Hakot Award Boom Boom Pak!

Ayan nga po mga ka-DDS nadagdagan nanaman ang malalagay kong award sa aking shelf. Itatabi ko to sa aking Golden Globe award hahahaha! Thank you Thea #AilaVet! sa nomination na to: Unique Blogger, Versatile Blogger at One Lovely Blogger Award.. in short Hakot Award Boom Boom Pak! Para sa’yo and blog post ko na to Thea my labs!

The Unique Blogger Award

img_7554-1

The Rules:

  • Kindly thank the person who nominated you!
  • Answer the 3 questions asked by the person who nominated you.
  • Nominate 8-13 bloggers for this award! (ang dami!)
  • Ask the people you nominated 3 questions.

 

The Versatile Blogger Award & One Lovely Blogger Award (Samedt lang ang rules)

The Rules:

  • Thank the person who nominated you!
  • Share 7 facts about yourself. (Bale 14 facts kasi 7 x 2 is equals to 14)
  • Nominate 10 other bloggers of your choice. (ang dami dami!)
  • Link your nominees and let them know you nominated them!

 

AilaVet 3 Questions: (hirap na hirap ako sagutin)

1. What is your advice for someone who had a friendship break-up?

Ayyy pati friendship nag bbreak na din ngayon? Hahahaha teka eh ang tanong ano ang dahilan? Pag inutangan ka ng malaking halaga.. wag ka makipag break.. habulin mo! Magbayad sya kamo! Pag ang dahilan ay inagawan ka ng jowa.. hayaan mo padalhan mo ng congratulatory greeting card dahil na achieved nila ang La Niña! ahahahahhaha!

2. Are there any regrets you have? What are those?

Wala. Hahahaha! Jok jok! Ang DAMI! Unang una yung hindi ako natulog ng hapon nung bata ako. Pangalawa, yung nagpa kulay ako ng buhok, pink, dye dip.. nag muka akong snatcher. Pangatlo, bumili ako ng whitening serum at cream online kasi ang ganda ng review, hindi ako pumuti nagka pimples pa ko. Gusto ko pa-refund kaso halos naubos ko hehehehe.

3. What is the most memorable and proudest moment you have in your life?

Nakaka proud lang nung nabenta ko yung mga gamit namin sa bahay, sobrang fulfilling, life changing and sobrang ano talaga lit. Eto yun Bentahan Experience


At eto naman ang 14 things about me, eto rin yung sinasagot ko sa mga press pag may interview ako charot: 

1. May alaga akong dalawang pagong. Maganda daw mag alaga ng pagong dahil mahaba ang buhay nito. Nag try ako mag alaga ng isda, ilang buwan lang deds na, di ko alam san ako nag kulang. Mga friends meet Donatello and Michael Angelo.

Mahiyain si Donatello, si Michael Angelo makapal muka

2. Ako ay isang Accountant pero sa totoo lang gusto ko talagang maging beautician (seryoso).

3. Fan ako ng Game of Thrones TV series. Sana walang mang judge sa akin ano po. Only judge can god me ahhahahha nu ba kalito!

img_9511

 

4. Mahilig ako mag kulay ng kuko. Minsan na-iimagine ko sarili ko na isang manikurista tapos kinu-kwentuhan ko yung mga kinukulayan ko ng kuko ng tungkol sa color wheel at about life. Ganyan.

Caronia paki sponsoran ako

5. Madaldal daw ako nung bata ako. Nung grade 1 ako sinabihan ang nanay ko ng teacher ko (Mrs. Francisco di kita malilimutan) “Naku misis napaka daldal po ng anak nyo”. Nung highschool napalabas na din ako ng classroom dahil nahuli akong ini-impersonate ko ang bading kong teacher (Mr. Manglicmot di kita malilimutan). Hanggang college napapalabas pa din ako dahil ayaw ng prof ko na may sumasabay sa kanya mag salita pag nag lelecture sya (Sir Pura di kita malilimutan).

 

6. Mahilig ako mag bake. Gustong gusto ko ipag bake yung mga kaibigan ko tapos pupurihin nila ako.. “uy ang sarap nito, ang galing galing mo na mag bake, mag tayo ka na ng bake shop, puede ka na mag ashawa, ang perfect, bravo, magnifico” ganyan.

For orders call 1800-123-456 charot

 

7. Favorite color ko ay green, hindi ung bright green.. gusto ko yung lumot green. Yung pang blogger na green. Pero walang akong damit na color green, puro blue at pink at black at white. Pero green talaga favorite ko😁

 

8. Paborito ko ang Milo. As a matter of pak… nainom ako ngayon ng milo.

Milo paket

9. Ang laman ng spotify ko ay kpop songs. Ewan ko ba may something sa music nila na nakaka ganda ng pananaw sa buhay kahit di ko sila maintindihan.

 

10. Ako ay near sighted. Malabo ang aking mga mata. Pero matalas ang pandama ahahhahaha!

 

11. Crush ko si Nathan Hartono. Aaaaaaaaaaaa!!! Paki google na lang Aaaaaaaaaaa!!!

img_9518
Hindi ko to ginawa, wag nyo ako i-judge

12. Middle child ako. Tatlo kami magkakapatid, ako ang nasa gitna. Maganda daw pag nasa gitna, kaya mong mag submit, kaya mo din mag lead! O Pak!

 

13. Mahilig ako kumanta. Selfish ako sa mic pag na v-videoke kami. Ang intermission song ko palagi ay ang I Wanna Dance With Somebody ni mama Witney. Tapos ang finale song ay Take a Bow ni Rihanna.


14. Kamuka ng boss ko si Sponge Bob. Kailangan ko na to matapos bago pa sya dumating.

Ayan nga po achieved na achieved ko na ang La Niña. Halos na-nominate na lahat ni AilaVet wala na ko ma-nominate hahahahaa! Thank you ulit AilaVet my labs! Ayy wait meron ako naisip i-nominate…

Ate Rowan Ourlifeinsuitcases

Kasi gusto ko malaman 14 things about you at tsaka excited na ko sa crochet ayyiiiieee! Eto yung 3 questions ko sa’yo. Nabasa ko lang to sa tabi tabi:

  1. If a genie granted you 3 wishes, what would you ask for?
  2. If asked between me and your friends, who would you choose? Hahahahha
  3. If you were a tree, what would be carved in your trunk?

Sige andyan na si Sponge Bob😜

54 comments

  1. ANG TARAY, Hannah Baker pala ang peg mo ate! Hahahaha!! Ako rin sobrang daldal ko; tanda ko nung grade 2 ako, dinadaldal ko ‘yung kaklase ko na nasa likod ko. Tapos sa sobrang kadaldalan ko, pinaharap na ako nung adviser ko dun sa kausap ko. As in, inikot ‘yung chair ganon! So face back ako sa blackboard ganon. HAHAHAHAHAH

    Liked by 2 people

  2. Ang dami kong tawa dito. Iba ka talaga, Space!

    Yung #5, sobrang relate. Yung prof ko sa socio dati, tinatally ko ilang beses niya sinabi ung “Like for Example” at “Actually” sa isang oras at kalahati niyang klase. At nahuli niya ako. HAHAHAHAHAHA. Napilitan tuloy akong magaral sa subject niya at baka ibagsak ako ng walang dahilan. Infairness, hindi naman naghold ng grudge si madame. Naka 1.5 parin naman ata ako.

    Mga 30x niya sinabi si Like for example at 40x si Actually in 90minutes. At least alam na niya. AHAHHAAHHA.

    Liked by 1 person

    • Tayo talaga yung klase ng studyante na nag p-pay attention hahahahahha! Wow 1.5! Ako binigyan nya ng 2.25! Nag aral naman ako mabuti tapos lagi ko sya binabati pag makakasalubong.. ang kuripot mag grade, pero ok na din kesa bagsak hahahaha!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s