Ano ang mararating ng 50 cents dito sa SG? Minimum pamasahe pa lang sa bus 77 cents na (Php28.50). Hanggang nakita ko ang isang post sa Facebook na may 50 Cents Fest sa Chinatown. Dahil uhaw ako sa mga murang bagay, naligo ako agad at nagpunta sa Chinatown.
Totoo nga! May food fair at sengkwenta sentimos ang presyo ng pagkain. In celebration of Singapore Food Fest, may paandar silang throwback kung kelan ang presyo ng pagkain ay 50 cents (Php18.50). May dala akong $10 na tig 50 cents. So ilan yun? 10 divided by .50 is equals to 20! Pak! 20 na pagkain ang malalapang ko!
Pumunta ako ng walang laman ang tyan. Handang handa na akong magpaka busog at magpaka food blogger. At ito ang mga nabili ko at nakain. Bibigay ko ang opinion ko sa bawat food, kasi yun ang ginagawa ng isang food blogger (Pa pam pam).
1. Iced Milo. Tables and cheers! Unang una sa food fair ang official drink ng mga athletes. Ayon sa research a milo a day keeps the doctor away for 1 week. Ang galing no? Hahahaha!

2. Wa Ko Kueh. Sounds Wa Ko Pakueh hahaha! Eto ay version nila ng puto. Soft at fluffy at sobrang init. Puede kang pumili ng kulay. Pinili ko ay pink at green para instagrammable π Β May option ka ding budburan ng powdered brown sugar para may gourmet effect.
3. Laksa. Lasang laksa hahaha. Naubos ko ito up to the last drop. Mahilig kasi ako sa milky base na soup katulad ng sopas. Ayan.
4. Pork Leg Bee Hoon. Di pala lahat ay 50 cents. Di ko nakita ang 2X. So $1 pala ang pancit na to. Gusto ko ibalik kaso nasandok na ni auntie. Kaya pala walang pila. Di kayang ibaba ang presyo dahil mahal ang kilo ng pork. Ang pancit na ito ay ma-sauce at maiiksi ang hibla. Masarap naman kaso kulang sa asin.
5. Paper Wrapped Chicken. Di ko maintindihan bakit kailangan pa nilang ibalot sa papel ang manok. Magagalit si mother earth madaming nasasayang na papel. Ang masasabi ko lang, messy sya kainin at medyo oily katulad ng face ko nung binibili ko yan.Β
6. Gulab Jamun. Eto ang paborito ko sa lahat. Indian dessert sya. Parang binilog na donut (munchkins ba yun?) na mas masarap pa sa donut basta iba. Yung syrup ang halimaw parang syrup ng leche flan na may linamnam ng luya.
7. Chee Cheong Fun (Steamed Rice Rolls). Yung dark na sauce ay sweet bean paste. Yung red naman ay chili sauce. Puede namang walang chili, tatanungin ka kung gusto mo. Sinagot ko yes, kasi lahat ng nasa pila ang sagot ay yes. Ayy nung kinain ko na umapoy talaga ang dila ko. Ang haba pa naman ng pila sa drinks. Ayun lunok laway na lang ako. Kaiyak.
8. Michael Jackson Drink. Kala ko name ng stall. Meron pala talagang Michael Jackson na inumin. Itatanong ko sana sa nag titinda bakit ganun ang pangalan kaso mukang masungit at intsek kasi ung salita nya. So sabi ko na lang.. Xie xie niβΊοΈ. Ang lasa pala ng drink na ito ay lasang soya milk.. ayy soya milk talaga sya na may konting gulaman na dark color. Masarap lasang taho.

9. Ice ball. 30 minutes ko tong pinila. Para lang makakain ng crushed ice. May mga kolorete naman sya pero lasang yelo pa din. Kung ako masusunod lalagyan ko to ng saba, sago, langka, ube, macapuno, nata de coco, pinipig at leche flan. Ganyan.
10. Lugaw. Eto ung lugaw na parang dumaan sa blender. Blended lugaw. Puede mo syang inumin gamit ang straw. Di ko alam kung anong isda ang cuttlefish, pero yun yung nagpasarap. Shout out sa cuttlefish!
Nung papunta na ko sa Char Siew Rice Stall para sa aking ika-11th biglang dumami ang tao. Nasisiksik na ko di na ko makahinga. Nag mistulang divisoria ang Chinatown. Parang may feeding program. Madami pa kong coins. Gusto ko pa kumain kaso may mas gutom pa sa akin…
Pero hello??? ako si Space, ipapakita kong ang mga pilipino ay di sumusuko. Pumunta ako sa isang stall at tinodo ko ang pag kuha ng tissue. Kahit sa tissue makabawi man lang. Libre naman. Naglagay ako sa bulsa ng short ko (kaliwa’t kanan). Sa bulsa ng bag ko at sa loob ng bag. Hanggang mapuno hahaha!

Pero kahit nabitin ako sa pagkain, masaya pa din ako. Hindi dahil sa mura yung food, ang saya lang pumila at makinig sa usapan ng nasa harap at sa likod mo lang hahaha! Ang saya nung pakiramdam ng iaabot sayo yung food tapos ibabayad mo ay barya. Yung feeling na mataas ang value ng coins na hawak mo na parang kaya mong labanan ang lahat ng pagsubok sa buhay. Ganyan. Di man natin maibabalik yung panahon na mababa ang presyo ng pagkain, puede naman tayo maging masaya sa kung anong meron tayo (may tayo?) at may mga bagay na libre.. dun ka na lang bumawi. Todong bawi. π
Papel ba talaga yung nakabalot sa chicken o baka Rice Paper wrapper yun? hehe π
Ngayon ko nare-realize na ang mura nga ng mga bilihin dito sa Pilipinas kumpara sa ibang bansa, kasi yung merienda dyan, heavy meal na dito π
LikeLiked by 1 person
Papel talaga na solid. Alam mo yung brown na pambalot sa pandesal? Gawin mo lang syang white.. ayun sya. Uu mas mura dyan sa pinas kaya mas masarap kumain dyanβΊοΈ
LikeLiked by 1 person
baka para di dumikit? papel pala talaga kaloka haha
LikeLiked by 1 person
naku Aubrey Miles di didikit un sa dami ng mantika hahaha!
LikeLike
Unang una sa lahat, panalo yung manicure mo teh! Nadi-distract ako sa sobrang ganda. Pulang-pula eh. Heheh.. Seriously, compliment yun. π
Na-miss ko kumain ng Laksa. At yung Gulab Jamun, mukhang masarap. Sana next time ma-try ko yan. βΊ Tuwing kelan ba yang festival na yan? Dyan lang din ako nag-stay sa Chinatown nung nagbakasyon ako dyan sa SG.
LikeLiked by 1 person
Jeff!!! Hahahaha! Ako lang ang nag manicure sa sarili ko.. talent ko ang mag pinta ng kuko.. pangarap ko kaya maging manikurista hahaha!
Every July ang Singapore Food Fest. Punta ka next year, di ko lang sure kung may paandar silang throwback or baka iba naman, pero masaya pag may food fest ditoβΊοΈ
LikeLiked by 1 person
Galing mo pa lang mag manicure. Pa-manicure ako next time ah? Heheh..
Sige, sana next year makabalik uli ako ng SG.. βΊ
LikeLiked by 1 person
Sige ba tsaka make up nagawa din ako ahahaha papatayo na ko ng parlorπ
LikeLiked by 1 person
Ngayong nabanggit mo yung Michael Jackson, kaya pala pinangalan sa King of Pop iyan ay dahil sa kanta niyang “Black or White” – puting soymilk na may halong itim na grass jelly! =))
LikeLiked by 2 people
OMG!!! Ngayon ko lang din na gets kundi mo pa sinabi hahaha! Oo nga! Yung Black or White na song kaya Michael Jackson! Mas alam mo pa yung grass jelly.. ang tawag ko dun dark gulaman hahaha!
LikeLiked by 1 person
My thoughts on this blog post:
1. HAHA. Lagot ka kay Aim Yell. Papampam pala ang food blogger ha.
2. Ang pula ng fingernails, teh. Nagmamaganda!
3. Nabitin ka pa talaga sa dami ng kinain mo???
4. Nicely written, as always, full of humor in between reviews. π
LikeLiked by 2 people
Una sa lahat I love you Amielle with all my heart!!! Hahaha! Iba yung papampam na sinasabi ko sa iba un baks hahahaha!
Nay Rhea! Hahaha! Ako lang nag kulay nyan pinag pipilian ko pink or red.. imagine mo kung pink yan.. anu na lang?! Hahaha!
Sadyang matakaw talaga ako! Kaya pag punta mo dito puro sa kainan kita dadalhin hahaha!
LikeLiked by 2 people
Hoy teka lang ngayon lang ako nagbabackread ng mga post kasi busy akong magpa-pampam! HAHAHAHA pinag uusapan n’yo ako behind my two backs ha (kasi… gets nyo na)
LikeLiked by 1 person
I love you baks! to the moon and back to backπ
LikeLike
Bastos hahahahahaha hmp love uuuuu
LikeLiked by 1 person
panalo 50cents! amazing! ang saya nga! π
naalala ko ang #9 mo sa interview mo. “kakang” vs “ka-chang” vs “halo-halo” hahaha
LikeLiked by 1 person
Wahahahhaha!!! Naalala mo pa natawa din ako dun.. san nila nakuha ung kakang? Eh ice Kachang yun! Pero ang ice kachang ay ice mountain, eto namang kinain ko ice ball. Wala pa din tatalo sa halo haloπ
LikeLike
Sinusulat ko pa ‘to sa notepad atm kasi ang hirap mag-basa tapos scroll pababa, type ng comment tapos basta gets
Unang una, bakit mukhang balot na naugok ‘yung paper wrapped chicken?
Pangalwa, gusto ko ‘yung may pagtabig moment. Sana gwapings ‘yung natapunan mo para ang lakas maka-teleserye diba. Hahahaha
Pang three. Seryoso ba ‘yung pwedeng straw-hin ‘yung lugaw???? Minsan talaga ‘di ko alam kung seryoso ka na sa mga post mo o nagjojoke ka pa din e HAHAHA
Last thought and question. Dahil labis ang dala mong pera, sa’n mo nalang siya ginastos?
LikeLiked by 1 person
aim-yel, soulmates talaga tayo. mga tanong natin yung mga gantong klase ng tanong eh. hahaha naisip ko din kung baka sa pamasahe nalang ginastos ni Space yung sobrang pera nya ? ahha
LikeLiked by 2 people
Amielle! Ang haba nito hahaha cheka.. di lang parang ugok na balot muka ding binahaπ Yung tabig moment puede din eksena sa wild flower hehehe. Yung lugaw, hindi pala puede i-straw kasi babara ung cuttlefish ayun hahaha tapos ung natira kong barya binalik ko sa alkansya koπ
LikeLike
Ay gusto ko ‘yung Wildflower tapos may pagsigaw ka ng WAG AKO!
LikeLiked by 1 person
gusto ko yung Michael Jackson drink! Mahilig kasi ako sa soya milk huhu. Grabe buti nalang mabait si ateng natapunan mo hahahaha
Sayang, ano pa yung mga hindi mo nakain?
Ang saya naman ang mura and nabusog ka. Oha.
LikeLiked by 1 person
Hi Thea! Ang sarap ng Michael Jackson hahaha may manguguya ka pang gulaman. Naku nakakahiya talaga kasi kakapicture kay michael jackson ayun di ko din napansin si ateng papalapit na pala sa pilaπ«
Sayang di ko nakain ung bbq chicken wings, satay, char siew rice (ung parang bbq pork nila) at chicken rice.. yun talaga ang pinilahan ng bongga. Ayan nagugutom nanaman ako hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Gusto ko makatikim ng legit na chicken rice huhu. Pag kumain ka ng chicken rice lagi mo akong isipin ah haahahah ikain mo ako π
LikeLiked by 1 person
Uu simula ngayon pag kakain na ako ng chicken rice ikaw na iisipin ko sayo ang first na subo hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Yay!! Labyu!! β€ β€ β€
LikeLiked by 1 person
Nag chicken rice ako kahapon! Ikinain na kita hihihihiπ
LikeLike
Nalimutan ko sabihin natawa ko sa “medyo oily katulad ng face ko nung binibili ko yan.” HAHAHAHAHA ang babaw ko ba o sadyang ang funny ng mga banat mo β€
LikeLiked by 1 person
Sadyang oily lang talaga ang face ko Thea hahahaha! Ubos sa akin ang Clean & Clear Oil control film hahahaha!
LikeLiked by 1 person
Hoy ang mahal nung clean and clear na yan hahaha kapag may humihingi sakin out of sheer curiosity parang sumasakit yung dibdib ko hahahah
LikeLiked by 1 person
Pag may nang hihingi sinasabi ko may gamot to baka ma-irritate ang skin mo hahhahaha!
LikeLiked by 1 person
hahahahahahaha sira ulo ka sa may gamot to HAHAHAHAHAHAHA sana mabasa ni Aysa tong comment mo na yan hahahahahaha ang benta eh hahahahaha
LikeLiked by 2 people
I-screenshot ko na lang post ko sa wall ni Aysa wahahahahaha!
LikeLiked by 1 person
wala na akong inisip kung hindi kung anong lasa ng mga pagkaing pinitchuran mo. lalo na yung donut na may sauce. lol.
LikeLiked by 1 person
Yung donut na binilog… lasang pancake na milky na mas masarap pa sa pancake kasi para syang sponge inabsorb nya yung syrup. Yung syrup halimaw un kung sinuman gumawa nun halimaw sya hahhaha!
LikeLiked by 1 person
halimaw bakit?
LikeLiked by 1 person
halimaw sa sarap eh hahaha
LikeLiked by 1 person
edu wow!
LikeLiked by 1 person
Buti wala kang memories dyan with your ex. Haha! Dapat kasi nilagyan mo siya ng tisyu! Para hindi na nakuha ng iba. Reserved na. LOL!
LikeLiked by 1 person
HAHAHAHAHA! Doc dapat tissue roll dun ibalot parang mummy. Preserved! ahahahaha!
LikeLike
Wala na eh. Hindi mo ginawa. haha! Ayun. Served sa iba. LOL!
LikeLiked by 1 person
Hayaan mo doc he’s been served!π aHahaha!
LikeLiked by 1 person
Haha! May lalapit naman sa iyong waiter. “Willing to wait, Mam?” π
LikeLiked by 1 person
Ang sagot ko.. can I talk to your manager? hahahhaha!
LikeLiked by 1 person
Looking for Mr. Right? Look for a customer. Coz the customer is always right. Haha
LikeLiked by 1 person
Bwhahhahahhaa!!! Wala na ko maisagot lilipat na lang ako ng kainan hahahaha!
LikeLike
Hi Ate Space. Haha, Ang tagal na po ng post mong ‘to pero ngayon ko lang ko-commentan. Haha. Ini-isa isa ko po kasi.
Eniweys, hindi ko po ma-imagine kung pano niyo nakayang paghalu-haluin ang inyong mga kinain sa inyong tiyan. Hindi naman po ba sumakit? Haha.
Sana may ganyan din dito sa Pinas. Yung feeling na .50 cents na lang ung 4pcs. na siomai, bbq & many more. Mahilig pa naman akong mag-ipon ng mga cents, kahit ung singkong butas. Haha.
Oha, ang haba po ng comment ko. Papansin ang peg. Yun lang.
LikeLiked by 1 person
Lhory! 4 paragraphs ahhahahaha! Alam mo di ko na nabanggit sa post ko… sumakit ung tyan ko dyan kaya nag madali din ako umuwi wahahahahahaa! Next year meron ulit kaya punta ka dito bisitahin mo koπ sabay tayong lumapang at sumakit ang tyan hahahahha!
LikeLiked by 1 person
Waaah, gusto ko po yun. πππ. Basta po ba jan ako mag-i-stay sa bahay niyo eh. Haha. Baka dun ko na magagamit ulit ung code na Spacepacito. πππ
Don’t worry Ate, keri kong matulog sa sofa kahit naka-talungko lang. πππ
Yiiieee, bakit bigla akong na-excite. ππ
LikeLiked by 1 person
Uu naman dito ka sa bahay mag stay pag punta ka dito.. ayan invitation na yanπ Abang ka na ng promo ticket yiiieeee
LikeLike
Hala siya. Te, seryoso? π²π²π²π²π²π² Need ko na talagang kumuha ng passport. #AgadAgad Hahah. Waaaahhhhhhhh. ππππππ
LikeLiked by 1 person
Seryoso pagawa ka na passport dali βΊοΈ
LikeLike
Sigi sigi. Kaso Te, gabi na eh. Hahaha. Waaaahhhhh. Na-e-excite na talaga aku. ππππππππππππ
LikeLiked by 1 person