About

IMG_7534

Hi! I’m SPACE!

Bakit SPACE ang pangalan ko?

Ganito kasi yun… My name talaga is Anna Lee (2 words). Nickname ko talaga ay Nale, pag sinumpong ako ng pagka jejemon Nhale, pag gusto kong magpaka disente Anna. Never kong pinakilala sarili ko as Lee kasi nga it sounds mayaman. So ano ulit ang tanong? Ahh bakit naging SPACE?

Dito lang ako sa Singapore tinawag sa ganung pangalan, ayy oo nga pala dito ako sa Singapore nakatira at nag ta-trabaho at naghahasik ng ganda (gandang ako lang ang nakaka unawa). So ano ulit yun? Ahhh bakit nga SPACE?

Year 2009 nun if I’m not mistaken (oh mag english ng konti) Umattend ako ng cellgroup/lifegroup, ininvite ako ng friend ko dun, sabi nya kasi daming pagkain, so ako naman as a foodie/patay gutom pumunta naman ako. Tapos sya pala ang wala, di naman ako nalungkot kasi totoo naman sinabi nya na madaming pagkain (patay gutom nga). So out of the topic na ako ahhahahahahaha! Gusto ko lang paabutin ng 300 words itong About Me Page ko, so may 122 words pa na pupunuan. Anunah? Bakit nga SPACE?

Eto na… so walang nakakakilala sa akin dun, I’m nobody with a pretty face (ang lakas!). Nagpakilala ako.. sabi ko “Hi! I’m Anna Lee, 2 words, magkahiwalay ang Anna tapos may space sa gitna tapos Lee”. Tapos yung speaker of the house tinanong kung ano nickname ko sabi ko.. “Anna” (kasi gusto ko maging disente). Ang kaso may Anna na pala dun so pareho kami lilingon pag sinigaw ang name namin. So nagparaya ako. Ayaw ko gamitin ang Lee dahil alam nyo naman. Isa pang paragraph malapit na ako mag 300 words.

Sasabihin ko na sana tawagin nyo na lang akong Nhale (jejemon mood ako nun) tapos biglang may umepal, si Ian A.K.A Balbon. Sabi nya SPACE na lang! (with Duterte fist). Nag agree naman ang lahat ng squad including the speaker of the house at inincode na nila sa database (walang database exag lang ako) wala ako magawa kasi wala ako kakampi, inindian kasi ako nung friend ko (ang name nya Hannah, paki bash po sya hahaha). Simula nun tinawag na akong SPACE. Ayan 300 words na pero isa na lang para bongga.

So ako po si SPACE – Espasyo, Distansya, Agwat, Puwang, Pagitan, Kalawakan, Blanko. Madaming space ang blog site na ito sana mapunan ko ng masasaya at positibong content. Pag napasaya ko kayo… kahit isang tao… masaya na ako 🙂

 

P.S. Naka 400 words ako 🙂

 

Advertisements

13 thoughts on “About

  1. Hi lovely space! Your about was so funny.. Ang sarap basahin, nakakaentertain! Keep it up! More blogs to post! Aabangan ko yan..

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s