Posted in Lamon Hits

SINGkwenta SENTImos

Ano ang mararating ng 50 cents dito sa SG? Minimum pamasahe pa lang sa bus 77 cents na (Php28.50). Hanggang nakita ko ang isang post sa Facebook na may 50 Cents Fest sa Chinatown. Dahil uhaw ako sa mga murang bagay, naligo ako agad at nagpunta sa Chinatown.

Totoo nga! May food fair at sengkwenta sentimos ang presyo ng pagkain. In celebration of Singapore Food Fest, may paandar silang throwback kung kelan ang presyo ng pagkain ay 50 cents (Php18.50). May dala akong $10 na tig 50 cents. So ilan yun? 10 divided by .50 is equals to 20! Pak! 20 na pagkain ang malalapang ko!

Pumunta ako ng walang laman ang tyan. Handang handa na akong magpaka busog at magpaka food blogger. At ito ang mga nabili ko at nakain. Bibigay ko ang opinion ko sa bawat food, kasi yun ang ginagawa ng isang food blogger (Pa pam pam).

1. Iced Milo. Tables and cheers! Unang una sa food fair ang official drink ng mga athletes. Ayon sa research a milo a day keeps the doctor away for 1 week. Ang galing no? Hahahaha!

img_8776
Kailangan red ang kuko sa mga ganitong ganap:)

 

2. Wa Ko Kueh. Sounds Wa Ko Pakueh hahaha! Eto ay version nila ng puto. Soft at fluffy at sobrang init. Puede kang pumili ng kulay. Pinili ko ay pink at green para instagrammable 🙂  May option ka ding budburan ng powdered brown sugar para may gourmet effect.

 

3. Laksa. Lasang laksa hahaha. Naubos ko ito up to the last drop. Mahilig kasi ako sa milky base na soup katulad ng sopas. Ayan.

 

4. Pork Leg Bee Hoon. Di pala lahat ay 50 cents. Di ko nakita ang 2X. So $1 pala ang pancit na to. Gusto ko ibalik kaso nasandok na ni auntie. Kaya pala walang pila. Di kayang ibaba ang presyo dahil mahal ang kilo ng pork. Ang pancit na ito ay ma-sauce at maiiksi ang hibla. Masarap naman kaso kulang sa asin.

 

5. Paper Wrapped Chicken. Di ko maintindihan bakit kailangan pa nilang ibalot sa papel ang manok. Magagalit si mother earth madaming nasasayang na papel. Ang masasabi ko lang, messy sya kainin at medyo oily katulad ng face ko nung binibili ko yan. 

 

6. Gulab Jamun. Eto ang paborito ko sa lahat. Indian dessert sya. Parang binilog na donut (munchkins ba yun?) na mas masarap pa sa donut basta iba. Yung syrup ang halimaw parang syrup ng leche flan na may linamnam ng luya.

 

7. Chee Cheong Fun (Steamed Rice Rolls). Yung dark na sauce ay sweet bean paste. Yung red naman ay chili sauce. Puede namang walang chili, tatanungin ka kung gusto mo. Sinagot ko yes, kasi lahat ng nasa pila ang sagot ay yes. Ayy nung kinain ko na umapoy talaga ang dila ko. Ang haba pa naman ng pila sa drinks. Ayun lunok laway na lang ako. Kaiyak.


 

8. Michael Jackson Drink. Kala ko name ng stall. Meron pala talagang Michael Jackson na inumin. Itatanong ko sana sa nag titinda bakit ganun ang pangalan kaso mukang masungit at intsek kasi ung salita nya. So sabi ko na lang.. Xie xie ni☺️. Ang lasa pala ng drink na ito ay lasang soya milk.. ayy soya milk talaga sya na may konting gulaman na dark color. Masarap lasang taho.

After kong kunan ng picture tong si Michael Jackson, pag baling ko sa kanan, natabig ako ng chekwang babae at natapunan ko ung bag nya ng drinks halos half ang natapon. Naka 10 times ata akong sorry ng sorry kasi nakakatakot ung kasama nyang lalake asawa ata nya. Buti na lang mabait si ate.

 

9. Ice ball. 30 minutes ko tong pinila. Para lang makakain ng crushed ice. May mga kolorete naman sya pero lasang yelo pa din. Kung ako masusunod lalagyan ko to ng saba, sago, langka, ube, macapuno, nata de coco, pinipig at leche flan. Ganyan.

 

 

10. Lugaw. Eto ung lugaw na parang dumaan sa blender. Blended lugaw. Puede mo syang inumin gamit ang straw. Di ko alam kung anong isda ang cuttlefish, pero yun yung nagpasarap. Shout out sa cuttlefish!

Nung papunta na ko sa Char Siew Rice Stall para sa aking ika-11th biglang dumami ang tao. Nasisiksik na ko di na ko makahinga. Nag mistulang divisoria ang Chinatown. Parang may feeding program. Madami pa kong coins. Gusto ko pa kumain kaso may mas gutom pa sa akin…

Pero hello??? ako si Space, ipapakita kong ang mga pilipino ay di sumusuko. Pumunta ako sa isang stall at tinodo ko ang pag kuha ng tissue. Kahit sa tissue makabawi man lang. Libre naman. Naglagay ako sa bulsa ng short ko (kaliwa’t kanan). Sa bulsa ng bag ko at sa loob ng bag. Hanggang mapuno hahaha!

Fact: Kaugalian ng mga local dito na gamitin ang pakete ng tissue para ipang reserve ng table sa mga food courts, kaya pag may nakita kang tissue pack sa table.. wag kang uupo kung ayaw mo masaktan😜 Minsan may nakita ako cellphone ang pinang save sa table O ha! Minsan bag o kaya payong. Try ko nga sapatos! Hahaha!

 

Pero kahit nabitin ako sa pagkain, masaya pa din ako. Hindi dahil sa mura yung food, ang saya lang pumila at makinig sa usapan ng nasa harap at sa likod mo lang hahaha! Ang saya nung pakiramdam ng iaabot sayo yung food tapos ibabayad mo ay barya. Yung feeling na mataas ang value ng coins na hawak mo na parang kaya mong labanan ang lahat ng pagsubok sa buhay. Ganyan. Di man natin maibabalik yung panahon na mababa ang presyo ng pagkain, puede naman tayo maging masaya sa kung anong meron tayo (may tayo?) at may mga bagay na libre.. dun ka na lang bumawi. Todong bawi. 😜