Posted in Kaladkarin

KRABI

Una sa lahat hindi ako travel blogger gusto ko lang lagyan ng content yung kaladkarin menu page hahaha! At saka gusto ko din magpasalamat sa mga kaibigan ko na nakasama ko sa trip na to. Alam mo kasi, ngayon lang ulit ako bumiyahe ng walang obligasyon na kumuha ng litrato ng ibang tao tapos magagalit pag panget ung kuha haha (Iba-blog ko yung tungkol dun next time hehe).

Thank you…..

Kaye, Roy at Thad (Alphabetically arranged).

So yun nga.. nung July 16-19 (4 months ago na) pumunta kami ng Krabi. Bakit? Kasi… una, sale ang  ticket, pangalawa hindi pa kami nakapunta dun at panghuli wala kaming magawa.

Mga natutunan ko sa KRABI:

1. Wag mag suot ng hikaw pag lalangoy sa dagat. Dito nawala yung heart shape kong hikaw. Mura lang naman yun, pero may sentimental value. Nabili ko yun sa mall. Ayun kaya sentimental value na (galing no?).

DCIM100GOPRO

 

2. Takot ang unggoy sa kambing. Pumunta kami sa monkey temple. Syempre ang saya ko (lukso ng dugo). May lugar dun na puede ka magpakain ng unggoy. So nagkalat sila dun pati turista na nagpapakain (may nag abot din sa akin ng pagkain hahahaha joke). Nang biglang may dumating na kambing, medium size na kambing. Parang yung pelikula “Planet of the Apes”, nagtakbuhan ung mga unggoy… isang direction lang, papunta ng bundok at takot na takot sila (dama ko yun). Tapos nung umalis na yung kambing nagsi-babaan na sila. So nabuo sa akin ang theory na takot ang unggoy sa kambing. So kung may kilala kayong unggoy alam nyo na gagawin hehehe.

13781655_10210453242273888_3652631494068223140_n
Kapit lang bes.

 

3. Dapat ang ratio sa pagsakay sa elepante ay 2:1 hindi 4:1. Dalawang tao sa isang elepante dapat. Dapat. So ayan dahil ayaw naming mawalay sa isat isa, pinag kasya namin ang mga sarili namin sa isang elepante. Huwag tularan, bakit? Una, muntik na kaming tumiwarik (tumaob, tumambling, mag buwis ng buhay). Pangalawa, kawawa yung elepante. Pasan pasan nya kami pababa ng ilog at paakyat ng gubat. Tapos gutom pa sya kasi humi-hinto sya para kumain ng sanga ng halaman. Pero gumanti sya, after ng tour uminom sya ng tubig at binuga nya yung tubig papunta sa amin. Tamang tama naka nganga ako nun (kakatawa), ayun nainom ko ung tubig.

13690847_10210453296035232_871283793109060591_n.jpg
Sorry Dumbo… sana walang more than 2 na sumakay ulit sayo 😦 pag meron, paki hagis sila sa ilog 😦

 

4. Sa Krabi mo matitikman ang pinaka masarap ng pusit. Sobrang lambot nya at juicy, yung sauce nya halimaw! Kung anuman nilagay nila dun… nakaka buang hahaha.

Ang presyo nya 35 thai baht = 1.40 sgd = 48.00 php = happiness 🙂

13770279_10210452944026432_8741376103991119202_n
Medyo nakakamatay lang yung stick.

 

5. May something sa ice cream nila. Ewan ko, pero inaraw araw ko ang pagkain ng ice cream sa Krabi. Siguro dahil mainit, pero hindi rin.. kasi mainit din naman dito sa SG pero di naman ako nakain ng ice cream araw araw. Siguro dahil mura, hindi rin.. kasi medyo mahal din dahil nasa krabi town area yan. Siguro yung nilalagay nila sa sauce ng pusit, nilalagay din nila sa ice cream.

 

6. Ang mahal ng Mcdo meal sa Krabi. Halos walang tao sa loob kasi walang hustisya ang presyo.  Umaabot ng 150 baht ang meal (200 pesos mahigit na yun). Madaming ice cream na mabibili ko nun. So hindi kami dyan kumain, sa katabi nya kami kumain, 1 to sawa ang seafood at ice cream 🙂

13775518_10210453507640522_5184662965871171103_n

 

7. Ang babait ng mga taga-Krabi. Wala kaming na-encounter na masungit, opportunista at walang respeto na taga dun (pero may kilala akong ganun, iba-blog ko next time hahaha). Palagi sila naka-ngiti, friendly at polite. Sobrang nag-enjoy ako. Kaya sa mga taga-Krabi… “Kh0p khun kha” 🙂

DCIM100GOPRO
Yung shades na suot ko dito, nahulog din. Ewan ko kung saan pero kung pupunta kayo ng Krabi at may nakita kayong shades na “Cotton On” ang tatak ipagpa-alam lang.. may pabuya.
Advertisements
Posted in Random Thoughts

TEAR HERE

May isang umagang naka-titig lang ako sa sachet ng 3 in 1 coffee, antok pa ako 3 hours lang ang tulog ko. Sa gilid ng sachet ng kape, bandang itaas, may nakalagay “TEAR HERE”. Lahat na halos (yata) ng product na naka-plastic pack may ganitong instruction, sa kape, sa pancit canton, chippy, shampoo, lotion, toothpaste, sabon, tinapay, powder juice, chocolate, ketchup, milo, sinturon….

Akalain mong may matututunan ka sa mga bagay na nakikita mo araw araw, sa mga kinakain mo araw araw, sa mga ginagamit mo araw araw. Sa simpleng pakete ng kape… sa salitang “TEAR HERE”.

Tear here… sa wikang tagalog, “punitin mo dito”

Pag wala kang gunting  →tear here
Pag mahina ang iyong pang kagat → tear here
Pag wala kang lakas mag bukas → tear here.

Mas madali, mas effortless, mas walang stress, hanapin mo lang, nandyan lang → tear here.

Pano naman natin ito ma-aapply sa totoong buhay… ewan ko, pero may naisip ako.         Sabi nga nila the more you try, the more you… try.

Pag pinilit mong buksan baka sumabog or kumalat or masayang.

Minsan andyan na yung sagot.. abot kamay mo na, tutuklawin ka na, ayaw mo lang tignan, buksan mo lang ang mata mo.. wag shonga.

Minsan sa buhay we have to be like Elsa… we have to let go and tear that pride, that fear, that ignorance apart (awow! Nakakapag-english na ko!)

Wala ka mang makinarya, influence or super power sa gusto mong mangyari.. there’s always way out. Seek and you shall find.

TEAR HERE.