Kamusta naman… after 2 months bago ako nakapag sulat. Di ko na na-blog ung korea trip. Wag na lang. Nakalimutan ko na hahahahaha!
Pero puede ko naman isulat kung paano mamasyal sa Seoul ng hindi masakit sa bulsa pero masaya. Naranasan ko na magbakasyon sa ibang lugar na bongga tapos pag uwi ko ng SG ay poorita ako. Ngayon natuto na ako… mas matalino na ko. Kaya di na ko paloloko! Akala nyang… hahhahhahaahhaa waley waley akong isusulat tungkol sa trip ko sa Australia na ginawa akong fertilizer.. taga abono. Tapos ginawa lang akong photographer at utusan kumuha ng malamig na tubig. Hindi ko talaga ikkwento yan. Hayup.
Balik ulit sa topic. Hehehe. Gusto mo bang mag enjoy mamasyal sa Seoul pero hindi masakit sa bulsa? Pwes, eto na ang hampaslupang budget to Seoul. Hindi ako expert at feeling ko nga di ako qualified mag share ng tips pero i-share ko pa din kasi I care. Base lang ito sa naging experience namin kaya pag may hindi ako nasabi at may mali akong info paki-correct na lang tapos i-edit ko hahahhaha!
- Mag research. Nagbasa ako ng blogs at nanuod ng youtube videos about trip to Seoul para mangopya ng itinerary. Actually, pangalawang punta ko na to sa Seoul. Yung unang punta ko ay 2013 may kasama akong buwaya. Hindi ko rin ikukwento yun na ginawa akong photographer sa ski resort ang lamig pa naman nanigas daliri ko tapos di ako nakapag ski. Hayup. Balik sa topic, ayun nga mag -research at from there mag draft ng itinerary. Ok lang mangopya ng itinerary kasi yung kinopyahan mo nangopya din yun. Dun ko din nalaman magkano dapat ang i-budget sa pagkain, pamasahe at entrance fees.
Jina-judge ako ni kuya. - Mag stay sa hostel. Aanhin mo naman ang facilities tulad ng swimming pool, gym, living room, dining room at kitchen kung maaga kang gigising at late ka na uuwi sa kakagala. Tulugan ok na at maayos na bathroom. Dati kasi nag-airbnb kami tapos ang mahal may deposit at cleaning fee ek ek pa. Okay naman kasi isang bahay sya at kompleto na sa gamit kaya lang may kasama kaming anak ni zuma o di ba nakaka bother? So this time bagong buhay, nag stay kami sa Bong Backpackers sa Jongno-gu. Malapit sya sa mga palaces at train station (Hyehwa Station). Hindi ko sya pino-promote pero maganda talaga yung location nya at mura. Sa booking.com kami nag booked pero dun na kami sa hostel nag bayad pagka-check in. Book now pay later ganern. May free breakfast: 3 in 1 coffee (1 to sawa), tinapay (kuha lang ng kuha hanggang mahiya ka) at strawberry jam na nakalagay sa sachet, akala ko nga ketchup, pag tikim ko matamis.. but not too sweet. Puede mo din baunin para masaya.
Eto yung harap ng Bong Backpackers at dapat 2 ang kuha ng picture at dapat i-collage para millennial. - Bumili ng T-Money card. Yun yung pamasahe mo pag nag MRT at bus, puede rin sya pambayad sa taxi. Mas makakamura ka ng pamasahe pag T-Money ang gamit kesa mag cash. Eh ang shonga ko pa talaga nung 2013. Di kami bumili ng T-Money card, ayun puro kami bili ng 1 way ticket kada biyahe, sayang oras at mas mataas ang fare rate. Parang lesser ang gamit ko ng utak nun, nakakahawa ang katangahan kaya piliin kung sino ang laging kasama. Wag maging tanga mag-T Money na Hahaha! Makakabili ka kaagad nun sa convenient store sa Incheon Airport. May mga coupon na kasama yun, itabi mo. May coupon na 10% discount entrance fee sa N Seoul Tower.
Exhibit A ng katalinuhan. - Wag mag taxi from Incheon Airport to Seoul and vice versa. Pag labas mo ng airport madami na mag ooffer sayo ng taxi papuntang city. Dedmahin mo lang pero be nice. Hanapin mo ung bus stop ng bus limousine. Pag nag taxi ka, aabutin ka ng 80,000Won (3,500Php). Pero pag nag bus ka 10,000Won (400Php) lang. Puede din ipambayad ang T-Money card. Maganda rin na ma-search mo saang bus stop na malapit ang hostel mo para dun ka ibaba ng driver. Yung hostel namin malapit sa Sungkyunkwan University station (Ang hirap bigkasin kaya pinakita ko na lang sa driver yung kodigo ko). Yung luggage mo ilalagay sa ilalim ng bus compartment tapos lalagyan ng tag ang saya. Ang sarap mag bus para kang tinu-tour sa Korea, ganun yung feeling. Di katulad nung unang punta ko dun… ayaw ko na balikan. Taxi papunta–taxi pauwi, feeling yayamanin feeling sikat, ang yabang yabang akala mo kung sino… muka namang kuto. Nangangati tuloy ako.
Ang totoong millennials nag-ba-bus. - Bumili ng Combination Ticket of Palaces and Royal Shrine. Kung trip nyong pasyalan ang mga palasyo. Mas wise bumili neto sa halangang 10,000Won (440Php) makakapasok ka sa 5 palaces: Gyeongbokgung Palace, Changdeokgung Palace (with free secret garden tour), Changgyeonggung Palace, Deoksugung Palace at Jongmyo Shrine. Ang hilig nila lagyan ang lugar ng gung, gong, gyeong, myeong.. basta madaming letter G. Yung dati ko din kasama nung pumunta sa Seoul madami ding G sa pangalan nya… G _ G _ . Hoy hindi gago! grabe ka. GeGe.. isa syang gegemon.
Space in the palace. - Kumain sa palengke at mga eskinita. Mahal ang pagkain sa Seoul, pero kung pupunta ka sa palengke makakakain ka ng meal below 5,000Won (220Php) at masarap. Ang pinuntahan namin ay ang Gwanjang market, yung pinag-shootingan ng Running Man Episode 186 (Kunyari alam na alam ko). Dun nga pala ako nag celebrate ng birthday ko.. oo sa palengke ang saya di ba ang dami kong bisita. Tip lang wag kayo mag sasama ng mahilig sa libre, gusto magpalibre, mukang libre. Yung parang bigat na bigat sa wallet hindi mailabas at mahugot ang pambayad. Wag ganun. Kung may kilala kayong ganyan iwasan nyo na agad agad. Sasaya buhay nyo pramis.
knock knock, who’s there? Gwanjang. Gwanjang who? Kunin mo na ang lahat sa akin Gwanjang ang aking mahal hahahaha. Waley. - Kumuha ng mga flyers. Bago pa kami nag punta ng Seoul, sanda makmak na nag message sa kin ng pasalubong reminder. Isang useful tip para di na masyado gumastos sa pasalubong, mangolekta ng flyers na ang cover ay sila Jong Ki, Gong Yoo at Lee Min Ho. Sobrang nagkalat mga print ads nila sa lahat ng sulok ng Seoul. High quality ang papers at maganda ang ink na ginamit sa pag print. Samahan mo ito ng isang facemask na tig 1,000Won (44Php) isa. Tada! May pasalubong ka na sa mahal mo sa buhay!
Pasalubong package. - Pumunta sa mga free entrance na attractions. Tinanggal na namin ang Everland at Lotte World sa listahan ng pupuntahan. Bukod sa may kamahalan ang entrance fee, malaking time ang kakainin nya sa pag pila sa rides. Masaya sana dun kaso 4 days lang stay namin hindi na kakasya ang oras namin. Eh di ba nga matalino na ko, nag iisip na ko di katulad ng dati na yes lang ng yes sa mukang linta. Eto ang mga libre na pinuntahan namin na sobrang enjoy:⊕The Story of King Sejong Museum sa Gwanghwamun Plaza ⊕Cheonggyecheon Stream ⊕Banpo Bridge Rainbow Fountain sa Han River ⊕Bukchon Hanok Village
Last collage na to. - Last but not the least, live within your budget. Hindi lang sa pang-araw araw na buhay ito applicable pati din sa pag-t-travel. Di madali kitain ang pera (siguro sa iba madali) kaya isipin kung worth it ba yung pag lalaanan mo nito. Di mo kailangan gumastos ng malaki para lang magpa-impress sa ibang tao at masabing naka punta ka sa ganitong lugar. Ang mahalaga masaya ka at may natutunan at hindi namulubi. Hindi siguro ako ganito kasaya ngayon kung hindi ako natuto sa pagkakamali ko nung Seoul trip ko nung 2013. O Pak!
9,080php budget. Di kasama ang plane ticket. Tiempuhan mo na lang ang promo at sale ng airlines. Kung hanggang dito nagbabasa ka pa din… salamat.. from the bottom of my cute millennial heart♥
Hahah.. Havey yung knock knock. 😀 And thanks for these useful tips, esp. ung flyers. Will do that pag nakapag SK nako, hopefully next year. 🙂 By the way, sale nyo ba nakuha yung ticket nyo?
LikeLiked by 1 person
Hello ShadesOfWanderer! Yung ticket namin hinde sakop ng promo kasi holy week season yung travel dates namin. Ako dapat sisihin, kasi gusto ko isakto sa birthday ko hahahaha! Meron kami nakilala guest din sa hostel, sa Busan airport yung lapag nila mas mura daw. Tapos yung pabalik sa Pinas from Incheon airport na. Try mo din kaso mag-t-train from Busan ka pa, parang ganun din ang gastos hahaha!
LikeLiked by 1 person
Ah kaya pala medyo napamahal, kase yung priority mo is yung araw mismo ng birthday mo. Oks lng yun, at least nakapag celebrate ka abroad. 🙂 Train to Busan? Baka may zombie dun ah? 😀
LikeLike
Oo meron zombie pag To Busan pero pag From Busan mga aswang naman daw ahahahaha! Tama dumiretso ka na lang ng Seoul wag ka mag Busan hahaha!
LikeLike
Hahah.. Yah, I guess Seoul na nga lang talaga. Sabagay kung may aswang man, I think thats good for the blog. 😀 By the way, how can I contact you? Through email na lang ba? May mga tanong pa kase sana ako. Eh ayoko naman gawing chatroom tong comment section mo. 😀
LikeLike
Oo dun sa email, para sa libreng advice email mo lang sa spacekoto@gmail.com 🙂
LikeLiked by 1 person
Namiss kita @spacekoto!! Salute sa yo sa millenial tips!
LikeLiked by 1 person
Basta katipiran na ang goals ko ngayon.. lam mo yan! hahahahaha!
LikeLiked by 1 person
Napaka informative! Saktong sakto sa nalalapit kong travel sa Korea din! Nagenjoy ako sa pagbabasa beshhh! 🙂
LikeLiked by 1 person
I-blog mo din bes.. aabangan ko yan😆 Enjoy Korea! Basta wag ka mag sama ng bwisit sa buhay! ahahahhahaa!
LikeLiked by 1 person
Asawa ko ang kasama ko teh, don’t worry hindi sya bwisit haha! 🙂
LikeLiked by 1 person
Momshie, ganda nito.. Bonggabels! Kakaaliw magbasa as usual hindi ako nabored. Hehehe. 😘
LikeLike
Momshie! Thank you sa pag basa… lahat ng nagbabasa ng blog ko nagiging successful! ahahahahahaha!!!
LikeLike
Thank you sa very useful at nkka aliw mo na pag share…. 😄
LikeLiked by 1 person
Hi Maricel! Thank you sa pag basa… basahin mo din ung iba ko pang blogs mas maaaliw ka.. pag hindi.. try again hehehehe
LikeLike
Stumbled your post sa FB. Nagbabalak din pumunta ng SoKor next year with my niece. The “hampas-lupa” title got me and I’m glad I read your blog.
Super nag-enjoy ako at very informative (coming from a Gen-X’er). 😉
Please continue blogging.
PS: Naiintriga ako sa mukhang linta. Hahahahaha!
LikeLiked by 1 person
Hi ms_renzy! Sana alalahanin mo ako pag andun na kayo sa korea! Haha! Hayaan mo gagawa ako ng separate blog para sa mukang linta para makilala nyo hehehe
LikeLike
Ikaw talaga maiisip ko pag andun na kami. Hahahahaha!
And yes, aabangan ko yung blog mo tungkol sa mga linta. 🤣
LikeLiked by 1 person
Nice..ganoon talaga sa una puro mistake pero atleast natuto ka at nakatipid pa!! Makakatipid ka rin kung my mga kilala ka pwede ng makistay sa kanila hahaha..thank you so much for this story its really help me a lot pagpunta ko doon 😁😁😁
LikeLiked by 1 person
Hi Lorele! Thank you sa pag basa☺️ oo mas maganda kung may libreng accomodation malaking katipiran, hanap tayo ng friend sa korea para libre na #gamitan2017 😂
LikeLike
Love this post! Alam ko na pasalubong na bibilin ko. Mura na at marami pa mabibili! Haha 😂😁
LikeLiked by 1 person
Hi Paula! Uu #PasalubongGoals 😂 Thank you sa pagbasa☺️
LikeLike
sa lahat ng mga travel blog na nabasa ko ito ang the best. Mas naintindihan ko kasi tagalog….hahaha….eih kashie naman karamihan english eih hirap intindihin.
LikeLiked by 1 person
nyeeeeaaaam! Thank you Marinelle! Dahil dyan ikaw ang best comment hahaha! Oo ang sososyal nila di ko abot😂
LikeLike
You nailed it. Super nagenjoy ako reading your blog. Keep on travelling and sharing
LikeLiked by 1 person
Hi Taimeese! Ang tamis ng name mo hahaha! Thank you sa pag basa☺️
LikeLike
Hahahahahaa sobrang enjoy ko basahin to. Learn from your mistakes in travel ika nga 🙂 HAHAHA natatawa pa din ako.
LikeLiked by 1 person
Hi Julie! Buti naman at napatawa kita. Oo natuto talaga ako at bumangon hahaha! Thank you sa pag basa 🙂
LikeLike
Panalo yung nagcelebrate ng birthday dun sa palengke!!! I’m a fan of Runningman and yes, pinlano naming puntahan ang palengkeng yan pero…. balikan na lang daw namin sa susunod na Seoul trip. 🙂
LikeLiked by 1 person
Kailangan nyong balikan.. mapapakanta ka sa Gwanjang market ng kunin mo na ang lahat sa akin…
LikeLike
Nag-enjoy ako mag-basa. Hahaha sana soon makapag-Soul din ako. At ito pa lang blog na ‘to ang nabasa kong Tagalog. 😍
LikeLiked by 1 person
Hi Lena! Nag try ako minsan mag blog ng english.. ang hirap hahaha! Oo i-plan mo at pag ipunan kayang kaya yan 🙂
LikeLike
Natuwa naman po ako dito. At dahil jan, pwede ka po bang maging travel adviser???? Hahaha. Magkakasundo po tayo, pramis. 😉
#BudgetingPaMore
LikeLiked by 1 person
Oo naman Lorelaine basta ikaw☺️ Basta sa katipiran at hampaslupang budget mabibigyan kita ng advice, message mo lang ako anytime😁
LikeLike
Kung ganito kaaliw ang mga travel blogs na may mga iti at expenses, hindi na siguro ako tatamaring magresearch. Nakakainspire. 😀 😀 😀
LikeLiked by 1 person
Waaa thank you dakilanglaagan naku mas nakaka inspire ung blog post mo❤️
LikeLike