Posted in KwentoKoto

One Lovely Blog Award Kembular Boom Boom Pak!

Una sa lahat… gusto kong sabihin na nasa punto ako ng buhay ko na uhaw ako sa awards at nominations! Hahahahaahhaa! Arigatou ajinomoto kay Boredsensei for nominating me! Ang sarap sa pakiramdam para akong naka inom ng coke na maraming yelo aaaahhhhhhhhh! Akala ko nung una haponesa tong si Boredsensei. Yun pala magkalahi kami.. isa din syang pranses hahahahahaha! Siya ay teacher sa Japan, yes Japan the land of the rising sun ganyan. Kung gusto nyo makita ang Japan sa exciting at kakaibang point of view punta kayo sa blog nya madami kayong malalaman na di nyo pa nalalaman about Japan. Napaka informative at educational at nakakatalino. Pero mamaya nyo na tignan basahin nyo muna itong pinag susulat ko hahhahahaaha! Sensei! Para sayo ang post na to. Start na tayo.. eto ang

Ayan follow the rules:

•Thank the person who nominated you and link their blog in your post. (Ginawa ko na)

•You must include the rules and the blog award image in your post. (Eto na nga)

•You must add 7 facts about yourself. (Yes nasa baba na)

•Nominate 15 people to this award. (Madami dami ah)

Wait for 7 days and your dreams will come true! (joke lang hindi to kasali).

 

7 MISCELLANEOUS PAKS ABOUT ME:

1. Nagbabasa pa din ako ng dyaryo sa umaga. Pumapasok ako ng maaga para sa libreng dyaryo (uhaw din ako sa libreng bagay). Sa MRT station na binababaan ko andun yung namimigay ng newspaper. Dapat maaga ka kundi mauubusan ka ng dyaryo. May time na pag dating ko ubos na.. naibigay na ni auntie ung last piece.. segundo lang yung pagitan namin nung pinagbigyan nya puede pang habulin hahahahaha. Para sa akin madaming gamit ang dyaryo. Syempre para basahin at maging updated sa paligid at puede din pang balot ng kung anu ano at puede din itong ibenta hahahahahaha basurera lang.

img_5537
Nakakatamad kasi minsan maligo hahahahahaha!

 

2. Mahilig ako gumawa ng cards, letters at mag vandal pati loitering ahhahahaaha! Masaya akong gumagawa ng card at ibigay sa mga kaibigan ko na may pinag diriwang na okasyon. Minsan naiisip ko sana yun na lang ang trabaho ko hehehehehe. Masayang masaya din ako pag nakakatanggap ng sulat pwera lang warning letter at death threat hahahahhha!

 

Ganito mag-test ng pen.

 

 

3. Kung may makikita kang umuubos ng tissue sa tissue dispenser ng starbucks.. ako yun. Hindi ako fan ng starbucks dahil pakamahal. Minsan lang ako mag starbucks.. mga once every half of the quarter of the year ewan.. in short di gaano hahahahahaha! Pero kung mag-starbucks man ako.. pumapakyaw ako ng tissue nila. Halos inuubos ko yung laman sa tissue box. Nahihiya pa ko minsan nag titira ako ng mga 3 piraso hahahahaha! Madami kasing healing properties ang starbucks tissue. Nagkakapag patuyo ito ng fez after mo mag hilamos at maligo. Kapag may sipon ka napakatibay nito hindi sya papatalo sa sipon. At lastly, nakaka sosyal ito pag yan ang ipapagamit mo pag may bisita kayo sa bahay.

 

4. May stuffed toy akong aso. Katabi ko to matulog. Ang pangalan nya ay POSH. Nabili ko sya sa Ikea for only $7.90. Okay kwento ko ng burberry lite ang background sa name ni Posh. Gusto ko talagang name nyan ay TULAK! Hahahhahaahaha! Oo totoo! Parang nag tutulak or pusher hahahahahaha! (tawang tawa ako ngayon sa totoo lang). So hindi pa ako noon decided kung Tulak or Push ang name nya. Tapos nagpunta kami ng Malaysia. Aba ang “Tulak” pala sa Malaysia ay “Tolak” ahahahahahahaha! So naisip ko.. POSH na lang!!!!!!!!

Yung grey ay si POSH. Yung green na care bear ay si Paul. POSH and PAUL! Hahahahahaha!

2468_1089677608696_9195_n

 

5. I love Instagram! Yaasss mga kaDDS! Nasa pinaka taas sya na icon app sa screen ng phone ko para pag sinapian ako ni Kris Aquino at ni Mocha at Lisa Macuja ayun tap agad sa IG story. Pampa-good vibes lang. Mas masarap kasi maging positive. The world has enough negativity.. so gusto ko lang i-spread ang happiness like a liver spread hahahahhaha. In a world full of dilawans be a kaDDS ganern hahahahahaha! So far eto ang pinaka favorite kong IG post. Truly IG is lifer!

img_5555-1-e1520434930414.jpg

 

6. Please don’t judge me.. because only judge can god me charot ahhahahaa! Eto.. pero fan ako ni Lady Gaga hahahahahahhaaha. Nung nalaman ko na mag co-concert si Lady Gaga dito naghagilap kami ng paraan para makakuha ng free ticket alam mo na mahirap ang buhay ahahahahaha. Sumali kami sa contest ng friend ko sa Singtel at nanalo kami hahahahaha! Nakapanuod kami ng concert for freeeee! Ayun saya saya!

img_5565
2009 Concert

 

7. Meron akong 2,070 photos and 995 videos sa gallery ng phone ko. Yung photos dyan puro picture ng food at muka ko. Yung videos naman ay halos IG stories na pinapanuod ko para ma-entertain ang sarili ko pag na-boboryong ako. Share ko yung favorite videos ko ha hahahahahaha!

 

Yun lang hahahahaha! At dahil dyan mag-nonominate din ako ng 15 na lovely friends ko dito sa WordPress. Pero halos na-nominate na lahat. Pero ilagay ko pa din kasi gusto ko mabasa ang 7 miscellaneous paks about them.

1. ourlifeinsuitcases

2. Aysabaw

3. misismommymaghapon

4.  nocturnalmomtalks

5. iamthatsmallgirl

6. Life of An Introvert

7. jirahlization

8. Left Pencil

9. withlovealona

10. katx.blog

11. chamsicles

12. Happysheika

13. bessclef

14. yromarcelino

15. krizsummer

 

Again.. Arigatou Gozaimasu Boredsensei

Sa mga 15 na nominees “Ni Hao Ma!”

Sa mga nag babasa nitong blog ko hanggang dulo “Sawadee Ka!”

At sa katabi ko sa MRT na binabasa ang tina-type ko “Bonjour!”

Yes multilingual na ako! Hahahahahahaha!

Advertisements

Author:

Lahat tayo need ng Space. So ito na ang kasagutan hahaha! Samahan nyo ako sa baliwag kong kwento. Aim ng blog na to ay mapagaan ang mabibigat na damdamin. Di ko man matanggal ang problema nyo, sana kahit papano mapatawa ko kayo ano po? Allow me to have this space and name this blog spacekoto because anything that occupy space matters! Charot!

44 thoughts on “One Lovely Blog Award Kembular Boom Boom Pak!

      1. hahahahhaha pero maraming salamat sa iyong ginintuang oras at panahon na iyong ginugol para gawin ang nominasyon kong ito, at naaliw ako sa larawan, EFFORT. HAHA

        Like

  1. Teh! LADY GAGA! Ako din super fan. Inggitin lang kita ng slight. Fina-follow niya ako sa Twitter. Hindi ko alam kung bakit basta one day pagpunta ko sa profile niya nakalagay eh “Follows you”. Hahaha. Kaloka.

    Liked by 1 person

    1. WAAAAAAAAA 😭 Pano mo nagawa??? Hinde ako inggetera! Ngayon lang ako nainggit! Waaaaaaa!!! Nag DM ako actually sa kanya nung birthday ko tapos tinweet ko pa sya pero di sya nag reply! Bwahahahahaha! Pero fan pa din ako huhuhuhuhuhu!

      Liked by 1 person

      1. Hindi ko din po alam kung papaano. Hahaha. Nagulat nalang ako biglang ganun na. Minemessage ko din sya teh. Pag Christmas ganern. Di sya nagrereply talaga. Haha. Pero super fan pa din!

        Liked by 1 person

    1. Hahahahahhaha! Subscriber nga pala kita! Oo balak ko lagay sa youtube yung videos kasi nabagal na yung phone ko sa dami ng laman! Hirap na hirap na yung phone ko paulit ulit na pini-play 😂😂😂😂😂

      Like

  2. Space! Hahaha! Salamat! Kaya pala laging walang tissue sa cubicle nasayo pala haha! Ang galing nung nanalo ka ng free ticket para sa concert ni Lady Gaga sana maexperience ko rin yan pag nagconcert ang 90s boybands sa Pinas. Cute naman ni Posh hihi. Ingat ka jan lagi! Naalala ko yung video mo na Pasok Mga Suki 😅😅😅 Ang taray ng phone mo 500gb yata yan haha!

    Liked by 1 person

    1. Meg!!! Pa-contest yun ng Singtel sa facebook, ipost kung kanino mo i-share ang ticket pag nanalo ka ng ticket, 2 tickets kasi yun. Tapos padamihan ng like yung post. Tapos nag create kami ng madaming account para mag like! Bwahahahhahahahaa! Hashtag #Paraparaan

      Yung videos ko tig-15 seconds lang pang IG stories.. dumami na pala ang bagal na ng phone ko hahahahhahaha!

      Liked by 1 person

  3. HAHAHAHAHAHAHA. Ang sarap basahin pagkagising. Tawang-tawa ako sa 7 miscellaneous paks mo! In fair, Ate Space, bumilib ako na nagbabasa ka pa din ng dyaryo until now. Isa ako sa mga swerteng napadalhan ng card mo na may kasama pang pangkabuhayan showcase. Lol. Naiinspire tuloy ako mag art & crafts! Wahahahaha. Patawa yung Posh & Paul kainis. Hahahahahaha.

    Nakita ko nanaman si brother at ang mga reaction niya. Hahahahahaha.

    Liked by 1 person

  4. Sa sobrang kabusyhan ko sa buhay ngayon lang ako nakareply haha. Super salamat kasi napaka positive mo haha. I need you in my life 😂 naka comment na ako sayo real time ano? Haha di ko na maulit 😂😂😂

    Liked by 1 person

    1. Naku paka-trying hard ko mag calligraph ahahahahhaha! Pero yung mga mahilig daw gumawa ng card nagiging successful daw yun sa buhay hehehehehe kaya wag tayo titigil hahahahahaha! Nagbabalak ako bumili ng stuff toy sa miniso.. papangalanan kong Beyonce😆

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s