Posted in KwentoKoto

Puro, Dalisay at Wagas

Napapadalas punta ko sa Marina Barrage. Tong week na to naka-tatlong beses na. May lugar kasi dun na gustong gusto ko puntahan pag gusto ko huminga. After work mag-bu-bus lang ako papuntang Bayfront station tapos lalakarin ko na lang from MBS, may nalaman akong shortcut sekretong malupet. Ayokong aminin na na-bbwisit ako sa work, pero naka tatlong punta na ko sa Marina Barrage this week so parang ganun na nga hahahahaha! Ayoko talagang pag usapan ang trabaho dahil baka may mag print nanaman ng blog ko maisumbong nanaman ako sa HR hahahahaha. Pero nung Monday talaga ang pinaka hype woooo! Nag-off talaga ako ng phone at nag punta dun. Bumili ako ng food at dun na lang ako kakain at maglalabas ng sama ng loob.

Oo nga pala ang Marina Barrage ay Dam kung saan iniipon ang tubig na dadaan sa proseso para maging fresh water. So dito nanggagaling yung iniinom at pinanliligo namin. Nag sisilbi din itong pang control ng baha at pasyalan na din kasi connected sya saΒ Gardens By The Bay. Pero para sa akin, pag gusto mo mag emo, punta ka dito.

2 storey lang yung building nito na pa-spiral tapos may rooftop. Hindi ko ma-describe masyado. Kaya ito yung link ng websiteΒ Marina Barrage.

Eto sya sa araw.

Hindi ganito magpalipad ng saranggola wag tularan nakakainis hahahhaha

Green roof ang tawag nila dyan sa rooftop na covered ng bermuda grass. Sa hapon masarap magpalipad ng saranggola dito, madami ding nag p-photoshoot at nag pi-picnic. Masarap ang simoy ng hangin at malayo ka sa chararat na kasama mo sa office. Hahahahaha!

 

Eto naman sya sa gabi.

Mas madilim pa sya sa totoong buhay

Yes madilim. Sinadyang walang ilaw ung observatory area. May dim light lang sa mga upuan na semento at sa lakaran. Dahil madilim, makikita mo ung liwanag ng bituwin (nasan ang bituwin?) at ganda ng city sa gabi. Kaya nasabi ko magandang mag emo dito kasi di ka makikilala.. madilim nga.. unless tapatan mo ng flashlight ung muka mo at yung makakasalubong mo.


Sa gabi din marami ang nag-jo-jogging, nag-b-bike, nag-s-scooter at nag-di-dinner dito. Ewan ko kung saan nakukuha nung iba ung energy nila, hanggang 10pm may natakbo pa din.

So pagkadating ko sa rooftop umupo na ko sa paborito kong spot. Kung saan overlooking ang Central Business District at Marina Bay Sands. Gutom na ko, kasi malayo layo ung nilakad ko. Habang kumakain ako may dumating na 4 na tao (2 babae, 2 lalaki ata haha) galing sila sa jogging. At sa tabi ko pa talaga sila nag e-air bending at nag stretching at squating habang ako kumakain ng kanin. Hiyang hiya naman ako sa pag wo-work out ng airbender squad, kailangan talaga ipa-muka sa akin ang fit and healthy lifestyle ganyan. After 15 minutes tapos na ko kumain, umalis na din sila parang pinatapos lang nila ako kumain. Saya.

Ok panahon na, nag pasak na ko ng earphone, nagpatugtog ako ng instrumental song sa spotify ganyan hahahahahha! Habang naka-tingin sa mga mailaw na buildings dama ko na ung emosyon.. eto na.. nadadala na ko ng music.. papatulo na luha ko.. biglang may nag tagalog…

Ateng 1: Wala nanaman syang trabaho!

Ateng 2: Nanaman? Pang ilan na nga yan?

Me (sa isip): Mga ateng moment ko to dun kayo sa kabila.

Nilakasan ko ang volume ng music ko, pero nariring ko pa din ung usapan nila. Hanggang interesado na din ako makinig sa kanila. Paka chismosa ko. Gusto ko na sumabat.. gusto ko na sabihin.. te hiwalayan mo na hanap ka ng iba yung may trabaho. Hindi ako makapag emo emo dito.

Natapos naman kwento ni ateng sa jowa nyang ang hobby ay ang pag-reresign sa trabaho, so jogging ulit sila. So balik ulit ako sa drama. Pero few minutes lang may nag datingan na naman, mga turista na kumukuha ng litrato.. eh ang ganda naman kasi talaga ng view… nainggit ako sa ginagawa nila, nakita ko na lang sarili ko na nakuha na din ng picture. Infairness naman sa akin hindi lang puro selfie ang alam ko sa buhay may magaganda din akong kuha. Ayan nakaka proud.

May nagdatingan ulit na mga grupo, mga babaeng chekwa may dalang ilaw hahaha. Ang iingay nila pero bat ok lang sa akin, madami na kong kasama. Tingin ko yung lugar na kinauupuan ko ay stop over ng mga nag-jojogging pag pagod na sila at maganda ding spot pag gusto mong kunan ng picture ang city.


Nag iba yung atmosphere biglang sumaya. Teka bat nga ba ko nag e-emo eh ang saya saya kaya mabuhay. Umalis na ko sa kinauupuan ko, mag iikot ikot na lang na lang ako at kukuha na lang ako ng pictures tapos i-aapply ko ang rule of thirds awuw. Pinalitan ko na music ko ng masaya, yung jologs playlist ko ganyan.

Gamit ang cellphone ko, i-tour ko na lang kayo sa paligid ng Marina Barrage ano po.

Eto yung courtyard. Dito puede mag held ng mga ganap.

 

Eto yung Marina Bridge, sa ilalim nyan ay may mga gates na.. di ko sure kung para saan hahhahaha! Paka informative talaga.

 

Eto naman ang Observation Pier. Naalala ko yung movie na X-Men, yung pinupuntahan ni Professor X pag gusto nyang makasagap ng tsismis ng mga Mutants.

 

Ayan ay fountain yun lang ahhahahhaha

 

Eto ay sa rooftop pa din, kung gusto mo pa ng higher level, akyatin mo ang hagdan.

 

Ayan nga po mag kapuso.. may nag-d-date wag tayo maingay.

 

Ayan ang tinatawag na tagilid na kuha.

 

Eto yung bench na walang gusto umupo kasi parang tataob na. Ewan bat ko pa naisama FYI lang hahahaha.

 

Lagpas 10pm na ko nag decide na ok na uwi na ko. At ok na talaga ako. Kaya ko ng harapin ang bukas hahahahaha. Walang nabago sa sitwasyon andyan pa din yung kinaiinisan ko sa trabaho, pero iba na tingin ko sa kanya. Siguro katulad ng tubig sa Dam, kailangan ko dumaan sa proseso ng filtration para maging puro, dalisay at wagas hahahhahaha ewan parang slogan ng fabric softener. Ayun pakiramdam ko fresh na ulit hahahahaha!
Yun lang po at mabuhay ang mga bloggers na hindi journalist. Hahahahaha!

 

P. S.

Eto yung sinasabi kong sekretong shortcut papuntang Marina Barrage
Advertisements

Author:

Lahat tayo need ng Space. So ito na ang kasagutan hahaha! Samahan nyo ako sa baliwag kong kwento. Aim ng blog na to ay mapagaan ang mabibigat na damdamin. Di ko man matanggal ang problema nyo, sana kahit papano mapatawa ko kayo ano po? Allow me to have this space and name this blog spacekoto because anything that occupy space matters! Charot!

39 thoughts on “Puro, Dalisay at Wagas

  1. Ganda ng mga shots! In fairness, na-apply yung rule of thirds. πŸ˜„

    Hindi ko alam yang lugar na yan ah. Mukhang masarap nga huminga at magisip-isip dyan. Next time talaga dapat mapuntahan ko yan. Ang sarap mag nightshot dyan. ☺

    Yung Observation Pier, oo nga, parang yung sa X-Men. Next time pag may nakasalubong kang kalbo banda sa area na yun, baka si Charles X Xavier na yun.. 😁

    Liked by 3 people

    1. Ayy na-apply ko ba ang rule of thirds? yung iba tagilid hahahaha! Maganda sana kung DSLR, phone lang kasi gamit ko.

      Sa may likod yan ng Gardens by the bay, maganda mag nightshot dyan yung parang sa helix bridge mo ganun.

      Kulang na lang ung kalbong naka wheelchair sa observation pier achieve na ang xmen apocalypse ahahaha!

      Liked by 1 person

      1. Kahit hindi DSLR gamit mo, kaya pa din makakuha ng magandang shot. Ika nga nila, wala sa pana yan, nasa Indian yan.. 😁

        Hindi ko din napuntahan ng malapitan yang Gardens by the Bay. Sayang nga eh. Kaya next time talaga dapat mapuntahan ko na yan.

        Liked by 1 person

  2. Puro, dalisay, at wagas amp HAHAHAHAHA actually parang rated 18 na movie ang naisip ko dyan hindi fabric softener te hahahaha

    Tapos ano yung chekwa HUHUHU

    Atsaka tawang tawa ako dun sa tagilid na photo leche pinulaan nalang yung sarili e hahahaha

    Liked by 1 person

    1. Whahahahahhahaha!!! Parang movie ng Seiko Films!

      Yung chekwa, galing sa word na intsek, root word Tsek.. nilagyan ng Wa para di nila maintindihan kaya TsekWa. Pero dahil naging modern na naging Chekwa na ang tawag sa kanila hahahaha! Ang gulo ng explanation hahahahaha!

      Like

  3. O siya-siya, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa–

    Ang sakit ng ABS ko KAKATAWA. Iyong pakiramdam na tinubuan agad ako ng 6 paks katatawa.
    Bawat banat mo mag – emo natatawa ako, hirap maka moment nu?! πŸ˜‚πŸ˜‚
    Pero #helokite , ipasyal mo ako minsan jan aa. Tapos ako nalang photographer mo sa bawat eksenang pipiliting mong mag-emo tapos biglang may e-epal sa tabi mo.

    Liked by 1 person

    1. Mariaaaaaa! Wahahahhaha! Napurnada pag e-emo ko sa kanila.. mga basag trip sila! Natatawa na nga lang din ako. Mas masarap na din tumawa kesa mag emo, magkaka 6 paks abs ka pa hahahhahahah! Oo naman ipasyal kita dito pag napadaan ka ng SG.. basta dalhan mo ko ng sabon na #helokite hehehehe

      Liked by 1 person

  4. Nagtataka ako Te, bakit kaya hindi lumabas sa feed ko ‘tong post mo? Kaya ayan, supaahhh late ako. Ahuhu.

    Eniweys, havey na havey po sakin ung caption ng fountain. πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

    Ikaw lang talaga Te ang nagpunta jan? Wala ka talagang kasama? Kung ganun po, sino po ang nag-picture sa inyo dun sa talikod slash palipad kunwari ng kite pose niyo? Haha. Curious lang po si akuuu. 😁😁😁

    Liked by 1 person

    1. LP! πŸ˜‚ Tong WP sinasabotahe ata ako ahahhahaha!

      Yang gabi na yan mag isa lang ako promise. Yung may kite ibang araw yan.. photoshoot ko yan para sa anniversary ng blog ko awuw hahaha, pinost ko lang dito para makita nyo ang itsura ng Rooftop pag maliwanag. Sa gabi kasi super madilim yang lugar na yan.

      Yung caption ko pala sa fountain ang pinaka pinag isipan kong caption sa lahat hahahahaha!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s