Posted in KwentoKoto

Love Is Blog: Book Review at Si Ate Girl

Mag rereview ako ng book. Magiging seryoso muna ko ngayon ano po. Teka pano? Hahaha. Ok eto na. I’m sure narinig nyo na ang librong pinamagatang LOVE IS BLOG. Hindi pa? Ok, ituloy ko ang book review. Pero sa mga nakabasa na… eh kamusta naman ang buhay pag-ibig? Hahaha. Ok seryoso na ulit. Ang libro na ito ay isinulat ni Dr. Eamer. Isa syang peymus na blogger hahaha. Teka gagandahan ko ng intro. Si Dr. Eamer, ay batikang blogger at kinikilala sa lipunan. Madami dami na syang natanggap na parangal na di ko na kayang banggitin dahil mauubusan na ako ng space dito. Speaking of space, sya nagbigay sa akin ng space sa P.S.A . Ayan, sana mabigyan ako ng discount sa Liliw Tsinelas sa mga sinabi ko.

Mabalik tayo sa libro. Love story sya ni Pep at Hannah na may commercials in between. Yung commercial ay mga blogs ni Dr. Eamer, bale 25 lahat. Naka-sandwich ang mga ito sa bawat chapter ng story ni Pep at Hannah. Pag nagbabasa ako ng libro, ini-imagine ko ang mga character na totoong tao. Dahil malakas impluwensya sa akin ng La Luna Sangre, si Pep, na-iimagine ko sya si Daniel Padilla. Si Hannah ay si Katherine Bernardo. Si Rolly, si Paolo Balesteros at si Dem ay si Pia Wurtzbach. Pak!

Sa eroplano ko ito binasa habang buma-biyahe pabalik ng Singapore. First time kong di nakatulog sa eroplano, kasi, una ang lakas humilik ng katabi ko, pangalawa nakakatuwa basahin yung libro.  Di ko alam kung irereview ko ba yung book o i-kkwento ko yung katabi ko sa eroplano. Gawin ko na lang pareho. Hahaha.

 

Ang tagal umandar ng eroplano. Umiiyak na yung batang nasa harap namin, inip na inip na. Si ate girl na katabi ko sarap ng tulog kaka-inggit. Pag nag babasa ako gusto ko may sounds, so sila yung sounds ko. Ang saya. Nasa page 158 na ko nang maramdaman kong umuusad na kami. Maingay pa din. Ang saya. Yung hilik ni ate girl, yung tunog ng makina ng plane, iyak ng bata sa harap at ang tawa ko sa Blog #1 ay nag sabay sabay habang papalipad kami. Ito na ata ang pinaka masayang take off na na-experienced ko hahaha!

 

Nasa chapter 2 na ko nung nagising si ate girl, tinap sya ng stewardess kung ano gusto nya, ”coffee, tea, juice?” Parang wala sya sa sarili nya, sagot nya “huwater” (wala sa mga choices).  Ako naman ang sagot ko “chiiii” (tea). Tinigil ko muna ang pag babasa, nahinto ako sa ‘Blog #6: Ikakasal Na Sila, Ikaw, Kailan?’ Tinupi ko ang page 186. Lalapang muna ako. Sabay kami kumain ni ate girl, gusto ko syang ngitian kaso ayaw nya tumingin sa kin, naka focus sya sa food.

 

In 5 minutes natapos kami kumain, para kaming nag co-contest ni ate girl, mahuli maghuhugas ng pinggan. Hahaha. After naming kumain, kinolekta ng stewardess ang tray. Back to sleep ulit si ate girl. Ako naman back to Love is Blog. Talaga sigurong masarap matulog pag busog, kasi ang lakas nanaman ng hilik nya. Ok lang sa akin yun. Kaso parang bumibigat ang kaliwang balikat ko. Yung ulo ni ate girl nasa balikat ko! Binabasa ko na nun yung ‘Blog #12: Pitong Utos Sa Pagkakaroon ng Crush’. Dapat may pitong utos din sa pag tulog sa plane. Bawal matulog sa balikat ng katabi. Hehehe.

 

Pinaka ayaw ko sa biyahe ay ang turbulence. Madami pumapasok sa isip ko. Ayun nga, nag announced ang crew, walang munang gagamit ng toilet at isuot ang sinturong pangkalawakan kasi sho-shook ang plane. Kasabay ng pag uga ng plane ay sinagot na ni Hannah si Pep dun sa story, tumawa ako kasi ang galing kung pano nya sinagot si Pep. Nagising si ate girl, di ko alam kung saan sya nagising, sa tawa ko o sa pag uga ng eroplano. Napatingin sya sa binabasa kong libro, gusto kong sabihin…”share tayo? “. Tumagal ang turbulence ng mahigit kumulang na isang minuto. Tapos nasundan ulit ng isa pa at isa pa. Total 3 sets ng turbulence.  Kaya naman itong si ate girl gising na gising nakahawak ng mahigpit sa mini pillow, ako naman ang saya saya, tumitingin pa ko sa bintana na nakangiti sa mga ulap dahil sa binabasa ko hahaha! Siguro iniisip ni ate girl may saltik ako. Minsan sa buhay kailangan mo din ng turbulence para magising ka. Yes naman!

 

Natapos din ang pag shake ng plane, kumalma na si ate girl. Humingi sya ng huwater (tubig) sa stewardess. Natulog ulit sya pero wala ng hilik. Medyo natakot ako kasi wala ng sounds. Sinisilip silip ko sya maya’t maya kung nahinga pa sya. Nakatabon ang buhok nya sa muka nya, pero nahinga pa naman. Tinuloy ko ang pag basa, chapter 6 na ko. Kinasal na si Pep at Hannah! Kung ikakasal nga pala kayo, puede nyong kopyahin yung exchanges ng vows nila hahaha ay! may copyright pala.

Nag announced na ang pilot na lalapag na kami. Hindi ko namalayan ang oras. Gising na ulit si ate girl. Nag suklay na sya, nag powder at nag lipstick. Hindi na sya mukang bagong gising. Mukang may pinag hahandaan sya. Ako naman nag lipstick lang kasi baka may media pag lapag namin. Awuw. Habang nag p-prepare to landing na, binabasa ko na ang ‘Blog #24: Payo Para sa mga Taong Umibig, Umiibig, at Iibig Pa‘. Nakapaloob dito ang 9 na cases at 9 na payo sa bawat kaso. Legal advice ganyan hahaha.

 

Ang paborito ko talagang part ng libro ay yung ‘Blog #25: The Love That I Think You Deserve’. Para sa akin ito talaga yung pinaka heart ng book. Ano yung love na deserve mo? Ano ang kahulugan ng love at bakit love is blog ang title ng libro? At andito din yung pinaka mahalagang prayer na masasabi mo sa buong buhay mo. Sana mabasa nyo din ang libro. Natapos ko basahin ang librong ito habang ako ay nasa himpapawid. Pero kahit saang lugar nyo ito basahin, sigurado akong dadalhin ka nito sa himpapawid ng kasiyahan at kaliwanagan. Nyeeeaaam. Para sa copy ng book contact nyo lang si Dr. Eamer. Para sa 10% discount i-mention nyo sa kanya ang promo code: SPACEPACITO.

P.S. Legit ung promo code na SPACEPACITO. Di sya joke. Kaya ano pa iniintay nyo?

Advertisements

Author:

Lahat tayo need ng Space. So ito na ang kasagutan hahaha! Samahan nyo ako sa baliwag kong kwento. Aim ng blog na to ay mapagaan ang mabibigat na damdamin. Di ko man matanggal ang problema nyo, sana kahit papano mapatawa ko kayo ano po? Allow me to have this space and name this blog spacekoto because anything that occupy space matters! Charot!

45 thoughts on “Love Is Blog: Book Review at Si Ate Girl

  1. Icocomment ko na sana yung “seryoso ba yung spacepacito???” HAHAHAHA ate!!! Jusko ang saya magbasa ng blog mo. Feeling ko nagkwekwentuhan lang tayo personal! Tawang tawa ko dun sa parang nagcocontest, mahuli maghuhugas ng pinggan!

    Parang gusto ko basahin ‘yang book na ‘yan. Tagal ko na din hindi nagbabasa ng Tagalog baka itakwil na ‘ko ng bansang sinilangan. Hahaha

    Liked by 3 people

    1. Amielle! Hahaha ang bilis kumain ni ate girl, kaya sinabayan ko yung bilis nya, contest nga hahaha! I-try mo lang i-mention kay doc ang spacepacito promo code pag hindi ka nabigyan ng discount try mo naman promo code spacepakganern hahaha!

      Masaya basahin yung book. Dapat may isang tagalog book sa shelf mo😊. Itabi mo sa Breaking Dawn or Eclipse, kakulay nya yung cover😆

      Like

      1. Di ko makita sa book shelf mo hahaha! Kompleto din ako ng Bob Ong at meron din ako ng book ni tita Miriam. Magaling din ako kumanta same na same talaga tayo hahaha! Gusto mo marining version ko ng despacito? Ipost ko sa IG? hahaha!

        Like

      1. Hahahhaha #AilaVet yang inception na movie ang movie na nakapagpa realize sa kin na pang star cinema movie lang ang level ko hahahaha! Nahirapan ako intindihin yung limbo kemerut hahahaha!

        Like

      1. Hahah.. Abay dapat lang kabahan si JKR, at dapat din matuwa si Dr. Eamer sa pag skyrocket ng sales nya. All of that, thanks to the one and only The Anna Lee! 👊

        Makabili na nga din ng book na yan bago pa mag triple ang presyo.. 😊

        Sige, email kita ngayon. Let’s do that “sanib-pwersa”.. Heheh..

        Liked by 1 person

  2. @spacelee! marekoy! ngenjoy ako sa pgbabasa netong blog mo.. ngyon lng ako ngkaron ng time bumasa at tapusin at nawala yta sakit ng ulo ko. Thanks for sharing your funny moments with us.. to your friends and also to the readers. Pls continue sharing these blogs, and make people feel good. U make people feel good u know.. see u around!!

    Liked by 1 person

    1. Girl! Thank you sa pag basa, alam kong napaka busy mong tao hahaha! Salamat sa support, ay may support hahaha! Basta kita tayo ulit alam ko marami ka pang inaasikasong bagay hahaha! Exciting!

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s