ang bilis ng spread like a sandwich spread ganern. Hindi na din ako nalabas ng bahay. Lalabas lang ako pag mag-grocery tapos wala pa ko madadatnang bigas hayup na yan. Ilang araw din ako kumain ng pasta. Tapos yung pasta na nabili ko yung made of peas. Kasi yun na lang ang naiwan ng mga hayup. Pag nginuya mo yung pasta para kang nanguya ng green peas ganyan. Pero okay na din kasi na-flatten talaga ang curve… ng tiyan ko hahhaha.

Sabi nila tatagal pa daw ng mga tatlo hanggang anim na buwan ang sitwasyon. Sabi ng mga analyst. Dami kasing mga analyst ngayon. Minsan gusto ko na din maging analyst.

IMG_9564

Sabi ng friend ko sa Melbourne dun muna ko habang sarado ang school namin. Bago pa mag-lockdown bilisan ko daw pumunta dun. Kaya lang may advice ang school na avoid daw ang non-essential travel. Eh naisip ko essential naman yung pag punta ko dun kasi dun sa bahay ng friend ko madaming rice. Kukuha lang ako ng bigas tapos babalik din ako ng Sydney charot. So yun na nga nagbook na ko ng ticket. Una kong na-book by train kaso ang shunga lang 11 oras pala pag mag-train so kinancel ko. Pag eroplano 1 hour plus, so lipad na lang. Nag-booked ako kinabukasan na flight. Halos same lang ng presyo ng train kaloka.

Kinabukasan, sa taxi pa lang tinanong na ko ng driver bakit ako mag-travel? Wala na daw nag-t-travel ngayon. Wala daw napunta ng airport. Gusto ko sagutin, para maiba naman hahaha. Pero sa totoo lang kinakabahan ako. Tapos paulit ulit pa si kuya, na mag-iingat daw ako, mag-wear daw ako ng mask kasi di ko daw kilala mga tao sa plane at kung saan sila galing. All throughout ng biyahe ganun with update sa latest ng covid. So lalo ako natakot. Pag dating ng domestic airport, totoo nga kami lang yung sasakyan dun. Mukang sarado ang airport.. walang tao.. ghost town. Parang ayaw ko bumaba ng taxi. Tapos sabi ni kuya dun lang daw sya di muna sya aalis. Ngayon lang ako nakakita ng airport na walang tao. Parang yung sa movie tapos may lalabas na mga zombies.

IMG_9213

Pagpasok ko, meron palang tao. Yung nasa check-in counter. Binati ako ng how are you? Sagot ko I’m payn (nosebleed). Kinakabahan talaga ako. Baka kasi ako lang ang pasahero. Pano kung di ako pasakayin dahil non-essential ako hahaha o kaya baka tanungin ako bakit ako pupunta ng Melbourne in this time of crisis ganern. May naka-handa naman akong speech yun nga lang baka ma-nosebleed hahahaha. Tapos hiningian ako ng ID. Kinuha ko yung student ID ko sa wallet ko. Ipapakita lang kasi di puede i-abot. Nahihirapan syang basahin name ko kasi galaw ng galaw ang ID ko. Eh kasi nanginginig ang kamay ko sa nerbyos hahhahahaha. Tapos pinatimbang na yung luggage ko then nag print na sya ng boarding pass. Nung inabot na nya yung boarding pass at sabi see you later ayun kumalma na nerves ko. Pagpasok ko ng departure area sarado ang mga shops. Walang tao. Nakakatakot promise. Nag-suot na ko ng mask. Kinuha ko phone ko tapos nag-take ng photo.

Pag dating ng boarding gate, dun lang ulit ako nakakita ng tao. Mga kasama ko sa flight. Mga 20 kami. Magkakalayo kami parang diring diri kami sa isat isa. Tapos may kaisa isang coffee shop na bukas. Shoutout sa Krispy Kreme ang brave nila.

Nung nag-announce na puede na mag-board, pumila na yung 19 na pasahero with 1.5 meters apart. Pero ako di ako pumila.. paunahin ko muna silang pumasok. Nagpahuli talaga ako, pa-importante lang hahaha. Sa loob ng eroplano, amazing isang tao kada row. Puede ka humiga at mag-tayo ng tent. Yung pasahero sa harapan ko nag-suot ng mask at parang shower cap sa ulo. Intay ko nga kung magsusuot ng PPE pero hindi naman.

During flight, dami kong naiisip. Di kaya i-quarantine ako pag lapag ko? Hayup ka Covid. Kelan kaya babalik sa normal ang life? Sana magkaroon na ng vaccine. Sana masarap ulam namin pag dating ko. Medyo nakaka-praning din kasi may umu-ubo at may nag-e-ehem. Tapos may isa pang pasahero na tayo ng tayo. Bubuksan yung compartment tapos isasara. Lakas ng trip.

Saktong 1 hour and 35 minutes, nakalapag na kami ng airport. As expected, si kuyang tayo ng tayo ang unang tumayo at nag bukas ng compartment.

IMG_9247

Ghost town din ang domestic airport nila. Sarado mga tindahan. Ang tahimik. Ang sad. Nakuha ko naman agad ang luggage ko eh kasi 20 lang kami.

IMG_9278

Daming flights na ang cancelled. Yung mga flight crews nag-pipicturan na kasi parang last flight na nila. Wala na atang flights. Nag-aabang ako kung may magsasabi na i-quarantine ako. Inabangan ko talaga hahahahaha. Pero wala!

IMG_9282

Tapos sinundo ako ng friend ko sa pick up point after 5 days charot joke lang.. after 30 minutes naman ganun. Ang saya ko kasi finally makaka-kain na ko ng kanin hahaha. Tsaka ang saya kasi di ako na-quarantine. Pero sabi ng friend ko i-quarantine nila daw ako sa bahay hahahaha.

IMG_9290

Ika-14 days ko na ngayon dito sa Melby habang sinusulat ko to. So cleared na ang quarantine period hahahaha. Okay naman ako malakas pa din kumain at mag-tiktok. Wala lang gusto ko lang i-post to para pag natapos na tong covid may babalikan akong kwento. At gusto kong sabihin na mag-iingat po tayong lahat, palakasin ang immune system, maghugas ng kamay and be happy. Sana mawala na ang virus. Sana gumaling na yung may mga sakit. Sana makapamuhay na ang mga tao ng walang takot… and world peace.

Posted in KwentoKoto

SpacekoTwo

 

Hello mabuhaaaaaaaaayyyyyy!!! Wala akong topic hahahhahaha! Eto kasing si wordpress, nag-email: beh 2 years na blogsite mo anunah?

fd5e17ab-8038-4f53-9598-6a55f89c961c

So congratulations naman self. 2 years na kong blogger sa gigilid slash social media influencer slash great singer slash feather weight champion slash humble person. Wala talaga ako topic nubayan.. tignan ko kung matatawid ko tong blog na to hahhahahhaha! Magkakalahating taon na ko di nagkakapag-blog dahil sa mga excuses ko sa buhay. Unang una.. busy ako.. yesss naman. Pangalawa nag-a-audition ako para maging artista! Joke lang. Walang pangalawa, busy lang talaga.

b70c18ae-2ae2-4d67-ba3b-9a058c63c721.jpg
hotdog

Bago na pala pinapasukan kong company. 2 months na kong awesome dito yess naman. Nag-resign na ko sa dilawan na company.. andito na ko sa boom boom pak clap your hands company hahhahahaha! Every friday may pa-andar na meryenda. Pag biyernes ang tawag nila ay “sweet friday”. So friday ngayon.. ang dessert namin ay ———– Black glutinous rice with red bean and coconut milk! Pak! Lasang champorado na chewy na nakakapawi ng pagod yesss naman.

IMG_9278

Ayy gusto ko palang sabihin na masaya ako sa work ko. Minsan nakakapagod kasi madami talagang trabaho. Pero pag masaya ka naman di mo mararamdaman ang pagod.. yung gutom lang hahahhahaha. Pero lagi may nagbibigay ng food dito. Siguro muka akong parating gutom. Tsaka nang hihingi talaga ako ng pagkain katulad kaninang umaga, wala akong breakfast kasi nagmamadali na ko pumasok (syempre pa-bibo). Ayun ginamit ko ang acting skills ko, naka-delehensya ako ng tinapay sa officemate ko. Yung kape libre naman dito, pati tea at tsaka milo at cereal drinks.

IMG_9267

Madami akong gustong ikwento actually kaso may tinatapos ako deadline today. Pero burberry lite lang wait. Nung 2nd day ko dito, tinawag ako ng manager ko. Sabi gagawin daw akong isa sa mga judge. Akala ko judge ng beauty contest.. mag-judge pala sa Sales Competition ng sales department. May product silang ipe-present sa amin tapos pipiliin namin kung kanino kami mapapabili. Half day din ang inabot ng event na yun. Syempre napaka-fair ko ang criteria ko para mapabili ako ay pag cute ang nag bebenta. So may nanalo na hahahahaha! Tapos ang masaya yung winner shinare sa amin ang prize na grocery vouchers.. pinag hati hatian namin. Parang inside job tuloy ang nangyari hahahahaha!

d2f7c574-fabb-4cf0-aa1d-4eb32c2cac87
shout out kay doktora Glaiza & madam Leeanne, sila may kagagawan nito.

 

Babalik na ko sa trabaho kasi nga di ba nagpapa-bibo ako. Gusto ko pala mag-pasalamat sa inyo mga friends kasi sa loob ng dalawang taon hindi nyo kinlick ang unsubscribe button. Thank you sa pagbabasa ng sinusulat ko.. minsan inuuna nyo pang magbasa kesa mag trabaho.. very good yan. Ang purpose ko talaga bat ko ginagawa to ay para magpasaya. Kahit isa lang mapasaya ko solb na ko.

8fdf23f5-eace-426b-a50c-6fa11b4e1557
ang snacks ng mga matured mag isip

Pasensya pala wala akong giveaway this time kasi walang time bumili at wala rin akong maisip na bilhin at tsaka walang sponsor nubayan at wala din akong budget hahhahahahaha.

Pero wait nakagawa ako ng paraan. Gusto ko talaga kayo i-appreciate. Yung makakasagot ng tama sa tanong ko ang makakatanggap ng bonggang pantry package hahhahhahaha! Dalawa lang ang winner kasi, pang dalawang tao lang na-delehensya ko.

IMG_9231

Ang tanong: Ano ang meryenda namin ngayong “sweet friday”?

Comment na at matatanggap nyo ang pinag hirapan kong bonggang pantry package hahahhahahaha. Thank you and mabuhay ang mga parating gutom!

 

exif_temp_image
SpacekoTwo

 

 

Posted in Kaladkarin

Malay Mo, Malay Niya Melaka!

Tinanong ako ng friend kong si Thad kung gusto kong pumunta ng Melaka. Sabi ko naman eh tignan ko ang sched ko kasi madami akong trabaho, tapings, shootings ganyan hahahahahha! Sabi nya, ipapadala daw sya ng company nya dun para sa extravagant pak win win exhibition of the year… “free transport at hotel ayaw mo?” Nagliwanag ang mga mata ko nung narinig ko yung word na “free”. So sabi ko sige cancel na lahat ng tapings madali naman ako kausap ahahhahahaha!

Ang saya kasi out of 3 million nyang friends ako yung napili nyang isama. Pakiramdam ko nanalo ako sa raffle draw ahhahahhahaha! May isa pa akong kasamang nanalo si Roy. So bale tatlo kami ba-biyahe papuntang Melaka! Libre mga kaDDS!

3 hours and 13 minutes ang biyahe from Singapore. Kaya ng 3 hours kung di ka mag stop over para mag wee-wee.

So anong ganap sa Melaka? Wala naman hahahahaha! Di ba nga business trip yun. So Sampid lang kami. Pretty little sampid ganyan.

Pero kahit sampid puedeng mag enjoy sa Melaka. Puedeng kang umastang may business trip din ahahahahaha! Nilista ko dito ang mga puede mong gawin dun kasi Malay Mo Malay Niya mag punta ka din ng Melaka (for free):

Number 1.. yes buena mano.. puede mong hanapin si Mr. Right. Sa pagkakataon na to nahanap ko siya. Nasa Melaka lang pala sya nag titinda ng throw pillow sa Jonker Street.

img_6489-2.jpg
Nakita ko sya pero parang di nya ako nakikita hahahahaha!

 

Number 2.. Sumakay ng trishaw at libutin ang Melaka in Santa Cruzan Flores de Mayo style. Pili ka kung anong theme ng sidecar mo:

  • Frozen – Kung gusto mo mag Let Go
  • Pikachu – Kung dilawan ka
  • Spiderman – Kung epal ka at gusto mo ng great power and great responsibility
  • Hello Kitty – Kung strong and independent ka
  • Doraemon – Kung ikaw yung kakainin pa din ang nahulog na food kasi wala pang 5 seconds (dito ako pasok).

 

Number 3.. Mag punta ng mall. Yes para maiba hahahahaha. Habang nasa exhibition extravagant kyembular of the year si Thad at si Roy naman ay busy ma-achieve ang 10 hours of sleep.. ako naman ay di mapakali.. gusto ko lumabas, gusto ko mag lakad, kahit side steps kahit ano basta nag mo-move ganyan. So nag book ako ng Grab (Awuw) para pumunta ng mall. Napaka init sa Melaka sa totoo lang.. hindi ko nagamit ang jacket kong pang hypebeast. Ang mapalad na mall na nabisita ko ay ang Dataran Pahlawan Megamall hahahahahaha. Nag enjoy ako sa mall tour kasi aircon at may reading corner sila. Walang nagbabasa. So solo ko yung lugar hahahahaha!

Ang saya walang tao.
Yung tables and chairs ay gawa sa gulong ng kotse na may kyeme paintings tapos ayan yung view sa labas. Masaya na ko nyan. Nu ba nag eenjoy ako mag isa hahahhahaha! Self ang saya mo kasama I’m a fan ahahahahaha!

 

Number 4.. Lumafang. Pag sinabi kasing Melaka ang unang naiisip ko ay pagkain. Actually yun ang laging nasa isip ko hahahahahaha! Kilala ang Melaka sa masasarap na food. Nasa unang list na dapat mo makain sa Melaka ay ang Chicken Rice Ball. Dahil rekomenda ni ourlifeinsuitcases ang Famosa Chicken Rice Ball, yun ang hinanap namin. Nagkaligaw ligaw pa kami at muntik pa ko mahulog sa imburnal hahahahaha! Tapos nung nakita na namin ang stall.. sakto! Nilagay yung “Closed” signage! Ubos na daw ang balls! Hahahahahaha! Ayun nga nga!

Hanap kami ng ibang may Chicken Rice Balls. Nakahanap kami sa looban. Ang masasabi ko lang.. it taste like chicken! Hahahahaahaha! Pero yung pork charsiew ang winner.

img_6619.jpg

Eto pa isang winner grand prize! Ang Cendol. Ang Cendol ay dessert na parang buko pandan na hinde. Parang mais con yelo na hinde. Parang halo halo na hinde hahahaha! Wala ako ma-i-kumpara. Basta masarap. Google nyo na lang baka mali masulat ko ano. Bagay ito sa mga maiinit ang ulo kasi nakaka-chill.

Wag nyo i-judge ang picture. Masarap yan. It can change your life charot! Hahahahahaha!

 

 

Number 5.. Puede ka umaura. Pero kahit saan namang lupalup ng mundo puede ka umaura. Pero sa Melaka iba! Iba mga kaDDS! Wala silang pake! Hahahahahahha!

Paalala: Ang mga makikitang photos ay pawang example lang. Please no judgement. Hahahahahaha!

EXPECTATION
exif_temp_image
REALITY
exif_temp_image-1
Catriona Gray who you?
exif_temp_image-3
Syempre may edit na naganap dito.. yung pinto finilter ko wag kang ano dyan Catriona Gray hahahahahaha!
IMG_6247.JPG
The film that changed my life is TITANIC mga mamsh my heart will go on and on. 

 

Number 6.. Makipag siksikan sa Jonker Street. Buhay na buhay ang street na to sa gabi. May night market dun every Friday to Sunday. Nag bubukas sila ng 6pm hanggang 12 ng madaling araw. Eto masasabi ko. Safe sya. Kahit hawak mo phone mo at mag pipicture ka at mag IG story sa Jonker safe na safe at walang hahamblot ng bag mong hermes charot! Hahahahahaha! Madaming patrol na pulis sa paligid. Basta di ka mukang snatcher di ka susundan ng pulis. Pero kung ayaw mo naman ng madaming tao at siksikan.. eh di pumasok ka na lang sa 7-Eleven dun ka mag ikot ikot hahahahahaha!

Pansin mo lahat sila nakatingin sa right. Nasa left kasi ako wahahahahahaha!
Yung first night namin wala kaming pera, di kami nakapag papalit ng ringgit. Sarado na. Ayun naglalakad kami sa gitna ng mga street food tapos kumakalam ang tyan ang saya na nakaka iyak hahahahhaha!

 

Number 7.. Puede ka maging hero. Puede ka mag sauli ng naiwang wallet sa lobby ng hotel. Ganito nangyari.. si Thad, nakakita sya ng pahabang wallet at nakabukas.. kita ang makapal na pera na tig 50 ringgit. Parang pagsubok. Isosoli mo ba o pang bibili ng pagkain para sa mga less fortunate? Pumikit sya.. tumingin sa taas.. nakita nya ang CCTV naka tutok.

“Ahhh I think someone left a wallet here” sabi nya agad sa counter.

Ayun hero na sya ahhahahahahahahahaha!

Hindi ko na napicturan, only CCTV knows.

 

Number 8.. Puede ka maka-witness ng action. Yung driver namin na mag hahatid sa amin pabalik ng SG muntik ng makipag sapakan sa isa pang driver. Yung driver namin na mukang gangster na parang si General Bato yung katawan bumaba ng kotse at sumugod sa isang driver. Nagka initan sila sa traffic. Kasi yung isang driver tinaasan sya ng kamay.. na naka-angat ang gitnang daliri. Na-imagine nyo? Hahahahahaha! Alam nyo yung gitnang daliri? Ang hirap mag explain hooo! May followers kasi akong minors na pa-major ahahhaahaha! Sabi ni General Bato pag ginawa mo daw yun (yun nga ung gitnang daliri) sa Malaysia.. yari ka. Sabi ni Bato kung wala daw kami na pasahero nya baka nasa orthopedic na daw yung lalaki hahahahahaha!

Gen. Bato: Ikaw beks gusto mo matokhang?                         Lalaki naka-shades: Bes sumbong kita kay tatay digong huhu

 

Number 9.. Mag river cruise kung may budget. Kung wala naman puedeng maglakad lakad along the river, yun ang ginawa namin hahahahaha! 18 Ringgit sya, presyo na yun ng 6 na cendol hahahahahaha! In fairness malinis ang ilog at walang unwanted smell. Feeling ko pag mag hagis ka ng lambat may mahuhuli kang tilapia hahahahahaha!

River Cruise

 

Number 10.. Last na to.. kung binasabasa mo pa din ito.. hala salamat. Hinuli ko talaga to. Isa sa pinaka importanteng dapat mong gawin sa Melaka ay mag-suot ng complimentary bridal gown ng hotel. Bago kayo mag check out sa hotel make sure makapag photoshoot kayo ng ganito. Tapos i-post nyo sa social media nyo para ma-congratulate kayo. Best Wishes! Hahahahahaha!

idea to ni Thad. I-credit ko daw sya. Thad! Kini-credit kita hahahahaha! Ang galing mo ikaw na creative ako maganda lang whahahahhahahaa! For wedding ideas at kahit anong event ng buhay nyo kontakin nyo sya. Dali! Hahahahahahaha!

 

So ayan ang sampung utos charot! Ayan ang puede nyo gawin sa Melaka. Puede nyong dagdagan pag andun na kayo. Ang importante sa lahat, mag-enjoy kayo kahit saang lupalup man kayo mag punta kahit Nepa Q Market pa yan. As a person, ang balak ko talagang next na gawin ay palengke tour hahahahaha!

Again, thank you Thad sa libreng win win pa-Melaka trip and opkors… Terima Kasih Melaka!!!

 

IMG_6602
From left: Thad, Roy and Catriona Gray.
Posted in KwentoKoto

One Lovely Blog Award Kembular Boom Boom Pak!

Una sa lahat… gusto kong sabihin na nasa punto ako ng buhay ko na uhaw ako sa awards at nominations! Hahahahaahhaa! Arigatou ajinomoto kay Boredsensei for nominating me! Ang sarap sa pakiramdam para akong naka inom ng coke na maraming yelo aaaahhhhhhhhh! Akala ko nung una haponesa tong si Boredsensei. Yun pala magkalahi kami.. isa din syang pranses hahahahahaha! Siya ay teacher sa Japan, yes Japan the land of the rising sun ganyan. Kung gusto nyo makita ang Japan sa exciting at kakaibang point of view punta kayo sa blog nya madami kayong malalaman na di nyo pa nalalaman about Japan. Napaka informative at educational at nakakatalino. Pero mamaya nyo na tignan basahin nyo muna itong pinag susulat ko hahhahahaaha! Sensei! Para sayo ang post na to. Start na tayo.. eto ang

Ayan follow the rules:

•Thank the person who nominated you and link their blog in your post. (Ginawa ko na)

•You must include the rules and the blog award image in your post. (Eto na nga)

•You must add 7 facts about yourself. (Yes nasa baba na)

•Nominate 15 people to this award. (Madami dami ah)

Wait for 7 days and your dreams will come true! (joke lang hindi to kasali).

 

7 MISCELLANEOUS PAKS ABOUT ME:

1. Nagbabasa pa din ako ng dyaryo sa umaga. Pumapasok ako ng maaga para sa libreng dyaryo (uhaw din ako sa libreng bagay). Sa MRT station na binababaan ko andun yung namimigay ng newspaper. Dapat maaga ka kundi mauubusan ka ng dyaryo. May time na pag dating ko ubos na.. naibigay na ni auntie ung last piece.. segundo lang yung pagitan namin nung pinagbigyan nya puede pang habulin hahahahaha. Para sa akin madaming gamit ang dyaryo. Syempre para basahin at maging updated sa paligid at puede din pang balot ng kung anu ano at puede din itong ibenta hahahahahaha basurera lang.

img_5537
Nakakatamad kasi minsan maligo hahahahahaha!

 

2. Mahilig ako gumawa ng cards, letters at mag vandal pati loitering ahhahahaaha! Masaya akong gumagawa ng card at ibigay sa mga kaibigan ko na may pinag diriwang na okasyon. Minsan naiisip ko sana yun na lang ang trabaho ko hehehehehe. Masayang masaya din ako pag nakakatanggap ng sulat pwera lang warning letter at death threat hahahahhha!

 

Ganito mag-test ng pen.

 

 

3. Kung may makikita kang umuubos ng tissue sa tissue dispenser ng starbucks.. ako yun. Hindi ako fan ng starbucks dahil pakamahal. Minsan lang ako mag starbucks.. mga once every half of the quarter of the year ewan.. in short di gaano hahahahahaha! Pero kung mag-starbucks man ako.. pumapakyaw ako ng tissue nila. Halos inuubos ko yung laman sa tissue box. Nahihiya pa ko minsan nag titira ako ng mga 3 piraso hahahahaha! Madami kasing healing properties ang starbucks tissue. Nagkakapag patuyo ito ng fez after mo mag hilamos at maligo. Kapag may sipon ka napakatibay nito hindi sya papatalo sa sipon. At lastly, nakaka sosyal ito pag yan ang ipapagamit mo pag may bisita kayo sa bahay.

 

4. May stuffed toy akong aso. Katabi ko to matulog. Ang pangalan nya ay POSH. Nabili ko sya sa Ikea for only $7.90. Okay kwento ko ng burberry lite ang background sa name ni Posh. Gusto ko talagang name nyan ay TULAK! Hahahhahaahaha! Oo totoo! Parang nag tutulak or pusher hahahahahaha! (tawang tawa ako ngayon sa totoo lang). So hindi pa ako noon decided kung Tulak or Push ang name nya. Tapos nagpunta kami ng Malaysia. Aba ang “Tulak” pala sa Malaysia ay “Tolak” ahahahahahahaha! So naisip ko.. POSH na lang!!!!!!!!

Yung grey ay si POSH. Yung green na care bear ay si Paul. POSH and PAUL! Hahahahahaha!

2468_1089677608696_9195_n

 

5. I love Instagram! Yaasss mga kaDDS! Nasa pinaka taas sya na icon app sa screen ng phone ko para pag sinapian ako ni Kris Aquino at ni Mocha at Lisa Macuja ayun tap agad sa IG story. Pampa-good vibes lang. Mas masarap kasi maging positive. The world has enough negativity.. so gusto ko lang i-spread ang happiness like a liver spread hahahahhaha. In a world full of dilawans be a kaDDS ganern hahahahahaha! So far eto ang pinaka favorite kong IG post. Truly IG is lifer!

img_5555-1-e1520434930414.jpg

 

6. Please don’t judge me.. because only judge can god me charot ahhahahaa! Eto.. pero fan ako ni Lady Gaga hahahahahahhaaha. Nung nalaman ko na mag co-concert si Lady Gaga dito naghagilap kami ng paraan para makakuha ng free ticket alam mo na mahirap ang buhay ahahahahaha. Sumali kami sa contest ng friend ko sa Singtel at nanalo kami hahahahaha! Nakapanuod kami ng concert for freeeee! Ayun saya saya!

img_5565
2009 Concert

 

7. Meron akong 2,070 photos and 995 videos sa gallery ng phone ko. Yung photos dyan puro picture ng food at muka ko. Yung videos naman ay halos IG stories na pinapanuod ko para ma-entertain ang sarili ko pag na-boboryong ako. Share ko yung favorite videos ko ha hahahahahaha!

 

Yun lang hahahahaha! At dahil dyan mag-nonominate din ako ng 15 na lovely friends ko dito sa WordPress. Pero halos na-nominate na lahat. Pero ilagay ko pa din kasi gusto ko mabasa ang 7 miscellaneous paks about them.

1. ourlifeinsuitcases

2. Aysabaw

3. misismommymaghapon

4.  nocturnalmomtalks

5. iamthatsmallgirl

6. Life of An Introvert

7. jirahlization

8. Left Pencil

9. withlovealona

10. katx.blog

11. chamsicles

12. Happysheika

13. bessclef

14. yromarcelino

15. krizsummer

 

Again.. Arigatou Gozaimasu Boredsensei

Sa mga 15 na nominees “Ni Hao Ma!”

Sa mga nag babasa nitong blog ko hanggang dulo “Sawadee Ka!”

At sa katabi ko sa MRT na binabasa ang tina-type ko “Bonjour!”

Yes multilingual na ako! Hahahahahahaha!

Posted in Kaladkarin

Bukit Timah Railway Station

Nakatira kami malapit sa riles ng tren. Mga 200 metro ang distansya mula sa amin. Mga limang minutong lakaran. Dalawang minuto kung ikaw ay tatakbo. Pero wala ng tren na dumadaan dito ngayon. Dati itong rail transport na buma-biyahe mula Singapore to Malaysia and vice versa. Nung taong 2011 napag-pasyahan ng Singapore at Malaysia na ihinto ang operasyon nito dahil hindi sila magkasundo sa kung sino ang may karapatan hahahahaha basta. Pero nagkasundo naman sila na papalitan ito ng mas mabilis na train transport na papunta sa kani-kanilang bansa. Bullet train parang ganun. Ang sabi 90 minutes nasa Kuala Lumpur ka na ganyan. Luma na din kasi yung tren at tsaka medyo nakakabulabog na din ang ingay nya pag nadaan sa mga residential area. Parang ako lang hahahaha!

Speaking of bulabog. Hihingi na ko ng paumanhin kasi bubulabugin ko ang araw nyo, kung umaga man dyan sa kinaroroonan nyo. Kung gabi naman ngayon dyan eh di goodnight hahaha pero bago kayo matulog.. puede nyo bang panuorin yung video sa baba? Hahahahaha! Kung di naman kalabisan puede nyo ba i-like? At kakapalan ko na din ang muka ko.. puedeng mag subscribe na din kayo? Bwahahahahahaha! At last na lang.. naku.. hindi ko hihilingin na ishare nyo.. nakakahiya naman sobra na hahahaha! Basta panuorin nyo lang solb na ko hehehe.

Isang paragraph pa. Kasama ko dito ang kaibigan kong si Glaiza. Sya ang naka-imbento ng wifi charot! hahaha! Wala talaga kami balak pumunta ng riles. Mag-jo-jogging lang talaga kami sa Botanic Garden para magpapayat hahahaha! Pero eto yung naganap. Please watch.. it’s so powderful! 😜

Posted in KwentoKoto

Sunday School

Ang lesson namin ay tungkol kay David at kung paano nya napabagsak ang 9 footer na si Goliath. Gustong gusto kong teacher si Ate Tess kasi magaling sya mag turo. Ang galing nya pang gumawa ng illustrations. Lahat ng Bible stories nya sa amin ay sya ang nag d-drawing. Isa syang engineer pero pag linggo, sya ang aming sunday school teacher. Nag-start na syang mag kwento nun. Na-established na nya kung gaano ka-bardagol si Goliath. Biglang may pumasok. Batang lalaki at babae. Fair ang complexion nila, humahalimuyak ang cologne nila sa classroom at maganda ang damit hindi gusot. Tingin ko magkapatid sila. Tingin ko din pinalaki sila sa aircon. Tinignan ko ang suot kong bistida. Bakit ok pa naman tong damit ko. Paborito ko to. Minana ko pa to sa ate ko. Nahinto ang klase, winelcome ni Ate Tess si Tyler at Daphne. Pangalan pa lang yayamanin na. Samantalang ang mga kasamahan ko ay Ambo, Remi, Ederlyn, Analyn, Eme, Meme, Ron Ron, Jun Jun, Amado at Dominador. Ganito daw, nag bakasyon lang sila sa Parañaque sa bahay ng tiyahin nila. Na-invite yung tiyahin nila sa church kaya isinama na din silang magkapatid.

Umupo sila bandang malapit sa bintana pero nakatingin pa rin ako sa kanila.. sa suot nila. Puede pa lang mag shorts sa church eh. Ang ganda ng shorts ni Daphne may burdang cartoon character. Puede ko din kayang isuot yung shorts kong pula na ginamit namin pang sayaw nung foundation day? Ang ganda din ng suot nilang rubber shoes mukang mamahalin. Yung sapatos ko.. masayahin.. nakangiti hahahaha! Ino-obserbahan ko yung galaw nila. Ang hina ng boses nila pag nagsasalita samantalang ako parang may megaphone sa lalamunan. Ang pino din ng kilos nila samantalang ako in 2 seconds madami na kong moves na nagawa. Boomerang lang? Hahaha!

Bumagsak na si Goliath!

Anong na-missed ko sa lesson? Hindi ako naka-focus. May pa-exam pa naman si Ate Tess after nya mag kwento. Hindi naman yun exam na may grade. Quiz lang sya na may premyo pag highest ka. Yun ang nilo-look forward ko. Pero wala ako sa hulog nung sunday na yun. Uuwi ata akong kulelat. Nakatingin din ako kay Tyler.. cutie sya kaso mukang suplado at tsaka parang english ang gusto nyang usapan. Baka ma-nose ble… Ohmygas! Tumingin sya! Nahuli nya ako! Hahahahahahaahaha!

Nilabas na ni Ate Tess ang flash cards para sa memory verse. So dito ko na maipapamalas ang angkin kong pang-malakasang boses. Pero sa isip ko… nakakahiya nahuli nya akong nakatingin. Isa isa kaming nag-recite ng Bible verse. Nung turn ko na.. conscious na conscious ako. Inayos ayos ko ang buhok ko. Kung alam ko lang na darating sya eh di sana naglagay ako ng clip sa buhok. Nakahawak ako sa gilid ng bistida ko na minana ko pa sa ate ko. Nakatingin sila (sya) sa akin habang nag re-recite ako ng verse na mula sa book ng Psalm. Parang narinig ko ang boses ko na umaarte. Nag adjust ng volume! Ang 10 year old na Space e-enter na ata ng puberty stage wahhaahahha! Huy! Natapos din ang recitation. Pero parang di pa tapos. Bakit ako kinakabahan?

Exam na!

1. Sino ang nakakatandang kapatid ni David? Anak ng! Di ko alam sino kuya ni David!

2. Taga saang bayan si David? Anu ba! Novaliches? Hahahaha! Di ko alam!

3. Ano ang pabuya sa makakatalo kay Goliath? T-shirt? Mug? Kamote! Parang di naman nabanggit yun!

Naging mang huhula ako kasi di ko alam ang sagot. Hindi ako nag top sa quiz. Kainis. Wala akong mauuwing bookmark at sticker. Pero ok lang kasi may libreng meryenda. Ewan ko ba.. bakit nung oras na yun hindi ako nakipag unahan sa spanish bread at orange juice. Pinauna ko yung mga tropa kong PG hahahaha! Hindi rin ako umulit kumuha ng tinapay! Ohmygas! Nag-ma-mature na ko!

Uwian na. Usually nagtatakbo na ko pag ganitong moment. Pero that time, naglakad ako palabas ng pinto! Anong sumapi sa kin? Hahahahaha! Ayun si Tyler at Daphne.. nasa harap ng church inaantay tita nila. May sasakyan sila. Kami ng tropang PG mag lalakad lang. Malapit lang naman bahay namin mula sa simbahan. Habang umaandar papalayo yung sasakyan nila.. parang tumutugtog yung kantang.. “langit ka lupa ako…” with slowmo kyeme cinematography in sepia filter na may nalalaglag na dahon ganyan! Hahahahahaha!

Wait.

Bakit ko ba to na-kwento? Kasalukuyan akong nasa public library meron kasi akong ginagawa na tsaka ko na iku-kwento hahaha! May pumasok kasing mga elementary students… ewan ko sa dami ng puedeng maalala.. yung sunday school memory na yun ang nag-flashback. Di ko napigilang tumawa habang bumabalik ang mga alaala at habang tina-type to. Nakalimutan ko na nasa library pala ako. Masama tingin ng librarian. Hala ayan na.

Posted in Kaladkarin

Sabaw Sabaw Tayo

Mga ka DDS! Isa nanaman po itong milestone! Achievement ganyan! Na-meet ko ang isa sa tinitingala kong blogger sa buong mundo ahahhahaha! Walang iba kundi si AYSA ng aysabaw.com. Kwento ko lang ng very lite paano, bakit at ano ang preparasyon na ginawa ko para sa historical na event na ito hahahahaha! Teka mabilis na throwback, nakilala ko si Aysa nung July this year dito sa WordPress at simula nun nagbago na buhay ko wahahhahahahhaha! Ayan ang bilis di ba. Nag message sya sa akin na uuwi sya ng Pinas, oo nga pala sa Maldives sya naka-base at napili nyang pag-t-transitan ay ang SG kasi.. why not? Hahahaha! May apat na oras daw syang stop over sa Changi Airport para hintayin ang next flight nya. So ako naman pabibo.. sabi ko i-meet kita sa airport! Sabi nya kaso early morning 7am. Sabi ko naman sa isip ko.. oo nga ang aga wag na lang hahahhaha! Joke! Sabi ko.. ok lang yun sabado naman walang pasok wahahahahaha!

Di ba lagi ko pinag mamalaki na yung brownies ko ang pinaka masarap sa buong mundo (sa opinion ko lang hahaha) so ayun nag bake ako ng brownies, pa-welcome food ganyan. Eh ang nangyari kaka-social media ko, muntik ko na masunog yung bini-bake ko. Minsan talaga nakaka sira ng buhay yang social media hahahahaha! Kaya yung brownies ko tatawagin kong… “double dark medium dry crispy on the outside but chewy in the inside boom boom pak super brownies”. Pero sabi nga ng isang chinese proverbs “when all else fails, daanin sa presentation”. Kaya ginalingan ko na lang yung packaging!

img_2858
Lesson learned: Wag mag social media habang nag-b-bake.

December 16, 2017 nagising ako ng 5:30am. Di yan alam ni Aysa, ngayon alam na nya hahahahha! Bitbit ko yung box na may lamang semi-sunog na brownies, pumunta ako ng airport.. sobrang excited ko nakalimutan ko yung pa-welcome to SG banner ko kay Aysa hahhahaha! Syempre di ako papayag ng walang pa-welcome banner. Buti na lang madami akong resibo sa wallet tapos kinuha ko yung pink lipstick ko, ginamit ko yun pang sulat hahahahha! Yung lipstick naman mapapalitan pero yung moment na yun hinde.. charot! ahahahaaha!

Lesson learned: Wag magtapon ng resibo at laging mag dala ng lipstick sa bag.. because you’ll never know..

So habang pini-picturan ko tong welcome banner nakasalampak pa ko sa sahig, may lumapit sa akin at tinawag akong Space. OMG si Aysa! Sabi ko.. “dun ka muna! Surprise to eh! Sinira mo plano ko” hahahahahaha! So ayan ang pa-welcome ko sa kanya pataboy hahahahhaha! Pero tingin ko ramdam na ramdam naman nya na welcome sya hahhahaha!

img_3251
Para akong si Sisa! Hahahahaha!
Literal talaga na tinitingala ko sya kasi ang tangkad pala nya.. or maliit lang talaga ako wahhahahahha!
Para lumabas ang jawline.. tumagilid, iangat ang ulo ng bahagya, itikom ang bibig, wag huminga ng 5 seconds at ngumiti sa pamamagitan ng mata. Ganyan. Pak!

First time kong ginawa to, ang mag tour sa airport. Una sa itinerary ng airport tour ay pumunta sa coffee shop, ang sosyal mga ka DDS sa starbucks po hahhahahaaa! Ang habol ko talaga sa starbucks ay yung tissue nila. Napaka ganda ng quality ng tissue nila kaya naman nag uuwi talaga ako ng isang ream everytime na magkakape dun para makabawi sa presyo ng kape nila hehehehe.  Di ko akalain na makakasama ko mag kape si Aysa! I’m so proud of myself haha how to be me na talaga hahahaha! Ang dami kong natutunan sa kanya tulad ng.. basta madami hahahahahaha!

Sa loob nito ay ang the best brownies sa buong mundo hahahaha
Boom sunog! hahahahha

At ang saya.. binigyan nya ko ng gift.. Sarong! Amoy Maldives ang sarong na ito. Parang nakarating na din ako ng Maldives pagka hawak ko sa sarong! And there’s more! May naka sulat na secret message sa sarong, nakasulat sya in Maldivian ancient language ahahahahaha. Na-unlocked ko ang message, eto yung translation:

Palagi ko syang suot mga ka DDS!

After naming mag kape at after kong makakuha ng sandamakmak na tissue, tinuloy na namin ang airport tour. May natitira na lang kaming isa’t kalahating oras para gawin yun kasi dapat 11am makabalik na si Aysa sa loob ng departure area of responsibility. Eto na ata ang pinaka mabilis, pinaka baliw at pinaka masayang airport tour sa buong mundo (lagi ko kini-claim talaga ang buong mundo ahhahahhahaa!). So takbo, lakad, video, picture, tawa, kwento ganyan hanggang magutom kami. At dahil sya si Aysabaw, kumain kami sa Noodle Sabaw Stall sa terminal 3 ang pinaka masarap na sabaw sa buong mundo (nanaman) hahahhahaahha!

Isa sa magandang gawin sa airport ay mag-self reflect ganyan hahaha
Pis yow!
O Paaaaaaak!
Changi Airport Terminal 4

Kamusta naman at mag 11:30am na kami natapos kumain dahil sa kadaldalan kong taglay (sa buong mundo). Kahit ayaw ko pa sya paalisin, hinatid ko na sya sa departure hall ng terminal 3. Pero napa-speech ko pa sya before sya pumasok ng immigration. Ang sabi nya sa speech nya masayang masaya sya na na-meet ako. Walang sapilitan yan.. talagang yun ang nasa puso nya at gusto nya sabihin hahahahaha. So nag-goodbye na kami sa isa’t isa, parang naiiyak pa nga sya hahahahhaha. Papalakad na ko pabalik ng train station nang mag message sya na maling terminal yung napasukan nya, ang eroplano nya ay nasa terminal 2 hindi 3! Tumatakbo daw sya na bukas pa zipper ng bag pantalon nya hahahahahaa ang saya di ba. Naka abot naman sya sa flight nya.. parang buzzer beater ganyan exciting hahahahaha.

Bye Aysa! See you again!

Masaya akong umuwi, meron akong sarong, isang ream na starbucks tissue, maldives note bill.. oo binigyan nya pala ako ng pera 5 Maldivian Rufiyaaa for remembrance hahaha at higit sa lahat masaya akong na-meet si Aysa in real life! Sana maiyak sya habang binabasa to hahahhahaha. Sana din makabalik sya dito ulit hindi para mag stop over kundi para gumala.. mag palengke tour naman tayo wahahahaha!

Aysa! Salamat and here’s to more sabaw adventure! Cheers!😆

Posted in KwentoKoto

Kanluran To Silangan

Una sa lahat hellooo! Ayaw ko talaga muna mag blog kasi may ginagawa ako na di puede mag tagalog hahahaha! Pero di ko mapigilan mag sulat-mag type. Saglit lang. Maka 2 paragraphs lang ako okay na. Wait inom lang ako. Tubig. Ganito, lumipat na kami ng opisina. From East to further East, eh kamusta naman taga West ako. So mula kanluran to silangan ang biyahe ko everyday. Ang saya. Dulo sa dulo. To the ends of the earth. Pero okay lang un. Walang problema. Wait okay na ko hahahaha. Joke. Meron pa.

Sabi ng boss kong si sponge bob, sa December 15 pa kami lilipat officially dun sa bagong place. Pero ewan ko ba anong pumasok sa utak ni spongy kahapon, dumiretso na daw kami sa bagong office. Yung ibang natitirang gamit hahakutin na lang ng movers. Walang problema. Eh di dumiretso. So kahapon andun na kami sa dulo ng daigdig. Ang gulo gulo pa.. parang ako lang hahahaha. Di pa tapos ang renovation pero yung area namin puede na mag social media hahahaha. So okay na. Pero wait.

Kala ko okay na ko sa lipatan na ganap. Hanggang kaninang lunch, kumain ako sa hawker centre dun sa baba ng building. Omorder ako ng chicken rice, yung roasted. Pag hiwa ko ng manok.. may dugo! Parang puede pa syang mabuhay i-CPR mo lang baka mabuhay pa yung manok! Parang pag sinigawan mo sya ng “laban!” Tatayo sya mula sa pinggan! Ganun kalala ang imagination ko hahahahaha!

Pero sa totoo lang, naluluha ako habang nasubo ng kanin. Di ba nga mababaw luha ko. Nalungkot ako kasi bigla ko naalala si Auntie sa Chicken Rice stall dun sa dati naming workplace, sya din yung nagbebenta ng paborito kong Chicken Stew. Nalungkot ako kasi di ako nakapag paalam kay Auntie. Never nya ko pinakain ng chicken na may bahid na dugo. Tapos kahit short ng 10 cents or 20 cents minsan ung dala kong pambayad, ok lang sa kanya. Tapos ang dami nyang maglagay ng ulam sa plato ko. At higit sa lahat lagi nya kong tinatawag na “ma-ganda” pag nakita na nya ko sa pila. Ngayon wala na waaaaaaaaa!

Sumunod, yung drinks stall. Bumili ako syempre ung Milo na paborito ko. Hot Milo. Okay naman walang dugo, lasang milo pa din. Pero sumakit tyan ko after. May pagkulo at pag kidlat ganyan. Naisip ko tuloy bigla yung dalawang ate na masungit na nag titinda ng drinks dun sa dating office. Pero bumait na sila sa akin kasi ba naman twice a day ako nabili ng milo sa kanila, sa umaga at sa hapon. Nung Wednesday ang ganda pa ng bati nila sa akin, di nila alam last na bili ko na un ng milo sa kanila 😦

Pang huli, walang nag titinda ng ice cream na may tinapay dun sa bagong lugar. Ang dessert na tinitinda lang nila ay red bean soup. Ayoko na idescribe yun kasi nakakaiyak waaaaa hahahhahaha baliw. Basta monggo sya na red (maroon) na may matamis, malabnaw at mainit na sabaw. Ayan dinescribe ko nakakaiyak talaga.

So sa madaling salita pagkain talaga pino-problema ko no hahahahaha! Siguro kasi iniisip ko sa December 15 pa kami lilipat, kaya kala ko may time pa ako sa farewell speech sa mga naging friends ko sa hawker centre. Madami akong ma-mi-miss sa lugar na yun: masasarap na food, mababait na mga tao at yung road na nilalakaran ko papunta ng bus stop basta maganda yun.

Ayan sabi ko nga 2 paragraphs lang hahaha! Pero okay na ko kasi masarap naman dinner ko kanina organic rice at organic fish in organic oil charot! Isda at kanin lang hahahahaha.

In fairness, maganda naman yung nilipatan namin sariwa ang hangin, malinis ang tubig at mababait mga tao sa building.. yun na lang iniisip ko. Sabi nga always look at the bright side of life basta wag ka lang papakainin ng duguang manok. Hahahahaha! 🙂

Posted in Space Bakes

May Abs Na Ang Braso Ko

May omorder ng cupcake! Kaloka! Matagal na ko di tumatanggap ng order.. kasi wala naman talaga na-order wahahahaha! Nag b-bake na lang ako pag may okasyon tsaka pag sinipag ako at pag full moon ganyan ahhahahaha. Pero talaga dapat nyo matikman ang brownies ko kasi yun talaga makakapag palimot ng mapapait na nakaraan nyo sa earth ahhahahaha! Tsaka isulat nyo ung name nyo sa papel bago nyo kainin yung brownies ko kasi makakalimutan nyo din hahahahaha! Teka saan na ba ako? Ayun nga balik tayo sa order:

Ano? Cupcake

Ilan? 20 pcs. Bilang ng tao sa office nila

Para saan? Gender reveal boom boom pak

Kelan? Biyernes (kahapon)

Magkano? $2 each (so bale $40 lahat beri good)

Ano flavor? kahit ano basta 10 pink 10 blue (gets!)

Pano ang delivery? Daanan sa bahay ng Friday morning.

OKAY let’s get it on! Saya ko nung bumili ng ingredients nung Wednesday. Naka $23 ako na pinamili. So na-compute ko na kikitain ko:

Benta $40

Binili $23

Kita    $17 –  Apat na meals na yan without drinks

Thursday night. Eto na excited na ko mag bake. Ready na lahat. Pero may problema.. di ko makita yung hand mixer ko. Oo nga simula ng lumipat kami ng bahay di ko na sya nakita. Hinanap ko sa storage. Sa mga cabinet inisa isa ko. Waley talaga. Ayoko ma-stress kasi dapat pag nag-bbake dapat masaya, kasama yun sa ingredients. Nasasayang oras ko.. dis oras na ng gabi hello. So sinimulan ko na lang, mano mano na lang pag mi-mix. Okay lang yun. Iniisip ko na lang noong unang panahon nga walang electric mixer pero chill lang sila.. ako pa? Hahahahaha!

Okay na yung cupcake. Ang problema ko talaga ung frosting. Kailangan ko talaga ng mixer para maging fluffy ung butter bago ilagay ung icing powder. Naisip ko bumili ng ready made na frosting. Meron sa NTUC 24 hours open yun. Kaso naisip ko, una parang dinaya ko naman ung customer ko kung bibili ako ng ready made. Pangalawa, mahal yun mababawasan ang kita kong $17 hahahahaha!

Pag pa-give up ka na may isang kang puedeng puntahan — ang YOUTUBE hahahahahaha! Sinearch ko how to make frosting without an electric mixer? hahahahahaha! Ayun lahat ng video na napanuod ko iisa lang ang ginagawa.. mag halo ng mag halo hanggang magka abs ang braso.

Lagpas na ng ala una ng madaling araw nag hahalo pa din ako ng pang frosting ko, hindi ko na iniisip ung kikitain ko, iniisip ko na lang pag natapos ko to makakatulog na ko hahahahaha! Dasal lang talaga. After 40 minutes eto sila, naiyak ako after ko sila ma-mix:

Wag ko lang gawin to everyday baka sumali na ko sa body building contest hahahahaha!

 

Kamusta naman ang biceps ko? Woooo Hahhahaahaha!

Muntik ko na mapatakan ng luha sa pagka tears of joy hahahahaha! Sakit na ng braso at antok na ko. Tapos eto na nga ang frosting moment, eto ung part na dapat naka smile ka habang ginagawa kasi pag naka simangot ka papanget ang frosting. So kahit antok na ko at masakit ang braso naka smile pa din ako hahahahaha!

 

Gender reveal it’s a girl boom boom pak!
Gender reveal it’s a boy boom boom pak!

So ayan puede na ko matulog. Masaya akong matutulog.

Kinabukasan, ayun nga dinaanan na sa bahay ang cupcakes. May kinita akong $17! Woooo! Nag half day leave na lang ako sa work kasi di ko kaya pumasok ng maaga, 2.5 hours lang tulog ko hahahahaha! Balak ko matulog muna ulit tapos pasok ako ng 1pm. Tapos bago ako pumasok ng room tinanong ako ng tita ko bat late na ko nakatulog, sabi ko nag mano mano kasi ako mag mix, di ko makita ung hand mixer ko. Muntik na ko mahimatay nung sinabi nya, andito sa loob ng cabinet ng sink sa baba yung bag na green. Tapos binuksan nya ung cabinet may bag nga na green. Andun nga sa loob ung electric mixer ko. Mixed yung feelings ko, masaya kasi di pala nawawala at di ko kailangan bumili ng bago, naiinis kasi ang shunga shunga ko bat di ko yan nakita kagabi. Pero overall masaya ako. Kahit puyat may $17 at may abs sa braso hahahahaha!

 

P. S.

Ang gusto ko talagang i-blog yung brownies ko. Pero dahil mas masaya tong cupcake story kaya eto nasulat ko. Pero post ko na din ang brownies para ano… gusto ko lang bakit hahahahhaha!IMG_1600

 

Posted in KwentoKoto

Honorable Mention

Ang paborito ko talagang ulam pag lunch dito sa hawker centre na malapit sa office ay yung chicken stew. Ang chicken stew ay manok na may malapot na sabaw, gawa siguro marahil ng  cornstarch, color brown sya gawa siguro marahil ng soy sauce, may patatas, carrot, sibuyas at madaming durong na paminta. Every Tuesday at Thursday lang sya available dun sa paborito kong food stall, siguro gusto nila patakamin ang mga customers. Kaya pag dating ng martes at huwebes taob ang kaserola kase bentang benta sya. Pag nakita na ako ni auntie na nag titinda ng chicken stew sisigaw na un ng “ma-ganda! chicken stew?!”. Ngayon alam nyo na bakit ko paborito ang food stall na yun hahahahaha! 

Pero hindi yan ang topic ko hahahaha! Gusto ko lang i-share muna ang paborito kong ulam at yung lagi akong tinatawag na ma-ganda ng tindera hahahaha!

Eto talaga yun. Huwebes ngayon di ba, so lunch ko chicken stew as always. Pag nag lu-lunch ugali ko mag multi-task, nagbabasa ako ng blogs sa WP at makikinig sa spotify. Sabay sabay yang tatlo: kain, basa, spotify. Nabasa ko yung post ni Aysa na An Email From A Reader.  Ayus pala pag nag email ka sa kanya puede ka ma-feature sa blog nya hahahaha! Eh pangarap ko ma-feature sa aysabaw.com hahahahaha! 

Nag comment ako sa post nya para mapansin ako ahahahhaha! Ayy mga friends naluha ako sa reply ni Aysa! Sabi nya na-mention daw ako ng reader! Sakto ang song sa spotify ko ay yung song na “Perfect” hindi by True Faith ha, by Ed Sheran ganyan. Naluha ako kasi ang perfect na nga ng song, ang perfect pa ng chicken stew, ang perfect pa ng pagka-mention sa akin. Honorable mention ganyan. Hahahahahaha! Kahit di ako directly ang inimail ni M.E.V (happysheikha) mag rereply ako sa kanya kasi na-tats talaga ako hahahaha!

Dear M.E.V (happysheikha),

Alam ko si Aysa ang sinendan mo ng email. E-epal lang ako ng burberry lite hahahaha! Gusto kong malaman mo na may email din ako hahahahaha! Joke lang! Eto talaga.. gusto kong malaman mo na ung pag mention mo sa akin sa email mo kay Aysa ang nagpasaya ng lunch ko kanina, masaya naman kasi chicken stew ang ulam pero mas sumaya nung nabanggit sa akin ni Aysa na ganun nga. At yung mojo, sineach ko ang meaning, kala ko name ng aso mo or mojo na na-oorder sa Shakey’s or mojo na artista. Mojo na magic power pala sya. Di mo na kailangan siguro yun para mag update ng blog, need mo lang ng computer at internet hahahaha joke ulit. 

Seriously, balik ka ulit mag sulat para may dagdag akong babasahin habang kumakain ng lunch. Paki-mention ulit ako wahahhahahaa! Salamat ulit pakiramdam ko hindi na ko hampas lupang blogger, medyo umangat na ko ng 1 inch sa lupa sa pag mention mo sa akin hahahahaha! I’m looking forward sa next mong post this month awuw this month na agad hahahaha!

 Mojo Power!


Nagmamahal,

Space