Hello welcome back to me hahaha! Bilang pagbabalik loob sa wordpress, ipopost ko muna yung mga nasa baul ng mga drafts. First entry ito, 2019 hello naka-6 years ka na sa baul. Puede ka na i-release! Hahahaha!
06 October 2019
Hello welcome naman sa annual blogging ko hahahahaha.. Grabe isang taon ulit bago ko nagkapag-type dito. Kailangan kong i-blog kasi ang life changing na nangyari sa akin nitong linggo lang. Nag suot kasi ako ng mascot. Oo life changing yan hahahahaha.
Ganito kasi may Children’s day event sa church namin at kailangan ng mascot. Ang requirements ay una, dapat small size.. check! Pangalawa, may killer smile.. so check ulit! And finally, may deeper than the ocean energy.. check! Check! Check!
Nag sign up ako kasi feel ko ako ang kailangan nila para sa position na yun. After a week nag message sa kin ung in-charge ng mascot committee na ako na nga hahahhaaha! Syempre ang saya ko. Ang isusuot ko daw na mascot ay… BABY SHARK!

Mga 5 litrong pawis ang na-produce ko dyan.

May iba pang mascot pero ako ang pinag-kaguluhan. Medyo lumaki ang ulo ko hahaha

Pangalawa sa kaliwa. Bago ako naging pating.