TEAR HERE

May isang umagang naka-titig lang ako sa sachet ng 3 in 1 coffee, antok pa ako 3 hours lang ang tulog ko. Sa gilid ng sachet ng kape, bandang itaas, may nakalagay “TEAR HERE”. Lahat na halos (yata) ng product na naka-plastic pack may ganitong instruction, sa kape, sa pancit canton, chippy, shampoo, lotion, toothpaste, sabon, tinapay, powder juice, chocolate, ketchup, milo, sinturon….

Akalain mong may matututunan ka sa mga bagay na nakikita mo araw araw, sa mga kinakain mo araw araw, sa mga ginagamit mo araw araw. Sa simpleng pakete ng kape… sa salitang “TEAR HERE”.

Tear here… sa wikang tagalog, “punitin mo dito”

Pag wala kang gunting  →tear here
Pag mahina ang iyong pang kagat → tear here
Pag wala kang lakas mag bukas → tear here.

Mas madali, mas effortless, mas walang stress, hanapin mo lang, nandyan lang → tear here.

Pano naman natin ito ma-aapply sa totoong buhay… ewan ko, pero may naisip ako.         Sabi nga nila the more you try, the more you… try.

Pag pinilit mong buksan baka sumabog or kumalat or masayang.

Minsan andyan na yung sagot.. abot kamay mo na, tutuklawin ka na, ayaw mo lang tignan, buksan mo lang ang mata mo.. wag shonga.

Minsan sa buhay we have to be like Elsa… we have to let go and tear that pride, that fear, that ignorance apart (awow! Nakakapag-english na ko!)

Wala ka mang makinarya, influence or super power sa gusto mong mangyari.. there’s always way out. Seek and you shall find.

TEAR HERE.

2 comments

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s