Posted in KwentoKoto

Bentahan Experience And Goodbye 

Lumipat kami ng bahay. Mahabang story. Pero sige sabihin ko na. Kasi na deds yung may ari ng bahay na nire-rentahan namin. Tapos nai-pamana yung bahay sa anak. So bine benta na yung bahay. Kasama ko nga pala ang family ng tita ko at bunso kong kapatid sa baler. Dahil wala naman kaming pambili ng bahay, nag alsa balutan na lang kami. Nakahanap naman kami ng malilipatan, pero mas maliit compare sa dati. So kailangan namin mag bawas ng gamit, mag let go ganyan. Maging minimalist ganyan. Tsaka ung lilipatan namin may mga gamit na din (burberry light furnished). So sabi ni tita ibenta ko daw ung mga ibang gamit sa bahay. Eh isang linggo na lang at aalis na kami. Papano?

Eto na nga. Naisip ko ipost ung mga gamit sa Carousell. Ang Carousell ay isang app na kung saan puede ka mag benta at bumili ng mga second hand or brand new na gamit sa murang halaga, tapos may chat box din dun para makipag tawaran at kung saan kayo mag me-meet para mag abutan ng gamit at bayad.


Dati ginagamit ko ang Carousell pag may gusto akong bilhin na murang gamit. Dun ko nga nabili yung curler wand ko ($10) at power bank ($5). Makakabili ka din ng murang ticket ng Universal Studio, Zoo at concerts. Pero ngayon, ako naman ang seller. Una kong ginawa ay pinalitan ko ang profile pic ko, nilagay ko yung pinaka disente kong photo, baka kasi isipin nila na nakaw ung mga binebenta ko ahhahaha! Ayan.

Ayan nga po may followers ako 🙂


Tapos pinost ko na ung mga for sale ko. Nilagyan ko lang ng konting description, lahat sila self collection sa bahay kasi di ko kayang mag buhat ng refrigerator at makipag meet up.

Unang araw pa lang nabenta ko na yung trumpet ng pinsan ko! Wooo power! Kaka post ko pa lang. Ang laki talaga ng nagagawa ng plakadong profile pic. Pasok sa banga! ahahaha!

Walang tawad tawad.. offer agad. Pak!

 

 

Ganito ang intro ng mga bentahan. Muntik ko na ma-misinterpret ung tanong ni armkahn2323.

Akala ko sa akin sya interesado Hahaha!

 

 

Eto talaga sineenzoned ko. Binebenta ko ng $150 ang washing machine, aba nag message ng 50. Anu un joke? Feeling talaga tong si 86feeling86.

img_9241
sa’yo na pipty mo.

 

 

 

Eto talaga binawasan pa ng $5 makatawad lang. $50 talaga sya eh. Sige na lang at kailangan ko mabenta before kami umalis.

 

 

Eto naman grabe mag tanong. Defect agad superwoman.24?

Ayun after ko sinabi na $130, di na sumagot.

 

 

Etong isang to paasa. Hinintay ko sya. Huy finder23 anunah?

 

 

Eto naman di nya alam gagawin sa buhay nya. Laban o bawi? Awwww!

 

 

Eto naman, tinurn down ko. Ang hirap palang mag turn down. Ang sheket.

 

Ayun nga po mga kapuso in 1 week, nabenta ko sila. Wooo power! Ang sarap pala ng pakiramdam pag nakaka benta. Nakaka taas ng moral hahaha. Ayun nakalipat na nga kami ng bahay at bawas na ang gamit. Isa na akong minimalist. Ang gaan ng pakiramdam. Parang gusto ko na lang mag tinda hahaha! Salamat sa mga bumili ng mga gamit namin, walang warranty yan ha wala ng balikan.😜

 

In closing (awuw), naging emotional ako nung last night namin sa bahay. Kasi 9 years din ang inilagi namin dun. Paalam Toh Yi Drive.. dadaan ako paminsan minsan. Kung sinuman ang makakabili ng bahay.. wag nyong burahin ung vandal ko sa room ahehehe. Bye!

Advertisements

Author:

Lahat tayo need ng Space. So ito na ang kasagutan hahaha! Samahan nyo ako sa baliwag kong kwento. Aim ng blog na to ay mapagaan ang mabibigat na damdamin. Di ko man matanggal ang problema nyo, sana kahit papano mapatawa ko kayo ano po? Allow me to have this space and name this blog spacekoto because anything that occupy space matters! Charot!

30 thoughts on “Bentahan Experience And Goodbye 

  1. Patingin ng nilipatan mo Space 😀
    Yung huling lipat namin ng bahay last April, emotional din ako pero yung panahon na yun, yun yung kinakalimutan ko na lahat ng bagay from the past kaya parang f*** you all yung sinisigaw ko sa utak ko habang tinatapon ko yung mga ibang bagay na hindi na namin dadalhin sa bagong lilipatan hahaahhaha

    Liked by 1 person

    1. Wahahahahaha #AilaVet! Na-iimagine ko yung pag tatapon mo. May mga tinapon din ako ang sinisigaw naman ng utak ko “sino nag print??!!” AHahahaha! Maliit lang ang nilipatan namin.. i-blog ko un pag naayos na, mukang na-tsunami pa mga gamit namin hahaha!😂

      Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s