Posted in KwentoKoto

Happy Birthday (Draft)

Birthday ng crush ko ngayon. Wala lang. Nung isang araw nakita ko may nag regalo na sa kanya. May pabibo. Gusto ko rin sana mag regalo kaso… ano pa bang ireregalo sa kanya eh nasa kanya na lahat (ako na lang ang kulang sa buhay nya hahaha). Pa-sekreto ko na lang ipag diriwang ang araw na to sa pamamagitan ng pag susulat ng saloobin ko at pag inom ng milo (peng). Naisip ko i-greet sya sa social media nya, susme tadtad ng greetings ang wall.. hindi mapapansin yung akin. Post ko kaya yung picture naming dalawa nung nagkita kami nung June 10, 2017 sa Kinokuniya Bookstore, Sabado 4:40pm, weather sunny day (yes ako na). Ay hindi na lang, baka sabihin deds na deds. Actually, may event sya ngayong gabi sa National Library, puede ako dumaan, kunyari may hihiramin akong libro.. kaso gabi? Manghihiram ng libro? Halata ka sira. Tsaka kahit ba pumunta ka, ano naman? Hindi ka naman makakalapit, dahil isa kang duwag (kausap ko sarili ko). Eh kung puntahan ko na lang sya sa bahay nila hahahaha! buang! Nakakatakot ang parents nya.. parang kaya kang bilhin, yung nag-i-issue ng cheke layuan mo lang ang anak nila hahaha! Tapos ako naman pupunitin ko yung cheke into four hahaha!

Nag draft na lang ako ng message, i-DM ko na lang sya sa twitter, atleast dun konti lang ang users. Eto yung message ko:

Hello, grabe ang cute ng aso mo. Hawig kayo pareho kayong cute. Happy birthday pala. Wala akong regalo pero pinag-p-pray kita 🙂

Waaaaaaa! Ayan puede na yan? Yiiiieeee! Nakakahiya. Ang hirap. Wag na lang. Control-Alt-Delete.

Hayaan ko na lang matapos ang araw na to. Tutal madami ng babati sa kanya, mafi-feel nyang madaming nagmamahal sa kanya. Bili na lang ako ng cake tapos kainin ko mag -isa habang nakikinig ng podcast nya. Teka di naman nya siguro ito mababasa, kaya dito ko na lang ipost ang picture! Hahaha!

Happy birthday Nathan!!!🎈🎈🎈🎈🎈

IMG_5961

Posted in KwentoKoto

Di Na Ko Bibili Ng Coupon

Galing lang ako sa pa-rebond-an ng buhok. Kasama ko ang friend kong si Princess. Nakangiti kaming pumasok ng salon puno ng pag asang makaka tipid kami dahil sa discount coupon na dala dala ko. Pero bigo, umiiyak kaming lumabas ng salon. Atleast umiiyak kaming straight ang hair. Ang budget ko $150. Na-calculate ko na yan. Naka bukod na ang cash pambayad. Pero sa kasamaang palad, ang $150 na presyo ay para lang daw sa buhok ng mga dyosa. Ang buhok ko daw ay pang taga lupa. Kailangan ng matinding labor. 70% na daw ang sira matindi daw talaga. Sinisi pa ang gamit kong shampoo.

Nag-promise naman ang stylist na pagagandahin ako. Pinakita nya pa yung before and after ng mga naging customers nya. Magiging ganun daw ako kaganda. Sige baks simulan mo na. Nagulat ako binigyan ako ng menu ng drinks. Pili daw ako ng drinks. Aba may libreng inumin. So pinili ko hot chocolate kasi giniginaw ako lakas ng aircon. Pag balik nya binigyan ako ng hot chocolate at may kasamang biskwit. Buti na lang di kape inorder ko kundi parang lamay, nakasuot pa naman silang lahat ng itim.

Binuksan nya yung tv screen sa harap. May pa-movie din, pili daw ako ng movie. Dahil napaka-matured kong tao pinili ko ang Transformers: Age of Extinction. So ganun ang senaryo, habang nirerebond ang buhok ko, nakain ako ng biskwit at humihigop ng mainit na tsokolate at nanunuod ng Transformers at natingin din sa cellphone kahit wala namang nag te-text.

Umabot ng tatlong oras ang operation. Ang kinalabasan ang dulas at ang lambot ng buhok ko. Ok naman sya, nag muka naman akong… rebonded. Pag dating ng presyuhan, eto na.

Rebond $104 (may discount na daw)
Keratin $250 (eto yung pampaganda daw)
Hair cut $38 (trim lang??)
7% Tax $27.44 (no comment)
Total. $419.44

Sinong di maiiyak?

Sana di ko na lang kinain yung biskwit at ininom ung milo. Infairness naman sa kanila, maganda ang service. Ang ayaw ko lang ay yung pushy sila. Yes pushy. Pinu-push nila kami bumili ng package. 6 sessions ng rebond/keratin with hair products. Sabi ko, kaya nga ako nagdala ng coupon para makatipid, hindi para gumastos ng malaki. Pero pinipilit nya na makaka save daw ako pag kumuha ng package. Medyo nakakainis. Sa huli wala sya magawa kasi di kami sira para kumuha maintenance package na libo ang halaga.

Nagbayad na lang kami base dun sa serbisyo na ginawa nila. Tapos iyak tawa pag labas ng salon. Di na ko uulit. Di ko sasabihin kung anong name ng salon. Basta initial ay VS. Nasa Bugis Plus Mall sya sa may 3rd level malapit sa escalator sa left side tabi ng tindahan ng bags at shoes. Hahaha!

 

P.S. Sa likod ng mall kami kumain ng dinner, sa turo turo. Iyak tawa.

 

 

 

Posted in Kaladkarin

Hampaslupang Budget sa Seoul

Kamusta naman… after 2 months bago ako nakapag sulat. Di ko na na-blog ung korea trip. Wag na lang. Nakalimutan ko na hahahahaha!

Pero puede ko naman isulat kung paano mamasyal sa Seoul ng hindi masakit sa bulsa pero masaya. Naranasan ko na magbakasyon sa ibang lugar na bongga tapos pag uwi ko ng SG ay poorita ako. Ngayon natuto na ako… mas matalino na ko. Kaya di na ko paloloko! Akala nyang… hahhahhahaahhaa waley waley akong isusulat tungkol sa trip ko sa Australia na ginawa akong fertilizer.. taga abono. Tapos ginawa lang akong photographer at utusan kumuha ng malamig na tubig. Hindi ko talaga ikkwento yan. Hayup.

Balik ulit sa topic. Hehehe. Gusto mo bang mag enjoy mamasyal sa Seoul pero hindi masakit sa bulsa? Pwes, eto na ang hampaslupang budget to Seoul. Hindi ako expert at feeling ko nga di ako qualified mag share ng tips pero i-share ko pa din kasi I care. Base lang ito sa naging experience namin kaya pag may hindi ako nasabi at may mali akong info paki-correct na lang tapos i-edit ko hahahhaha!

  1. Mag research. Nagbasa ako ng blogs at nanuod ng youtube videos about trip to Seoul para mangopya ng itinerary. Actually, pangalawang punta ko na to sa Seoul. Yung unang punta ko ay 2013 may kasama akong buwaya. Hindi ko rin ikukwento yun na ginawa akong photographer sa ski resort  ang lamig pa naman nanigas daliri ko tapos di ako nakapag ski. Hayup. Balik sa topic, ayun nga mag -research at from there mag draft ng itinerary. Ok lang mangopya ng itinerary kasi yung kinopyahan mo nangopya din yun. Dun ko din nalaman magkano dapat ang i-budget sa pagkain, pamasahe at entrance fees.
    IMG_5702
    Jina-judge ako ni kuya.

     

     

  2. Mag stay sa hostel. Aanhin mo naman ang facilities tulad ng swimming pool, gym, living room, dining room at kitchen kung maaga kang gigising at late ka na uuwi sa kakagala. Tulugan ok na at maayos na bathroom. Dati kasi nag-airbnb kami tapos ang mahal may deposit at cleaning fee ek ek pa. Okay naman kasi isang bahay sya at kompleto na sa gamit kaya lang may kasama kaming anak ni zuma o di ba nakaka bother? So this time bagong buhay, nag stay kami sa Bong Backpackers sa Jongno-gu. Malapit sya sa mga palaces at train station (Hyehwa Station). Hindi ko sya pino-promote pero maganda talaga yung location nya at mura. Sa booking.com kami nag booked pero dun na kami sa hostel nag bayad pagka-check in. Book now pay later ganern. May free breakfast: 3 in 1 coffee (1 to sawa), tinapay (kuha lang ng kuha hanggang mahiya ka) at strawberry jam na nakalagay sa sachet, akala ko nga ketchup, pag tikim ko matamis.. but not too sweet. Puede mo din baunin para masaya.
    IMG_5700
    Eto yung harap ng Bong Backpackers at dapat 2 ang kuha ng picture at dapat i-collage para millennial.

     

  3. Bumili ng T-Money card. Yun yung pamasahe mo pag nag MRT at bus, puede rin sya pambayad sa taxi. Mas makakamura ka ng pamasahe pag T-Money ang gamit kesa mag cash. Eh ang shonga ko pa talaga nung 2013. Di kami bumili ng T-Money card, ayun puro kami bili ng 1 way ticket kada biyahe, sayang oras at mas mataas ang fare rate. Parang lesser ang gamit ko ng utak nun, nakakahawa ang katangahan kaya piliin kung sino ang laging kasama. Wag maging tanga mag-T Money na Hahaha! Makakabili ka kaagad nun sa convenient store sa Incheon Airport. May mga coupon na kasama yun, itabi mo. May coupon na 10% discount entrance fee sa N Seoul Tower.
    IMG_5699
    Exhibit A ng katalinuhan.

     

     

  4. Wag mag taxi from Incheon Airport to Seoul and vice versa. Pag labas mo ng airport madami na mag ooffer sayo ng taxi papuntang city. Dedmahin mo lang pero be nice. Hanapin mo ung bus stop ng bus limousine. Pag nag taxi ka, aabutin ka ng 80,000Won (3,500Php). Pero pag nag bus ka 10,000Won (400Php) lang. Puede din ipambayad ang T-Money card. Maganda rin na ma-search mo saang bus stop na malapit ang hostel mo para dun ka ibaba ng driver. Yung hostel namin malapit sa Sungkyunkwan University station (Ang hirap bigkasin kaya pinakita ko na lang sa driver yung kodigo ko). Yung luggage mo ilalagay sa ilalim ng bus compartment tapos lalagyan ng tag ang saya. Ang sarap mag bus para kang tinu-tour sa Korea, ganun yung feeling. Di katulad nung unang punta ko dun… ayaw ko na balikan. Taxi papunta–taxi pauwi, feeling yayamanin feeling sikat, ang yabang yabang akala mo kung sino… muka namang kuto. Nangangati tuloy ako.
    3EE9FEE0-4C01-4DEC-93F0-B706648EA694
    Ang totoong millennials nag-ba-bus.

     

     

  5. Bumili ng Combination Ticket of Palaces and Royal Shrine. Kung trip nyong pasyalan ang mga palasyo. Mas wise bumili neto sa halangang 10,000Won (440Php) makakapasok ka sa 5 palaces: Gyeongbokgung Palace, Changdeokgung Palace (with free secret garden tour), Changgyeonggung Palace, Deoksugung Palace at Jongmyo Shrine. Ang hilig nila lagyan ang lugar ng gung, gong, gyeong, myeong.. basta madaming letter G. Yung dati ko din kasama nung pumunta sa Seoul madami ding G sa pangalan nya… G _ G _ . Hoy hindi gago! grabe ka. GeGe.. isa syang gegemon.
    985F4098-DDE3-4DD9-BA3F-9D256B9B0954
    Space in the palace.

     

     

  6. Kumain sa palengke at mga eskinita. Mahal ang pagkain sa Seoul, pero kung pupunta ka sa palengke makakakain ka ng meal below 5,000Won (220Php) at masarap. Ang pinuntahan namin ay ang Gwanjang market, yung pinag-shootingan ng Running Man Episode 186 (Kunyari alam na alam ko). Dun nga pala ako nag celebrate ng birthday ko.. oo sa palengke ang saya di ba ang dami kong bisita. Tip lang wag kayo mag sasama ng mahilig sa libre, gusto magpalibre, mukang libre. Yung parang bigat na bigat sa wallet hindi mailabas at mahugot ang pambayad. Wag ganun. Kung may kilala kayong ganyan iwasan nyo na agad agad. Sasaya buhay nyo pramis.
    97B2DF4F-429A-454C-9DD4-87D04F0BBE20
    knock knock, who’s there? Gwanjang. Gwanjang who? Kunin mo na ang lahat sa akin Gwanjang ang aking mahal hahahaha. Waley.

     

  7. Kumuha ng mga flyers. Bago pa kami nag punta ng Seoul, sanda makmak na nag message sa kin ng pasalubong reminder. Isang useful tip para di na masyado gumastos sa pasalubong, mangolekta ng  flyers na ang cover ay sila Jong Ki, Gong Yoo at Lee Min Ho. Sobrang nagkalat mga print ads nila sa lahat ng sulok ng Seoul. High quality ang papers at maganda ang ink na ginamit sa pag print. Samahan mo ito ng isang facemask na tig 1,000Won (44Php) isa. Tada! May pasalubong ka na sa mahal mo sa buhay!
    IMG_5753
    Pasalubong package.

     

     

  8. Pumunta sa mga free entrance na attractions. Tinanggal na namin ang Everland at Lotte World sa listahan ng pupuntahan. Bukod sa may kamahalan ang entrance fee, malaking time ang kakainin nya sa pag pila sa rides. Masaya sana dun kaso 4 days lang stay namin hindi na kakasya ang oras namin. Eh di ba nga matalino na ko, nag iisip na ko di katulad ng dati na yes lang ng yes sa mukang linta. Eto ang mga libre na pinuntahan namin na sobrang enjoy:⊕The Story of King Sejong Museum sa Gwanghwamun Plaza            ⊕Cheonggyecheon Stream                                                                                                                ⊕Banpo Bridge Rainbow Fountain sa Han River                                                           ⊕Bukchon Hanok Village
    8B4C4F48-8B39-4223-9CF8-1F72E1C7D74B
    Last collage na to.

     

     

  9. Last but not the least, live within your budget. Hindi lang sa pang-araw araw na buhay ito applicable pati din sa pag-t-travel. Di madali kitain ang pera (siguro sa iba madali) kaya isipin kung worth it ba yung pag lalaanan mo nito. Di mo kailangan gumastos ng malaki para lang magpa-impress sa ibang tao at masabing naka punta ka sa ganitong lugar. Ang mahalaga masaya ka at may natutunan at hindi namulubi. Hindi siguro ako ganito kasaya ngayon kung hindi ako natuto sa pagkakamali ko nung Seoul trip ko nung 2013. O Pak!
    IMG_5768
    9,080php budget. Di kasama ang plane ticket. Tiempuhan mo na lang ang promo at sale ng airlines. Kung hanggang dito nagbabasa ka pa din… salamat..  from the bottom of my cute millennial heart♥

     

 

 

 

 

 

Posted in Kaladkarin

Annyeonghaseyo! At Sumainyo Din!

Di ko alam kung pano ko sisimulan. O sige ganito, birthday ko kasi nung April 13. December last year pa, pina plano na namin ng ate ko na pumunta ng Seoul kasi kinain na din kami ng sistema ng korean drama. Wish ko sa birthday ko mag suot ng hanbok costume habang nasa ilalim ng puno ng cherry blossom.   Kasama ang dalawa pang friends, nag sagawa kami ng taimtim na pag hahanap ng murang flight at hotel. Wagi naman kami. Sa next blog ko na lang idetail ang cost at itinerary kasi iba ang gusto kong isulat dito. Basta mura sya pang hampaslupang budget. Di mo kailangan gumastos ng malaki pag mag babakasyon.

So ayun ready na ang lahat. Travel dates namin ay April 12-16. Pero April 11 lipad na ko kasi sa SG pa ko mang gagaling. Excited na ko… pinagkalat ko na sa office na mag ko-korea ako. Pero nung April 10, yung araw bago ako lumipad kinausap ako ng boss ko. Seryoso. Sabi nya, “Are you following the news?” So bilang tali-talinuhan sinagot ko sya ng “News?” hahahahaha! Patanong din!

Tapos yung next na pinag sasasabi nya ang nag-shook ng araw ko. Sabi nya mag-la-launch daw ng nuclear testing ang North Korea sa April 15. Nagpadala na daw ng mga aircarfts ang US at China sa Korea para in case ma-launch ang missile ay gegerahin ng US ang North Korea. Hindi daw advisable na mag travel ngayon sa South Korea dahil baka ma-sandwich kami sa giyera. Sandwich talaga.

Bigyan ko lang kayo ng background, ang boss ko ay OA as in super nuknukan to the highest level over acting. Pag sinabi mong di ka makakapasok kasi masakit ung legs or kamay, sasabihan ka na magpa x-ray. Na-hold nga yan sa airport dahil nagdala ng napakaraming gamot nung nakaraang overseas trip nya. Gamot daw sa sakit ng ulo, diarrhea, lagnat, sipon, ubo, allergy. Parang dala nya ang Mercury Drug.

At ito yung pinaka-nakaka pikon, sabi nya “If I were you, knowing my responsibilities and my family, I will not go or I will postpone my trip.”

Sarap sagutin ng “Pera mo pinang bayad ng plane ticket at hotel? Hihingi ba ko sayo ng pocket money? Ginanyan ba kita nung last trip mo? Di ba sinabihan pa kita ng Ingat! Enjoy!?”

Syempre di ko sya masagot sagot ng ganyan. Dapat may pag galang pa din at baka mawalan ako ng kabuhayan. Sinabi ko na lang na naka-open naman ang cellphone ko for communication. Pero sa totoo lang gusto ko syang iblock hahaha! May pahabol pa sya na in case magka war tumakbo daw kami sa pinaka malapit na embassy. Eh di sige. Oo lang ako ng oo at mabilis naman ako tumakbo.

Tapos nung uwian na, itong epal na kasama ko sa work, yung tinutukoy ko sa isa kong blog: 10 Tips Paano Wag Ma-Beast Mode Sa Kasama Mo Sa Trabaho. Nag goodbye sa kin… “enjoy your trip I hope there’s no war.”  Parang gusto kong mang giyera ng tao. Wala namang mali sa sinabi nya pero yung manner ng pagkakasabi parang yung hindi na ako makakabalik. Napakalma ko naman sarili ko dahil di ako napatol sa shitsu.

So ayun, April 11 tumuloy pa din ako. Hindi ako nagbasa ng news.  Minsan yang mga news na yan nakakapagpa dilim ng pananaw sa buhay. Gusto ko lang isipin ang mga magagandang bagay na mangyayari. May tili-ling lang yung nag e-expect ng bad things.

Kinalimutan ko mga pinagsasabi ng boss ko at ni shitsu. Lumipad pa din ako papuntang Korea at nagkita kita kami ng ate ko at 2 pang friends dun. Wala naman akong naramdamang giyera or naamoy na nuclear. Yung mga taong nakatira dun ni hindi sila nag-wo-worry, tuloy ang buhay. Madami kaming nakasalamuhang locals na mababait at helpful at sarado ang pores. Basta kwento ko sa next blog kasi mahaba na ito. Ang ganda ng Seoul 🇰🇷 kailangan ko ng moment para i-absorb lahat. Hahaha. Di ako nakapag blow ng candles pero natupad ang wish ko.

IMG_3146
13 April 2017 Gyeongbokgung Palace

Sumakit ang mga binti namin kaka lakad pero sulit, busog naman ang memory ng phone ko ng pictures at boomerang videos. Nadagdagan din ang aking kaalaman as a human hahaha. Sabi nga nila, travel broadens the mind. Medyo naramdaman ko naman na naging broad minded ako.

Ang dami kong ipinagpapasalamat sa Lord. Sa dagdag na taon, sa family ko, sa mga kaibigan ko, sa buhay na meron ako at nakauwi ako ng ligtas… ako at ang aking mga pinamiling face mask 🙂

Ngayon lang ako nagbasa ng news. Nung April 15 nag-launch pala talaga ng missile ang North Korea pero… failed! Pagka-launch sumabog agad ito at hindi na nakalipad sa ere… parang kwitis na supot ganun.  http://www.cnn.com/2017/04/15/asia/north-korea-missile-test/index.html

Happy birthday to me! Kamsahamnida! ♥

Posted in KwentoKoto

Bakit Wala Kang Ka-date Ngayong Valentine?

1. Kasi di mo finorward yung chain letter na bigay sayo. Ayan tuloy.

2. Mahilig ka sa hopia. Hopia kween.

3. May ka-date na yung gusto mong ka-date.

4. Matumal. May shortage ng lalake ngayon. Intay ng available stock.

5. Ang sungit mo kasi. Try mo mag bait-baitan.

6. Akala nila halaman ka. Walang feelings.

7.  Ayaw mo pa kasing umamin.

8. Bawal sa relihiyon mo ang valentines.

9. Puro selfie and timeline mo. Lagyan mo din ng quotable quotes.

10. Wala kang support ng LGBT community.

11. Ayaw mo ng jowa, gusto mo pera. Muka kang… Per  aahhahahha!

12. Mas healthy ang matulog.

13. Pinag-over time ka ng boss mo. Pano puro ka petiks last week natambakan ka tuloy.

14. Wala kang pang date (kung lalake ka) or walang pang date yung ka-date mo (kung babae ka).

15. Hindi ka multilingual. Gusto nya nakakapag salita ka ng atleast 13 na lenguahe.

16. Pinag babantay ka ng tindahan.

17. May group project kayong tinatapos tapos deadline na sa Feb 15 tapos tong mga groupmates mo mga batugan umaasa sayo mga hayp talaga.

18. Hindi nya pa din ina-accept ang FB request mo. Palitan mo profile pic mo, wag kasi yung picture ng aso nyo.

19. Wala kang time charot ang totoo may time ka naman talaga pero yun ang naisip mong excuse hehehehehehe (piece po✌️).

20. Binasted ka nya pero sabi nya maghintay ka daw.. 49 years ka na nag hihintay so anunah? hahahahaha (piece po✌️).

Single ka man ngayon o complicated. Wag ma-sad. Kapit lang. Know that you are loved. Tandaan hindi lahat ng may ka-relasyon ay masaya at hindi lahat ng single ay malungkot. Bow!

Updated February 14, 2018 ng madaling araw.

img_5644
Happy Single Awareness Day mga bes 🙂
Posted in Random Thoughts

Ikaw Pa Ba Yung Nasa Social Media Mo?

Pumunta ako sa isang art exhibit event.. nitong linggo lang. Bakit hindi ka mapapapunta eh libre lang. Nabiyayaan ako ng complimentary tickets at nakapag sama pa ako ng isa pang friend. Sobrang saya ko nun kasi may pandagdag nanaman ako sa instagram post ko. Naisip ko din mag FB live para pasikat. Pero nagbago isip ko, malakas pala un sa data. I-tweet ko sana na nasa art exhibit ako kaso 36 lang followers ko (may isa pa na nag-unfollow haha). Gusto ko pa naman malaman ng buong mundo na nandun ako. Ready na ang hashtags ko (#ArtIsMyDrugs #ILoveArt #YOLO) at emoticons 😍❤️😝. Naka-google na din ako ng magandang captions and facts about dun sa mga arts. Na-filter ko na ang muka ko (at kaluluwa) sa pictures at natanggal ko na mga pores ko at laugh lines gamit ang camera360. Nalinis ko na lahat.. magmumuka na akong madaming alam at intellectual at makinis.

Oo puede nyo ako i-judge. I’m guilty as charged. Ginagawa ko lahat yan. Isa din ako sa ika nga nila na kinain ng sistema. Habang nag-e-edit ako ng photos kanina, napatanong ako sa sarili ko.. ako pa ba yung nagsasalita sa social media ko? As a human being, takot akong mapuna yung mali ko (sa spelling at grammar) at sa sasabihin ng ibang tao. Ayoko din mapansin yung tigyawat ko sa muka at ang oiliness ng aking T-zone. At di ko itatanggi na sa ikabuturan ng aking puso may boses na nagsasabi “pansinin nyo ako” (minsan pa-simple, minsan sumisigaw). Sobrang na-master ko na ang copy paste skills at fully utilized na ung auto-correct features sa phone ko. Sa panahon ngayon na tila ang basehan ng confidence at affirmation ay nasa  numero. Pag madaming likes at views mas masarap sa pakiramdam. I feel like I’m being noticed ganern.

So ano ang gusto ko i-point out? Gusto ko sabihin na malaya tayo kung ano ang gusto natin ilagay sa ating social media. Wala namang rule na bina-violate kung 5 times na-filter ang litrato. Wala din nagbabawal na mag-copy paste ng captions mula sa google. At wala namang nakukulong sa pag gawa ng sangkatutak na #hashtags. Pero aminin man natin o hindi… nasa mundo tayo na may sistema na nagsasabing dapat malinis at walang bahid na dumi/kapintasan/mali ang laman ng ating news feed at nasa panahon tayo na parang ang bawat ipo-post mo ay magkakaroon lang ng importansya pag may validation ng ibang tao. So kalayaan sya na parang hindi. Pero… puede din naman lumabas sa hawla at maging ikaw… ikaw mismo… YOU ARE ORIGINAL — hindi ako original na nagsabi nyan.

Dahil nagkaroon ako ng malalim na realization… magbabago na ko simula ngayon sisikapin kong maging ako.

Paki-like nga pala yung bago kong post.  hehe  #NextWeekNaLangAkoMagStart

img_0090

 

Posted in Kaladkarin

KRABI

Una sa lahat hindi ako travel blogger gusto ko lang lagyan ng content yung kaladkarin menu page hahaha! At saka gusto ko din magpasalamat sa mga kaibigan ko na nakasama ko sa trip na to. Alam mo kasi, ngayon lang ulit ako bumiyahe ng walang obligasyon na kumuha ng litrato ng ibang tao tapos magagalit pag panget ung kuha haha (Iba-blog ko yung tungkol dun next time hehe).

Thank you…..

Kaye, Roy at Thad (Alphabetically arranged).

So yun nga.. nung July 16-19 (4 months ago na) pumunta kami ng Krabi. Bakit? Kasi… una, sale ang  ticket, pangalawa hindi pa kami nakapunta dun at panghuli wala kaming magawa.

Mga natutunan ko sa KRABI:

1. Wag mag suot ng hikaw pag lalangoy sa dagat. Dito nawala yung heart shape kong hikaw. Mura lang naman yun, pero may sentimental value. Nabili ko yun sa mall. Ayun kaya sentimental value na (galing no?).

DCIM100GOPRO

 

2. Takot ang unggoy sa kambing. Pumunta kami sa monkey temple. Syempre ang saya ko (lukso ng dugo). May lugar dun na puede ka magpakain ng unggoy. So nagkalat sila dun pati turista na nagpapakain (may nag abot din sa akin ng pagkain hahahaha joke). Nang biglang may dumating na kambing, medium size na kambing. Parang yung pelikula “Planet of the Apes”, nagtakbuhan ung mga unggoy… isang direction lang, papunta ng bundok at takot na takot sila (dama ko yun). Tapos nung umalis na yung kambing nagsi-babaan na sila. So nabuo sa akin ang theory na takot ang unggoy sa kambing. So kung may kilala kayong unggoy alam nyo na gagawin hehehe.

13781655_10210453242273888_3652631494068223140_n
Kapit lang bes.

 

3. Dapat ang ratio sa pagsakay sa elepante ay 2:1 hindi 4:1. Dalawang tao sa isang elepante dapat. Dapat. So ayan dahil ayaw naming mawalay sa isat isa, pinag kasya namin ang mga sarili namin sa isang elepante. Huwag tularan, bakit? Una, muntik na kaming tumiwarik (tumaob, tumambling, mag buwis ng buhay). Pangalawa, kawawa yung elepante. Pasan pasan nya kami pababa ng ilog at paakyat ng gubat. Tapos gutom pa sya kasi humi-hinto sya para kumain ng sanga ng halaman. Pero gumanti sya, after ng tour uminom sya ng tubig at binuga nya yung tubig papunta sa amin. Tamang tama naka nganga ako nun (kakatawa), ayun nainom ko ung tubig.

13690847_10210453296035232_871283793109060591_n.jpg
Sorry Dumbo… sana walang more than 2 na sumakay ulit sayo 😦 pag meron, paki hagis sila sa ilog 😦

 

4. Sa Krabi mo matitikman ang pinaka masarap ng pusit. Sobrang lambot nya at juicy, yung sauce nya halimaw! Kung anuman nilagay nila dun… nakaka buang hahaha.

Ang presyo nya 35 thai baht = 1.40 sgd = 48.00 php = happiness 🙂

13770279_10210452944026432_8741376103991119202_n
Medyo nakakamatay lang yung stick.

 

5. May something sa ice cream nila. Ewan ko, pero inaraw araw ko ang pagkain ng ice cream sa Krabi. Siguro dahil mainit, pero hindi rin.. kasi mainit din naman dito sa SG pero di naman ako nakain ng ice cream araw araw. Siguro dahil mura, hindi rin.. kasi medyo mahal din dahil nasa krabi town area yan. Siguro yung nilalagay nila sa sauce ng pusit, nilalagay din nila sa ice cream.

 

6. Ang mahal ng Mcdo meal sa Krabi. Halos walang tao sa loob kasi walang hustisya ang presyo.  Umaabot ng 150 baht ang meal (200 pesos mahigit na yun). Madaming ice cream na mabibili ko nun. So hindi kami dyan kumain, sa katabi nya kami kumain, 1 to sawa ang seafood at ice cream 🙂

13775518_10210453507640522_5184662965871171103_n

 

7. Ang babait ng mga taga-Krabi. Wala kaming na-encounter na masungit, opportunista at walang respeto na taga dun (pero may kilala akong ganun, iba-blog ko next time hahaha). Palagi sila naka-ngiti, friendly at polite. Sobrang nag-enjoy ako. Kaya sa mga taga-Krabi… “Kh0p khun kha” 🙂

DCIM100GOPRO
Yung shades na suot ko dito, nahulog din. Ewan ko kung saan pero kung pupunta kayo ng Krabi at may nakita kayong shades na “Cotton On” ang tatak ipagpa-alam lang.. may pabuya.
Posted in Random Thoughts

TEAR HERE

May isang umagang naka-titig lang ako sa sachet ng 3 in 1 coffee, antok pa ako 3 hours lang ang tulog ko. Sa gilid ng sachet ng kape, bandang itaas, may nakalagay “TEAR HERE”. Lahat na halos (yata) ng product na naka-plastic pack may ganitong instruction, sa kape, sa pancit canton, chippy, shampoo, lotion, toothpaste, sabon, tinapay, powder juice, chocolate, ketchup, milo, sinturon….

Akalain mong may matututunan ka sa mga bagay na nakikita mo araw araw, sa mga kinakain mo araw araw, sa mga ginagamit mo araw araw. Sa simpleng pakete ng kape… sa salitang “TEAR HERE”.

Tear here… sa wikang tagalog, “punitin mo dito”

Pag wala kang gunting  →tear here
Pag mahina ang iyong pang kagat → tear here
Pag wala kang lakas mag bukas → tear here.

Mas madali, mas effortless, mas walang stress, hanapin mo lang, nandyan lang → tear here.

Pano naman natin ito ma-aapply sa totoong buhay… ewan ko, pero may naisip ako.         Sabi nga nila the more you try, the more you… try.

Pag pinilit mong buksan baka sumabog or kumalat or masayang.

Minsan andyan na yung sagot.. abot kamay mo na, tutuklawin ka na, ayaw mo lang tignan, buksan mo lang ang mata mo.. wag shonga.

Minsan sa buhay we have to be like Elsa… we have to let go and tear that pride, that fear, that ignorance apart (awow! Nakakapag-english na ko!)

Wala ka mang makinarya, influence or super power sa gusto mong mangyari.. there’s always way out. Seek and you shall find.

TEAR HERE.

Posted in Random Thoughts

Gaano Mo Ka-Love Ang Boss Mo? : A Quiz Untold

Katuwaan lang. Walang tama o maling sagot. Walang makaka alam (Pramis). Walang kokopya sa katabi. I-ready ang calculator, ang papel, ang lapis at ang puso. Sagutin lamang ang mga tanong. Naka-depende ang points sa sagot mo. Alamin natin ang sagot sa tanong na: Gaano mo ka-love ang boss mo?

  1. Kamuka mo sya, para kayong pinag biyak na bunga:film_04062013_anderson_theboss_universal_pictures
  •  Yes naman! Nakaka proud – 10 points
  •   May pagka-hawig ng slight – 5 points
  •   Mas maganda ako – 1 point
  •   Mas kamuka nya aso namin – 0 point

 

 

2. Gusto mong budburan ng iodized salt ang pagkain nya kasi parang mas may common
sense ka pa kesa sa kanya:tumblr_mdvdkgsasn1qatgzn

  • Hindi na kailangan kasi nasa kanya na ang lahat- Pakbet! 10 points
  • Mas kailangan ko ang iodized salt – 5 points
  • Puede na ang rock salt sa kanya – 1 point
  • Oo isang sakong asin at vetsin – 0 point

 

3. Gusto mong palitan ang surname nya ng “Bagyo” kasi parang nasalanta ang trabaho mo pag andyan sya. For example, kung ang name ng boss mo ay Sam… “andyan na si Sam Bagyo!”

  • Hindi, sya ang liwanag sa aming opisina – eh di 10 points
  • Hindi, electric fan level 2 lang sya  – 5 points
  • Hindi lahat ng hangin ay bagyo – 1 point
  • Hindi, mas bagay sa kanya “Sam Tornado” – 0 point

    news-9-weather-coverage
    Me: Boss eto ka o     Boss: p@#^$^%*&$%^!

 

4. Gagawin mo syang ninang or ninong ng anak mo, sa madaling salita.. kumpare o kumare na tawagan nyo:359207_m1469233525

  • Yes, pangarap ko talaga yan noon pa – iyo na ang 10 points mars
  • Yes kung papayag ang anak ko – 5 points
  • Yes kung may pake ako – 1 point
  • Never ever! Ever never! Neverrrrrrr! – 0 point (kalma bes)

 

5. Nag reregalo ka pag birthday nya, with sulat sa FB wall nya ng wishes and thankfulness and tears of joy:105379

  • Oo naman, nagpapa ikot pa ako ng birthday card para magsulat ng bday greetings ang mga officemates ko – 10 points
  • Sige try ko next year- 5 points
  • Baket wala akong pake? – 1 point
  • Wala syang birthday – 0 point (ang hard!)

 

6. Parang nanalo ka sa lotto pag di sya pumasok:

  • No, hindi kompleto ang araw pag wala sya – 10 points (pa-adopt ka na sa kanya)
  • 50% sad, 50% happy – 5 points (bes ano itsura ng 50-50 emotion?)
  • Wala akong pake kahit di na sya pumasok- 1 point pa din
  • Yes! party party! – 0 point woooohoooo!

index

 

7. Gustong gusto mo sya kasabay mag-lunch:

  • Oo kasi madami akong natututunan sa kanya and everything under the sun – 10 sun points
  • Okay lang basta manlilibre sya – 5 points
  • Ayaw ko kahit libre – 1 point
  • Di nya alam ang salitang “lunch break”- 0 point
hqdefault
You eat na!

 

8. Kayang mong bitawan ang pick up line na to sa kanya:

Boss, PDEA ka ba? kasi di ako manlalaban.64995497

  • Yes, ganun kami ka-close – 10 points
  • Puede, pag good mood sya – 5 points
  • Luh! mas muka syang drug lord – 1 point
  • Mas mukang pusher kaya!  –  0 point

 

 

 

 

9. May selfie photo kayong dalawa sa phone mo:

  • Yes, naka-360 filter and collage pak na pak- 10 points
  • Yes, hindi nga lang naka-collage pero pak na pak pa rin – 5 points
  • Meron, pero binura ko kaagad – 1 point
  • Meron ito o …
me
0 point zero walang point

 

 

10. Wini-wish mo na sana isang araw di na sya ang boss mo:

  • Wag ganun, ang bait nya hulog sya ng langit- 10 hulog points
  • 50-50 ako – 5 points (agaw buhay lang teh)
  • Naiwan ko ang pake ko – 1 point
  • Yes! naman! – 0 point

65571338

 

11. Buong puso mong sinusunod utos nya, hindi ka nagrereklamo kahit madaming utos, pagod ka na tapos sya walang ginagawa tapos sya ang magaling sya ang superstar (nyemas!)hqdefault

  • Yes bes. – 10 points (grabe ka bes, puede din mainis kahit every thursday)
  • Yes, with reservations – 5 points
  • No comment pero nyemas! – 1 point
  • Tigas ng muka nya! – 0 point

 

12. Sya ang dahilan bakit ka nag stay sa company (ayyy! anong meron?)

  • Oo sya ang dahilan – 10 winner points
  • Kapit lang  like a tarsier- 5 points
  • Dahilan sya bakit gusto ko umalis- 1 point (may point ka)
  • Lampake.. nag resigned na ko – 0 point

lurve-me

 

Ngayon, i-add mo lahat ng points na nakuha mo.

Score chart (charot):

120 points– Perfect! Ikaw na! may forever kayo ng boss mo!

119-98 points – Love mo sya pero minsan may di kayo pag kakaintindihan, pero agad nyo naman itong naaayos bago lumubog ang araw.

97-87 points– Love mo sya pero may ugali sya na di mo magustuhan na pinag mumulan ng inyong alitan kaya dapat unawain mo sya baka may pinag dadaanan syang mabigat na sitwasyon (nabasa ko ito sa marriage advice book).

86-66 points– Hindi sa hindi mo sya love, ayaw mo lang ng gulo kaya nagpaparaya ka hayaan mo one day marerealize nya ang value mo pag wala ka na (from the movie: Dubai).

65-55 points – Minsan love mo sya pero minsan gusto mo syang ipa-pulis o ipa-barangay.

54-34 points – Ang love mo hindi basta basta nauubos pero ang pasensya mo konting konti na lang.

33-13 points– May natitira ka pang love, dalawa lang patutunguhan nyan.. it’s either mawala o mag grow. So uminom ng growee.

12-1 points– Sadyang di kayo compatible. Parang “langit-lupa song”. Pero the point na may score ka pa din… malay mo malay nya.. malaysia!

0 point – hala sya! ang love mo sa kanya ay parang kay brad pitt at angelina jolie… Waley!

Ikaw ano score mo?

Posted in Space Tips

10 Tips Paano Wag Ma-Beast Mode Sa Kasama Mo Sa Trabaho

Aminin natin kahit gaano ka ganda at ka ayos ang company na pinag-ta-trabahuhan mo, meron talagang tao (As in talaga) na makakapag-beast mode sayo at sisira ng araw mo. Katulad ngayon, sa oras na ito, sa mga sandaling ito… eto nanaman sya… pero kalma lang… imbes na ma-imbyerna, heto ang 10 tips para di ka mainis at kumulubot na parang prune dahil sa hinayupak na ka-trabaho mo.

1.  Isipin mo na lang na sya ay iyong Ina (na menopause) or Kapatid (na blacksheep) or Kamag-anak (na may saltik). Di ba nga kahit gaano pa kalalala ang ugali ng mga taong related sa atin di natin sila kayang patulan kasi nga pamilya sila. Respeto. So ganito na lang isipin mo… pamilya sila (Buset!).

2.  Pag binato ka ng bato gawin mong pang hilod. Ang magaspang na kahoy ay pinapakinis ng liha. May mga tao talagang nakaka irita, istorbo sa trabaho, epal ganyan… pero kahit gaano sila ka gaspang, isipin mong sila ang nagpapalabas ng kinang mo. When they attack you.. Shine! When they speak negative about you.. don’t fight back… just Shine!

image

 

3.  Gawan mo sya ng tula (poem). Katulad nito:

          Ikaw ang sili sa aking sawsawan
          Ikaw ang alipunga sa aking talampakan
          Ikaw ang singaw sa aking  lalamunan
          Ano pa? Kulang na lang ilagay ko ang iyong pangalan.

Tapos iprint mo sa A4 size paper tapos ipost mo sa CR (Joke lang). Pero puede mo din isulat sa post it sticker tapos ipost mo sa computer screen mo, tulad nito:

Yes ganyan kagulo ang computer screen ko
Yes ganyan kagulo ang computer screen ko

 

4.  Alamin ang paborito nyang pagkain. Kainin mo ito sa harap nya… tignan lang natin kung di sya humingi, pero pag ang paborito nyang pagkain ay siling labuyo, skip mo na ang tip na ito, punta ka na sa tip number 5.

5.  Pag sobrang nakaka-irita na sya at lumalagpas na sya sa boundary ng pasensya mo, ito tandaan mo… MAS MAGANDA KA. Oo ulit ulitin mo sa puso at isip mo. Huwag mong ibigay ni butil o alikabok ng ganda mo sa kanya. Imbes na bumaba ka sa level nya.. Rise above it. Lipad Darna lipad!

image

 

6.  Kapag Umepal sya sa Boss mo at ikaw ang lumabas na may kasalanan.. wag mag wala at mangisay na parang bulateng hinagisan ng asin. Keep your posture. Sabi nga sa kasabihan, “Ang tumatakbo ng matulin pag matinik ay malalim”.  Di ko alam kung anong konek pero di ba ang deep?

image

 

7.  Itong number 7 ang pinaka gusto ko. Lagyan mo ng thumb tacks ang upuan nya! (Joke lang) Masama yun! Baka matanggal ka pa sa trabaho. Lagyan mo na lang ng langgam.. yung kulay pula ha hahaha (Joke lang ulit). Bubble gum na lang para di masakit… nguyain mo muna tapos ilagay mo sa upuan nya.

Unicode

 

8.  Pag timpla mo sya ng kape.. yung matapang.. ng kabahan naman sya. Wag mo kalimutan lagyang ng note…

image

 

9.  Add mo sya sa Facebook. Tapos mag post ka ng mga quotes na patama sa kanya.

forgive-your-enemies-but-never-forget-their-names-enemy-quotes-for-share-on-facebook.pngGanyan… tapos lagyan mo pa ng hashtag na #lifeisbeautiful. Tapos after 11 days unfriend mo na sya. Sabihin mo na-hacked ang FB mo 🙂

 

10. And lastly, ang pinaka simple pero pinaka mahirap atang gawin: DEDMA. What is DEDMA?

Ito ay galing sa english word na “dead” at tagalog word na “malisya”. So pag samahin mo sila mabubuo ang word na DEDMA.

May nabasa ako na ang dedma is a healthy defense mechanism (somoso-sociology teh). Pero syempre may right time para gamitin ito at may time din na kailangan mong iconfront ang tao. Kumbaga, choose the battle that matters, kung sa tingin mo ay waste ng time makipag argue… then DEDMAhin mo na lang full stop.

 

Image by Mailan Falculan on her blog https://mailanfalculan.wordpress.com/2015/12/03/13-quotes-that-will-improve-your-emotional-intelligence/