Tinapat ko talagang September 23 ang post na to kasi sabi nila ngayon daw magugunaw ang mundo hahahahaha. So.. anunah? Pero di yan ang topic ng blog to today kundi ang pangingisda namin sa South China Sea. Eto na mga friends.
Noon pa ko inaaya ng friend ko na si Princess na mangisda kasama ang kanyang jowa sa Johor Bahru. Ayoko. Una, masusunog ako sa araw, sayang naman ang kinukuskus kong papaya soap sa buo kong pagkatao. Pangalawa, hello ano gagawin mo habang nag iintay kumagat ang isda sa bitag? Nganga. Pangatlo, ayoko maging third wheel. Don’t me. Hahahahaha!
Nitong lunes, nag message sya na sama daw ako sa martes (kinabukasan na) mag fishing sila ulit at puede ko daw i-BLOG. Nung nabasa ko un, hininto ko ang ginagawa ko at nag-fill up ng leave form. Kinausap ko boss ko ng seryoso, ayun pumayag. Gagawin ko talaga lahat para sa blog (I will do anything for blog). Kahit maging third or fourth wheel pa yan Hahahahahaha!
Ang Johor Bahru ay part ng Malaysia na malapit sa border ng SG kaya mga 1 hour drive un kasama na pila sa immigration. Tapos another 1 hour pa papunta sa Desaru province andun yung dagat na pangingisdaan. So total 2 hours travel. Kahit 5 hours pa yan basta para sa blog. Hahahahaha!
Okay. Eto ung sinend nya na checklist na dapat at di dapat dalhin.
Opo, bawal daw mag dala ng saging. Kala ko joke. May pamahiin daw ang mga mangingisda na hindi maganda ang dulot ng banana sa boat (kaya pala na-create ang banana boat haha). Di ko makita ang konek pero respeto na lang. Ayun, bawal mag tagalog, so napuno ng dugo ang karagatan sa nose bleeding ko. Bawal din umiyak, kasi aalat ang dagat ganun.
O game, eto na nga. 3am gising na ko (ang OA pero yes). Sinundo nila ako ng 4:30am. Tinanong nila ako kung may seasickness ako? Anu un? Sabi ko wala akong sakit malakas ako. Pero naisip ko pano kung may seasickness nga ako ayy haha. Hindi ako mahiluhin at masukahin… gutumin lang. Alam nila un kaya pag dating sa JB, nag almusal muna kami, kasi another 1 hour ulit papunta sa dagat.

Pag dating sa Desaru, na meet na namin ang captain ng boat, si Sam (kapangalan pa ng boss ko nu ba yan) at si Sak ang kanyang assistant. Ang galing ng tandem SamSak.
Ayan na nga po kinapalan ko na ang lagay ng sunblock at lipstick at nag simula na ang aming voyage yes naman. Madami akong natutunan at natuklasan sa fishing trip na to. Eto na…
1. Gusto ng mga isda ang bakal. Gustong gusto nila yung anchor. Dun sila nag kukumpulan. Kaya pumalaot kami malapit sa mga barko na naka angkla sa gitna ng dagat. Siguro sarap na sarap sila sa kalawang ng anchor or kung anuman yung meron sa anchor. Dito kami nanghuli ng maliliit na isda para gawing bait sa malalaking isda. Dumaan kami sa harap nitong Diamond Bliss ship. Aba napagkamalan ata kaming pirata! Binusinahan kami.. ang lakas parang busina ng tren times 2. Natakot ako baka sagasaan kami or barilin kami hahahahaha! Porket barko sila at bangka lang kami? Pero dumiretso pa rin kami sa malapit sa anchor nila, walang makakapigil dahil kami ang mga pabebe hehehe.

2. Okay lang na wala kang alam. Zero knowledge ako sa pangingisda. First time ko makahawak ng fishing equipment chenelin. Natatakot ako baka masira ko, wala akong pang bayad. Pero madali lang pala sya i-operate, kung marunong ka mang gaya matututunan mo sya, kasi ginagaya ko lang ang ginagawa nila ayun. Iba yung feeling pag naramdaman mong bumigat at may gumagalaw sa fishing line mo. Daig nya pa yung feeling ng bagong sweldo o yung feeling na nag-text yung crush mo. Promise ang saya. Hahahahaha!

3. Don’t let go. Yan ang kabilin bilinan sa akin. Kapag nahuli mo na wag mo ng napakawalan. Kapag nanlaban ang isda, wag kang susuko. Hayaan mo syang lumaban hanggang mapagod sya. Pag humina na sya tsaka mo i-roll up ang roller ganyan. Habang sinasabi sa akin yan parang di ko matanggap kasi taliwas sya sa prinsipyo ko sa buhay hahahaha. Pero yun daw ang tama pag dating sa fishing. Wag mong i-ano sa lablayf mo.
4. Ang payapa ng mundo pag walang internet connection. Wala kaming wifi sa dagat. Walang notification. Walang demand. Panuorin mo lang ang mga ibon na lumilipad, pakinggang ang alon, mag form ng image sa mga ulap. Ang peaceful mga friends. Ang payapa ng dagat. Kalmado. Meron ang dagat na makakapag balik sayo sa mga araw na simple lang ang buhay. Ang galing.

5. Hindi lahat ng pag hihintay ay nakakainip. After namin manghuli ng malilit na galunggong, pumalaot na kami sa totoong area ng mga big fish. Eto na yung waiting game. Mas matagal makahuli ng malaking isda it takes time ganyan hahaha. Ang maliliit na isda madali lang, hindi mo kailangan ng maraming pasensya. Infairness naman sa akin, hindi talaga ako mainipin kaya kong gumawa ng bagay na makakapag entertain katulad ng pag kanta at pag da-drama.. hahahaha. Yun lang talaga wag mo lang ako gutumin. Pag hintayin mo na ako ng matagal wag mo lang akong gutumin. Di ba nga ang feelings puede pigilin ang gutom HINDI hahahhahaa.

6. Ang hirap mag english sa gitna ng dagat. Di ba nga bawal mag tagalog, isang tagalog word, isang isda daw ang umaalis. Kaya pag may nahuli akong isda, di ko puedeng sabihin, huy may kumagat may kumagat! Sinasabi ko na lang… oh my gas oh my gas! ganyan, alam na nila na may huli ako hahahahaha!

7. Medyo maldita ang weather sa dagat pag September. Pabago bago ihip ng hangin.. aaraw tapos uulan, kalmado tapos aalon ng bongga. Parang sira. At yung nakaka takot pa, may itim na clouds na nabubuo sa left side namin. Samantalang sa ride side namin ay umaaraw. So nasa gitna kami. Pero mukang papalapit sa amin yung matim na kaulapan, storm daw yun. Nag sisimula na umulan at medyo hinahampas na kami ng alon. Parang tinataboy kami. Pag masungit ang panahon lumayo ka na daw at respetuhin ang kanyang kasungitan. So umalis kami pero parang hinahabol kami ng ka-malditahan nito. Nag iba kami ng location, yung may nakikitang island, para sakaling may mangyari sa amin ay may makakakita sa amin. Awuw. Pero dun sa nilipatan namin, dun kami nakahuli ng madaming isda. Parang sa buhay, kala mo tinataboy ka pero sa totoo lang ni-le-lead ka sa mas madaming blessings. Yes naman.

8. Magiging madasalin ka pag nasa kalagitaan ka ng dagat. Parang national day of prayer lang ang araw na ito dahil sa dami kong naidasal. Dasal, dasal lang talaga hahahhahha. Lalo na nung hinahabol kami ng storm at nung malalakas na ung alon. At eto pa, after one hour na pag takas namin mula sa lugar ng kadiliman, may natanggap na message si captain na may lumubog na fishing boat at papunta na ang mga coast guard dun sa kaganapan. Ganun kabilis pag hindi ka naka alis sa storm. Nakaligtas kami. Pasalamat kami at buhay kami. Iba pa naman paalam ko sa boss ko kaya ako nag leave, tapos malalaman nya palutang lutang ako sa South China Sea kung sakali hahahahhaha!

9. Di mo kailangan maging pro para makahuli ng malaking isda. Pag pinili ng isda ang bait mo, eh di ikaw na! Sa pag kakataon na to.. ako na! Ako ang pinili.. ang itinakda hahahaha. Nakahuli ako ng Barracuda! Yung sobrang mahabang isda. Hindi ko ine-expect kasi hipon lang ang nilagay kong bait, di pang malakihang isda. Pano nangyari na malaking isda ang nabingwit ko sa liit ng bait ko?
Eto ang explanation ni captain Sam: Yung bait ko kinain ng maliit na fish, tapos yung maliit na fish, kinain ni Barracuda. Parang food chain ganun.

Ayun nga, nagulat ako na bumigat ang fishing rod ko.. sobrang bigat na halos mabitawan ko na at halos lubong na fishing rod sa tubig, para akong nakikipag tag of war. To the rescue na si Sam, hindi rin nya ma i-roll out kasi baka mapatid ung tali. Lumalaban si Barracuda. Kumuha na ng sibat si Sak at tinapos na si Barracuda. Ayan ulam ka tuloy.

10. The worst day fishing is better than the best day at work. Totoo! At least di ka nag trabaho at meron ka pang kwento. Sabi nga ng friend ko, ang fishing ang only hobby na literally may madadala ka pag uwi mo sa bahay mo. Yung isdang nahuli mo plus may ma-iku-kwento ka pa. Compare sa ibang activity tulad ng sports, ang maiuuwi mo ay pagod at minsan sakit ng katawan (sorry naman sa mga may sports, tuloy nyo lang yan woooo). Ang fishing makikita mo agad ang fruit ng iyong labor. Yung mga isda yung trophy mo, puede mo iuwi, iluto, kaninin at busog ka pa. Tapos masasabi mo… ako humuli nyan. Dugo’t pawis (nose bleed). Sinuong ang init ng araw, alon at ulan. Ayan.

Ayan nga po at ayyy 1616 words na hahhahaha. Ang haba na baka wala ng nagbabasa hahahaha. Buti di inabot ng pag gunaw ng mundo hahahhaha! Kung binabasa mo pa din ito.. salamat ha. Gusto ko lang i-share yung saya ko na buhay ako at gusto ko sabihin na ito yung pinaka masaya kong experience (so far). I thank you 🙂

Wow! That’s good na isa yan sa mga best experiences mo so far. Ika nga diba, don’t be afraid to try something new everyday. 🙂
At agree ako sa lahat ng mga natutunan mo, esp. yung #4 at #10. Yung sa #4, mas maganda talaga na paminsan-minsan mag-offline naman tayo. Puro na lang kase tayo social media at internet. Masarap pa din minsan kapag ang buhay ay simple lang. At sa #10 naman, better talaga yan than the best days at work. Kaya tara na, mag-resign na tayo at mangisda! Wohoo!
LikeLiked by 1 person
Bwahahahahhahaha!!! Resign agad nyeeeaaam! Minsan ine-airplane mode ko tong phone ko, para kunyare nasa plane para tahimik hahahhaha!
Di ko pa nabasa ung Thailand blog mo, cheka lang. Mukang mapapa resign din sa saya dun ha hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Oo, masaya din dun. Parang ayoko na din bumalik. Sarap ng mga street foods dun. Nyeaamm! 😊
LikeLiked by 1 person
Dalang dala ako sa pagkwekwento mo hehe. Ang sarap lang basahin ng blogs mo. Keep it up!
LikeLiked by 1 person
Hi Marky! Thank you ha sa pag tiyaga mag basa☺️ Teka lang ikaw ba ung Marky na kilala ko? hahahahaha! thetravelkeed? hula lang😁
LikeLike
Yung “Don’t let go.” HAHAHAHA. Ang sarap talaga basahin ng blogs mo. Para ka lang nasa harapan ko nagkukwento. With OA na actions and demo ganyan.
LikeLiked by 1 person
Yes don’t let go.. the fish hahahahaha! Dapat OA para mas fabulous ganyan hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Astig ng blog ah. Bitin ako sa 1616 words..si markrroyd aka thetravelkeed na pala to..haha 😂 more blogs and keep it up!
#parasablog
LikeLiked by 1 person
Marky! Sabi ko na ikaw yan eh hahahaha! Sige next blog ko gawin kong 6161 words! Hahahaha! Thank you! 😁
LikeLike
Yung unang marky na nagcomment hindi ako yun. Pero salamat ako naisip mo sa dami ng marky sa mundo haha 😂
LikeLike
Ayy di ikaw un! Ikaw lang kilala kong Marky kasi hahahaha! Naku sino kayang Marky un? Kaya pala di na sumagot hahahaha!
LikeLike
“Wag mong iano sa lablyf mo” lol derechahan!!! Ang saya ng adventures with samsak! Bet ko ang adobo marlin na maanghang!!! Extra riceeee!!!!! At best part ang cctv footage ng food chain! Pak!
LikeLiked by 1 person
Ate Suitcase! Kahapon niluto ko ung barracuda! Ginataang barracuda with madaming sili ulit hahahahaha! Kasali na din ako sa food chain: prawn -> small fish -> barracuda ->space. Hanapan ko ng cctv footage! Hahaahhaa!
LikeLiked by 1 person
Sarap!!!!! Ginto ang seafood dito! Asar lang kc 3 napapalibutan kmi ng dagat diba. Baka need ko tawagin si Moana and maui to bring back the heart of the ocean. Nyahaha.
LikeLiked by 1 person
Mas masarap mangisda dyan! Isang linggo na kaming isda ang ulam! Mamaya galunggong ulam namin hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Tawang tawa ako leche talaga pantanggal stress ko mga posts mo te!!!! Hahahahahahaha. Di ko alam kung jinojoke mo na naman kami sa bawal ang saging pero sige na maniniwala na ko sa’yo dahil naka-galunggong ka naman hahahahaha
LikeLiked by 1 person
Hahhahahhahaha Amielle! Sinend lang nung friend ko ung checklist… totoo daw un sabi ng jowa nya. Pag inaya ulit ako try ko mag dala ng saging kung totoo talaga.. itago ko sa bag ko hahahahahaha!
LikeLike
Parang sa buhay, kala mo tinataboy ka pero sa totoo lang ni-le-lead ka sa mas madaming blessings.
–ang galeng naman ni my labs dito ah oh hahahha
Ayun nga, nagulat ako na bumigat ang fishing rod ko.. sobrang bigat na halos mabitawan ko na at halos lubong na fishing rod sa tubig, para akong nakikipag tag of war. To the rescue na si Sam, hindi rin nya ma i-roll out kasi baka mapatid ung tali. Lumalaban si Barracuda. Kumuha na ng sibat si Sak at tinapos na si Barracuda. Ayan ulam ka tuloy.
–nakakainis tawa ako ng tawa dito HAHAHAHA ano ba naman! parang naririnig ko boses mo na nagrereport ka sa tv patrol HAHAHAHHA
Ang saya ko nang binabasa ko ito my labs! sensya na ako ang hari ng pagkalate sa pagbabasa dahil lamo na, lumalandi ako kay Kyx sa weekend hahahahaha anyyywaaaaayyyy hahahahah ang saya naman at masaya ka sa pangingisda mo, gawin mo nang hobby yan. Umisa ka pa. hahaha
LikeLiked by 1 person
My Labs! komo- quotable quotes na ako puede na ko mag pep talk! ahhahahaha!
Puede na din akong maging newscaster, palitan ko na si Gas Abelgas ng SOCO hahahaha!
Lamonaman my Labs pag masaya ka masaya na din ako hahahaha! Uu sasama ulit ako mangisda pero pag ok ok na si hanging habagat masyado kasing pabibo sa dagat, nakaka shookt ang alon hahahahaha!
LikeLiked by 1 person
Natatawa ako na ang maldita ng weather my labs. Nangiirap eno hahahahahah
Excited na ako mabisita ka diyan. huhuhu sana mabisita na kita agad kasi para makapag ice cream na ako at Chicken Rice hahahaha yahoooo!
LikeLiked by 1 person
Uu ang maldita ng weather parang gusto nya kami itaob hahahhaha!
Mag tatabi na ko ng pera para pang ice cream at chicken rice pag dating mo dito… madami din akong huling isda, ipag luluto kita hahahahaha!
LikeLiked by 1 person
hoy totoo yan my labs ah!!!! kahit muka akong ulikba love mo pa din ako ah! hahahahaa pag tumabi ako sayo ang puti puti mo kasi, muka akong ulikba pramis HAHAHAHAHAH ❤
LikeLiked by 1 person
Truth salad my labs! Hahahaha! Sabi nga sa favorite song ko “dahil ibang magmahal ang isang morena” Hahahaha! Gustong gusto ko na sulatan ng song review blog yang Morena song na yan hahahahha!
LikeLike
Space! Pampasaya ka talaga ng araw! Aliw na aliw ako. Gusto ko ung food chain. Ikaw ba nagdrawing niyan?
LikeLiked by 1 person
Alonaaaa! Uu ako nag drawing nung food chain.. napaka mature ko hahahahaha!
LikeLike
1. Ang ganda ng drawing mo ng food chain
2. Masarap mangisda. Kapag imbyernables ako dito sa isla sumasama ako sa mga nagingisda. Nakakapagpakalma yung nasa bangka ka at nadadampian ng hangin yung mukha ko (yun lang pala habol ko edi sana tumutuok na lang ako sa eletric fan haha).
3. Masaya maging offline paminsan-minsan
4. Ansarap sa pakiramdam makahuli ng isda
5. Hindi yung bakal ang gusto ng mga isda…yung lumot dun sa bakal HAHAHAHA
LikeLiked by 1 person
OMG! Nakaka proud. Huy mga friends! Sa comment section ko lang nag comment ng 5 pointers si Aysabaw! Ako lang may ganyan ahhahahahaha! #AkoNaBoomPanis
Aysa! Thank you nagustuhan mo ang drawing kong napaka mature ahhahaaha! Grabe iba ang feeling ng nangingisda parang disneyland ang saya hahahaha! Ayy I stand corrected sa number 5 hahahaha! Yung lumot pala sa bakal ang gusto ng isda, itong kasing friend ko bakal ng bakal sinasabi hahahaha!!!
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Kaya ipagpatuloy mo lang ang pangingisda para pwede ka na magpalit ng career if ever MAY MAGPRINT ulit ha ha ha ha
walang lasa ang bakal! ha ha ha
LikeLiked by 1 person
Magandang career to kasi after ko mangisda puede pa ko mag benta ng isda sa palengke.. mangingisda na palengkera pa hahahahaha!
Uu nga walang lasa ang bakal pero mayaman sya sa iron! Wooo waley! ahahahahahaha!
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHA bilang magaling ka na sa pagbebenta, marunong ka na din mangisda, PAWWWERRRRRR
Baka matetano pa sila sa bakal :p
LikeLiked by 1 person
gusto ko yung list of banned hahahahaha lalo na yung no bananas at no crying 😂
LikeLiked by 1 person
Parang pinag-t-tripan ako ng friend ko.. ginawa na nga akong third wheel.. binigyan pa ko ng bawal bawal na yan! hahahahhahaa!
LikeLiked by 1 person
hahahahahaha nagenjoy ka naman at lalong nagenjoy readers mo 😂
LikeLiked by 1 person
Oo happiest moment of my life ko nga yan hahahahahahha!
LikeLiked by 1 person
next time kapag may storm sumayaw ka ng sun dance ni J. Loyd 😂
LikeLiked by 1 person
wag mo nga ipaalala yan si john llyod, isa syang taksil ahahhahahahaha!
LikeLiked by 1 person
Hi Spacekoto( sige space mo yan) 🙋♀️ gusto ko lang sabihin na nakaka good vibes mga blog mo. Naeenjoy kong basahin. Haha! God bless!
LikeLiked by 1 person
Hellooo Veenaleektud! Salamat napadaan ka. Etong blog na to ang paborito kong sinulat kasi ang dami kong nauwing pang ulam nung araw na yan. Dami kong natipid hehehehe. See you around pinallow kita😁
LikeLiked by 1 person
Ang saya saya nyan teh. Buti wala kang seasickness?
Ps. Ang ganda ng kuha ng CCTV lol
LikeLiked by 1 person
Waley ako ata nun hahahaha puede talaga ako maging mangingisda hahaha!
LikeLiked by 1 person