Di ko alam kung pano ko sisimulan. O sige ganito, birthday ko kasi nung April 13. December last year pa, pina plano na namin ng ate ko na pumunta ng Seoul kasi kinain na din kami ng sistema ng korean drama. Wish ko sa birthday ko mag suot ng hanbok costume habang nasa ilalim ng puno ng cherry blossom. Kasama ang dalawa pang friends, nag sagawa kami ng taimtim na pag hahanap ng murang flight at hotel. Wagi naman kami. Sa next blog ko na lang idetail ang cost at itinerary kasi iba ang gusto kong isulat dito. Basta mura sya pang hampaslupang budget. Di mo kailangan gumastos ng malaki pag mag babakasyon.
So ayun ready na ang lahat. Travel dates namin ay April 12-16. Pero April 11 lipad na ko kasi sa SG pa ko mang gagaling. Excited na ko… pinagkalat ko na sa office na mag ko-korea ako. Pero nung April 10, yung araw bago ako lumipad kinausap ako ng boss ko. Seryoso. Sabi nya, “Are you following the news?” So bilang tali-talinuhan sinagot ko sya ng “News?” hahahahaha! Patanong din!
Tapos yung next na pinag sasasabi nya ang nag-shook ng araw ko. Sabi nya mag-la-launch daw ng nuclear testing ang North Korea sa April 15. Nagpadala na daw ng mga aircarfts ang US at China sa Korea para in case ma-launch ang missile ay gegerahin ng US ang North Korea. Hindi daw advisable na mag travel ngayon sa South Korea dahil baka ma-sandwich kami sa giyera. Sandwich talaga.
Bigyan ko lang kayo ng background, ang boss ko ay OA as in super nuknukan to the highest level over acting. Pag sinabi mong di ka makakapasok kasi masakit ung legs or kamay, sasabihan ka na magpa x-ray. Na-hold nga yan sa airport dahil nagdala ng napakaraming gamot nung nakaraang overseas trip nya. Gamot daw sa sakit ng ulo, diarrhea, lagnat, sipon, ubo, allergy. Parang dala nya ang Mercury Drug.
At ito yung pinaka-nakaka pikon, sabi nya “If I were you, knowing my responsibilities and my family, I will not go or I will postpone my trip.”
Sarap sagutin ng “Pera mo pinang bayad ng plane ticket at hotel? Hihingi ba ko sayo ng pocket money? Ginanyan ba kita nung last trip mo? Di ba sinabihan pa kita ng Ingat! Enjoy!?”
Syempre di ko sya masagot sagot ng ganyan. Dapat may pag galang pa din at baka mawalan ako ng kabuhayan. Sinabi ko na lang na naka-open naman ang cellphone ko for communication. Pero sa totoo lang gusto ko syang iblock hahaha! May pahabol pa sya na in case magka war tumakbo daw kami sa pinaka malapit na embassy. Eh di sige. Oo lang ako ng oo at mabilis naman ako tumakbo.
Tapos nung uwian na, itong epal na kasama ko sa work, yung tinutukoy ko sa isa kong blog: 10 Tips Paano Wag Ma-Beast Mode Sa Kasama Mo Sa Trabaho. Nag goodbye sa kin… “enjoy your trip I hope there’s no war.” Parang gusto kong mang giyera ng tao. Wala namang mali sa sinabi nya pero yung manner ng pagkakasabi parang yung hindi na ako makakabalik. Napakalma ko naman sarili ko dahil di ako napatol sa shitsu.
So ayun, April 11 tumuloy pa din ako. Hindi ako nagbasa ng news. Minsan yang mga news na yan nakakapagpa dilim ng pananaw sa buhay. Gusto ko lang isipin ang mga magagandang bagay na mangyayari. May tili-ling lang yung nag e-expect ng bad things.
Kinalimutan ko mga pinagsasabi ng boss ko at ni shitsu. Lumipad pa din ako papuntang Korea at nagkita kita kami ng ate ko at 2 pang friends dun. Wala naman akong naramdamang giyera or naamoy na nuclear. Yung mga taong nakatira dun ni hindi sila nag-wo-worry, tuloy ang buhay. Madami kaming nakasalamuhang locals na mababait at helpful at sarado ang pores. Basta kwento ko sa next blog kasi mahaba na ito. Ang ganda ng Seoul 🇰🇷 kailangan ko ng moment para i-absorb lahat. Hahaha. Di ako nakapag blow ng candles pero natupad ang wish ko.

Sumakit ang mga binti namin kaka lakad pero sulit, busog naman ang memory ng phone ko ng pictures at boomerang videos. Nadagdagan din ang aking kaalaman as a human hahaha. Sabi nga nila, travel broadens the mind. Medyo naramdaman ko naman na naging broad minded ako.
Ang dami kong ipinagpapasalamat sa Lord. Sa dagdag na taon, sa family ko, sa mga kaibigan ko, sa buhay na meron ako at nakauwi ako ng ligtas… ako at ang aking mga pinamiling face mask 🙂
Ngayon lang ako nagbasa ng news. Nung April 15 nag-launch pala talaga ng missile ang North Korea pero… failed! Pagka-launch sumabog agad ito at hindi na nakalipad sa ere… parang kwitis na supot ganun. http://www.cnn.com/2017/04/15/asia/north-korea-missile-test/index.html
Happy birthday to me! Kamsahamnida! ♥
ay nabasa namin yang news bago umalis pero dedma!!! hahahaha
focus kasi kami sa amazing experience na pupuntahan natin 😍😍😍 expectation achieved 🤗😊😚 kamsahamnida 😉
LikeLiked by 2 people
Alam nyo pala yun.. di kayo nag sasalita! Hahahaha! Nung nakita ko nga yung gas mask sa MRT station parang gusto ko kunin hahahaha!
LikeLike
Binura ko na yung blog ko sa phone ko pero dahil nakalink sa email updated ako sa blog mo. Hahahaha. Sa haba mejo tinamad ako magbasa. Ulitin ko nalang mamya pag-uwi ko sa bahay. Work mode pa kasi ako. 2 paragraph palang ako sarap na ng tawa ko sa mga sulat mo. Hahaha. Ang dami kong gustong gawin sa blog pero dahil wala na akong oras bilang isang ina, asawa, at trabahador para sa ekonomiya ay binura ko ung blog ko dito. Tapos gumawa ulit ako pero sa Tumblr. Takang taka ako kasi di ako maka log-in. Ibang blog pala Tumblr kesa dito. 😂 Sa dami ng blog accounts ko wala na nakalimutan ko na pano susulatan. Love ko kung pano ka mag-sulat. Isa ka sa mga tinitingala ko bilang manunulat (char!) 😂 Pero alam mo yun? Dami ko kasing gagawin eh. Mag handletter pa ako. Hahahaha. Sulat ka pa madame ate! At yung Korea trip mo, wag mo kakalimutan. Aabangan ko talaga yan! Goals ko yan eh. Pag malaki na baby ko! Ipon ipon! 😂 Ayun lang! Haba ng comment ko. Walang kwenta naman. Pogoshipo Eonnie! 😘 (I miss you, Ate) God bless!
LikeLiked by 1 person
Annyeong! Ganyan din ako dati.. naka 5 na blog account ata ako inamag na walang laman! Hahaha! Tanggapin mo ang award na most longest comment hahaha! Salamat! Yeeee! Congrats sa first blog mo! Teka mag comment ako dun humanda ka! hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Hahahaha. Iba ka ate! Namiss tuloy kita! Hahahaha. Hihintayin ko ang comment ko. Nacurious ako ano kaya laman nun? 😂
LikeLike
Enterey!!
LikeLike
Panalo itong blog na ito. Informative pero magaan sya basahin. Yun bang pang madlang people ang sakop. Thanksie sa tips sa Korea tour mo atey. Baklang bakla lng pero nag enjoy ako…nakalimutan ko ang mga hanash sa buhay
LikeLiked by 1 person
Hi GNa! Thank you naman at kahit papano ay nakatulong ako para makalimot ka haha! Sana basahin mo din iba ko pang blog mas bakla yun hehehe
LikeLike
You never failed to make me laugh. Nag-eenjoy ako dito sa blog site mo. Isa kang certified loka-loka. HAHAHA.
Btw, pangarap ko ang cherry blossoms! Pero since May na kami bumyahe, waley. As in green sila lahat. Well, I have all my reasons to go back! 🙂
LikeLiked by 1 person
Next year April! Balik tayo hahaha!
LikeLiked by 1 person
Tara! Hanggang 2020 pa valid ang visa. ko. HAHA.
LikeLiked by 1 person
or gusto mo Japan? May cherry blossoms din dun! haahahaha!
LikeLiked by 1 person
yup. planning to go there din. 🙂
LikeLiked by 1 person