Resign

Hey hey hey, ako ulit! For today’s ‘Balik-loob’ edition ay straight from the dusty baul ng 2017 draft… yes, 9 years ago! Don’t worry, aabot din tayo sa present day age, wait lang 😂 Nasulat ko to nung sunod-sunod ang nag-re-resign sa work, parang every other week may nag-aalsabalutan. Kaya kung naghahanap ka ng sign… eto na yun. RESIGN NA! Hahahahaha.

16 June 2017 

May nag resign nanaman. Medyo malungkot ako. Ilang resignation at termination na ang na witness ko.. may iba masaya, iba chill lang, yung iba ang lungkot at may mas worst ung umalis na masama loob (may rhyme). Ang masayang part lang nag may umaalis, may pa dispedida, ibig sabihin may pakain si mayor. Pero nalulungkot talaga ako pag may umaalis walang halong biro. Para mabawasan ang sadness gusto ko lang isulat ang 7 last words ng mga umalis na dito sa kompanya. 

  1. Keep in touch ha?” Yung mga umalis na feeling close pero hindi naman. Pero dahil paalis na yes na lang hahaha. 

  2. “Hindi ko makakalimutan yung support niyo sa akin. God bless sa team, at sana maging maganda rin ang journey niyo.” Yung mga mababait na umalis kasi may nahanap na better job offer. 

  3. “I will miss working with you guys.” Charot. Eh puro chismisan lang inatupag nyo. 

  4. “Huy may opening dun sa papasukan ko, bigay mo resume mo.” Yung recruiter lang ang peg. 

  5. “Accept mo friend request ko.” Yung mga umalis na may mga pinautang na hindi pa binabayaran. 

  6. “Sana ma-appreciateniyo yung mga susunod na papalit sa’kin.” Yung umalis na bitter at nag-burn ng bridge sa kumpanya hahhaha. 

  7. “I came, I worked, I leaned, you live, you learn, you cry , you learn, you bleed, you learn, you scream, you learn … now it’s time to thrive elsewhere.” Yung si Alanis Morissette nag-resigned. 


 

 

 

Leave a comment