Isang taon na ko nag b-blog dito! Congratulations naman to me! Todo na itu mga friends! Akala ko nga di ko na magagawa to. Meron kasi akong malungkot na experience sa pag b-blog. Nung nasa Pinas pa lang ako nag susulat na ko, tinigil ko lang. Noong nag wo-work ako sa Pinas, bina-blog ko yung tungkol sa crush ko na di ako pinapansin (mga ilang series din un), ang masakit makintab at mapula kong pimple sa muka, yung nanakawan ako ng cellphone na hindi ko pa fully paid (2nd installment pa lang), yung company outing namin sa Subic na muntik na ko maiwan ng bus, yung katapangan kong hinarap ang baha sa Vito Cruz Extension corner Primo Rivera St. at yung the best lugaw sa Lugawan sa Pasong Tamo.
Teka.. aura munaYun nga. Okay na sana masaya na. Hanggang isang araw, nag blog ako about sa Human Resource Department ng company namin. Ang title “Ganito din ba ang HR nyo?” Ang dami kasing nag rereklamo sa mga binagong policy. Ang pinabibo, pinalakas at pinatibay na policy. Eh sa kagustuhan kong gawing light ung situation at nakakatawa, ginawan ko ng blog. Ayun. Pumatok sa office. Kumalat sya. Tawang tawa sila. Pero may isang mabait… sobrang bait, pinrint ung blog ko at dinala sa HR Manager. Pinatawag ako sa office. Alam mo yung pakiramdam na last na lunch ko na pala yung kanina sa pantry namin. Katapusan ko na. Gusto ko mag tago.
Hanapin nyo koPag pasok ko ng HR department kitang kita ko yung print out ng blog ko nakalatag sa table ni Madam. Tapos ang itsura ng HR Manager parang gusto nya kong lasunin. Tinanong nya ako kung ako ang nag sulat. Andun yung pangalan at muka ko di ko ma-dedeny. Sabi ko opo. Tapos sabi ko sa kanya parang diary lang po yan, wala naman po akong sinabing name kung sino at anong kompanya. Binigyan nya ko ng ‘weh? di nga’ look. Tapos tinanong nya kung sino ung HR Manager na tinutukoy ko sa blog. Sagot ko, depende po. Depende po sa nag babasa. Hindi kinaganda ng atmosphere ang sagot ko. Ayaw nya ng sagot ko. Lalo sya nairita. Kinabahan ako nun, nag -re-ready na ko ng sasabihin sa nanay ko na wala na ko trabaho pag uwi ko. Sabi nya kung may concern ka sa policy ng company, di mo na kailangan gawin ito, open ang office ko para makipag usap (hindi yan ang saktong sinabi, binaitan ko lang, dagdagan mo pa ng mamalat malat na boses). Tapos ang dami nya pang sinabi pero di ko na ini-intindi kasi inisip ko kung sinong busilak ang kalooban ang nag print ng blog ko. Gusto kong awardan. Nakayuko lang ako. Naiiyak na ko. May point naman sya. Lumabas ako ng office ni Madam na basag. Di naman ako natanggal sa trabaho pero basag. Sa hallway gusto kong sumigaw.. SINONG NAG PRINT???!!!! (na may hawak na itak).
Teka aura ulit si Marimar Perez de SantibañezSimula nun ayaw ko na mag blog. Tinanggal ko na lahat. Di na din ako makapasok ng HR office parang blacklisted ako dun, pag may kailangan ako sa HR ipapasuyo ko na lang sa officemate ko. After a month nag resign si Madam. Ayun nakakapasok na ulit ko sa HR hehehe. Pero ayaw ko na mag sulat. Nawalan ako ng gana. Hanggang nag work na ko dito sa SG, medyo na bored ako nun, kahit yung mga free planner sa office ginawa kong diary. Tapos nag try din ako mag type sa MS Word lahat ng nangyayari sa kin tapos save sa thumb drive. Sinubukan ko ulit gumawa ng blog sa blogspot, pero anonymous. Pero parang hindi ako yun, parang nagsusulat ako sa loob ng hawla. Hindi ko na-enjoy. Tinigil ko nanaman. Last year 2016 dami kong realization sa buhay. Awuw. Nag decide akong gawin ung gustong gusto kong gawin. Gusto ko mag kwento. Gusto ko maging blogger. Yung may muka na… may pangalan.
Ganyan O Pak!Ang bilis ng pahanon. Isang taon na pala nakalipas. Gusto ko magpasalamat sa unang nag follow ng blog ko. Bumilis talaga tibok ng puso ko kasi may nag babasa pala. Sa mga kaibigan ko na nag encourage sa akin when the night was dark and full of errors… maraming salamat. Thank you sa mga naging kaibigan ko dito through this platform, sa PSA family, sa The Fault In Our Blogs family #TFIOB at sa Star Magic family hahahaha! Teka naiiyak ako. May background music kasi ako habang sinusulat ito (One Direction). Sa mga nagbabasa at Sa’yo na nag-print… thank you.
At higit sa lahat thank you Lord, He sees all my flaws yet loved me deeply.
Happy Anniversary to us spacekoto.com bayaran nanaman ng annual subscription hahaha! Saya saya ko!
But wait, there’s more. Wag muna kayo umalis. May nag sponsor hahaha! May pa-give away si mayor. Ayiiieee! Dahil ako ay isang #Aysanatic, mag papa-premyo din ako, sumusunod sa yapak ni Aysabaw hahahaha! Eto na… kung sino na lang mauna, mag comment lang sa baba kung ano ang jejemon name ko (nasa About Me page ko ang sagot). Yun lang. Dali! At sayo na to:
Yung telephone booth lamp shade at yung eroplano lang ang kasali. Di kasali yung tambak kong trabaho at office supplies hahaha! Yung lamp shade nakakatuwa, tap mo lang sya iilaw na, kung gusto mo i-off i-tap mo ulit. Tap lang ng tap. Yung eroplano, bakal sya pero hindi ganun kabigat. Ililipad na sila papunta sa inyo.
First blood pala ako. Wow. Heheh.. First of all happy first anniversary sa Spacekoto.com. Grabe pala yung story mo about sa HR. Iniimagine ko kung ako nasa ganung sitwasyon, parang gusto ko nang lamunin ng lupa. Heheh..
Anyway, ganda ng story mo. May purpose pala ang mga yun. At yun na nga, nandito ka na. Wishing you more years to come sa pagba-blog. ☺
And by the way, ganda ng mga pics mo lalu na yung hawak mo yung #1.. 😉
Nataon lang siguro na nagbabasa ako sa WordPress nung nagpost ka. Heheh..
Nangalay ka ba? Okay lang, worth it naman eh. Panalo! Pang IG at pang profile pic. Heheh..
Dati naman nangyari sakin nung high school ako muntik ako ipatawag sa Principal’s Office kase nag-rant ako sa radyo on-air about our school policy. Hindi ko alam nakikinig pala sila dun. Hahah.. Nahulaan nilang ako kase binanggit ko yung section namin, binati ko kase mga classmate ko. 😁
Naunahan ako ni kuya sa Nhale. Gusto ko pa naman yung giveaway. 😦
Happy anniv space! Keep on writing kasi masaya basahin ang mga blogs mo! Nacurious ako dun sa blog about HR. Kung may copy ka pa padalhan mo ko. HAHAHA,
Naalala ko one time, may half-day Saturday kasi kami sa work tapos naka-special sched ako for a certain period because of board exam review. So nagpatulong yung mga officemate ko gumawa ng petition letter na i-company holiday ang Sat bilang national holiday ang Fri. Para daw long weekend. Then pumirma yung mga sang-ayon. Ayun, napatawag ako sa HR. Ako daw ba ang presidente ng Unyon. Ako pa talaga eh wala nga akong pasok ng Sabado anubaaaaa!!! HAHAHA. Simula noon ayoko nang magsulat. Haha.
Grabe napagkamalan ka pang presidente ng unyon! Baka ikaw ang nasa unahan na naka pirma sa petition hahahaha! may trauma na ko humarap sa mga HR Manager hahahah!
Ahhh yung letter ang contribution mo sa unyon hahaha! Sana naitabi ko.. sa sobrang dismayado ko at takot.. dinelete ko, pinipiga ko utak ko ngayon kung may maalala ako sa sinulat ko about sa HR hahaha!
Thank you Kat sa pag sali kahit may nanalo na hahaha naku bago ako nag resign.. nalaman ko kung sino, clue.. same department kami, babae sya at M nag start ang name nya hahaha ang sarap bigyan ng award hahaha!
Hahahaha, baka kasi magbago isip mo sa nanalo. Bastos yun eh. Nag effort pa yun for sure mag copy paste. Hahaha pero thank you din sa kanya, I’m sure mas happy ka ngayon! 🙂
Wow nung 29th ka! Happy anniv din sayo Kat! 31st kasi ung unang blog post ko, pero ung create ata ng WP account nung 28th.. tsaka mas madali tandaan ang 31 hahaha!
Ay, huli na pala aku. Huhu. Eniweys, natuwa po ako sa post niyo na ‘to. Nainspire na din. Keep on writing po Ate. Para may i-keep on reading si aku. 😉 🙂
Lorielaine! hahahaa! Naunahan ka di bale babawi tayo next year😊 Altleast sa promocode nanalo ka haha! Thank you ikaw din keep on writing ang galing mo kaya☺️
Ay panalo may giveaway si ate space 🙂 aliw ang mga stories mo teh. Buti na overcome mo ang mapait na kahapon at nagsimula ka uli magsulat. Panalo ang marimar santibañez 😂 happy anniversary!
Yass naman. Mala Bella Aldama ang peg 😂 Sa nagprint na yon salamat sya’t di mo sya kilala kundi pinapulot mo ng bracelet sa putik haha. More aliw posts to come 🙂
Happy anniversary, Nhale! 🌹🌸🌷 May pabulaklak pa ako haha!
Yung kwento mo about sa HR, di ko alam kung ano mafifeel ko kung ako yung nasa kalagayan mo nun, feeling ko magliligpit na ko ng gamit ko at di na lang magpapakita ever hahaha!
Wooooow! Chams! May pa-flower hahaha! Thank you! Sana may pa-cake din😆 Sobrang takot ako nun kala ko matatanggal na ko sa trabaho ang dami ko pa namang pangarap nung time na un hahaha!
ayy ginoogle ko talaga ang central perk dito!Di ko alam may ganyan na pala dito hahaha! Taong bahay kasi ako hahaha! Puntahan natin Chams pag punta mo dito☺️
Happy anniversary space! Di pa tapos ang blanket hahaha pwede coaster na lang hahahaha! Cheers to you and keep writing. Ingat sa mga singkit , mahilig din mag print yan. Lol
Happy first anniv spacekoto!
Ituloy mo lang madami kang napapasayang tao na nakakabasa ng mga blog mo! More yrs to come.. cheret! Gagalingan pa ntin ang mga photos mo. Effort na effort yan mga bes..
Amielle!!! Hahahahaha! Kanina pa kita hinihintay.. Nasan ka kanina? Nahuli ka sa pa contest ni mayor, hahanap ulit ako ng sponsor babawi tayo hahaha! Thank you 😘😘😘
Hahahahahahahaha!! E pano every month end ako nagbabasa ng blog mo para maipon muna. Nakakabitin pag paisa isa. Lol tawa ko ng tawa habang nagbabasa, muntik na magising si Lana. 😂😂
Lintek ang bilis ni Kuya Jeff!!!?!?!?!?!?HAHAHAHAHAHA habang nagdadrama lang ako kahapon sa buhay ko wala manlang nagremind na may pa-contest dito?!!!!!!!!!!!!!!! SINO NAGPRINT!!! HAHAHAHAHAHAHAH
Happy Anniv sa blog mo bebegurl ❤ ❤ ❤ lamo naman labs na labs kita! hahahaha
Iritang irita ako nandito lahat ng friends ko sa commentan wala nagsabi na “AILA MAMAYA NA TAYO MAGDRAMA KASI MAY PACONTEST SI TE SPACEPACITO HAHAHAHAHAHA” pero SINO NAGPRINT!!!!!!!
We love you Thea!❤️ Mas mahalaga ang moment mo kahapon kesa sa giveaway😘 Ayaw namin i-spoil ang moment mo haha! Next year babawi tayo ikaw na mananalo😁 We’re always here for you basta bigay mo lang ang password hahaha! #AilaVet
Loveyou forever “LEE” hahahahahha
Aww sige sige. Alam mo na password next time, yung hashtag mo na gagamitin ko hahaha.
Tuwing magagalit ako sisigaw ako ng SINONG NAGPRINT!!! Hahahahah
Congrats!!👏🏻👏🏻👏🏻 Happy anniv… gusto ko din maging vlogger just to share my thoughts…kaso ang kalaban ko katamaran para magaulat. continue what makes you happy.😊
Hi Rose! Salamuch😁 Start ka sa small.. katulad ngayon sinulat mo gusto mo maging vlogger or blogger kaso kalaban mo ay katamaran.. dyan mag start ka na, may intro na hehehe. Tapos tag mo ko aahahaha para ma follow kita ☺️
Bakit ba ngayon ko lang ito nakita? Hahaha! Happy anniversary space! Happy ako na nakameet ako ng tulad mo dito sa WordPress. Very natural at bet na bet ko ang blogger poses mo ha hehe. More power sayo!
[…] nya ito sa akin nung nag 1 year tong si spacekoto. After ko ma-post yung first anniv blog ko na Happy Anniversary Spacekoto (Sino Nag Print?), nag email sya sa akin at hiningi ang address ko at meron daw syang gantimpala sa akin. Syempre […]
Nhale! Hahaha..
LikeLiked by 3 people
HAHAHAHAHAHAHA! Ang bilis! May nanalo na! Halatang sumasali ka sa mga contest😂
LikeLiked by 1 person
Uwian na! May nanalo na! 😂
LikeLiked by 2 people
First blood pala ako. Wow. Heheh.. First of all happy first anniversary sa Spacekoto.com. Grabe pala yung story mo about sa HR. Iniimagine ko kung ako nasa ganung sitwasyon, parang gusto ko nang lamunin ng lupa. Heheh..
Anyway, ganda ng story mo. May purpose pala ang mga yun. At yun na nga, nandito ka na. Wishing you more years to come sa pagba-blog. ☺
And by the way, ganda ng mga pics mo lalu na yung hawak mo yung #1.. 😉
LikeLiked by 2 people
#JHEFFanclub! Ginalingan mo eh no! Hahahaha! Salamat.. naku kung alam mo lang.. yun yung pinaka nakakatakot na pangyayari sa buhay ko.
Yung picture na may #1 naka ilang take yan nangalay na ko hahahha!
LikeLiked by 1 person
Nataon lang siguro na nagbabasa ako sa WordPress nung nagpost ka. Heheh..
Nangalay ka ba? Okay lang, worth it naman eh. Panalo! Pang IG at pang profile pic. Heheh..
Dati naman nangyari sakin nung high school ako muntik ako ipatawag sa Principal’s Office kase nag-rant ako sa radyo on-air about our school policy. Hindi ko alam nakikinig pala sila dun. Hahah.. Nahulaan nilang ako kase binanggit ko yung section namin, binati ko kase mga classmate ko. 😁
LikeLiked by 1 person
Muntik ka na pala ma kick out! Hahahaha! Sa susunod batiin mo din ang principal para fair daw hahahahaha!
Magpapalit na ko ng profile pic! Yes naman!
LikeLiked by 1 person
Sabi sayo eh, laman ako ng radyo dati. Di ko na mabilang kung ilang beses nang umere ang boses ko. Heheh..
Sige, pag palit mo ng profile pic pupusuan ko yan bes! 😊
LikeLiked by 1 person
Naniniwala na ako na isa kang alagad ni Ka Ernie Baron hahahaha! Lagi ka din nasali sa contest sa radio? hehehe
Pusuan mo ha kundi di ko papadala yung eroplano hahaha!
LikeLiked by 1 person
Oo, ilang beses na din ako nanalo sa radyo pati na din sa TV. Heheh..
Oo, pupusuan ko agad sa ngalan ng premyo. 😁
LikeLiked by 2 people
Giveaway king! hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Naunahan ako ni kuya sa Nhale. Gusto ko pa naman yung giveaway. 😦
Happy anniv space! Keep on writing kasi masaya basahin ang mga blogs mo! Nacurious ako dun sa blog about HR. Kung may copy ka pa padalhan mo ko. HAHAHA,
LikeLiked by 1 person
Pangalawa ka naman hahahahaha! Hahanap ako ng isa pang mayor mag sponsor.
Nasa 101 files ko sa HR sa dati kong company. Alam ko naka file un, parang may kaso lang ako hahaha! Try ko makakuha ng copy hahaha!
LikeLike
HAHAHA as in naka-file!
Naalala ko one time, may half-day Saturday kasi kami sa work tapos naka-special sched ako for a certain period because of board exam review. So nagpatulong yung mga officemate ko gumawa ng petition letter na i-company holiday ang Sat bilang national holiday ang Fri. Para daw long weekend. Then pumirma yung mga sang-ayon. Ayun, napatawag ako sa HR. Ako daw ba ang presidente ng Unyon. Ako pa talaga eh wala nga akong pasok ng Sabado anubaaaaa!!! HAHAHA. Simula noon ayoko nang magsulat. Haha.
LikeLiked by 1 person
Grabe napagkamalan ka pang presidente ng unyon! Baka ikaw ang nasa unahan na naka pirma sa petition hahahaha! may trauma na ko humarap sa mga HR Manager hahahah!
LikeLiked by 1 person
HAHA. wala nga akong pirma bilang wala naman akong pasok talaga. Hahaha. Sayang sana may naitabi kang copy. Pang-TBT mo yun. Haha.
LikeLiked by 1 person
Ahhh yung letter ang contribution mo sa unyon hahaha! Sana naitabi ko.. sa sobrang dismayado ko at takot.. dinelete ko, pinipiga ko utak ko ngayon kung may maalala ako sa sinulat ko about sa HR hahaha!
LikeLiked by 1 person
Nhale! Anu ba yan! Ang bilis ni Jheff! Di bale #TheSpacers pa rin ha ha
Happy Anniv Space! Ang ganda ng mga litrato palong-palo!
LikeLiked by 1 person
Si Jheff keyboard ninja! Hahahaha!
Thank you Aysa! Pasok ba sa banga? hahaha!
LikeLiked by 2 people
Pasok na pasok haha
LikeLike
Nhale 😜
LikeLiked by 2 people
Madam leeanne ikaw ba to? hahahaha! Ang bagal mo mag type.. naunahan ka na! Di bale may bibigay ako sayo☺️
LikeLike
Nhale!
Sumali pa din ako kahit may nanalo na! Haha. Gusto ko malaman sino yung nag print. Tapos pasalamatan natin! 😛
LikeLiked by 1 person
Thank you Kat sa pag sali kahit may nanalo na hahaha naku bago ako nag resign.. nalaman ko kung sino, clue.. same department kami, babae sya at M nag start ang name nya hahaha ang sarap bigyan ng award hahaha!
LikeLiked by 1 person
Hahahaha, baka kasi magbago isip mo sa nanalo. Bastos yun eh. Nag effort pa yun for sure mag copy paste. Hahaha pero thank you din sa kanya, I’m sure mas happy ka ngayon! 🙂
LikeLiked by 1 person
Naku baka singilin ako nung nanalo ahahaha! Uu effort un kasi iisa lang printer sa dept namin, tinaon nya na wala ako ang husay talaga! ahhahaha!
LikeLiked by 1 person
Mine was on the 29th. Was yours on the 28th? I get confused with the WP dates haha!
LikeLiked by 1 person
Wow nung 29th ka! Happy anniv din sayo Kat! 31st kasi ung unang blog post ko, pero ung create ata ng WP account nung 28th.. tsaka mas madali tandaan ang 31 hahaha!
LikeLiked by 1 person
BWahahaahah bakit sayo napunta tong reply ko na to! OMG. Anniv ko ata July wahahahaha
LikeLiked by 1 person
Yung WP na confused na din kung saan ilalagay yung comment mo hahahaha!
LikeLike
Nhale po. 🙂 😉
LikeLiked by 1 person
Ay, huli na pala aku. Huhu. Eniweys, natuwa po ako sa post niyo na ‘to. Nainspire na din. Keep on writing po Ate. Para may i-keep on reading si aku. 😉 🙂
LikeLiked by 2 people
Lorielaine! hahahaa! Naunahan ka di bale babawi tayo next year😊 Altleast sa promocode nanalo ka haha! Thank you ikaw din keep on writing ang galing mo kaya☺️
LikeLike
Ay panalo may giveaway si ate space 🙂 aliw ang mga stories mo teh. Buti na overcome mo ang mapait na kahapon at nagsimula ka uli magsulat. Panalo ang marimar santibañez 😂 happy anniversary!
LikeLiked by 1 person
Aubrey Miles! Uu nakabangon din ako at nag kilay at nag sulat muli hahaha! Salamat from marimar perez de santibañez hahaha!
LikeLike
Yass naman. Mala Bella Aldama ang peg 😂 Sa nagprint na yon salamat sya’t di mo sya kilala kundi pinapulot mo ng bracelet sa putik haha. More aliw posts to come 🙂
LikeLiked by 1 person
Naku Aubrey.. kilala ko na kung sino, bago ako umalis dun nalaman ko na… hindi ko pinapulot ng bracelet sa putikan, wala akong bracelet hahaha
LikeLiked by 1 person
Antaray ng pa give away. Lakas talaga ng impluwensya ni Aysa!! Uyy bakit daw niya pinrint??? Nakakaloka. Happy anniversary Spacepacito!!
LikeLiked by 1 person
Jai #JiLicious hahahahha! Thank you😘 Naku pinrint nya kasi mapapel sya hahaha!
Genuine talaga akong #Aysanatics pati give away anniversary sinusundan ko😂
LikeLike
Happy anniversary, Nhale! 🌹🌸🌷 May pabulaklak pa ako haha!
Yung kwento mo about sa HR, di ko alam kung ano mafifeel ko kung ako yung nasa kalagayan mo nun, feeling ko magliligpit na ko ng gamit ko at di na lang magpapakita ever hahaha!
LikeLiked by 1 person
Wooooow! Chams! May pa-flower hahaha! Thank you! Sana may pa-cake din😆 Sobrang takot ako nun kala ko matatanggal na ko sa trabaho ang dami ko pa namang pangarap nung time na un hahaha!
LikeLiked by 1 person
Kapag nagawi ako ng SG, dadalhan kita ng cake! (Naks naman sa nagawi hahahahaha) Buti na lang naka-move on ka na sa phase ng life mo na yun haha! 😀
LikeLiked by 1 person
ayan! yung carrot cake ha less sugar more carrot hehehe.. sabihan mo ko kelan hahaha abangan ko ung cake.. este ikaw pala hahahaha!
LikeLike
Hahaha sige ba! 🙂 Gustong gusto ko makapunta sa SG dahil din sa Central Perk na cafe huhu
LikeLiked by 1 person
ayy ginoogle ko talaga ang central perk dito!Di ko alam may ganyan na pala dito hahaha! Taong bahay kasi ako hahaha! Puntahan natin Chams pag punta mo dito☺️
LikeLike
Reblogged this on P.S.A. and commented:
Happy anniversary 🙂
LikeLiked by 1 person
Di-Nhale. LOL Ang sagwa pala. Parang bad words. Haha Oy keep blogging! See you in SG kapag napadpad ako. Haha
LikeLiked by 2 people
Hahahaha! Kaya nga di ko ginagamit yang name na yan! Sige doc! Sabihin mo kelan ang state visit mo dito hahahaha! Iba-blog ko yan haha!
LikeLiked by 1 person
BTW: Kilala ko ang nagprint. Letter M nagsisinula ang name. LOL
LikeLiked by 1 person
May kinalaman ba yan sa sisiw? Waaaahahaha!
LikeLiked by 1 person
Haha! Si Manager ang nagprint. LOL!
LikeLiked by 1 person
Hindi si Manager ahahahhaha! Pero si printer girl astang manager yun hahaha!
LikeLike
August baby ang blog mo! Hehe! Happy birthday! ^_^
LikeLiked by 1 person
Thank you Doc Jem! ayy yung sayo din August baby din pala! magka birthday sila! Happy birthday☺️
LikeLiked by 1 person
Yes. Ayon sa horoscope, magiging fruitful daw ang August babies. Lol.
LikeLiked by 1 person
ayy fruitful nga! gusto ko yan Doc Jem☺️
LikeLiked by 1 person
Happy anniversary space! Di pa tapos ang blanket hahaha pwede coaster na lang hahahaha! Cheers to you and keep writing. Ingat sa mga singkit , mahilig din mag print yan. Lol
LikeLiked by 1 person
Thank you Rowan! Keri na ang coaster hahaha! Uu nag pprint din sila pero gamit ang scratch paper para tipid hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Sent u an email.
LikeLiked by 1 person
Happy Anniversary teh! Hahahaha walastik sa nag print e! HAHAHAH Laugh trip!
LikeLiked by 1 person
Thank you luckilylenny! Hahahaha! Award winning sya napaka husay mag print😂
LikeLiked by 1 person
Happy first anniv spacekoto!
Ituloy mo lang madami kang napapasayang tao na nakakabasa ng mga blog mo! More yrs to come.. cheret! Gagalingan pa ntin ang mga photos mo. Effort na effort yan mga bes..
LikeLiked by 1 person
nanaynakikay hahahaha! Thank you sa support from day 1 to day 365! Lahat ng buwis buhay moment mo sa akin will not go in vain hahahaha! 😘😘😘
LikeLike
OMAYGAD MAY PAGIVE AWAY!! ANG ELITE!!
LikeLiked by 1 person
Charot hahaha kainis naman di akems umabot ganda pa naman ng giveaway! Wala bang for sale nalang d’yan? Hahaha happy anniversary spacekoto! 💖
LikeLiked by 1 person
Amielle!!! Hahahahaha! Kanina pa kita hinihintay.. Nasan ka kanina? Nahuli ka sa pa contest ni mayor, hahanap ulit ako ng sponsor babawi tayo hahaha! Thank you 😘😘😘
LikeLike
Gusto ko rin ng pinipindot na phonebooth. Hahahaha.
“Nhale”
LikeLiked by 1 person
Nathan! Late na ang sagot mo hahaha! Sige exchange tayo sayo tong phonebooth akin si na lang si Lana hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Hahahahahahahaha!! E pano every month end ako nagbabasa ng blog mo para maipon muna. Nakakabitin pag paisa isa. Lol tawa ko ng tawa habang nagbabasa, muntik na magising si Lana. 😂😂
LikeLiked by 1 person
Awuw may pa month-end reading hahahahha! Sana makabasa na si Lana para dalawa na kayo tatawa Ay pati si Liselle din ipabasa mo hahaha!
LikeLike
Lintek ang bilis ni Kuya Jeff!!!?!?!?!?!?HAHAHAHAHAHA habang nagdadrama lang ako kahapon sa buhay ko wala manlang nagremind na may pa-contest dito?!!!!!!!!!!!!!!! SINO NAGPRINT!!! HAHAHAHAHAHAHAH
Happy Anniv sa blog mo bebegurl ❤ ❤ ❤ lamo naman labs na labs kita! hahahaha
LikeLiked by 1 person
Hahahahahaha!!! Si Jeff beterano na yan sa mga pa-contest! hahahahaha!
Thank you #AilaVet so much😘😘😘
Yung sa nag print.. nakilala ko na before ako umalis sa dun.. di ko na inaway.. sayang lang ang energy hahahaha!
LikeLike
Iritang irita ako nandito lahat ng friends ko sa commentan wala nagsabi na “AILA MAMAYA NA TAYO MAGDRAMA KASI MAY PACONTEST SI TE SPACEPACITO HAHAHAHAHAHA” pero SINO NAGPRINT!!!!!!!
LikeLiked by 1 person
We love you Thea!❤️ Mas mahalaga ang moment mo kahapon kesa sa giveaway😘 Ayaw namin i-spoil ang moment mo haha! Next year babawi tayo ikaw na mananalo😁 We’re always here for you basta bigay mo lang ang password hahaha! #AilaVet
LikeLiked by 1 person
Loveyou forever “LEE” hahahahahha
Aww sige sige. Alam mo na password next time, yung hashtag mo na gagamitin ko hahaha.
Tuwing magagalit ako sisigaw ako ng SINONG NAGPRINT!!! Hahahahah
LikeLiked by 1 person
Uu pag beastmode ganyan sabay sabay nating isigaw.. SINONG NAGPRINT!!! Hahahahhaaha!
LikeLike
Congrats!!👏🏻👏🏻👏🏻 Happy anniv… gusto ko din maging vlogger just to share my thoughts…kaso ang kalaban ko katamaran para magaulat. continue what makes you happy.😊
LikeLiked by 1 person
Hi Rose! Salamuch😁 Start ka sa small.. katulad ngayon sinulat mo gusto mo maging vlogger or blogger kaso kalaban mo ay katamaran.. dyan mag start ka na, may intro na hehehe. Tapos tag mo ko aahahaha para ma follow kita ☺️
LikeLike
Happy 1st Birthday Spacekoto! New reader here. 🙂 Mas masaya talagang magblog lalo na kapag may mga readers ka. Cheers!
LikeLiked by 1 person
Hi Camille! Salamuch😁 Uu sarap ng feeling na hindi lang computer screen ang kausap mo hehehe.. follow na din kita.. reader mo na din ako☺️
LikeLiked by 1 person
Thank you din!! 😘
LikeLike
Space my labs, ninominate kita hihi 💕 https://xoxalthea.wordpress.com/2017/09/07/awards-awards-awards/
LikeLiked by 1 person
#AilaVet my labs! Wow! nakaka plater naman hahaha! Sige sasagutin ko yan.. may ipopost lang akong burberry light😘
LikeLiked by 1 person
Gora lang #Spacepacito my labs hahahah ❤
LikeLike
Bakit ba ngayon ko lang ito nakita? Hahaha! Happy anniversary space! Happy ako na nakameet ako ng tulad mo dito sa WordPress. Very natural at bet na bet ko ang blogger poses mo ha hehe. More power sayo!
LikeLiked by 1 person
Meg! Basta tandaan mo na ang date.. Aug 31 ang anniv ko dito sa WP hehehehe. Thank you din sa pag tanggap sa akin awuw hahahahah! 😘
LikeLiked by 1 person
Nasa calendar na hehe. You are welcome ❤️