Aminin natin kahit gaano ka ganda at ka ayos ang company na pinag-ta-trabahuhan mo, meron talagang tao (As in talaga) na makakapag-beast mode sayo at sisira ng araw mo. Katulad ngayon, sa oras na ito, sa mga sandaling ito… eto nanaman sya… pero kalma lang… imbes na ma-imbyerna, heto ang 10 tips para di ka mainis at kumulubot na parang prune dahil sa hinayupak na ka-trabaho mo.
1. Isipin mo na lang na sya ay iyong Ina (na menopause) or Kapatid (na blacksheep) or Kamag-anak (na may saltik). Di ba nga kahit gaano pa kalalala ang ugali ng mga taong related sa atin di natin sila kayang patulan kasi nga pamilya sila. Respeto. So ganito na lang isipin mo… pamilya sila (Buset!).
2. Pag binato ka ng bato gawin mong pang hilod. Ang magaspang na kahoy ay pinapakinis ng liha. May mga tao talagang nakaka irita, istorbo sa trabaho, epal ganyan… pero kahit gaano sila ka gaspang, isipin mong sila ang nagpapalabas ng kinang mo. When they attack you.. Shine! When they speak negative about you.. don’t fight back… just Shine!
3. Gawan mo sya ng tula (poem). Katulad nito:
Ikaw ang sili sa aking sawsawan
Ikaw ang alipunga sa aking talampakan
Ikaw ang singaw sa aking lalamunan
Ano pa? Kulang na lang ilagay ko ang iyong pangalan.
Tapos iprint mo sa A4 size paper tapos ipost mo sa CR (Joke lang). Pero puede mo din isulat sa post it sticker tapos ipost mo sa computer screen mo, tulad nito:

4. Alamin ang paborito nyang pagkain. Kainin mo ito sa harap nya… tignan lang natin kung di sya humingi, pero pag ang paborito nyang pagkain ay siling labuyo, skip mo na ang tip na ito, punta ka na sa tip number 5.
5. Pag sobrang nakaka-irita na sya at lumalagpas na sya sa boundary ng pasensya mo, ito tandaan mo… MAS MAGANDA KA. Oo ulit ulitin mo sa puso at isip mo. Huwag mong ibigay ni butil o alikabok ng ganda mo sa kanya. Imbes na bumaba ka sa level nya.. Rise above it. Lipad Darna lipad!
6. Kapag Umepal sya sa Boss mo at ikaw ang lumabas na may kasalanan.. wag mag wala at mangisay na parang bulateng hinagisan ng asin. Keep your posture. Sabi nga sa kasabihan, “Ang tumatakbo ng matulin pag matinik ay malalim”. Di ko alam kung anong konek pero di ba ang deep?
7. Itong number 7 ang pinaka gusto ko. Lagyan mo ng thumb tacks ang upuan nya! (Joke lang) Masama yun! Baka matanggal ka pa sa trabaho. Lagyan mo na lang ng langgam.. yung kulay pula ha hahaha (Joke lang ulit). Bubble gum na lang para di masakit… nguyain mo muna tapos ilagay mo sa upuan nya.
8. Pag timpla mo sya ng kape.. yung matapang.. ng kabahan naman sya. Wag mo kalimutan lagyang ng note…
9. Add mo sya sa Facebook. Tapos mag post ka ng mga quotes na patama sa kanya.
Ganyan… tapos lagyan mo pa ng hashtag na #lifeisbeautiful. Tapos after 11 days unfriend mo na sya. Sabihin mo na-hacked ang FB mo 🙂
10. And lastly, ang pinaka simple pero pinaka mahirap atang gawin: DEDMA. What is DEDMA?
Ito ay galing sa english word na “dead” at tagalog word na “malisya”. So pag samahin mo sila mabubuo ang word na DEDMA.
May nabasa ako na ang dedma is a healthy defense mechanism (somoso-sociology teh). Pero syempre may right time para gamitin ito at may time din na kailangan mong iconfront ang tao. Kumbaga, choose the battle that matters, kung sa tingin mo ay waste ng time makipag argue… then DEDMAhin mo na lang full stop.
IT IS BETTER TO DEADMA NA LANG COZ THE BAD DOING WILL NOT LAST FOREVER. FORGIVE AND FORGET!
LikeLike
Waaaaaa! yes yes wala silang forever! patawarin at kalimutan. deadma is the key for world peace. Thank you for reading josie 🙂
LikeLiked by 1 person
Magagamit ko to bes! Hahaha
LikeLike
oo bes lalo na yung no.7 pak na pak bet na bet!
LikeLike
Very well said admin..relate much..pak n pak..dedma n lng s mga bitter n yn..mamatay cla s insecure..
LikeLike
korek! isang malaking Check! Agree! Tumpak!Pak!
LikeLike
Relate na relate! Your writing is so witty! Gagawin ko lahat yan, ngayon din!
LikeLike
Artsy! sobrang salamat! Galingan mo lalo na ung pag nguya ng bubble gum 🙂
LikeLike
gusto ko yung bublle gum! hahahaha (evil laugh)
LikeLike
na iimagine ko nanguya ka ng bubblegum habang nag e-evil laugh😂
LikeLike
Very timely. Thank you so much. I’ll just maintain a professional gap between my officemate.
LikeLike
“Glorified Plastic” ika nga hehehe. Yep, this is very timely to me. Made my day!
LikeLike
lulutang sila sa baha hahaha!
LikeLike
yes naman tama yan.. mga 12 inches gap ganyan haha thank you sa pag basa 🙂
LikeLike
mabuhay ka….mabuhay ang lahi nyo ng 100 years….malaking matter sa space tong sharing mo…brilliant….down to earth….napakabait mo….
LikeLike
wow thank you matutuwa ang mga angkan ko nyan. Lalo ko pang babaitan haha Thank you sa pag basa 🙂
LikeLike
Pa’no naman kung amo mong ibang lahi ‘yung kairitabels? Hahahaha
LikeLike
naku bes di ka nag iisa. Hayaan mo balang araw ikaw naman ang titingalain nya😄
LikeLike
Practical. Doable. And i love the photos u used!
LikeLike
Thank you leah ung iba dun nakuha ko lang sa google sana wag ako makasuhan ng pang gagamit hahaha!
LikeLike
Ahahah!!!! Ang benta nito!!! 😂😂😂😂
LikeLike
Thank you Anne! Kahit papano naka benta! hahaha!
LikeLike
Hahah!! Natawa ako dito .. promise!
#GoodVibes
LikeLike
Thank you sa pag basa ikalat ang #GoodVibes 🙂
LikeLiked by 1 person
Alreaady shared ❤️
LikeLike
Entertaining! I love the concpt. very inspiring esp for a newb like me
LikeLike
Thank you sa pag bisita sa spacekoto.. last Aug lang ako nag start kakakaba lang baka may mga critics hahaha! Pero galing mo mag sulat ha 🙂
LikeLiked by 1 person
Salamat spacekoto! O diba basta may kuwento … iblog! Ipush natin to! Cheers! 😊
LikeLike
Pak ganern. Pasok sa kaliwang tenga labas sa kanan. Tas sabihin mo are you done?coz I’m still beautiful .
LikeLike
ayy pasok sa banga! we’re still beautiful! watdapak ganern!
LikeLike
ahy bet! sobra lalo na ung lipad darna 😍😂
LikeLike
nakalimutan ko dapat isubo muna ang bato haha! Thank you eden 🙂
LikeLike
Hahaha
Ramdam ko ang number 2. Tama when someone speaks negative, bad things about you, bayaan mo lang. Makikita mo, ang tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para mawala sya sa landas mo LOL!
Shine. Haha
LikeLike
Tama! shine! hanggang masilaw yang mga hinayupak na yan! hahaha! Salamat sa pag basa.
LikeLike
Andame kopong tawa dito ang sarap gawin lahat Hahaha You make my day talagaaa Nawala talaga stress ko sa work Hahaha godbless Idol 😍😍
LikeLike
Sobrang thank you nakakawala din ng stress mag basa ng ganitong comment 🙂
LikeLike
hahaha bongga…relate much…tama deadmahin sila..mamatay sila sa inggit…thanks admin…love na love ko to..lalo yung # 7 hahaha 😂
LikeLike
tama! ialay mo sa kanya ang #7 galingan mo i believe in you bes hahaha!
LikeLike
Super relate ako grabe.
Si lord nlng bahala sknya. Thanks po..
LikeLike
oo sige lang let them feel that they’re winning pero sa totoo lang ikaw ang panalo kasi you don’t make patol. Thank you sa pag basa 🙂
LikeLike
Amazing! Thank you nainspire lalo ako na mang-deadma.nkakawaste lng ng energy ang mga workmates na pinglihi sa sama ng loob at palagi nghahanap ng mali sakin.
LikeLike
i feel you bes. May mga tao naka tikim lang ng aircon kala mo kung sino na hahaha hayaan mo mga chaka sila wag ka didikit baka mahawa ka
LikeLike
the best po s kalokohan! haha I enjoyed reading it! xD
LikeLike
Thank you Jinky! nakakaloka talaga everyday mo ba naman nakikita tong chimpanzee na to hahaha!
LikeLike
hahahah dame kong tawa magawa nga na lagyan ng langgam para makaramdam naman sya !!!!
LikeLike
sana tumalab ang kagat ng langgam sa kanya baka makunat pa sa goma balat nyan bes hahaha!
LikeLike
Galing!!! Nakakatuwa…. thanks… pak n kau!!!!
LikeLike
Hahaha Thank you sa pag basa 🙂 pak ka na rin!
LikeLike
Galing nito! Paano kung neighbor, alam na dun ka magtratrabaho tapos pumasok dun, ang bait bait mo dun ha tapos bigla kang sabihan, wag tayong maging close since we never hang out together– now kateammate mo na, ikaw pa pinalabas na masama
LikeLike
hala ang mean nya! haler sinong gusto maging close sa knya? ang chaka ng attitude nya! alam mo may something sayo na kina-iinggitan nya. Tandaan mo those who exalt themselves will be humbled and those who humble themselves will be exalted. You are a winner! Sya chaka sya! Hahaha!
LikeLike
“Smile your sweetest smile. Make them hate you more”. Haha.
LikeLike
yes naman! kill them with kindness bes 🙂
LikeLike
haha! I love this post of yours. Benta talaga. Thank you for this magagamit ko toh pag nag work nako haha!
LikeLike
Thank you sa pag basa 🙂 Pero sana magkaroon ka ng mababait na ka-trabaho mas magaan ang buhay pag walang halimaw hahaha!
LikeLike
Hahah ang cool ng tips na ‘to lalo ang last part #pakaarte dedmahin na lang! ipakpak ganern HAHAHA 😀
LikeLike
Thank you Camille! Umarte sila ayon sa ganda! Watdapak ganern!
LikeLike
Do the “DEDMA”and let “KARMA” make the move….😇😇😇😇
LikeLike
ayy bes ang ganda ng lines mo pasok sa banga 🙂
LikeLike
Waaah! Nakaka #Goodvibes ito bes! Magagamit namin ng kaibigan ko toh sa mga epal sa opisina 😂😂
Salamat sa pagshare neto! Dakila ka! 😂😂
LikeLike
Thank you sheyshey! galingan nyo ng mga friends mo pagtulungan nyo ang epal hahaha!!!
LikeLike
Benta sakin yung lagyan ng bubblegum or langgam yung upuan..masubukan nga yan.. joke. 😄
LikeLike
hahahaha! galingan mo wag kang papahuli😂
LikeLike
Hi found your blog thru a link from a Facebook post… Winner ang tips gusto sana I share kaya ayaw ko na magkaroon ng idea ang mga taong kinakainisan ko sa opisina… 😉 ang lagi ko iniisip pag ganyan, I will look them with silence and kindness, too. Pero minsan talaga nakakasira sila ng bait hehehe
LikeLike
Hi Rowena! I feel you may mga tao talagang likas na maiitim ang puso ahahaha! Mabuhay ka di ka pumatol sa mga chaka dolls. Ipa-share mo na lang sa common friend nyo para di obvious hahaa!
LikeLike
Sana may ‘sequel’ ang blog na ‘to.
10 Tips kung pano makipag-plastikan naman 🙂
LikeLike
mas maganda yung “pano palutangin ang mga plastik” hahahaha!
LikeLike
Nakaka wala ng stress to. S pinagdadaanan ko ngayon ito ang sandigan ko sa mga katrabaho kong dinaig pa si Senyora Santibanez sa pagiging beast mode.
LikeLike
kapit lang bes, wag ma-stress baka mahulog ang crown. You are a winner!☺️
LikeLike
Ay grabe ang tawa ko! Hahahaha. Salamat for making my day. 😀
LikeLike
Salamat din sa pag click ng blog😊 ko
1 click = 1 happiness
LikeLike
Haha this ligten up my day.. Perfect Timing dear… gagawin ko yan…
LikeLike
Galingan mo bes i believe in you😆
LikeLike
Teh easier said than done… lalo na pag 3 years ka nang nagtitiis sa combo ng boss at sipsip people.
LikeLike
Ramdam kita.. nasulat ko to nung time na ang sama sama ng loob ko sa knila. sa isip ko bakit may mga taong ang mean? 2 options ang gagawin ko, mag send ng resume sa pc ko o mag blog. Pinili ko mag blog para gumaan naman nararamdaman ko, kung may makabasa man nito at gumaan din nararamdaman nila.. bonus na sa akin un. Di ka nag iisa. Thank you sa pag basa 🙂
LikeLike
Teh ganti rin na makahanap ng better job na may mas bonggang package! Tingin man nila ikaw talo for leaving, bahala sila. 😊😂 at the end of the day, mas malaki ang sahod mo at benefits na tinatamasa mo.
Success is the sweetest revenge.
LikeLiked by 1 person
Sobrang tama! Check! Korek! Tumpak! Agree! Ma-achieved mo yan bes i believe in you. You are a winner☺️
LikeLike
nice one! 😊😊😊😇😇😇
LikeLike
Thank you bes sa pag basa ng blog
1 read = 1 epal fallen
LikeLike
I like it, nakarelate ako agad. Will follow your Dedma advise and will shine out of his roughness. Thanks
LikeLike
Isang malaking check! You are a star! Shine!
LikeLike
Laughtrip pero makatotohanan!hahaha…very well said author! 👏👏👏
LikeLike
Alamoyan bes! Thank you sa pag basa😊
LikeLike
bet n bet lhat hahaha
LikeLike
Pak na pak! pakbet! thank you sa pag basa 😊
LikeLike
Hmmm, kaya pala may bubble gum sa upuan ko.
LikeLike
Hahaha! Abangan mo may magbibigay sayo ng kape😂
LikeLike
Waahahaha..😄😂😃
Enjoyed reading it…
Deadma is the best…
Let karma do it…
Karma now is digital…😉😎
LikeLike
yes bes they reap what they sow.. basta i-ready ang popcorn haha! Thank you sa pag basa 🙂
LikeLike
Gusto ko yung kakainin ko ang favorite food nya. Kaso nga walang masamang tinapay sa kanya. At baka mamulubi na ko. Haha nice!
LikeLike
oo lugi ka dun bes… sa bubblegum ka na lang mas makaka mura ka. Thank you sa pag basa 🙂
LikeLike
[…] nung uwian na, itong epal na kasama ko sa work, yung tinutukoy ko sa isa kong blog: 10 Tips Paano Wag Ma-Beast Mode Sa Kasama Mo Sa Trabaho. Nag goodbye sa kin… “enjoy your trip I hope there’s no war.” Parang […]
LikeLike
Natawa ako sa number 3 hihihi
LikeLiked by 1 person
Hi Aysabaw! Thank you sa pag daan😁 May nagbabasa pa pala nito hahaha!
LikeLike
Reblogged this on Site Title and commented:
My All time favorite blog!!
LikeLike
totoo ba itong alamat ng deadma o imbento mo lang?
LikeLiked by 1 person
hello kuya keso ni-research ko yan nag library pa ko dahil dyan hahahaha!
LikeLiked by 1 person
haha pwede. kala ko naisip mo lang.
LikeLike
Ang saya! Ilalagay ko talaga to sa note ng laptop ko. HAHAHAHA. Pag sobrang nabadtrip na ako, ilalagay ko sa noo ng kinaiiritahan ko. HAHAHAHAHA
LikeLiked by 1 person
i-stapler mo sa noo nya para mas kapit na kapit hahahahahhaa!
LikeLike
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
Hindi ako wpede tumawa sa office kay gigil ang pagtype nyan lol. Kaso hindi ko sila maapply since wala naman ako kadedmahan sa office so far 😀 pero aliw aliw aliw 😀
LikeLiked by 1 person
Ako din nang-gigigil nung sinusulat ko yan. Padaan daan pa yung damuho na yun sa harap ko. Di nya alam bina-blog ko na sya ahahahahahhahahaha!
LikeLiked by 1 person
hahahahahhaahhahahahahaha nasan na sya ngayon? damuho pa rin ba?
LikeLiked by 1 person
Andun pa din sya and yes damuho pa din.. parang nag upgrade yung skill nya na yan. Eh di nag-upgrade din ang dedma skill ko bwahahahahaha!
LikeLike