Posted in Kaladkarin

Kween of South China Sea

Tinapat ko talagang September 23 ang post na to kasi sabi nila ngayon daw magugunaw ang mundo hahahahaha. So.. anunah? Pero di yan ang topic ng blog to today kundi ang pangingisda namin sa South China Sea. Eto na mga  friends.

Noon pa ko inaaya ng friend ko na si Princess na mangisda kasama ang kanyang jowa sa Johor Bahru. Ayoko. Una, masusunog ako sa araw, sayang naman ang kinukuskus kong papaya soap sa buo kong pagkatao. Pangalawa, hello ano gagawin mo habang nag iintay kumagat ang isda sa bitag? Nganga. Pangatlo, ayoko maging third wheel. Don’t me. Hahahahaha!

Nitong lunes, nag message sya na sama daw ako sa martes (kinabukasan na) mag fishing sila ulit at puede ko daw i-BLOG. Nung nabasa ko un, hininto ko ang ginagawa ko at nag-fill up ng leave form. Kinausap ko boss ko ng seryoso, ayun pumayag. Gagawin ko talaga lahat para sa blog (I will do anything for blog). Kahit maging third or fourth wheel pa yan Hahahahahaha!

Ang Johor Bahru ay part ng Malaysia na malapit sa border ng SG kaya mga 1 hour drive un kasama na pila sa immigration. Tapos another 1 hour pa papunta sa Desaru province andun yung dagat na pangingisdaan. So total 2 hours travel. Kahit 5 hours pa yan basta para sa blog. Hahahahaha!

Okay. Eto ung sinend nya na checklist na dapat at di dapat dalhin.

img_9729
Opo, bawal daw mag dala ng saging. Kala ko joke. May pamahiin daw ang mga mangingisda na hindi maganda ang dulot ng banana sa boat (kaya pala na-create ang banana boat haha). Di ko makita ang konek pero respeto na lang. Ayun, bawal mag tagalog, so napuno ng dugo ang karagatan sa nose bleeding ko. Bawal din umiyak, kasi aalat ang dagat ganun.

O game, eto na nga. 3am gising na ko (ang OA pero yes). Sinundo nila ako ng 4:30am. Tinanong nila ako kung may seasickness ako? Anu un? Sabi ko wala akong sakit malakas ako. Pero naisip ko pano kung may seasickness nga ako ayy haha. Hindi ako mahiluhin at masukahin… gutumin lang. Alam nila un kaya pag dating sa JB, nag almusal muna kami, kasi another 1 hour ulit papunta sa dagat.

img_9763
Masala Dosa at kapeng mabula

Pag dating sa Desaru, na meet na namin ang captain ng boat, si Sam (kapangalan pa ng boss ko nu ba yan) at si Sak ang kanyang assistant. Ang galing ng tandem SamSak.

img_9851

 

 

Ayan na nga po kinapalan ko na ang lagay ng sunblock at lipstick at nag simula na ang aming voyage yes naman. Madami akong natutunan at natuklasan sa fishing trip na to. Eto na…

1. Gusto ng mga isda ang bakal.  Gustong gusto nila yung anchor. Dun sila nag kukumpulan. Kaya pumalaot kami malapit sa mga barko na naka angkla sa gitna ng dagat. Siguro sarap na sarap sila sa kalawang ng anchor or kung anuman yung meron sa anchor. Dito kami nanghuli ng maliliit na isda para gawing bait sa malalaking isda. Dumaan kami sa harap nitong Diamond Bliss ship. Aba napagkamalan ata kaming pirata! Binusinahan kami.. ang lakas parang busina ng tren times 2. Natakot ako baka sagasaan kami or barilin kami hahahahaha! Porket barko sila at bangka lang kami? Pero dumiretso pa rin kami sa malapit sa anchor nila, walang makakapigil dahil kami ang mga pabebe hehehe.

IMG_0188
Shoutout Diamond Bliss!

 

2. Okay lang na wala kang alam. Zero knowledge ako sa pangingisda. First time ko makahawak ng fishing equipment chenelin. Natatakot ako baka masira ko, wala akong pang bayad. Pero madali lang pala sya i-operate, kung marunong ka mang gaya matututunan mo sya, kasi ginagaya ko lang ang ginagawa nila ayun. Iba yung feeling pag naramdaman mong bumigat at may gumagalaw sa fishing line mo. Daig nya pa yung feeling ng bagong sweldo o yung feeling na nag-text yung crush mo. Promise ang saya. Hahahahaha!

img_9947
Aaaaaaaaaaaaaa galunggong!

 

3. Don’t let go. Yan ang kabilin bilinan sa akin. Kapag nahuli mo na wag mo ng napakawalan. Kapag nanlaban ang isda, wag kang susuko. Hayaan mo syang lumaban hanggang mapagod sya. Pag humina na sya tsaka mo i-roll up ang roller ganyan. Habang sinasabi sa akin yan parang di ko matanggap kasi taliwas sya sa prinsipyo ko sa buhay hahahaha. Pero yun daw ang tama pag dating sa fishing. Wag mong i-ano sa lablayf mo.

FullSizeRender 13

 

4. Ang payapa ng mundo pag walang internet connection. Wala kaming wifi sa dagat. Walang notification. Walang demand. Panuorin mo lang ang mga ibon na lumilipad, pakinggang ang alon, mag form ng image sa mga ulap. Ang peaceful mga friends. Ang payapa ng dagat. Kalmado. Meron ang dagat na makakapag balik sayo sa mga araw na simple lang ang buhay. Ang galing.

img_9987
Kailangan ka kulay ko ang sky

 

5. Hindi lahat ng pag hihintay ay nakakainip. After namin manghuli ng malilit na galunggong, pumalaot na kami sa totoong area ng mga big fish. Eto na yung waiting game. Mas matagal makahuli ng malaking isda it takes time ganyan hahaha. Ang maliliit na isda madali lang, hindi mo kailangan ng maraming pasensya. Infairness naman sa akin, hindi talaga ako mainipin kaya kong gumawa ng bagay na makakapag entertain katulad ng pag kanta at pag da-drama.. hahahaha. Yun lang talaga wag mo lang ako gutumin. Pag hintayin mo na ako ng matagal wag mo lang akong gutumin. Di ba nga ang feelings puede pigilin ang gutom HINDI hahahhahaa.

FullSizeRender 15
Yummers kain twayu

 

6. Ang hirap mag english sa gitna ng dagat. Di ba nga bawal mag tagalog, isang tagalog word, isang isda daw ang umaalis. Kaya pag may nahuli akong isda, di ko puedeng sabihin, huy may kumagat may kumagat! Sinasabi ko na lang… oh my gas oh my gas! ganyan, alam na nila na may huli ako hahahahaha!

IMG_0190
Nakahuli ako ng Grouper! Oh my gas!

 

7. Medyo maldita ang weather sa dagat pag September. Pabago bago ihip ng hangin.. aaraw tapos uulan, kalmado tapos aalon ng bongga. Parang sira. At yung nakaka takot pa, may itim na clouds na nabubuo sa left side namin. Samantalang sa ride side namin ay umaaraw. So nasa gitna kami. Pero mukang papalapit sa amin yung matim na kaulapan, storm daw yun. Nag sisimula na umulan at medyo hinahampas na kami ng alon. Parang tinataboy kami. Pag masungit ang panahon lumayo ka na daw at respetuhin ang kanyang kasungitan. So umalis kami pero parang hinahabol kami ng ka-malditahan nito. Nag iba kami ng location, yung may nakikitang island, para sakaling may mangyari sa amin ay may makakakita sa amin. Awuw. Pero dun sa nilipatan namin, dun kami nakahuli ng madaming isda. Parang sa buhay, kala mo tinataboy ka pero sa totoo lang ni-le-lead ka sa mas madaming blessings. Yes naman.

img_0096-1

IMG_0187
Isda kayo dyan

 

8.  Magiging madasalin ka pag nasa kalagitaan ka ng dagat. Parang national day of prayer lang ang araw na ito dahil sa dami kong naidasal. Dasal, dasal lang talaga hahahhahha. Lalo na nung hinahabol kami ng storm at nung malalakas na ung alon. At eto pa, after one hour na pag takas namin mula sa lugar ng kadiliman, may natanggap na message si captain na may lumubog na fishing boat at papunta na ang mga coast guard dun sa kaganapan. Ganun kabilis pag hindi ka naka alis sa storm. Nakaligtas kami. Pasalamat kami at buhay kami. Iba pa naman paalam ko sa boss ko kaya ako nag leave, tapos malalaman nya palutang lutang ako sa South China Sea kung sakali hahahahhaha!

img_0079
SHOOKT

 

9. Di mo kailangan maging pro para makahuli ng malaking isda. Pag pinili ng isda ang bait mo, eh di ikaw na! Sa pag kakataon na to.. ako na! Ako ang pinili.. ang itinakda hahahaha. Nakahuli ako ng Barracuda! Yung sobrang mahabang isda. Hindi ko ine-expect kasi hipon lang ang nilagay kong bait, di pang malakihang isda. Pano nangyari na malaking isda ang nabingwit ko sa liit ng bait ko?

Eto ang explanation ni captain Sam: Yung bait ko kinain ng maliit na fish, tapos yung maliit na fish, kinain ni Barracuda. Parang food chain ganun.

FullSizeRender 17
Ganyan ang nangyari. Kuha ng cctv hahhaha

Ayun nga, nagulat ako na bumigat ang fishing rod ko.. sobrang bigat na halos mabitawan ko na at halos lubong na fishing rod sa tubig, para akong nakikipag tag of war. To the rescue na si Sam, hindi rin nya ma i-roll out kasi baka mapatid ung tali. Lumalaban si Barracuda. Kumuha na ng sibat si Sak at tinapos na si Barracuda. Ayan ulam ka tuloy.

0938449d-10d4-421e-aa6d-60a90aa22a02
sorry baraks

 

10. The worst day fishing is better than the best day at work. Totoo! At least di ka nag trabaho at meron ka pang kwento. Sabi nga ng friend ko, ang fishing ang only hobby na literally may madadala ka pag uwi mo sa bahay mo. Yung isdang nahuli mo plus may ma-iku-kwento ka pa. Compare sa ibang activity tulad ng sports, ang maiuuwi mo ay pagod at minsan sakit ng katawan (sorry naman sa mga may sports, tuloy nyo lang yan woooo). Ang fishing makikita mo agad ang fruit ng iyong labor. Yung mga isda yung trophy mo, puede mo iuwi, iluto, kaninin at busog ka pa. Tapos masasabi mo… ako humuli nyan. Dugo’t pawis (nose bleed). Sinuong ang init ng araw, alon at ulan. Ayan.

img_0173
Niluto ko ang isa sa trophy ko. Singapore Marlin daw tawag dyan. Ginawa kong adobo at nilagyan ko ng madaming sili kasi gusto ko maanghang. Yung anghang na ako lang ang makakakain hahahhaha

 

 

Ayan nga po at ayyy 1616 words na hahhahaha. Ang haba na baka wala ng nagbabasa hahahaha. Buti di inabot ng pag gunaw ng mundo hahahhaha! Kung binabasa mo pa din ito.. salamat ha. Gusto ko lang i-share yung saya ko na buhay ako at gusto ko sabihin na ito yung pinaka masaya kong experience (so far). I thank you 🙂

 

84c28ba0-4e1b-4837-b17a-d58b68a92ec9
Dami kong nauwing ulam.

 

 

Advertisements
Posted in Kaladkarin

Hampaslupang Budget sa Seoul

Kamusta naman… after 2 months bago ako nakapag sulat. Di ko na na-blog ung korea trip. Wag na lang. Nakalimutan ko na hahahahaha!

Pero puede ko naman isulat kung paano mamasyal sa Seoul ng hindi masakit sa bulsa pero masaya. Naranasan ko na magbakasyon sa ibang lugar na bongga tapos pag uwi ko ng SG ay poorita ako. Ngayon natuto na ako… mas matalino na ko. Kaya di na ko paloloko! Akala nyang… hahhahhahaahhaa waley waley akong isusulat tungkol sa trip ko sa Australia na ginawa akong fertilizer.. taga abono. Tapos ginawa lang akong photographer at utusan kumuha ng malamig na tubig. Hindi ko talaga ikkwento yan. Hayup.

Balik ulit sa topic. Hehehe. Gusto mo bang mag enjoy mamasyal sa Seoul pero hindi masakit sa bulsa? Pwes, eto na ang hampaslupang budget to Seoul. Hindi ako expert at feeling ko nga di ako qualified mag share ng tips pero i-share ko pa din kasi I care. Base lang ito sa naging experience namin kaya pag may hindi ako nasabi at may mali akong info paki-correct na lang tapos i-edit ko hahahhaha!

  1. Mag research. Nagbasa ako ng blogs at nanuod ng youtube videos about trip to Seoul para mangopya ng itinerary. Actually, pangalawang punta ko na to sa Seoul. Yung unang punta ko ay 2013 may kasama akong buwaya. Hindi ko rin ikukwento yun na ginawa akong photographer sa ski resort  ang lamig pa naman nanigas daliri ko tapos di ako nakapag ski. Hayup. Balik sa topic, ayun nga mag -research at from there mag draft ng itinerary. Ok lang mangopya ng itinerary kasi yung kinopyahan mo nangopya din yun. Dun ko din nalaman magkano dapat ang i-budget sa pagkain, pamasahe at entrance fees.
    IMG_5702
    Jina-judge ako ni kuya.

     

     

  2. Mag stay sa hostel. Aanhin mo naman ang facilities tulad ng swimming pool, gym, living room, dining room at kitchen kung maaga kang gigising at late ka na uuwi sa kakagala. Tulugan ok na at maayos na bathroom. Dati kasi nag-airbnb kami tapos ang mahal may deposit at cleaning fee ek ek pa. Okay naman kasi isang bahay sya at kompleto na sa gamit kaya lang may kasama kaming anak ni zuma o di ba nakaka bother? So this time bagong buhay, nag stay kami sa Bong Backpackers sa Jongno-gu. Malapit sya sa mga palaces at train station (Hyehwa Station). Hindi ko sya pino-promote pero maganda talaga yung location nya at mura. Sa booking.com kami nag booked pero dun na kami sa hostel nag bayad pagka-check in. Book now pay later ganern. May free breakfast: 3 in 1 coffee (1 to sawa), tinapay (kuha lang ng kuha hanggang mahiya ka) at strawberry jam na nakalagay sa sachet, akala ko nga ketchup, pag tikim ko matamis.. but not too sweet. Puede mo din baunin para masaya.
    IMG_5700
    Eto yung harap ng Bong Backpackers at dapat 2 ang kuha ng picture at dapat i-collage para millennial.

     

  3. Bumili ng T-Money card. Yun yung pamasahe mo pag nag MRT at bus, puede rin sya pambayad sa taxi. Mas makakamura ka ng pamasahe pag T-Money ang gamit kesa mag cash. Eh ang shonga ko pa talaga nung 2013. Di kami bumili ng T-Money card, ayun puro kami bili ng 1 way ticket kada biyahe, sayang oras at mas mataas ang fare rate. Parang lesser ang gamit ko ng utak nun, nakakahawa ang katangahan kaya piliin kung sino ang laging kasama. Wag maging tanga mag-T Money na Hahaha! Makakabili ka kaagad nun sa convenient store sa Incheon Airport. May mga coupon na kasama yun, itabi mo. May coupon na 10% discount entrance fee sa N Seoul Tower.
    IMG_5699
    Exhibit A ng katalinuhan.

     

     

  4. Wag mag taxi from Incheon Airport to Seoul and vice versa. Pag labas mo ng airport madami na mag ooffer sayo ng taxi papuntang city. Dedmahin mo lang pero be nice. Hanapin mo ung bus stop ng bus limousine. Pag nag taxi ka, aabutin ka ng 80,000Won (3,500Php). Pero pag nag bus ka 10,000Won (400Php) lang. Puede din ipambayad ang T-Money card. Maganda rin na ma-search mo saang bus stop na malapit ang hostel mo para dun ka ibaba ng driver. Yung hostel namin malapit sa Sungkyunkwan University station (Ang hirap bigkasin kaya pinakita ko na lang sa driver yung kodigo ko). Yung luggage mo ilalagay sa ilalim ng bus compartment tapos lalagyan ng tag ang saya. Ang sarap mag bus para kang tinu-tour sa Korea, ganun yung feeling. Di katulad nung unang punta ko dun… ayaw ko na balikan. Taxi papunta–taxi pauwi, feeling yayamanin feeling sikat, ang yabang yabang akala mo kung sino… muka namang kuto. Nangangati tuloy ako.
    3EE9FEE0-4C01-4DEC-93F0-B706648EA694
    Ang totoong millennials nag-ba-bus.

     

     

  5. Bumili ng Combination Ticket of Palaces and Royal Shrine. Kung trip nyong pasyalan ang mga palasyo. Mas wise bumili neto sa halangang 10,000Won (440Php) makakapasok ka sa 5 palaces: Gyeongbokgung Palace, Changdeokgung Palace (with free secret garden tour), Changgyeonggung Palace, Deoksugung Palace at Jongmyo Shrine. Ang hilig nila lagyan ang lugar ng gung, gong, gyeong, myeong.. basta madaming letter G. Yung dati ko din kasama nung pumunta sa Seoul madami ding G sa pangalan nya… G _ G _ . Hoy hindi gago! grabe ka. GeGe.. isa syang gegemon.
    985F4098-DDE3-4DD9-BA3F-9D256B9B0954
    Space in the palace.

     

     

  6. Kumain sa palengke at mga eskinita. Mahal ang pagkain sa Seoul, pero kung pupunta ka sa palengke makakakain ka ng meal below 5,000Won (220Php) at masarap. Ang pinuntahan namin ay ang Gwanjang market, yung pinag-shootingan ng Running Man Episode 186 (Kunyari alam na alam ko). Dun nga pala ako nag celebrate ng birthday ko.. oo sa palengke ang saya di ba ang dami kong bisita. Tip lang wag kayo mag sasama ng mahilig sa libre, gusto magpalibre, mukang libre. Yung parang bigat na bigat sa wallet hindi mailabas at mahugot ang pambayad. Wag ganun. Kung may kilala kayong ganyan iwasan nyo na agad agad. Sasaya buhay nyo pramis.
    97B2DF4F-429A-454C-9DD4-87D04F0BBE20
    knock knock, who’s there? Gwanjang. Gwanjang who? Kunin mo na ang lahat sa akin Gwanjang ang aking mahal hahahaha. Waley.

     

  7. Kumuha ng mga flyers. Bago pa kami nag punta ng Seoul, sanda makmak na nag message sa kin ng pasalubong reminder. Isang useful tip para di na masyado gumastos sa pasalubong, mangolekta ng  flyers na ang cover ay sila Jong Ki, Gong Yoo at Lee Min Ho. Sobrang nagkalat mga print ads nila sa lahat ng sulok ng Seoul. High quality ang papers at maganda ang ink na ginamit sa pag print. Samahan mo ito ng isang facemask na tig 1,000Won (44Php) isa. Tada! May pasalubong ka na sa mahal mo sa buhay!
    IMG_5753
    Pasalubong package.

     

     

  8. Pumunta sa mga free entrance na attractions. Tinanggal na namin ang Everland at Lotte World sa listahan ng pupuntahan. Bukod sa may kamahalan ang entrance fee, malaking time ang kakainin nya sa pag pila sa rides. Masaya sana dun kaso 4 days lang stay namin hindi na kakasya ang oras namin. Eh di ba nga matalino na ko, nag iisip na ko di katulad ng dati na yes lang ng yes sa mukang linta. Eto ang mga libre na pinuntahan namin na sobrang enjoy:⊕The Story of King Sejong Museum sa Gwanghwamun Plaza            ⊕Cheonggyecheon Stream                                                                                                                ⊕Banpo Bridge Rainbow Fountain sa Han River                                                           ⊕Bukchon Hanok Village
    8B4C4F48-8B39-4223-9CF8-1F72E1C7D74B
    Last collage na to.

     

     

  9. Last but not the least, live within your budget. Hindi lang sa pang-araw araw na buhay ito applicable pati din sa pag-t-travel. Di madali kitain ang pera (siguro sa iba madali) kaya isipin kung worth it ba yung pag lalaanan mo nito. Di mo kailangan gumastos ng malaki para lang magpa-impress sa ibang tao at masabing naka punta ka sa ganitong lugar. Ang mahalaga masaya ka at may natutunan at hindi namulubi. Hindi siguro ako ganito kasaya ngayon kung hindi ako natuto sa pagkakamali ko nung Seoul trip ko nung 2013. O Pak!
    IMG_5768
    9,080php budget. Di kasama ang plane ticket. Tiempuhan mo na lang ang promo at sale ng airlines. Kung hanggang dito nagbabasa ka pa din… salamat..  from the bottom of my cute millennial heart♥

     

 

 

 

 

 

Posted in Kaladkarin

Annyeonghaseyo! At Sumainyo Din!

Di ko alam kung pano ko sisimulan. O sige ganito, birthday ko kasi nung April 13. December last year pa, pina plano na namin ng ate ko na pumunta ng Seoul kasi kinain na din kami ng sistema ng korean drama. Wish ko sa birthday ko mag suot ng hanbok costume habang nasa ilalim ng puno ng cherry blossom.   Kasama ang dalawa pang friends, nag sagawa kami ng taimtim na pag hahanap ng murang flight at hotel. Wagi naman kami. Sa next blog ko na lang idetail ang cost at itinerary kasi iba ang gusto kong isulat dito. Basta mura sya pang hampaslupang budget. Di mo kailangan gumastos ng malaki pag mag babakasyon.

So ayun ready na ang lahat. Travel dates namin ay April 12-16. Pero April 11 lipad na ko kasi sa SG pa ko mang gagaling. Excited na ko… pinagkalat ko na sa office na mag ko-korea ako. Pero nung April 10, yung araw bago ako lumipad kinausap ako ng boss ko. Seryoso. Sabi nya, “Are you following the news?” So bilang tali-talinuhan sinagot ko sya ng “News?” hahahahaha! Patanong din!

Tapos yung next na pinag sasasabi nya ang nag-shook ng araw ko. Sabi nya mag-la-launch daw ng nuclear testing ang North Korea sa April 15. Nagpadala na daw ng mga aircarfts ang US at China sa Korea para in case ma-launch ang missile ay gegerahin ng US ang North Korea. Hindi daw advisable na mag travel ngayon sa South Korea dahil baka ma-sandwich kami sa giyera. Sandwich talaga.

Bigyan ko lang kayo ng background, ang boss ko ay OA as in super nuknukan to the highest level over acting. Pag sinabi mong di ka makakapasok kasi masakit ung legs or kamay, sasabihan ka na magpa x-ray. Na-hold nga yan sa airport dahil nagdala ng napakaraming gamot nung nakaraang overseas trip nya. Gamot daw sa sakit ng ulo, diarrhea, lagnat, sipon, ubo, allergy. Parang dala nya ang Mercury Drug.

At ito yung pinaka-nakaka pikon, sabi nya “If I were you, knowing my responsibilities and my family, I will not go or I will postpone my trip.”

Sarap sagutin ng “Pera mo pinang bayad ng plane ticket at hotel? Hihingi ba ko sayo ng pocket money? Ginanyan ba kita nung last trip mo? Di ba sinabihan pa kita ng Ingat! Enjoy!?”

Syempre di ko sya masagot sagot ng ganyan. Dapat may pag galang pa din at baka mawalan ako ng kabuhayan. Sinabi ko na lang na naka-open naman ang cellphone ko for communication. Pero sa totoo lang gusto ko syang iblock hahaha! May pahabol pa sya na in case magka war tumakbo daw kami sa pinaka malapit na embassy. Eh di sige. Oo lang ako ng oo at mabilis naman ako tumakbo.

Tapos nung uwian na, itong epal na kasama ko sa work, yung tinutukoy ko sa isa kong blog: 10 Tips Paano Wag Ma-Beast Mode Sa Kasama Mo Sa Trabaho. Nag goodbye sa kin… “enjoy your trip I hope there’s no war.”  Parang gusto kong mang giyera ng tao. Wala namang mali sa sinabi nya pero yung manner ng pagkakasabi parang yung hindi na ako makakabalik. Napakalma ko naman sarili ko dahil di ako napatol sa shitsu.

So ayun, April 11 tumuloy pa din ako. Hindi ako nagbasa ng news.  Minsan yang mga news na yan nakakapagpa dilim ng pananaw sa buhay. Gusto ko lang isipin ang mga magagandang bagay na mangyayari. May tili-ling lang yung nag e-expect ng bad things.

Kinalimutan ko mga pinagsasabi ng boss ko at ni shitsu. Lumipad pa din ako papuntang Korea at nagkita kita kami ng ate ko at 2 pang friends dun. Wala naman akong naramdamang giyera or naamoy na nuclear. Yung mga taong nakatira dun ni hindi sila nag-wo-worry, tuloy ang buhay. Madami kaming nakasalamuhang locals na mababait at helpful at sarado ang pores. Basta kwento ko sa next blog kasi mahaba na ito. Ang ganda ng Seoul 🇰🇷 kailangan ko ng moment para i-absorb lahat. Hahaha. Di ako nakapag blow ng candles pero natupad ang wish ko.

IMG_3146
13 April 2017 Gyeongbokgung Palace

Sumakit ang mga binti namin kaka lakad pero sulit, busog naman ang memory ng phone ko ng pictures at boomerang videos. Nadagdagan din ang aking kaalaman as a human hahaha. Sabi nga nila, travel broadens the mind. Medyo naramdaman ko naman na naging broad minded ako.

Ang dami kong ipinagpapasalamat sa Lord. Sa dagdag na taon, sa family ko, sa mga kaibigan ko, sa buhay na meron ako at nakauwi ako ng ligtas… ako at ang aking mga pinamiling face mask 🙂

Ngayon lang ako nagbasa ng news. Nung April 15 nag-launch pala talaga ng missile ang North Korea pero… failed! Pagka-launch sumabog agad ito at hindi na nakalipad sa ere… parang kwitis na supot ganun.  http://www.cnn.com/2017/04/15/asia/north-korea-missile-test/index.html

Happy birthday to me! Kamsahamnida! ♥

Posted in Kaladkarin

KRABI

Una sa lahat hindi ako travel blogger gusto ko lang lagyan ng content yung kaladkarin menu page hahaha! At saka gusto ko din magpasalamat sa mga kaibigan ko na nakasama ko sa trip na to. Alam mo kasi, ngayon lang ulit ako bumiyahe ng walang obligasyon na kumuha ng litrato ng ibang tao tapos magagalit pag panget ung kuha haha (Iba-blog ko yung tungkol dun next time hehe).

Thank you…..

Kaye, Roy at Thad (Alphabetically arranged).

So yun nga.. nung July 16-19 (4 months ago na) pumunta kami ng Krabi. Bakit? Kasi… una, sale ang  ticket, pangalawa hindi pa kami nakapunta dun at panghuli wala kaming magawa.

Mga natutunan ko sa KRABI:

1. Wag mag suot ng hikaw pag lalangoy sa dagat. Dito nawala yung heart shape kong hikaw. Mura lang naman yun, pero may sentimental value. Nabili ko yun sa mall. Ayun kaya sentimental value na (galing no?).

DCIM100GOPRO

 

2. Takot ang unggoy sa kambing. Pumunta kami sa monkey temple. Syempre ang saya ko (lukso ng dugo). May lugar dun na puede ka magpakain ng unggoy. So nagkalat sila dun pati turista na nagpapakain (may nag abot din sa akin ng pagkain hahahaha joke). Nang biglang may dumating na kambing, medium size na kambing. Parang yung pelikula “Planet of the Apes”, nagtakbuhan ung mga unggoy… isang direction lang, papunta ng bundok at takot na takot sila (dama ko yun). Tapos nung umalis na yung kambing nagsi-babaan na sila. So nabuo sa akin ang theory na takot ang unggoy sa kambing. So kung may kilala kayong unggoy alam nyo na gagawin hehehe.

13781655_10210453242273888_3652631494068223140_n
Kapit lang bes.

 

3. Dapat ang ratio sa pagsakay sa elepante ay 2:1 hindi 4:1. Dalawang tao sa isang elepante dapat. Dapat. So ayan dahil ayaw naming mawalay sa isat isa, pinag kasya namin ang mga sarili namin sa isang elepante. Huwag tularan, bakit? Una, muntik na kaming tumiwarik (tumaob, tumambling, mag buwis ng buhay). Pangalawa, kawawa yung elepante. Pasan pasan nya kami pababa ng ilog at paakyat ng gubat. Tapos gutom pa sya kasi humi-hinto sya para kumain ng sanga ng halaman. Pero gumanti sya, after ng tour uminom sya ng tubig at binuga nya yung tubig papunta sa amin. Tamang tama naka nganga ako nun (kakatawa), ayun nainom ko ung tubig.

13690847_10210453296035232_871283793109060591_n.jpg
Sorry Dumbo… sana walang more than 2 na sumakay ulit sayo 😦 pag meron, paki hagis sila sa ilog 😦

 

4. Sa Krabi mo matitikman ang pinaka masarap ng pusit. Sobrang lambot nya at juicy, yung sauce nya halimaw! Kung anuman nilagay nila dun… nakaka buang hahaha.

Ang presyo nya 35 thai baht = 1.40 sgd = 48.00 php = happiness 🙂

13770279_10210452944026432_8741376103991119202_n
Medyo nakakamatay lang yung stick.

 

5. May something sa ice cream nila. Ewan ko, pero inaraw araw ko ang pagkain ng ice cream sa Krabi. Siguro dahil mainit, pero hindi rin.. kasi mainit din naman dito sa SG pero di naman ako nakain ng ice cream araw araw. Siguro dahil mura, hindi rin.. kasi medyo mahal din dahil nasa krabi town area yan. Siguro yung nilalagay nila sa sauce ng pusit, nilalagay din nila sa ice cream.

 

6. Ang mahal ng Mcdo meal sa Krabi. Halos walang tao sa loob kasi walang hustisya ang presyo.  Umaabot ng 150 baht ang meal (200 pesos mahigit na yun). Madaming ice cream na mabibili ko nun. So hindi kami dyan kumain, sa katabi nya kami kumain, 1 to sawa ang seafood at ice cream 🙂

13775518_10210453507640522_5184662965871171103_n

 

7. Ang babait ng mga taga-Krabi. Wala kaming na-encounter na masungit, opportunista at walang respeto na taga dun (pero may kilala akong ganun, iba-blog ko next time hahaha). Palagi sila naka-ngiti, friendly at polite. Sobrang nag-enjoy ako. Kaya sa mga taga-Krabi… “Kh0p khun kha” 🙂

DCIM100GOPRO
Yung shades na suot ko dito, nahulog din. Ewan ko kung saan pero kung pupunta kayo ng Krabi at may nakita kayong shades na “Cotton On” ang tatak ipagpa-alam lang.. may pabuya.