Posted in KwentoKoto

Kanluran To Silangan

Una sa lahat hellooo! Ayaw ko talaga muna mag blog kasi may ginagawa ako na di puede mag tagalog hahahaha! Pero di ko mapigilan mag sulat-mag type. Saglit lang. Maka 2 paragraphs lang ako okay na. Wait inom lang ako. Tubig. Ganito, lumipat na kami ng opisina. From East to further East, eh kamusta naman taga West ako. So mula kanluran to silangan ang biyahe ko everyday. Ang saya. Dulo sa dulo. To the ends of the earth. Pero okay lang un. Walang problema. Wait okay na ko hahahaha. Joke. Meron pa.

Sabi ng boss kong si sponge bob, sa December 15 pa kami lilipat officially dun sa bagong place. Pero ewan ko ba anong pumasok sa utak ni spongy kahapon, dumiretso na daw kami sa bagong office. Yung ibang natitirang gamit hahakutin na lang ng movers. Walang problema. Eh di dumiretso. So kahapon andun na kami sa dulo ng daigdig. Ang gulo gulo pa.. parang ako lang hahahaha. Di pa tapos ang renovation pero yung area namin puede na mag social media hahahaha. So okay na. Pero wait.

Kala ko okay na ko sa lipatan na ganap. Hanggang kaninang lunch, kumain ako sa hawker centre dun sa baba ng building. Omorder ako ng chicken rice, yung roasted. Pag hiwa ko ng manok.. may dugo! Parang puede pa syang mabuhay i-CPR mo lang baka mabuhay pa yung manok! Parang pag sinigawan mo sya ng “laban!” Tatayo sya mula sa pinggan! Ganun kalala ang imagination ko hahahahaha!

Pero sa totoo lang, naluluha ako habang nasubo ng kanin. Di ba nga mababaw luha ko. Nalungkot ako kasi bigla ko naalala si Auntie sa Chicken Rice stall dun sa dati naming workplace, sya din yung nagbebenta ng paborito kong Chicken Stew. Nalungkot ako kasi di ako nakapag paalam kay Auntie. Never nya ko pinakain ng chicken na may bahid na dugo. Tapos kahit short ng 10 cents or 20 cents minsan ung dala kong pambayad, ok lang sa kanya. Tapos ang dami nyang maglagay ng ulam sa plato ko. At higit sa lahat lagi nya kong tinatawag na “ma-ganda” pag nakita na nya ko sa pila. Ngayon wala na waaaaaaaaa!

Sumunod, yung drinks stall. Bumili ako syempre ung Milo na paborito ko. Hot Milo. Okay naman walang dugo, lasang milo pa din. Pero sumakit tyan ko after. May pagkulo at pag kidlat ganyan. Naisip ko tuloy bigla yung dalawang ate na masungit na nag titinda ng drinks dun sa dating office. Pero bumait na sila sa akin kasi ba naman twice a day ako nabili ng milo sa kanila, sa umaga at sa hapon. Nung Wednesday ang ganda pa ng bati nila sa akin, di nila alam last na bili ko na un ng milo sa kanila 😦

Pang huli, walang nag titinda ng ice cream na may tinapay dun sa bagong lugar. Ang dessert na tinitinda lang nila ay red bean soup. Ayoko na idescribe yun kasi nakakaiyak waaaaa hahahhahaha baliw. Basta monggo sya na red (maroon) na may matamis, malabnaw at mainit na sabaw. Ayan dinescribe ko nakakaiyak talaga.

So sa madaling salita pagkain talaga pino-problema ko no hahahahaha! Siguro kasi iniisip ko sa December 15 pa kami lilipat, kaya kala ko may time pa ako sa farewell speech sa mga naging friends ko sa hawker centre. Madami akong ma-mi-miss sa lugar na yun: masasarap na food, mababait na mga tao at yung road na nilalakaran ko papunta ng bus stop basta maganda yun.

Ayan sabi ko nga 2 paragraphs lang hahaha! Pero okay na ko kasi masarap naman dinner ko kanina organic rice at organic fish in organic oil charot! Isda at kanin lang hahahahaha.

In fairness, maganda naman yung nilipatan namin sariwa ang hangin, malinis ang tubig at mababait mga tao sa building.. yun na lang iniisip ko. Sabi nga always look at the bright side of life basta wag ka lang papakainin ng duguang manok. Hahahahaha! 🙂

Advertisements
Posted in KwentoKoto

Honorable Mention

Ang paborito ko talagang ulam pag lunch dito sa hawker centre na malapit sa office ay yung chicken stew. Ang chicken stew ay manok na may malapot na sabaw, gawa siguro marahil ng  cornstarch, color brown sya gawa siguro marahil ng soy sauce, may patatas, carrot, sibuyas at madaming durong na paminta. Every Tuesday at Thursday lang sya available dun sa paborito kong food stall, siguro gusto nila patakamin ang mga customers. Kaya pag dating ng martes at huwebes taob ang kaserola kase bentang benta sya. Pag nakita na ako ni auntie na nag titinda ng chicken stew sisigaw na un ng “ma-ganda! chicken stew?!”. Ngayon alam nyo na bakit ko paborito ang food stall na yun hahahahaha! 

Pero hindi yan ang topic ko hahahaha! Gusto ko lang i-share muna ang paborito kong ulam at yung lagi akong tinatawag na ma-ganda ng tindera hahahaha!

Eto talaga yun. Huwebes ngayon di ba, so lunch ko chicken stew as always. Pag nag lu-lunch ugali ko mag multi-task, nagbabasa ako ng blogs sa WP at makikinig sa spotify. Sabay sabay yang tatlo: kain, basa, spotify. Nabasa ko yung post ni Aysa na An Email From A Reader.  Ayus pala pag nag email ka sa kanya puede ka ma-feature sa blog nya hahahaha! Eh pangarap ko ma-feature sa aysabaw.com hahahahaha! 

Nag comment ako sa post nya para mapansin ako ahahahhaha! Ayy mga friends naluha ako sa reply ni Aysa! Sabi nya na-mention daw ako ng reader! Sakto ang song sa spotify ko ay yung song na “Perfect” hindi by True Faith ha, by Ed Sheran ganyan. Naluha ako kasi ang perfect na nga ng song, ang perfect pa ng chicken stew, ang perfect pa ng pagka-mention sa akin. Honorable mention ganyan. Hahahahahaha! Kahit di ako directly ang inimail ni M.E.V (happysheikha) mag rereply ako sa kanya kasi na-tats talaga ako hahahaha!

Dear M.E.V (happysheikha),

Alam ko si Aysa ang sinendan mo ng email. E-epal lang ako ng burberry lite hahahaha! Gusto kong malaman mo na may email din ako hahahahaha! Joke lang! Eto talaga.. gusto kong malaman mo na ung pag mention mo sa akin sa email mo kay Aysa ang nagpasaya ng lunch ko kanina, masaya naman kasi chicken stew ang ulam pero mas sumaya nung nabanggit sa akin ni Aysa na ganun nga. At yung mojo, sineach ko ang meaning, kala ko name ng aso mo or mojo na na-oorder sa Shakey’s or mojo na artista. Mojo na magic power pala sya. Di mo na kailangan siguro yun para mag update ng blog, need mo lang ng computer at internet hahahaha joke ulit. 

Seriously, balik ka ulit mag sulat para may dagdag akong babasahin habang kumakain ng lunch. Paki-mention ulit ako wahahhahahaa! Salamat ulit pakiramdam ko hindi na ko hampas lupang blogger, medyo umangat na ko ng 1 inch sa lupa sa pag mention mo sa akin hahahahaha! I’m looking forward sa next mong post this month awuw this month na agad hahahaha!

 Mojo Power!


Nagmamahal,

Space

Posted in KwentoKoto

Puro, Dalisay at Wagas

Napapadalas punta ko sa Marina Barrage. Tong week na to naka-tatlong beses na. May lugar kasi dun na gustong gusto ko puntahan pag gusto ko huminga. After work mag-bu-bus lang ako papuntang Bayfront station tapos lalakarin ko na lang from MBS, may nalaman akong shortcut sekretong malupet. Ayokong aminin na na-bbwisit ako sa work, pero naka tatlong punta na ko sa Marina Barrage this week so parang ganun na nga hahahahaha! Ayoko talagang pag usapan ang trabaho dahil baka may mag print nanaman ng blog ko maisumbong nanaman ako sa HR hahahahaha. Pero nung Monday talaga ang pinaka hype woooo! Nag-off talaga ako ng phone at nag punta dun. Bumili ako ng food at dun na lang ako kakain at maglalabas ng sama ng loob.

Oo nga pala ang Marina Barrage ay Dam kung saan iniipon ang tubig na dadaan sa proseso para maging fresh water. So dito nanggagaling yung iniinom at pinanliligo namin. Nag sisilbi din itong pang control ng baha at pasyalan na din kasi connected sya sa Gardens By The Bay. Pero para sa akin, pag gusto mo mag emo, punta ka dito.

2 storey lang yung building nito na pa-spiral tapos may rooftop. Hindi ko ma-describe masyado. Kaya ito yung link ng website Marina Barrage.

Eto sya sa araw.

Hindi ganito magpalipad ng saranggola wag tularan nakakainis hahahhaha

Green roof ang tawag nila dyan sa rooftop na covered ng bermuda grass. Sa hapon masarap magpalipad ng saranggola dito, madami ding nag p-photoshoot at nag pi-picnic. Masarap ang simoy ng hangin at malayo ka sa chararat na kasama mo sa office. Hahahahaha!

 

Eto naman sya sa gabi.

Mas madilim pa sya sa totoong buhay

Yes madilim. Sinadyang walang ilaw ung observatory area. May dim light lang sa mga upuan na semento at sa lakaran. Dahil madilim, makikita mo ung liwanag ng bituwin (nasan ang bituwin?) at ganda ng city sa gabi. Kaya nasabi ko magandang mag emo dito kasi di ka makikilala.. madilim nga.. unless tapatan mo ng flashlight ung muka mo at yung makakasalubong mo.


Sa gabi din marami ang nag-jo-jogging, nag-b-bike, nag-s-scooter at nag-di-dinner dito. Ewan ko kung saan nakukuha nung iba ung energy nila, hanggang 10pm may natakbo pa din.

So pagkadating ko sa rooftop umupo na ko sa paborito kong spot. Kung saan overlooking ang Central Business District at Marina Bay Sands. Gutom na ko, kasi malayo layo ung nilakad ko. Habang kumakain ako may dumating na 4 na tao (2 babae, 2 lalaki ata haha) galing sila sa jogging. At sa tabi ko pa talaga sila nag e-air bending at nag stretching at squating habang ako kumakain ng kanin. Hiyang hiya naman ako sa pag wo-work out ng airbender squad, kailangan talaga ipa-muka sa akin ang fit and healthy lifestyle ganyan. After 15 minutes tapos na ko kumain, umalis na din sila parang pinatapos lang nila ako kumain. Saya.

Ok panahon na, nag pasak na ko ng earphone, nagpatugtog ako ng instrumental song sa spotify ganyan hahahahahha! Habang naka-tingin sa mga mailaw na buildings dama ko na ung emosyon.. eto na.. nadadala na ko ng music.. papatulo na luha ko.. biglang may nag tagalog…

Ateng 1: Wala nanaman syang trabaho!

Ateng 2: Nanaman? Pang ilan na nga yan?

Me (sa isip): Mga ateng moment ko to dun kayo sa kabila.

Nilakasan ko ang volume ng music ko, pero nariring ko pa din ung usapan nila. Hanggang interesado na din ako makinig sa kanila. Paka chismosa ko. Gusto ko na sumabat.. gusto ko na sabihin.. te hiwalayan mo na hanap ka ng iba yung may trabaho. Hindi ako makapag emo emo dito.

Natapos naman kwento ni ateng sa jowa nyang ang hobby ay ang pag-reresign sa trabaho, so jogging ulit sila. So balik ulit ako sa drama. Pero few minutes lang may nag datingan na naman, mga turista na kumukuha ng litrato.. eh ang ganda naman kasi talaga ng view… nainggit ako sa ginagawa nila, nakita ko na lang sarili ko na nakuha na din ng picture. Infairness naman sa akin hindi lang puro selfie ang alam ko sa buhay may magaganda din akong kuha. Ayan nakaka proud.

May nagdatingan ulit na mga grupo, mga babaeng chekwa may dalang ilaw hahaha. Ang iingay nila pero bat ok lang sa akin, madami na kong kasama. Tingin ko yung lugar na kinauupuan ko ay stop over ng mga nag-jojogging pag pagod na sila at maganda ding spot pag gusto mong kunan ng picture ang city.


Nag iba yung atmosphere biglang sumaya. Teka bat nga ba ko nag e-emo eh ang saya saya kaya mabuhay. Umalis na ko sa kinauupuan ko, mag iikot ikot na lang na lang ako at kukuha na lang ako ng pictures tapos i-aapply ko ang rule of thirds awuw. Pinalitan ko na music ko ng masaya, yung jologs playlist ko ganyan.

Gamit ang cellphone ko, i-tour ko na lang kayo sa paligid ng Marina Barrage ano po.

Eto yung courtyard. Dito puede mag held ng mga ganap.

 

Eto yung Marina Bridge, sa ilalim nyan ay may mga gates na.. di ko sure kung para saan hahhahaha! Paka informative talaga.

 

Eto naman ang Observation Pier. Naalala ko yung movie na X-Men, yung pinupuntahan ni Professor X pag gusto nyang makasagap ng tsismis ng mga Mutants.

 

Ayan ay fountain yun lang ahhahahhaha

 

Eto ay sa rooftop pa din, kung gusto mo pa ng higher level, akyatin mo ang hagdan.

 

Ayan nga po mag kapuso.. may nag-d-date wag tayo maingay.

 

Ayan ang tinatawag na tagilid na kuha.

 

Eto yung bench na walang gusto umupo kasi parang tataob na. Ewan bat ko pa naisama FYI lang hahahaha.

 

Lagpas 10pm na ko nag decide na ok na uwi na ko. At ok na talaga ako. Kaya ko ng harapin ang bukas hahahahaha. Walang nabago sa sitwasyon andyan pa din yung kinaiinisan ko sa trabaho, pero iba na tingin ko sa kanya. Siguro katulad ng tubig sa Dam, kailangan ko dumaan sa proseso ng filtration para maging puro, dalisay at wagas hahahhahaha ewan parang slogan ng fabric softener. Ayun pakiramdam ko fresh na ulit hahahahaha!
Yun lang po at mabuhay ang mga bloggers na hindi journalist. Hahahahaha!

 

P. S.

Eto yung sinasabi kong sekretong shortcut papuntang Marina Barrage
Posted in KwentoKoto

1/4 Sheet of Paper at 4 Coasters

Martes ang paborito kong araw. Madaming magagandang nangyayare pag Martes. Baka coincidence lang. Pero ewan ko, yung masasayang araw ko natatapat ng Martes. So itong Tuesday, napatalon talaga ako sa tuwa sa harap ng mailboxes sa building namin. Pano ba naman mga friends, nakatanggap ako ng package from down under! Imported galing Australia! Alam ko jina-judge ako ng mga dumadaan at ibang nag bubukas ng mailbox, eh wala naman akong pake kasi nga only judge can god me hahahhahaha!

Gusto ko magpasalamat kay ate Rowan ng Ourlifeinsuitcases. Anniversary gift nya ito sa akin nung nag 1 year tong si spacekoto. After ko ma-post yung first anniv blog ko na Happy Anniversary Spacekoto (Sino Nag Print?), nag email sya sa akin at hiningi ang address ko at meron daw syang gantimpala sa akin. Syempre bigay ko agad agad hahahhaha. Sya ang unang naging kaibigan ko dito sa Word Press. Last year October un, lagyan natin ng date.. October 7 ayan hahaha ayyy mag 1 year na ang friendship natin dito ate Suitecase. Dahil dyan kakain tayo sa labas. Basta sa labas ahahahaha!

Eto na nga dumating na ang aking gantimpala. Ang laman ng package ay hindi isa kundi apat na crochet na coasters. Ang sosyal pakinggan. In tagalog, ginantsilyong patungan ng baso o tasa. Tats na tats ako. Sa wakas level up na ang pag inom ko ng tubig ahehehehe. Mas natutuwa kasi ako pag nakakatanggap ng gift na ginawa kesa nabili kasi alam kong pinag laanan ng oras at effort. At knowing isa ito sa mga projects nya, sobrang honored ako like an honor student hahahaha. Literally, ito yung bumuo ng araw ko.

Solb na ko sa coasters eh, pero awuw may letter na nakalakip. At nakasulat sa 1/4 sheet na papel. OMG. May mga memories na nag babalik sa utak ko (throwback tuesday itu). Naalala ko ung terror kong teacher nung highschool, tawag namin sa kanya Mrs. 1/4 Sh*t. Eh pano pag pasok nya ng classroom “get 1/4 sheet of pad paper” agad ang intro. Laging quiz ang start ng klase namin. Nanginginig kaming nag tutupi ng intermediate paper habang hinahati sa apat ang papel. Tapos may classmate ka pang kung makahingi ng papel kala mo may patago. Pag di ka nagbasa ng lesson in advance mangongolelat ka. Dalawa lang ang tinatawag nya after ng quiz, yung nakakuha ng highest score at yung olats. Hindi naman ako natatawag sa pinaka mababang score, hindi rin sa pinaka mataas na score, sa gitna lang ako.. ligtas sa kahihiyan hahhahahaha! Tapos mula dun sa mga 1/4 sheet na mga quiz namin dun sya tatawag ng name para sa recitation. Dun ako di nakaligtas. Ang saya saya!

At eto nakakita nanaman ako ng 1/4 sheet of paper. Pero sa pagkakataon na to, hindi ako natakot. Naiyak ako wahahhahaha.. oo mababa luha ko, naka puwesto sya malapit sa eyelid ko hahahahaha! Yung nakasulat dun ung mga kailangan ko marinig (mabasa). Minsan kasi naisip ko, kung wag muna ko mag blog.. mga 1 month, 2 months, 3 months.. ganyan baka kaumay na kasi pinag sasabi ko. Pero after ko mabasa yung sulat. Sabi ko sa sarili ko.. eh ano kung maumay sila.. padalhan ko na lang sila ng atchara (comment down below kung gusto nyo ng atchara ahahhahaha).

Naniniwala ako na kung mag-aappreciate ka ng tao, itodo mo na. So itotodo ko na. Mula sa kaibuturan ng aking puso, ate Suitcase gusto kong magpasalamat sa paniniwala sa akin na may kabuluhan ang mga sinusulat ko, thank you sa friendship at sa 1/4 sheet (uy may rhyme). Salamat sa mga coasters ginamit ko agad sila. Nilagay ko sila sa lugar na lagi ko sila makikita. Forever ko tong i-ke-keep (may forever).

Madami syang puedeng pag gamitan. Eto na sila.

 

img_0399
Patungan ko ng tumbler ko. Feeling ko ako lang ang may ganitong tumbler sa buong mundo hahahaha! At ako lang ang may ganitong coaster. 

 

img_0398
Puede syang patungan ng vase chenelin. Ang nag iisang palamuti ng aking table.

 

img_0418
Patungan ng lagayan ko ng pencils at kung anu ano sa buhay.

 

Ayan nga po mga kapuso lume-level up na po tayo, dati tubig ngayon colored juice na tapos may patungan pa na galing AU woooo power! 

 

Thank you ulit ate Suitcase. Nabura sa isip ko ang pait na dulot ng 1/4 sheet of paper hahahahaha. Ngayon source ko na sya ng lakas ng loob. Maraming salamat. 🙂

 

Nagmamahal din,                                                                                                                                           Space

 

 

 

Posted in KwentoKoto

Hakot Award Boom Boom Pak!

Ayan nga po mga ka-DDS nadagdagan nanaman ang malalagay kong award sa aking shelf. Itatabi ko to sa aking Golden Globe award hahahaha! Thank you Thea #AilaVet! sa nomination na to: Unique Blogger, Versatile Blogger at One Lovely Blogger Award.. in short Hakot Award Boom Boom Pak! Para sa’yo and blog post ko na to Thea my labs!

The Unique Blogger Award

img_7554-1

The Rules:

  • Kindly thank the person who nominated you!
  • Answer the 3 questions asked by the person who nominated you.
  • Nominate 8-13 bloggers for this award! (ang dami!)
  • Ask the people you nominated 3 questions.

 

The Versatile Blogger Award & One Lovely Blogger Award (Samedt lang ang rules)

The Rules:

  • Thank the person who nominated you!
  • Share 7 facts about yourself. (Bale 14 facts kasi 7 x 2 is equals to 14)
  • Nominate 10 other bloggers of your choice. (ang dami dami!)
  • Link your nominees and let them know you nominated them!

 

AilaVet 3 Questions: (hirap na hirap ako sagutin)

1. What is your advice for someone who had a friendship break-up?

Ayyy pati friendship nag bbreak na din ngayon? Hahahaha teka eh ang tanong ano ang dahilan? Pag inutangan ka ng malaking halaga.. wag ka makipag break.. habulin mo! Magbayad sya kamo! Pag ang dahilan ay inagawan ka ng jowa.. hayaan mo padalhan mo ng congratulatory greeting card dahil na achieved nila ang La Niña! ahahahahhaha!

2. Are there any regrets you have? What are those?

Wala. Hahahaha! Jok jok! Ang DAMI! Unang una yung hindi ako natulog ng hapon nung bata ako. Pangalawa, yung nagpa kulay ako ng buhok, pink, dye dip.. nag muka akong snatcher. Pangatlo, bumili ako ng whitening serum at cream online kasi ang ganda ng review, hindi ako pumuti nagka pimples pa ko. Gusto ko pa-refund kaso halos naubos ko hehehehe.

3. What is the most memorable and proudest moment you have in your life?

Nakaka proud lang nung nabenta ko yung mga gamit namin sa bahay, sobrang fulfilling, life changing and sobrang ano talaga lit. Eto yun Bentahan Experience


At eto naman ang 14 things about me, eto rin yung sinasagot ko sa mga press pag may interview ako charot: 

1. May alaga akong dalawang pagong. Maganda daw mag alaga ng pagong dahil mahaba ang buhay nito. Nag try ako mag alaga ng isda, ilang buwan lang deds na, di ko alam san ako nag kulang. Mga friends meet Donatello and Michael Angelo.

Mahiyain si Donatello, si Michael Angelo makapal muka

2. Ako ay isang Accountant pero sa totoo lang gusto ko talagang maging beautician (seryoso).

3. Fan ako ng Game of Thrones TV series. Sana walang mang judge sa akin ano po. Only judge can god me ahhahahha nu ba kalito!

img_9511

 

4. Mahilig ako mag kulay ng kuko. Minsan na-iimagine ko sarili ko na isang manikurista tapos kinu-kwentuhan ko yung mga kinukulayan ko ng kuko ng tungkol sa color wheel at about life. Ganyan.

Caronia paki sponsoran ako

5. Madaldal daw ako nung bata ako. Nung grade 1 ako sinabihan ang nanay ko ng teacher ko (Mrs. Francisco di kita malilimutan) “Naku misis napaka daldal po ng anak nyo”. Nung highschool napalabas na din ako ng classroom dahil nahuli akong ini-impersonate ko ang bading kong teacher (Mr. Manglicmot di kita malilimutan). Hanggang college napapalabas pa din ako dahil ayaw ng prof ko na may sumasabay sa kanya mag salita pag nag lelecture sya (Sir Pura di kita malilimutan).

 

6. Mahilig ako mag bake. Gustong gusto ko ipag bake yung mga kaibigan ko tapos pupurihin nila ako.. “uy ang sarap nito, ang galing galing mo na mag bake, mag tayo ka na ng bake shop, puede ka na mag ashawa, ang perfect, bravo, magnifico” ganyan.

For orders call 1800-123-456 charot

 

7. Favorite color ko ay green, hindi ung bright green.. gusto ko yung lumot green. Yung pang blogger na green. Pero walang akong damit na color green, puro blue at pink at black at white. Pero green talaga favorite ko😁

 

8. Paborito ko ang Milo. As a matter of pak… nainom ako ngayon ng milo.

Milo paket

9. Ang laman ng spotify ko ay kpop songs. Ewan ko ba may something sa music nila na nakaka ganda ng pananaw sa buhay kahit di ko sila maintindihan.

 

10. Ako ay near sighted. Malabo ang aking mga mata. Pero matalas ang pandama ahahhahaha!

 

11. Crush ko si Nathan Hartono. Aaaaaaaaaaaa!!! Paki google na lang Aaaaaaaaaaa!!!

img_9518
Hindi ko to ginawa, wag nyo ako i-judge

12. Middle child ako. Tatlo kami magkakapatid, ako ang nasa gitna. Maganda daw pag nasa gitna, kaya mong mag submit, kaya mo din mag lead! O Pak!

 

13. Mahilig ako kumanta. Selfish ako sa mic pag na v-videoke kami. Ang intermission song ko palagi ay ang I Wanna Dance With Somebody ni mama Witney. Tapos ang finale song ay Take a Bow ni Rihanna.


14. Kamuka ng boss ko si Sponge Bob. Kailangan ko na to matapos bago pa sya dumating.

Ayan nga po achieved na achieved ko na ang La Niña. Halos na-nominate na lahat ni AilaVet wala na ko ma-nominate hahahahaa! Thank you ulit AilaVet my labs! Ayy wait meron ako naisip i-nominate…

Ate Rowan Ourlifeinsuitcases

Kasi gusto ko malaman 14 things about you at tsaka excited na ko sa crochet ayyiiiieee! Eto yung 3 questions ko sa’yo. Nabasa ko lang to sa tabi tabi:

  1. If a genie granted you 3 wishes, what would you ask for?
  2. If asked between me and your friends, who would you choose? Hahahahha
  3. If you were a tree, what would be carved in your trunk?

Sige andyan na si Sponge Bob😜

Posted in KwentoKoto

Bentahan Experience And Goodbye 

Lumipat kami ng bahay. Mahabang story. Pero sige sabihin ko na. Kasi na deds yung may ari ng bahay na nire-rentahan namin. Tapos nai-pamana yung bahay sa anak. So bine benta na yung bahay. Kasama ko nga pala ang family ng tita ko at bunso kong kapatid sa baler. Dahil wala naman kaming pambili ng bahay, nag alsa balutan na lang kami. Nakahanap naman kami ng malilipatan, pero mas maliit compare sa dati. So kailangan namin mag bawas ng gamit, mag let go ganyan. Maging minimalist ganyan. Tsaka ung lilipatan namin may mga gamit na din (burberry light furnished). So sabi ni tita ibenta ko daw ung mga ibang gamit sa bahay. Eh isang linggo na lang at aalis na kami. Papano?

Eto na nga. Naisip ko ipost ung mga gamit sa Carousell. Ang Carousell ay isang app na kung saan puede ka mag benta at bumili ng mga second hand or brand new na gamit sa murang halaga, tapos may chat box din dun para makipag tawaran at kung saan kayo mag me-meet para mag abutan ng gamit at bayad.


Dati ginagamit ko ang Carousell pag may gusto akong bilhin na murang gamit. Dun ko nga nabili yung curler wand ko ($10) at power bank ($5). Makakabili ka din ng murang ticket ng Universal Studio, Zoo at concerts. Pero ngayon, ako naman ang seller. Una kong ginawa ay pinalitan ko ang profile pic ko, nilagay ko yung pinaka disente kong photo, baka kasi isipin nila na nakaw ung mga binebenta ko ahhahaha! Ayan.

Ayan nga po may followers ako 🙂


Tapos pinost ko na ung mga for sale ko. Nilagyan ko lang ng konting description, lahat sila self collection sa bahay kasi di ko kayang mag buhat ng refrigerator at makipag meet up.

Unang araw pa lang nabenta ko na yung trumpet ng pinsan ko! Wooo power! Kaka post ko pa lang. Ang laki talaga ng nagagawa ng plakadong profile pic. Pasok sa banga! ahahaha!

Walang tawad tawad.. offer agad. Pak!

 

 

Ganito ang intro ng mga bentahan. Muntik ko na ma-misinterpret ung tanong ni armkahn2323.

Akala ko sa akin sya interesado Hahaha!

 

 

Eto talaga sineenzoned ko. Binebenta ko ng $150 ang washing machine, aba nag message ng 50. Anu un joke? Feeling talaga tong si 86feeling86.

img_9241
sa’yo na pipty mo.

 

 

 

Eto talaga binawasan pa ng $5 makatawad lang. $50 talaga sya eh. Sige na lang at kailangan ko mabenta before kami umalis.

 

 

Eto naman grabe mag tanong. Defect agad superwoman.24?

Ayun after ko sinabi na $130, di na sumagot.

 

 

Etong isang to paasa. Hinintay ko sya. Huy finder23 anunah?

 

 

Eto naman di nya alam gagawin sa buhay nya. Laban o bawi? Awwww!

 

 

Eto naman, tinurn down ko. Ang hirap palang mag turn down. Ang sheket.

 

Ayun nga po mga kapuso in 1 week, nabenta ko sila. Wooo power! Ang sarap pala ng pakiramdam pag nakaka benta. Nakaka taas ng moral hahaha. Ayun nakalipat na nga kami ng bahay at bawas na ang gamit. Isa na akong minimalist. Ang gaan ng pakiramdam. Parang gusto ko na lang mag tinda hahaha! Salamat sa mga bumili ng mga gamit namin, walang warranty yan ha wala ng balikan.😜

 

In closing (awuw), naging emotional ako nung last night namin sa bahay. Kasi 9 years din ang inilagi namin dun. Paalam Toh Yi Drive.. dadaan ako paminsan minsan. Kung sinuman ang makakabili ng bahay.. wag nyong burahin ung vandal ko sa room ahehehe. Bye!

Posted in KwentoKoto

Happy Anniversary Spacekoto (Sino Nag Print?)

Isang taon na ko nag b-blog dito! Congratulations naman to me! Todo na itu mga friends! Akala ko nga di ko na magagawa to. Meron kasi akong malungkot na experience sa pag b-blog. Nung nasa Pinas pa lang ako  nag susulat na ko, tinigil ko lang. Noong nag wo-work ako sa Pinas, bina-blog ko yung tungkol sa crush ko na di ako pinapansin (mga ilang series din un), ang masakit makintab at mapula kong pimple sa muka, yung nanakawan ako ng cellphone na hindi ko pa fully paid (2nd installment pa lang), yung company outing namin sa Subic na muntik na ko maiwan ng bus, yung katapangan kong hinarap ang baha sa Vito Cruz Extension corner Primo Rivera St. at yung the best lugaw sa Lugawan sa Pasong Tamo.

IMG_9013
Teka.. aura muna
Yun nga. Okay na sana masaya na. Hanggang isang araw, nag blog ako about sa Human Resource Department ng company namin. Ang title “Ganito din ba ang HR nyo?” Ang dami kasing nag rereklamo sa mga binagong policy. Ang pinabibo, pinalakas at pinatibay na policy. Eh sa kagustuhan kong gawing light ung situation at nakakatawa, ginawan ko ng blog. Ayun. Pumatok sa office. Kumalat sya. Tawang tawa sila. Pero may isang mabait… sobrang bait, pinrint ung blog ko at dinala sa HR Manager. Pinatawag ako sa office. Alam mo yung pakiramdam na last na lunch ko na pala yung kanina sa pantry namin. Katapusan ko na. Gusto ko mag tago.

IMG_9034
Hanapin nyo ko
Pag pasok ko ng HR department kitang kita ko yung print out ng blog ko nakalatag sa table ni Madam. Tapos ang itsura ng HR Manager parang gusto nya kong lasunin. Tinanong nya ako kung ako ang nag sulat. Andun yung pangalan at muka ko di ko ma-dedeny. Sabi ko opo. Tapos sabi ko sa kanya parang diary lang po yan,  wala naman po akong sinabing name kung sino at anong kompanya. Binigyan nya ko ng ‘weh? di nga’ look. Tapos tinanong nya kung sino ung HR Manager na tinutukoy ko sa blog. Sagot ko, depende po. Depende po sa nag babasa. Hindi kinaganda ng atmosphere ang sagot ko. Ayaw nya ng sagot ko. Lalo sya nairita. Kinabahan ako nun, nag -re-ready na ko ng sasabihin sa nanay ko na wala na ko trabaho pag uwi ko. Sabi nya kung may concern ka sa policy ng company, di mo na kailangan gawin ito, open ang office ko para makipag usap (hindi yan ang saktong sinabi, binaitan ko lang, dagdagan mo pa ng mamalat malat na boses). Tapos ang dami nya pang sinabi pero di ko na ini-intindi kasi inisip ko kung sinong busilak ang kalooban ang nag print ng blog ko. Gusto kong awardan. Nakayuko lang ako. Naiiyak na ko. May point naman sya. Lumabas ako ng office ni Madam na basag. Di naman ako natanggal sa trabaho pero basag. Sa hallway gusto kong sumigaw.. SINONG NAG PRINT???!!!! (na may hawak na itak).

IMG_9027
Teka aura ulit si Marimar Perez de Santibañez
Simula nun ayaw ko na mag blog. Tinanggal ko na lahat. Di na din ako makapasok ng HR office parang blacklisted ako dun, pag may kailangan ako sa HR ipapasuyo ko na lang sa officemate ko. After a month nag resign si Madam. Ayun nakakapasok na ulit ko sa HR hehehe. Pero ayaw ko na mag sulat. Nawalan ako ng gana. Hanggang nag work na ko dito sa SG,  medyo na bored ako nun, kahit yung mga free planner sa office ginawa kong diary. Tapos nag try din ako mag type sa MS Word lahat ng nangyayari sa kin tapos save sa thumb drive. Sinubukan ko ulit gumawa ng blog sa blogspot, pero anonymous. Pero parang hindi ako yun, parang nagsusulat ako sa loob ng hawla. Hindi ko na-enjoy. Tinigil ko nanaman. Last year 2016 dami kong realization sa buhay. Awuw. Nag decide akong gawin ung gustong gusto kong gawin. Gusto ko mag kwento. Gusto ko maging blogger. Yung may muka na… may pangalan.

Ganyan O Pak!
Ang bilis ng pahanon. Isang taon na pala nakalipas. Gusto ko magpasalamat sa unang nag follow ng blog ko. Bumilis talaga tibok ng puso ko kasi may nag babasa pala. Sa mga kaibigan ko na nag encourage sa akin when the night was dark and full of errors… maraming salamat. Thank you sa mga naging kaibigan ko dito through this platform, sa PSA family, sa The Fault In Our Blogs family #TFIOB at sa Star Magic family hahahaha! Teka naiiyak ako. May background music kasi ako habang sinusulat ito (One Direction). Sa mga nagbabasa at Sa’yo na nag-print… thank you.

At higit sa lahat thank you Lord, He sees all my flaws yet loved me deeply.

Happy Anniversary to us spacekoto.com bayaran nanaman ng annual subscription hahaha! Saya saya ko!

IMG_9030

But wait, there’s more. Wag muna kayo umalis. May nag sponsor hahaha! May pa-give away si mayor. Ayiiieee! Dahil ako ay isang #Aysanatic, mag papa-premyo din ako, sumusunod sa yapak ni Aysabaw hahahaha! Eto na… kung sino na lang mauna, mag comment lang sa baba kung ano ang jejemon name ko (nasa About Me page ko ang sagot). Yun lang. Dali! At sayo na to:

IMG_9012 2
Yung telephone booth lamp shade at yung eroplano lang ang kasali. Di kasali yung tambak kong trabaho at office supplies hahaha! Yung lamp shade nakakatuwa, tap mo lang sya iilaw na, kung gusto mo i-off i-tap mo ulit. Tap lang ng tap. Yung eroplano, bakal sya pero hindi ganun kabigat. Ililipad na sila papunta sa inyo.

Thank you ulit sa inyong lahat 🙂