Galing lang ako sa pa-rebond-an ng buhok. Kasama ko ang friend kong si Princess. Nakangiti kaming pumasok ng salon puno ng pag asang makaka tipid kami dahil sa discount coupon na dala dala ko. Pero bigo, umiiyak kaming lumabas ng salon. Atleast umiiyak kaming straight ang hair. Ang budget ko $150. Na-calculate ko na yan. Naka bukod na ang cash pambayad. Pero sa kasamaang palad, ang $150 na presyo ay para lang daw sa buhok ng mga dyosa. Ang buhok ko daw ay pang taga lupa. Kailangan ng matinding labor. 70% na daw ang sira matindi daw talaga. Sinisi pa ang gamit kong shampoo.
Nag-promise naman ang stylist na pagagandahin ako. Pinakita nya pa yung before and after ng mga naging customers nya. Magiging ganun daw ako kaganda. Sige baks simulan mo na. Nagulat ako binigyan ako ng menu ng drinks. Pili daw ako ng drinks. Aba may libreng inumin. So pinili ko hot chocolate kasi giniginaw ako lakas ng aircon. Pag balik nya binigyan ako ng hot chocolate at may kasamang biskwit. Buti na lang di kape inorder ko kundi parang lamay, nakasuot pa naman silang lahat ng itim.
Binuksan nya yung tv screen sa harap. May pa-movie din, pili daw ako ng movie. Dahil napaka-matured kong tao pinili ko ang Transformers: Age of Extinction. So ganun ang senaryo, habang nirerebond ang buhok ko, nakain ako ng biskwit at humihigop ng mainit na tsokolate at nanunuod ng Transformers at natingin din sa cellphone kahit wala namang nag te-text.
Umabot ng tatlong oras ang operation. Ang kinalabasan ang dulas at ang lambot ng buhok ko. Ok naman sya, nag muka naman akong… rebonded. Pag dating ng presyuhan, eto na.
Rebond $104 (may discount na daw)
Keratin $250 (eto yung pampaganda daw)
Hair cut $38 (trim lang??)
7% Tax $27.44 (no comment)
Total. $419.44
Sinong di maiiyak?
Sana di ko na lang kinain yung biskwit at ininom ung milo. Infairness naman sa kanila, maganda ang service. Ang ayaw ko lang ay yung pushy sila. Yes pushy. Pinu-push nila kami bumili ng package. 6 sessions ng rebond/keratin with hair products. Sabi ko, kaya nga ako nagdala ng coupon para makatipid, hindi para gumastos ng malaki. Pero pinipilit nya na makaka save daw ako pag kumuha ng package. Medyo nakakainis. Sa huli wala sya magawa kasi di kami sira para kumuha maintenance package na libo ang halaga.
Nagbayad na lang kami base dun sa serbisyo na ginawa nila. Tapos iyak tawa pag labas ng salon. Di na ko uulit. Di ko sasabihin kung anong name ng salon. Basta initial ay VS. Nasa Bugis Plus Mall sya sa may 3rd level malapit sa escalator sa left side tabi ng tindahan ng bags at shoes. Hahaha!
P.S. Sa likod ng mall kami kumain ng dinner, sa turo turo. Iyak tawa.
Naku po ganyan din ako pag nagpaparebond…sa una mababa ang presyo…after ma-assess ng buhok ko biglang nakakaiyak na ang presyo. Pero tiis ganda…sakit sa anit at sakit sa bulsa ๐๐๐
LikeLiked by 1 person
Aysabaw ang sakit sa bangs๐ญ kahit wala akong bangs hahaha! Yung coupon ang bait nila at nahulog ako sa patibong waaaa.. naiiyak pa din ako pag naaalala ko ang binayaran ko hahahahuhuhu
LikeLiked by 1 person
ha ha ha hayaan mo na, ang mahalaga ay lumabas ka sa salon na maganda ha ha ha
LikeLiked by 1 person
Oo un na lang inisip ko kinaganda ko naman hahhahaha pinatakan ko na lang ng luha yung resibo Hahahaha!
LikeLike
Wahahahahhaha
LikeLiked by 1 person
VS, meaning Vongga Sumingil? ๐ Heheh.. Sa SG ba yan?
LikeLiked by 1 person
Puede din Vuwaya Sumingil! Oo dito sa SG huhu kung alam ko lang sana sa Pinas na lang ako nagpa rebond kakaiyak talaga hahahaaha๐ญ
LikeLike
Naku, ginto pa naman presyo dyan sa SG. Di bale, charge to experience na lang.. ๐
LikeLiked by 1 person
oo sinabi mo pa.. charge na lang talaga to experience and bank account ๐
LikeLiked by 1 person
Pag inisip mo yung conversion rate SG-PH…Iyak-tawa talaga!
LikeLiked by 1 person
Ayoko i-convert naninikip ang dibdib ko hahahaha!
LikeLike
Nastress ako, te! Hahahaha. Talagang napakamahal magpaganda!
LikeLiked by 1 person
Amielle hahahahaha! Grabe ang journey ko to beautification di matapos tapos ๐๐๐
LikeLike
Mukhang matatagalan na ulit ang next paganda, Te Nale! ๐
LikeLiked by 1 person
Baka mag DIY na lang ako hahaha didistansya muna ako sa mga salon hahahaa!
LikeLiked by 1 person
oo kamuka ko na solenn heussaff sa buhok ko hahahaha! yung pang kain na budget ko nadamay.. so wala na ko makain ngayon.. natanggap ako ng donation ๐ saklap
LikeLike
Nakaka-iyak nga beh. HAHAHUHU.
LikeLiked by 1 person
Grabe madam basang basa ng luha ko ang resibo huahuahua
LikeLiked by 1 person
Reblogged this on P.S.A. and commented:
Love coupon. LOL!
LikeLiked by 1 person
Doc! Tinapon ko na yung coupon.. ang sakit pag nakikita ko ahahaha!
LikeLiked by 1 person
I shared this sa friend ko na nasa SG. haha! Biktima rin siya ng coupon na iyan! Thanks for sharing daw. It made her day. haha
LikeLiked by 1 person
Madami dami na pala kaming nabiktima ng coupon. Sabihin mo sa kanya sa lucky plaza na lang kami magpa rebond hahaha!
LikeLiked by 1 person