1. Kasi di mo finorward yung chain letter na bigay sayo. Ayan tuloy.
2. Mahilig ka sa hopia. Hopia kween.
3. May ka-date na yung gusto mong ka-date.
4. Matumal. May shortage ng lalake ngayon. Intay ng available stock.
5. Ang sungit mo kasi. Try mo mag bait-baitan.
6. Akala nila halaman ka. Walang feelings.
7. Ayaw mo pa kasing umamin.
8. Bawal sa relihiyon mo ang valentines.
9. Puro selfie and timeline mo. Lagyan mo din ng quotable quotes.
10. Wala kang support ng LGBT community.
11. Ayaw mo ng jowa, gusto mo pera. Muka kang… Per aahhahahha!
12. Mas healthy ang matulog.
13. Pinag-over time ka ng boss mo. Pano puro ka petiks last week natambakan ka tuloy.
14. Wala kang pang date (kung lalake ka) or walang pang date yung ka-date mo (kung babae ka).
15. Hindi ka multilingual. Gusto nya nakakapag salita ka ng atleast 13 na lenguahe.
16. Pinag babantay ka ng tindahan.
17. May group project kayong tinatapos tapos deadline na sa Feb 15 tapos tong mga groupmates mo mga batugan umaasa sayo mga hayp talaga.
18. Hindi nya pa din ina-accept ang FB request mo. Palitan mo profile pic mo, wag kasi yung picture ng aso nyo.
19. Wala kang time charot ang totoo may time ka naman talaga pero yun ang naisip mong excuse hehehehehehe (piece po✌️).
20. Binasted ka nya pero sabi nya maghintay ka daw.. 49 years ka na nag hihintay so anunah? hahahahaha (piece po✌️).
Single ka man ngayon o complicated. Wag ma-sad. Kapit lang. Know that you are loved. Tandaan hindi lahat ng may ka-relasyon ay masaya at hindi lahat ng single ay malungkot. Bow!
Updated February 14, 2018 ng madaling araw.

Epic ‘tong post na to hehe. Happy puso day Space! ❤❤❤
LikeLiked by 1 person
Happy balentayms! ❤️❤️❤️
LikeLiked by 1 person
That #6! Hahaha
LikeLiked by 1 person
Binalikan ko talaga ang #6 Hahahaha! Napag kakamalan kasi lagi akong halaman🌱
LikeLike