Hello mga ka-quarantine! Kamusta na kayo mga ka-DDS? Sana safe naman kayo. Mag-tu-two months na ko dito sa Australia. Nag-aaral kasi ako ng vulcanising charot hahaha basta ang hirap nosebleed. Dumating ako ng Sydney nung February 20, araw na kinasal si Sarah G at Mateo Guidicelli, kaya di ako naka-attend hahaha. Bukod sa pag-no-nose bleed nakipag-kaibigan din naman ako sa mga ibang nations. May mga naging kaibigan ako from India, Nigeria, Bangladesh, China, Korea at syempre Philippines! Meron kaming sinalihan na society, hindi siya frat. Society sya na para maging bida bida basta leadership ganern. Sumali ako kasi may mga event na libre ang food and refreshment. Kaso the day before ng event, biglang nag-announce ang school na mag-shu-shutdown at mag-o-online na daw kami. Sabi nung chismosa kong friend sa school, may isang student at faculty staff daw dun na nag-positive sa Covid. Nakakaloka pa-gala gala pa naman ako sa campus at naghihiga sa sofa dyan.
Simula nun nakaka-stress na mag-grocery.. sobrang intense kasi agawan ng toilet paper.. ubusan ng bigas. Flatten the curve nga ayaw nila ako pakainin ng rice. Gusto nila i-flat ang tiyan ko haha ang saya ang fun. Naparanoid din ako ng slight kasi dumadami na cases, ang bilis ng spread like a sandwich spread ganern. Hindi na din ako nalabas ng bahay. Lalabas lang ako pag mag-grocery tapos wala pa ko madadatnang bigas hayup na yan. Ilang araw din ako kumain ng pasta. Tapos yung pasta na nabili ko yung made of peas. Kasi yun na lang ang naiwan ng mga hayup. Pag nginuya mo yung pasta para kang nanguya ng green peas ganyan. Pero okay na din kasi na-flatten talaga ang curve… ng tiyan ko hahhaha.
Sabi nila tatagal pa daw ng mga tatlo hanggang anim na buwan ang sitwasyon. Sabi ng mga analyst. Dami kasing mga analyst ngayon. Minsan gusto ko na din maging analyst.
Sabi ng friend ko sa Melbourne dun muna ko habang sarado ang school namin. Bago pa mag-lockdown bilisan ko daw pumunta dun. Kaya lang may advice ang school na avoid daw ang non-essential travel. Eh naisip ko essential naman yung pag punta ko dun kasi dun sa bahay ng friend ko madaming rice. Kukuha lang ako ng bigas tapos babalik din ako ng Sydney charot. So yun na nga nagbook na ko ng ticket. Una kong na-book by train kaso ang shunga lang 11 oras pala pag mag-train so kinancel ko. Pag eroplano 1 hour plus, so lipad na lang. Nag-booked ako kinabukasan na flight. Halos same lang ng presyo ng train kaloka.
Kinabukasan, sa taxi pa lang tinanong na ko ng driver bakit ako mag-travel? Wala na daw nag-t-travel ngayon. Wala daw napunta ng airport. Gusto ko sagutin, para maiba naman hahaha. Pero sa totoo lang kinakabahan ako. Tapos paulit ulit pa si kuya, na mag-iingat daw ako, mag-wear daw ako ng mask kasi di ko daw kilala mga tao sa plane at kung saan sila galing. All throughout ng biyahe ganun with update sa latest ng covid. So lalo ako natakot. Pag dating ng domestic airport, totoo nga kami lang yung sasakyan dun. Mukang sarado ang airport.. walang tao.. ghost town. Parang ayaw ko bumaba ng taxi. Tapos sabi ni kuya dun lang daw sya di muna sya aalis. Ngayon lang ako nakakita ng airport na walang tao. Parang yung sa movie tapos may lalabas na mga zombies.
Pagpasok ko, meron palang tao. Yung nasa check-in counter. Binati ako ng how are you? Sagot ko I’m payn (nosebleed). Kinakabahan talaga ako. Baka kasi ako lang ang pasahero. Pano kung di ako pasakayin dahil non-essential ako hahaha o kaya baka tanungin ako bakit ako pupunta ng Melbourne in this time of crisis ganern. May naka-handa naman akong speech yun nga lang baka ma-nosebleed hahahaha. Tapos hiningian ako ng ID. Kinuha ko yung student ID ko sa wallet ko. Ipapakita lang kasi di puede i-abot. Nahihirapan syang basahin name ko kasi galaw ng galaw ang ID ko. Eh kasi nanginginig ang kamay ko sa nerbyos hahhahahaha. Tapos pinatimbang na yung luggage ko then nag print na sya ng boarding pass. Nung inabot na nya yung boarding pass at sabi see you later ayun kumalma na nerves ko. Pagpasok ko ng departure area sarado ang mga shops. Walang tao. Nakakatakot promise. Nag-suot na ko ng mask. Kinuha ko phone ko tapos nag-take ng photo.
Pag dating ng boarding gate, dun lang ulit ako nakakita ng tao. Mga kasama ko sa flight. Mga 20 kami. Magkakalayo kami parang diring diri kami sa isat isa. Tapos may kaisa isang coffee shop na bukas. Shoutout sa Krispy Kreme ang brave nila.
Nung nag-announce na puede na mag-board, pumila na yung 19 na pasahero with 1.5 meters apart. Pero ako di ako pumila.. paunahin ko muna silang pumasok. Nagpahuli talaga ako, pa-importante lang hahaha. Sa loob ng eroplano, amazing isang tao kada row. Puede ka humiga at mag-tayo ng tent. Yung pasahero sa harapan ko nag-suot ng mask at parang shower cap sa ulo. Intay ko nga kung magsusuot ng PPE pero hindi naman.
During flight, dami kong naiisip. Di kaya i-quarantine ako pag lapag ko? Hayup ka Covid. Kelan kaya babalik sa normal ang life? Sana magkaroon na ng vaccine. Sana masarap ulam namin pag dating ko. Medyo nakaka-praning din kasi may umu-ubo at may nag-e-ehem. Tapos may isa pang pasahero na tayo ng tayo. Bubuksan yung compartment tapos isasara. Lakas ng trip.
Saktong 1 hour and 35 minutes, nakalapag na kami ng airport. As expected, si kuyang tayo ng tayo ang unang tumayo at nag bukas ng compartment.
Ghost town din ang domestic airport nila. Sarado mga tindahan. Ang tahimik. Ang sad. Nakuha ko naman agad ang luggage ko eh kasi 20 lang kami.
Daming flights na ang cancelled. Yung mga flight crews nag-pipicturan na kasi parang last flight na nila. Wala na atang flights. Nag-aabang ako kung may magsasabi na i-quarantine ako. Inabangan ko talaga hahahahaha. Pero wala!
Tapos sinundo ako ng friend ko sa pick up point after 5 days charot joke lang.. after 30 minutes naman ganun. Ang saya ko kasi finally makaka-kain na ko ng kanin hahaha. Tsaka ang saya kasi di ako na-quarantine. Pero sabi ng friend ko i-quarantine nila daw ako sa bahay hahahaha.
Ika-14 days ko na ngayon dito sa Melby habang sinusulat ko to. So cleared na ang quarantine period hahahaha. Okay naman ako malakas pa din kumain at mag-tiktok. Wala lang gusto ko lang i-post to para pag natapos na tong covid may babalikan akong kwento. At gusto kong sabihin na mag-iingat po tayong lahat, palakasin ang immune system, maghugas ng kamay and be happy. Sana mawala na ang virus. Sana gumaling na yung may mga sakit. Sana makapamuhay na ang mga tao ng walang takot… and world peace.
Wow! Nasa The Land Down Under ka na pala talaga. Congrats! Nabalitaan ko nga din kay Aysa nung mineet namin sya ni Rhea sa Boracay last month.
Grabe, parang nakakapraning nga yung makita mo yung airport na parang walang tao. Buti na lang hindi ka hinold at na-quarantine. Hahah..
Naku, si auntie na nagtitinda ng chicken stew baka hanapin ka. Di ka na yata nakapagpaalam..
LikeLiked by 1 person
Uy Jeff! Bat wala ng H yung name mo? Hahahaha! Oo nasabi ko kay Aysa nung mismong flight ko na hahahhahaha! Mas nakaka-praning sa loob ng eroplano may umu-ubo hahahaha. Naku di na ko nakapag-paalam kay auntie na nagtitinda ng chicken stew naalala ko naman bigla 😦
LikeLiked by 1 person
Sa FB lang yung may H, dito sa WP wala talaga. Kita mo, hindi mo na maalala sa tagal mong nawala sa blogospeher. Hahah..
Ako na lang magbabanggit kay Auntie pag nagawi ako uli dun. Heheh. Bakit, matagal-tagal ba uli bago ka makabisita sa SG?
LikeLiked by 1 person
Hahahahaha sa fb pala! Sige pag nakadaan ka ng SG puntahan mo si auntie chicken stew haha matagal pa ko dito
LikeLike
With feelings tlga ang iyong mga entries! Feel na feel ko yung kanin part!
LikeLiked by 1 person
Alam mo yan! Hahahahaha! Ang dinanas ko na maubusan ng bigas. Flatten the tiyan! Ngayon bumalik na ulit sa curve ang tiyan ko parang may humps! Hahahhahaha!
LikeLike
Wow andyan ka na pala! Ingat ka dyan at matagal tagal pa daw ang ganitong sitwasyon. 🙂
LikeLiked by 1 person
Hello Kat! Di na tayo nagkita sa Singapore hahhahahaha. Pano yan wala ng F1
LikeLiked by 1 person
Dyan sa AU naman daw hahahaha
LikeLiked by 1 person
Sige pag wala ng corona hahaha
LikeLiked by 1 person
Enjoy na enjoy akong basahin. As in tawa ako ng tawa like HAHAHAhahahaHAHAHA. Ingat ka diyan. Keep safe, use a condom.
LikeLiked by 1 person
Try ko nga gawing gloves hahahahha ubusan na din ng gloves dito condom madami stock! Hahahhahhaaha!
LikeLike
Padala ka naman dito. Hahaha marami nanamang buntis
LikeLiked by 1 person
Sige kukuha tayo sa health center hahaha dadami pa daw yan ayon sa mga analyst ahahhaaha!
LikeLiked by 1 person
Loved the photos. I am a travel blogger from India. Please have a look at my blog too.
LikeLike
HAHAHAHAHAHA
LikeLike