Posted in Kaladkarin

Sabaw Sabaw Tayo

Mga ka DDS! Isa nanaman po itong milestone! Achievement ganyan! Na-meet ko ang isa sa tinitingala kong blogger sa buong mundo ahahhahaha! Walang iba kundi si AYSA ng aysabaw.com. Kwento ko lang ng very lite paano, bakit at ano ang preparasyon na ginawa ko para sa historical na event na ito hahahahaha! Teka mabilis na throwback, nakilala ko si Aysa nung July this year dito sa WordPress at simula nun nagbago na buhay ko wahahhahahahhaha! Ayan ang bilis di ba. Nag message sya sa akin na uuwi sya ng Pinas, oo nga pala sa Maldives sya naka-base at napili nyang pag-t-transitan ay ang SG kasi.. why not? Hahahaha! May apat na oras daw syang stop over sa Changi Airport para hintayin ang next flight nya. So ako naman pabibo.. sabi ko i-meet kita sa airport! Sabi nya kaso early morning 7am. Sabi ko naman sa isip ko.. oo nga ang aga wag na lang hahahhaha! Joke! Sabi ko.. ok lang yun sabado naman walang pasok wahahahahaha!

Di ba lagi ko pinag mamalaki na yung brownies ko ang pinaka masarap sa buong mundo (sa opinion ko lang hahaha) so ayun nag bake ako ng brownies, pa-welcome food ganyan. Eh ang nangyari kaka-social media ko, muntik ko na masunog yung bini-bake ko. Minsan talaga nakaka sira ng buhay yang social media hahahahaha! Kaya yung brownies ko tatawagin kong… “double dark medium dry crispy on the outside but chewy in the inside boom boom pak super brownies”. Pero sabi nga ng isang chinese proverbs “when all else fails, daanin sa presentation”. Kaya ginalingan ko na lang yung packaging!

img_2858
Lesson learned: Wag mag social media habang nag-b-bake.

December 16, 2017 nagising ako ng 5:30am. Di yan alam ni Aysa, ngayon alam na nya hahahahha! Bitbit ko yung box na may lamang semi-sunog na brownies, pumunta ako ng airport.. sobrang excited ko nakalimutan ko yung pa-welcome to SG banner ko kay Aysa hahhahaha! Syempre di ako papayag ng walang pa-welcome banner. Buti na lang madami akong resibo sa wallet tapos kinuha ko yung pink lipstick ko, ginamit ko yun pang sulat hahahahha! Yung lipstick naman mapapalitan pero yung moment na yun hinde.. charot! ahahahaaha!

Lesson learned: Wag magtapon ng resibo at laging mag dala ng lipstick sa bag.. because you’ll never know..

So habang pini-picturan ko tong welcome banner nakasalampak pa ko sa sahig, may lumapit sa akin at tinawag akong Space. OMG si Aysa! Sabi ko.. “dun ka muna! Surprise to eh! Sinira mo plano ko” hahahahahaha! So ayan ang pa-welcome ko sa kanya pataboy hahahahhaha! Pero tingin ko ramdam na ramdam naman nya na welcome sya hahhahaha!

img_3251
Para akong si Sisa! Hahahahaha!
Literal talaga na tinitingala ko sya kasi ang tangkad pala nya.. or maliit lang talaga ako wahhahahahha!
Para lumabas ang jawline.. tumagilid, iangat ang ulo ng bahagya, itikom ang bibig, wag huminga ng 5 seconds at ngumiti sa pamamagitan ng mata. Ganyan. Pak!

First time kong ginawa to, ang mag tour sa airport. Una sa itinerary ng airport tour ay pumunta sa coffee shop, ang sosyal mga ka DDS sa starbucks po hahhahahaaa! Ang habol ko talaga sa starbucks ay yung tissue nila. Napaka ganda ng quality ng tissue nila kaya naman nag uuwi talaga ako ng isang ream everytime na magkakape dun para makabawi sa presyo ng kape nila hehehehe.  Di ko akalain na makakasama ko mag kape si Aysa! I’m so proud of myself haha how to be me na talaga hahahaha! Ang dami kong natutunan sa kanya tulad ng.. basta madami hahahahahaha!

Sa loob nito ay ang the best brownies sa buong mundo hahahaha
Boom sunog! hahahahha

At ang saya.. binigyan nya ko ng gift.. Sarong! Amoy Maldives ang sarong na ito. Parang nakarating na din ako ng Maldives pagka hawak ko sa sarong! And there’s more! May naka sulat na secret message sa sarong, nakasulat sya in Maldivian ancient language ahahahahaha. Na-unlocked ko ang message, eto yung translation:

Palagi ko syang suot mga ka DDS!

After naming mag kape at after kong makakuha ng sandamakmak na tissue, tinuloy na namin ang airport tour. May natitira na lang kaming isa’t kalahating oras para gawin yun kasi dapat 11am makabalik na si Aysa sa loob ng departure area of responsibility. Eto na ata ang pinaka mabilis, pinaka baliw at pinaka masayang airport tour sa buong mundo (lagi ko kini-claim talaga ang buong mundo ahhahahhahaa!). So takbo, lakad, video, picture, tawa, kwento ganyan hanggang magutom kami. At dahil sya si Aysabaw, kumain kami sa Noodle Sabaw Stall sa terminal 3 ang pinaka masarap na sabaw sa buong mundo (nanaman) hahahhahaahha!

Isa sa magandang gawin sa airport ay mag-self reflect ganyan hahaha
Pis yow!
O Paaaaaaak!
Changi Airport Terminal 4

Kamusta naman at mag 11:30am na kami natapos kumain dahil sa kadaldalan kong taglay (sa buong mundo). Kahit ayaw ko pa sya paalisin, hinatid ko na sya sa departure hall ng terminal 3. Pero napa-speech ko pa sya before sya pumasok ng immigration. Ang sabi nya sa speech nya masayang masaya sya na na-meet ako. Walang sapilitan yan.. talagang yun ang nasa puso nya at gusto nya sabihin hahahahaha. So nag-goodbye na kami sa isa’t isa, parang naiiyak pa nga sya hahahahhaha. Papalakad na ko pabalik ng train station nang mag message sya na maling terminal yung napasukan nya, ang eroplano nya ay nasa terminal 2 hindi 3! Tumatakbo daw sya na bukas pa zipper ng bag pantalon nya hahahahahaa ang saya di ba. Naka abot naman sya sa flight nya.. parang buzzer beater ganyan exciting hahahahaha.

Bye Aysa! See you again!

Masaya akong umuwi, meron akong sarong, isang ream na starbucks tissue, maldives note bill.. oo binigyan nya pala ako ng pera 5 Maldivian Rufiyaaa for remembrance hahaha at higit sa lahat masaya akong na-meet si Aysa in real life! Sana maiyak sya habang binabasa to hahahhahaha. Sana din makabalik sya dito ulit hindi para mag stop over kundi para gumala.. mag palengke tour naman tayo wahahahaha!

Aysa! Salamat and here’s to more sabaw adventure! Cheers!😆

Advertisements
Posted in KwentoKoto

Kanluran To Silangan

Una sa lahat hellooo! Ayaw ko talaga muna mag blog kasi may ginagawa ako na di puede mag tagalog hahahaha! Pero di ko mapigilan mag sulat-mag type. Saglit lang. Maka 2 paragraphs lang ako okay na. Wait inom lang ako. Tubig. Ganito, lumipat na kami ng opisina. From East to further East, eh kamusta naman taga West ako. So mula kanluran to silangan ang biyahe ko everyday. Ang saya. Dulo sa dulo. To the ends of the earth. Pero okay lang un. Walang problema. Wait okay na ko hahahaha. Joke. Meron pa.

Sabi ng boss kong si sponge bob, sa December 15 pa kami lilipat officially dun sa bagong place. Pero ewan ko ba anong pumasok sa utak ni spongy kahapon, dumiretso na daw kami sa bagong office. Yung ibang natitirang gamit hahakutin na lang ng movers. Walang problema. Eh di dumiretso. So kahapon andun na kami sa dulo ng daigdig. Ang gulo gulo pa.. parang ako lang hahahaha. Di pa tapos ang renovation pero yung area namin puede na mag social media hahahaha. So okay na. Pero wait.

Kala ko okay na ko sa lipatan na ganap. Hanggang kaninang lunch, kumain ako sa hawker centre dun sa baba ng building. Omorder ako ng chicken rice, yung roasted. Pag hiwa ko ng manok.. may dugo! Parang puede pa syang mabuhay i-CPR mo lang baka mabuhay pa yung manok! Parang pag sinigawan mo sya ng “laban!” Tatayo sya mula sa pinggan! Ganun kalala ang imagination ko hahahahaha!

Pero sa totoo lang, naluluha ako habang nasubo ng kanin. Di ba nga mababaw luha ko. Nalungkot ako kasi bigla ko naalala si Auntie sa Chicken Rice stall dun sa dati naming workplace, sya din yung nagbebenta ng paborito kong Chicken Stew. Nalungkot ako kasi di ako nakapag paalam kay Auntie. Never nya ko pinakain ng chicken na may bahid na dugo. Tapos kahit short ng 10 cents or 20 cents minsan ung dala kong pambayad, ok lang sa kanya. Tapos ang dami nyang maglagay ng ulam sa plato ko. At higit sa lahat lagi nya kong tinatawag na “ma-ganda” pag nakita na nya ko sa pila. Ngayon wala na waaaaaaaaa!

Sumunod, yung drinks stall. Bumili ako syempre ung Milo na paborito ko. Hot Milo. Okay naman walang dugo, lasang milo pa din. Pero sumakit tyan ko after. May pagkulo at pag kidlat ganyan. Naisip ko tuloy bigla yung dalawang ate na masungit na nag titinda ng drinks dun sa dating office. Pero bumait na sila sa akin kasi ba naman twice a day ako nabili ng milo sa kanila, sa umaga at sa hapon. Nung Wednesday ang ganda pa ng bati nila sa akin, di nila alam last na bili ko na un ng milo sa kanila 😦

Pang huli, walang nag titinda ng ice cream na may tinapay dun sa bagong lugar. Ang dessert na tinitinda lang nila ay red bean soup. Ayoko na idescribe yun kasi nakakaiyak waaaaa hahahhahaha baliw. Basta monggo sya na red (maroon) na may matamis, malabnaw at mainit na sabaw. Ayan dinescribe ko nakakaiyak talaga.

So sa madaling salita pagkain talaga pino-problema ko no hahahahaha! Siguro kasi iniisip ko sa December 15 pa kami lilipat, kaya kala ko may time pa ako sa farewell speech sa mga naging friends ko sa hawker centre. Madami akong ma-mi-miss sa lugar na yun: masasarap na food, mababait na mga tao at yung road na nilalakaran ko papunta ng bus stop basta maganda yun.

Ayan sabi ko nga 2 paragraphs lang hahaha! Pero okay na ko kasi masarap naman dinner ko kanina organic rice at organic fish in organic oil charot! Isda at kanin lang hahahahaha.

In fairness, maganda naman yung nilipatan namin sariwa ang hangin, malinis ang tubig at mababait mga tao sa building.. yun na lang iniisip ko. Sabi nga always look at the bright side of life basta wag ka lang papakainin ng duguang manok. Hahahahaha! 🙂